Share

The Secret Beauty
The Secret Beauty
Author: Althea_sumail

1

ALEX'S POINT OF VIEW

“HI SIR! Welcome to our restaurant, I am Alex and I will be serving you tonight.” Ang nakangiti kong pagbati sa kararating pa lang na customer.

Ako ay isang waitress sa isang sikat na fine dining at french restaurant. “Would you like to make a reservation, Sir? ” Magalang at desente na tanong ko sa kanya. Ginawa ko na ang lahat maging maaliwalas lang ang aking mukha kahit pagod na ako sa hirap ng buhay.

“A VIP room, please.” Tila matapobreng tugon ng customer, isa siyang may edad na lalaki.

Napabusangot naman kaagad ako dahil ang init na nga ng ulo ko tapos magiging matapobre pa ang customer namin ngayon.

Gamit ang kaliwang palad ko ay itinuro ko ang dayreksyon na dapat niyang puntahan. “This way sir, please do follow me.” Ngumingiti pa ding pahayag ko sa kaniya at saka na ako nag patiunang nag lakad papuntang VIP room,

na

Pagkarating namin sa VIP room, binuksan ko na ito agad para sa kanya bilang kan'yang servant.

Pinaupo ko siya sa isang mamahalin at malambot na sofa at ang kaharap ay ang mamahaling lamesa na gawa sa glass. Pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang menu na kanya din namang inabot at siniya.

Base sa kan'yang mga postura ay talagang mahahalata na bigatin ang kaniyang buhay.

“There are plenty of choices in hors-d oeuvre,” dinig kong usal n'ya habang patango-tango na nakatungaw sa menu at ang tinutukoy ay ang appetizer. “Would you like to recommend anything for me?” Tanong pa nito at saka siya tumingin ng malagkit sa akin na akin namang ikinangiwi.

Anak ng kagang! Manyakol amputsa.

Ngumiti na lang ako ng peke at saka ako tahimik na huminga ng malalim bago ako rumesponde sa kan'yang tugon. “Our best dish here is the dumpled beef, sir” nakangiti kong wika sa kaniya.

“I see, but it looks unpleasant base from the sample image on the menu.” May pa british accent pa na usal n'ya na mas lalong nag pa-init ng ulo ko, ngumiti na lang ako ng peke sa kanya upang itago ang pagkairita ko sa kanya. Ganoon naman lahat ng mga waitress at waiter sa mga fine dining restaurant, mga plastic.

Echos!

“I also recomm—”

“I'd like to have Filley Soup for the Potage, a roasted chicken for the Releve and a steak for the entre. For the beverage, just bring me your most luxurious non-alcoholic drinks here. Anything as long as non-alcoholic, and also yourself too, please.” Ang saad naman ng customer bago pa man ako makapagtapos sa pag lahad ng aking rekomendasyon.

Nangunot ang noo ko sa huling sinabi n'ya pero para hindi ako makagawa ng eskandalo ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Inilista ko naman ang lahat ng order niya sa maliit kong notebook, ngumiti naman ako nang matapos kong ilista ang mga order niya. “May I repeat your orders, sir?” At saka ay tanong ko.

“Unnecessary matter. You really look well and base on your posture, I'm sure you're not that stupid to do a mistake” saad n'ya lang sa akin habang nakangisi at sinundan pa ito ng kan'yang nakakadiring kindat.

Tumaas naman ang isang kilay ko pero naalala ko na kailangan ko pala ng pera kaya mas makabubuti kung hayaan ko na lang siya at huwag gumawa ng gulo hanggang sa hindi ako napapahamak.

Tsk! Anak ng tupa, medyo nabastusan ako sa bagay na iyon. Bahala na nga lang, pag may mali sa order niya, kasalanan na niya iyon at hindi niya pa pina repeat sa akin.

Nang maihanda na ng chef ang lahat ng orders niya ay dinala ko na ang mga iyon gamit ang magara-garang tray na kinalalagyan ng mga plato at mga pagkain n'ya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa VIP room saka ko ito binuksan at pumasok.

“Here are your orders!” Nakangiti kong saad sa kaniya habang isa-isa kong nilalapag ang mga order niya sa lamesa.

Pagkatapos kong ilapag sa lamesa ang mga ito ay tumayo ako ng matuwid at saka ako tumingin sa kaniya. “Is there anything you would like me to do?”

