Share

2

SINIMULAN ko ang buhay ko ngayong umaga sa pamamagitan ng pag plantsa ng polo at pantalong isusuot ko para sa pag-apply ko na s'yang galing kay papa, syempre para mag mukha lalo akong lalaki, kailangan kong mag suot ng pan-lalaki.

Kagabi din pala, ginupitan ako ng kapitbahay namin at binayaran ko na din siya bilang pasasalamat sa mala koreanong hairstyle na ito.

Pagkatapos kong mag-handa ay sumubo na lang ako ng ilang kutchara ng kaning nakahapag sa lamesa at saka na ako nag paalam sa mga magulang ko bago ako umalis sa bahay.

Dala-dala ang aking biodata na nakaipit sa brown folder ay sumakay ako ng tricycle upang tumungo sa Luisa buildings.

Doon naitalaga ang malaking kompanya ng fashcon. Mga sexyng damit na pinangarap kong suotin pero hindi ko afford.

Nang makarating na ako sa Luisa building ay kaagad akong bumaba ng tricycle. Medyo nahiya pa ako dahil kaagad na nagtinginan ang mga babae sa akin.

Naguguwapuhan kaya sila sa akin? O na we-weirduhan? Sana ay ayos lang ang pag papanggap ko!

Nag lagay din pala ako ng pekeng talong sa gitna ko na hiniram ko sa biyuda na matandang kapitbahay namin kagabi.

Hindi ko alam kung bakit siya gumagamit nito at ayaw ko nang isipin pa ang dahilan niya, kaya naman, bakat na bakat ito sa pantalon ko. Ramdam ko pa nga habang nag lalakad ako eh.

Yayks!

Bahala na din, ang mahalaga ay di mahalata na babae ako.

Tumuloy agad ako sa Luisa building ng hindi pinapansin ang tingin ng mga karamihan sa akin at dahil wala akong kaalam-alam sa malawak at eleganteng gusali na ito ay agad kong tinanong ang guwardiya na nakabantay sa entrance nito.

“Manong, puwede pong itanong kung saan po ang interview room ng personal driver ni Zakira?” Tanong ko sa guwardiya, pinilit kong gawing natural ang boses ko na para talagang panlalaki, mabuti na lang at hindi ito matinis.

“Ang pogi naman natin lods!” Agad na usal niya nang mapabaling ang atensyon niya sa akin.

Wow! Epektib ang disguise ko mga tol!

“Ako lang po ang pogi, saan ba daw yung interview room?” Tanong ko ulit sa kaniya.

Napatawa naman siya bago sumagot. “Interview room? Hindi naman sila nag ha-hire ng model ngayon eh. Maliban na lang kung mag a-apply ka kay ma'am Zakira bilang driver niya. Sa 28th floor ka na lang pumunta tapos itanong mo sa secretary n'ya yung dahilan ng pag punta mo dito upang masabi niya sa iyo ang dapat mong gawin.”

Pagkatapos niyang sumagot na may mga ngiti sa kaniyang mga labi ay iniwan ko na siya agad upang tumungo sa elevator.

Pag dating ko sa 28th floor ay napatingin agad sa akin ang lahat ng mga nag tatrabaho dito, lalo na ang mga babae.

Mukha kaya akong hearttrob sa kanila?

Chos! Pero ang awkward naman nito! Guwapo kaya ako sa paningin nila? Weirdo? Cute? O mukha akong tanga?

“Hi handsome, do you need something?” Bigla naman akong napaigtad nang may babaeng bumulong sa taenga ko mula sa likuran ko.

ANAK NG TINAPA NAMAN O!

Pag lingon ko ay isa itong sexy na babaeng nakasuot ng sobrang fit at maikling skirt.

“Oh? Are you afraid of me? Don't worry, I will not touch you... But I will let you touch me.” saad pa nito sa nang-aakit na tono habang nakakagat labi pagkatapos ay kumindat pa ito sa akin habang malagkit na tumititig sa mga mata ko.

Napangiwi naman ako dahil sa pandidiri.

Muntik ko na sanang sabihin na di kami talo kaso naalala ko na nagpapanggap pala akong lalaki.

Tss! Malaking sagabal kapag may babaeng nagkagusto sa akin!

“Pasensya na po m-ma'am. Hindi po ako pumunta dito para mag sugar mommy.” Sagot ko sa kaniya habang may hilaw na ngiti sa aking mga labi.

Napahagalpak naman ng tawa ang mga taong nakadinig sa sinabi ko dito kaya bumusangot agad siya at nag walk out.

Napakamot naman ako ng batok dahil sa awkwardness na naramdaman ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na din ito kaagad dahil hindi naman iyon ang ipinunta ko dito.

Hindi na ako nag tanong pa sa iba kung saan dapat ako mag a-apply dahil nang makita ko ang isang pintuan na may tag at may nakasulat na CEO'S OFFICE ay tinungo ko kaagad iyon.

Kinatok ko ito ng tatlong beses at saka ako pumasok, bumungad naman sa akin ang isang napakagarang opisina at ang nakabusangot na mukha ng isang binaklitang may bonggang-bonggang kasuotan.

“Don't you know how to wait for my response before entering here?!” Base sa tono ng pananalita niya ay halata na matapobre siya, o baka bad mood.

Ngumiti naman ako ng peke. “S-Sorry sir, I wa—”

“MA'AM!” Madiin na putol niya sa sinabi ko.

Ay hala, donyahan ang peg?

Ay Anoba! Umayos ka nga Alex! Kung gusto mong kumita, gumora ka sa baklita!

Chos!

Pero wala na akong pake. Kahit ganito ang maging boss ko, sulit naman ang suweldo.

“Are you one of the applicants who wanted to apply as my driver?” Tanong naman niya muli sa malamig na tono nang tila kumalma na siya.

“Y-Yes si—MA'AM!” Kanda utal kong tugon sa kaniya.

Ang ikli na nga lang ng sasabihin ko, nautal pa ako.

“Come closer!” Utos nito sa akin at saka niya isinenyas ang mga daliri niya. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko at naging komportable na ako kaysa sa kanina. Dahan-dahan ko namang isinara ang pintuan at sakay ay pacool akong naglakad patungo sa lamesa niya.

Ayos na sana dahil mukha na akong very handsome as hell na koreano, ang kaso ay bigla akong napatid nang mga sarili kong paa.

NAKAKAHIYA! PAKSHET!

hunghang ka ba Alex?! Ba't mo pa kasi naisipan na mag lakad ng ganoon? Tsk!

“And you're expecting me to hire you despite your stupidity and clumsiness.” Dinig kong saad ng boss na si Zakira.

Kaagad akong napatayo ng tuwid nang marinig kong muli ang matapobre niyang boses. “SIR NO SIR BUT WITH MY FULL COURAGE AND LOYALTY, I WILL SERVE YOU!” Sagot ko kaagad sa kaniya at saka ako kumindat na sinundan kaagad ng aking ‘friendly ngisi’.

Agad niyang hinablot ang bagay na malapit sa kaniya at saka niya ito ibinato sa akin na s’ya namang tumama sa aking noo.

ARAY! ANAK NI TEKLA!

“Ang kapal ng mukha mong tawagin akong 'sir' despite my outfit and make uos! GET THE HELL AWAY FROM HERE! I WILL NEVER HIRE A PERSON LIKE YOU!” Dinig kong sigaw niya sa pagalit na tono.

Kaagad naman akong nan-lumo ng todo dahil sa narinig ko.

Pag ‘di ako matatanggap dito, wala na akong alam pa na mapapasukan sa ngayon. Ano na lang ang magiging pangkabuhayan namin ng mga magulang ko?

Halos maluha ako sa panghihinayang. Ginupitan ko ang mahaba kong buhok para dito pero walang saysay ang sakripisyo kong iyon.

Akmang tatalikod na ako at maglalakad palayo nang mag salita siyang muli.

“But since you're kinda good looking guy and has the most pleasant look among the other applicants, why don't we have a trial?” Ang kaniyang saad na naging dahilan ng pag-harap ko sa kaniya muli.

“A-anong klaseng trial ho sir?” Tanong ko kaagad sa kaniya na sinabayan ng malawak kong ngiti, ngiting nakasilay muli ng pag-asa.

“MA'AM!” Nanggagalaiti n'yang pag didiin sa akin at saka siya umirap ng bonggang-bongga.

Nag peace sign naman ako sa kaniya na hinaluan ko ng pagpapakapogi’t pagpapakatao.

“Cringe” Nakangiwi niyang usal sa akin bago siya mag patuloy magsalita.

Sa ngalan ng pera upang maipangbayad sa utang, handa akong maging Sumukot. Oh makapangyarihang papel na likha ng mga taong mapanakit sa kalikasan (oy may tinamaan!), Ituro mo nawa ang daan patungo sa iyong tahanan upang ika'y aking mapuntahan at magamit sa pang tubos ng aming mga utang at panga-ngailangan! Amen!

“I only have 4 rules here... First, don't be gone on my sight unless I say so, second, do as I say to you unless it's beyond your damn limits. Third, Make sure you don't have any limits and fourth, no LYING!” Madiing saad niya sa akin habang naka taas ang apat niyang mga daliri sa kanang kamay n'ya.

Haha, no lying daw.

Dibale, puwede naman siguro mag lie na hindi ako liar... para pag nalaman ng nilalang na ito ang kasinungalingang ginagawa ko ay baka forever akong laying sa ilalim ng lupa!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status