“Yeah, your body.” Sagot ng matandang lalaki habang malagkit itong nakatingin sa akin.

Kumulo naman ang dugo ko dahil sa pandidiri pero pinagsawalang bahala ko ito dahil kapag pinansin ko pa iyon ay baka ma pukpok ko ng martilyo ang ulo ng putagres na ito.

“If you need anything, just please press the button. I'll leave you now, please enjoy your me—” Bago ko pa man matapos ang aking pamamaalam ay bigla akong napatili at napa-igtad nang biglaan niyang hilain ang aking skirt. “S-Sir! What are you doing? Please let go of me!”

“Come on baby girl, don't act like an innocent here.” Nakangisi niyang saad at dahil malapit ang mukha ko sa kaniya ay amoy na amoy ko ang matandang hininga niya.

Agad ko naman s'yang itinulak palayo at dahil hawak niya ang skirt ko ay napunit ito nang siya ay mapaatras.

Sa matinding gulat at nasampal ko siya ng wala sa oras at saka ako agad na tumakbo palabas ng VIP room na iyon habang nanginginig ang aking mga tuhod.

Hindi naman ito ang unang beses na naranasan ko ang ganoong pag-trato pero sa tuwing nagaganap ang ganitong klaseng eksena sa akin ay bigla akong natatakot ng sobra.

Pag labas ko sa VIP room ay nag sitinginan sa akin ang mga customer dahil sa punit kong skirt.

Tumakbo ako sa counter upang humingi ng tulong. Napatingin naman sa akin ang mga co-workers ko dito.

“Oh, Alex? Ba't para yatang namumutla ka? At saka ba't punit-punit 'yang palda mo? Sexy yarn?” Pabirong tanong ng mga katrabaho ko at patawa-tawa pa ang iilan sa kanila.

“Bel, 'yung customer dun, muntik na akong gahasahin! Sexual harassment 'yun!” Bagaman hindi ako mapakali ay nagawa ko namang tumugon sa kanya ng 'di nauutal.

“Sino?” Ang tanong naman niya habang nakakunot ang kaniyang noo, tila ba wala s'yang pakealam sa kalagayan ko.

“Bago lang mangyari iyan sa'yo sa tinagal mo dito?” Tanong niyang muli sa akin habang naka cross arms pa imbis na pansinin ang paghingi ko ng saklolo sa kaniya.

Natigilan naman ako sa kaniyang iniusal.

“Kung gusto mong tumagal dito, hayaan mo siya sa gusto n'yang gawin sa iyo dahil s'ya ang may-ari ng restaurant na ito.” Saad ni Bel sa akin saka na siya umalis dala ang tray ng pagkain patungo sa isang lamesa.

Mas lalo namang lumago ang takot ko dahil sa sinabi niya. Nanguyom ang mga kamao ko at habang na fu-frustrate akong nakatayo sa counter ay narinig ko ang manager namin na tinawag ang pangalan ko ilang minuto ang lumipas.

“Alex, let's talk inside my office.” Usal niya sa akin.

Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang mga tuhod ko dahil sa nangyari sa akin kanina lang, tila ba isang sumpa 'yung palad niyang dumampi sa puwet ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din na parang hinahawakan niya ito.

Bumuntong hininga na lang ako upang pakalmahin ang akin sarili at saka ako pumasok sa opisina ng manager namin.

“Bakit mo sinampal si mr. Vincent?” Tanong ng manager namin na ang tinutukoy ay ang putagres na nambastos sa akin kanina pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina niya. Mukhang nakapag usap na sila at inireport ako nung tandang iyon kay manager.

Anak ng tokwa! Sa daming puwede na maging bastos, ba't yung boss pa namin?!

“M-ma'am... Muntik na ho akong magahasa eh. Pinunit niya po ang palda ko! buti na lang at nakatakbo ako palayo, tulungan niyo ho ako ma'am! ayaw kong mawala sa trabaho ko. Kailangan ko talaga ng mapagkakakitaan ngayon.” Mangiyak-ngiyak na paliwanag ko sa manager namin.

Bumuntong hininga siya. “Kung gusto mo manatili dito, patulan mo s'ya. Wala tayong magagawa, siya ang may-ari ng restaurant. Idemanda mo man s'ya o hindi, kapag hindi ka pumatol sa kaniya, matatanggal ka pa din sa trabaho mo.” Sagot naman ng manager namin sa akin.

Nanguyom ang mga kamao ko sa kaniyang sagot.

“Bibigyan ka ni mr. Vincent ng limang minuto para mag decide. Kung ayaw mong ibenta ang kaluluwa mo sa demonyong iyon, hubadin mo ang yuniporme mo at umalis ka na dito. ” Saad niya pagkatapos ay kinuha niya sa drawer mula sa kan'yang drawer ang isang puting sobre at inilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa.

“Ito na ang huling suweldo mo pag nahubad mo na ang yuniporme mo.” usal niya lang at saka na siya umupo sa swivel chair niya. Tila ba wala s'yang pakealam sa nangyayari sa akin ngayon.

Naknangtokwa! Naiipit na ako kung anong pipiliin ko, katawan ko o magulang ko!

Hayst reyalidad, parang katotohanan!

Kapag nawala ako sa trabahong ito, saan naman ako mag tatrabaho? Eh ni hindi nga ako nakapag-tapos mag aral ng highschool eh.

Buhay parang life!

Bumuntong hininga ako at saka ako pumikit. Dumilat akong muli at pagkatapos ay labag sa loob kong hinubad ang yuniporme ko at inabot ang sobreng inilapag ng manager ko sa kaniyang lamesa.

“P-pasensya na ho ma'am, desperada ako para sa mga magulang ko pero hindi ko kayang ibenta ang katawan ko para sa kanila.” Nakayuko kong saad at saka ko na siya tinalikuran. Kahit kailangan ko ng pera ngayon, hindi ako magkakamaling ibenta ang katawan ko.

Hindi naman sa mas mahal ko ang aking sarili kaysa sa aking pamilya pero hindi lang naman ang pagbebenta ng katawan ang aking pag-asa. Puwede naman siguro na mag labandera o janitor na lang ako kaso wala na akong mahahanap na trabaho na ganito kalaki ang magiging suweldo ko.

Pinigilan ko naman ang mga luha ko habang nag lalakad ako papalayo sa restaurant na pinanggagalingan ng aming kabuhayan.

Putspa namang kamalasan ito! Kung kailan kailangan na kailangan nila mama ng pera pampagamot para maagapan ko ang sakit na namumuo sa kanila at para hindi na ito lumala, saka pa naman ako mawawalan ng trabaho.

Irita kong binuksan ang sobre habang nag lalakad ako sa gilid ng kalsada at 5k lamang ang laman nito. Huling suweldo means huling pera?

Taena, saan naman ako kukuha ng mapagkakakitaan nito muli? Ayaw kong umasa kina mama at papa dahil matanda na sila. Ayaw kong mapagod pa sila.

Nag try ako mag apply bilang isang sales lady noong nakaraang linggo pero kailangan pa ng deploma sa kolehiyo. Eh wala ako nun eh! Ni highschool nga na diploma ay wala eh.

Pumikit naman ako at saka ako nanalangin ng taim-tim. Sa mga ganitong sitwasyon, wala akong ibang masasandalan kun'di 'siya' lang.

Lord, alam kong makasalanan at palamura akong tao, pero paki-usap, ituro niyo sa akin ang tamang daan patungo sa magandang buhay ng aking mga magulang.

Muli akong huminga ng malalim at saka ko dahan-dahan na idinilat ang aking mga mata.

Pagkamulat pa lang ng dalawa kong mga mata ay siya namang pag bungad ng nakakasilaw na ilaw sa aking harapan.

A-ano ito? Heaven ba?

“Happy valentine's day everyone, ang Laforteza pharmacy ay may paregalo sa inyong lahat dahil araw ng mga puso! Sa tuwing bibili kayo ng gamot, may kasama itong tatlong piraso na libre!” Dinig kong anunsyo ng radyo sa Laforteza pharmacy na di naman kalayuan sa aking kinatatayuan.

Ah! Akala ko light from heaven na 'yun. Ini turn on lang pala nila yung umiilaw na music box nila.

Speaking of gamot, malapit na din maubusan ng mga gamot sina mama at papa kaya mabutihin ko na ding mabilhan sila ng gamot at food supplements nila lalo na't may pa bonus ang Laforteza pharmacy ngayon.

Sige lord, itinuro mo nga sa akin ang daan para bumuti ang buhay ng mga magulang ko.

Ngumiwi ako at saka na ako naglakad patungo sa pharmacy. Habang bumibili ako ng gamot sa botika ay nakita ko naman ang poster na nakadikit dito.

Tila ba tinatawag nito ang pansin ko.

Baka naman mahika iyon tapos lagusan patungong magical world? Chos!

Ahay Alex! Nagagawa mo pa talagang mag-biro eh noh?

Ngumiwi ako at saka na ako bumili ng gamot nila papa at mama pagkatapos ay umalis agad ako. Habang naglalakad ako paalis sa pharmacy ay hindi sinasadyang mabasa naman ng aking mga mata ang poster na nakadikit sa labas ng ding-ding ng pharmacy.

Woah! May hiring ngayon! Baka puwede ako maka-apply!

Agad ko itong binasa pero nanlumo din ako nang personal male drivers lang ang hinahanap.

Suwerte naman ng mga lalaki. Kung lalaki na lang sana ako, baka matanggap din ako dito.

Ngumiwi ako na lang ako sa pagkadismaya at saka ko tinignan ang offered salary nito.

Juicecolored....

15k a month?!!! Para sa driver lang?! Ha?! Hakdogens? Hamburger? Hangcrushmoaydikacrush?

Taena! Kung lalaki lang talaga ako eh!

I don't want to commit a big lies. Chour English.

Pero kung mag panggap kaya akong lalaki?

Aba! Tiba-tiba ako dyaan.

Mag sisinungaling nga lang ako.

pero ang laki ng pera na kikitain ko!

Sa isang taong pagtatrabaho ko dyaan, sigurado akong giginhawa ang buhay ng mga magulang ko!

Pero bahala na! Para naman ito sa mga magulang ko! Marunong ako mag drive pero babae ako.

Pero, puwede ako mag panggap na lalaki.

Di naman ata nila titignan ang Ari ko doon diba? Di naman mahahalata na babae ako pag nag pagupit ako ng buhok diba? Bukod sa bilog ang boses ko ay flat din ang dib-dib ko.

Ang hirap mag decide pero natutukso talaga ako ng pera. Mapap regular check up ko pa sina mama kapag natanggap ako sa trabahong ito. Nagbabakasakali lang naman ako, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

Lord, bigyan niyo ako ng sign sa anong dapat kong gawin, kung mag sisinungaling ako para sa pera o kakayod na lang ako na parang alipin kahit hindi naman sapat ang kikitain ko para sa magulang ko?

Ilang saglit pa ang lumipas habang taim-tim akong nananalangin ay tumunog naman muli ang radyo ng pharmacy.

“Yes! Yes! Yes yes yes! May pa premyo nanaman ang Laforteza pharmacy, sulit na gamot para sa iyong family! Yes! Yes! Yes!” Dinig kong patugtog ng radyo nila.

Yes? HA! Sign ata ito na igora ko na lang ang plano ko.

Ngumiti ako ng malawak hanggang sa hindi ko na napigilang mapahalakhak habang iniisip ko ang perang matatanggap ko pag nag-apply at natanggap ako sa kompanyang ito. Napahalak-hak ako ng malakas kaya nagsitinginan ang mga taong malapit sa akin.

“Nay, ba't po sya tumatawa?”

“Hayaan mo siya anak, baka nakashabu lang.” dinig kong usapan ng mag-inang napadaan malapit sa akin.

Tumigil agad ako sa pag-tawa at saka ako napangiwi.

Makauwi na nga lang at maihanda ang biodata at ang susuotin ko. Bukas na bukas, mag a-apply ako sa kompanyang iyon.

Ayon sa iba pang inpormasyon, si Zakira Luisa mismo ang nag hahanap ng poging personal driver. Isa s'yang baklitang designer na sumikat dalawang taon na ang lumilipas.

Ibig sabihin, sa fashcon ako mag a-apply.

Good luck sa atin self! Laban lang kahit hindi ipinag laban 'yung iba d'yan!

Bagaman may pinapasan-pasan akong problema ay may malawak na ngiti naman akong umuwi sa bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status