Share

5

ALEX'S POINT OF VIEW

ALASINGKO na ng hapon nang pawisan at hinihingal akong dumating sa Elton's bar. Isa itong tanyag na inuman na mga mayayaman at may kayang mga tao lamang ang puwedeng makapasok dito.

Edi sanaol sila.

Basa ang buong katawan ko hindi dahil sa ulan kasi di naman umulan, hindi dahil nahulog ako sa kanal kahit na iyon ang dapat na maganap dahil medyo tanga ako at mas lalong hindi ito dahil sa luha ni Midoriya, kun'di ito ay dahil sa pawis ko.

Tinakbo ko lang naman ang ilang kilometro mula sa gusali ng kompanya ni madam-sir hanggang sa Elton's bar.

Pagdating ko dito ay hinihingal akong napaupo sa semintado nitong parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni madam-sir Zakira.

Nawawalan ako ng lakas at ano mang oras ay pakiramdam ko'y mawawalan din ako ng malay.

Pagod at matinding uhaw at gutom ang nararamdaman ko ngayon. Ganito din siguro ang nararamdaman ng mga pusa, aso, daga at iba pang mga nilalang na walang napgkukuhanan ng pagkain. Nakakaawa sila.

“It's seems like Zach is already here. His car is over there.” Ang dinig kong saad ng isang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at isang eleganteng lalaki na nakatayo sa harapan ko ang bumungad naman sa akin.

“Hey girl, what are you doing beside Zach's car. He doesn't like someone touching his baby. You better get outta here before he could kill you.” Saad ng lalaking ito.

Kinamot ko ang mga mata ko saka ako tumayo. “Ako po ang driver niya.” Sagot ko sa kaniya saka ako sumandal sa kotche ni madam-sir Zakira.

“Why would that gay will hire a woman?” Taka namang tanong ng isa pang lalaki.

“Come on dude, Zach has never been gay. It's just his style. Alam mo naman ang kuwento ng lalaking 'yun.” Sumbat naman ng isa pang lalaki.

“Are you all stupid and idiot? How could someone like him be considered as a girl? I mean Just look at his dick, bumabakat.” Nakangiwi namang usal ng isa pang lalaki. “By the way, nabanggit ka nga ni Zach sa akin kagabi. Your name is Alex, right? You're more cute and handsome than your picture that Zach sent me last night trough chat. Nice to meet you in person, my name is Ron.” Saad ng Ron na nag pakilala sa akin saka niya iniabot sa akin ang kaniyang kamay.

Base sa mga kilos niya ay siya ata ang may pinaka polite at pinaka mabait sa kanilang lahat. Nakakapagtaka lang din kung kaibigan ito ni madam-sir, purong mga matitipunong lalaki eh.

Matipuno naman si madam-sir, madame nga lang siya.

Napangiti naman ako ng peke. Sino bang ngingiti ng totoo sa kabila ng pagod na naramdaman ko? Aba'y ampotspots na iyon!

“A-Ako ho si Alex Soriao. Nasa loob na po ata si madam Zakira.” Tugon ko sa kanila saka ko iniabot ang kamay ni Ron upang makipag-shake hand sa kaniya.

Ilang sandali lang ay hinablot na niya ang kamay niya at saka siya nag pamulsa.

“They are our friends by the way. The pervert looking guy is Damien, the formal one is Eric and I'm the kindest among them and the most handsome too.” Pabiro pang pakilala ni Ron sa akin.

Hilaw na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila bago sila tuluyang umalis.

“It's quite strange that Zach came here earlier than us. Did you said to Vanessa the exact time of our meet-up?” Tanong naman ni Damien sa mga kaibigan niya habang naglalakad sila palayo sa akin.

“I did.” Ang sagot naman ni Ron.

Hindi ko na nadinig pa ang pinag uusapan nila dahil naupo na ulit ako sa sahig ng parking lot at saka ako naidlip habang nakasandal sa sasakyan ni madam-sir.

ANG sunod-sunod at malalaking patak ng ulan ang gumising sa akin. Agad akong napabangon at doon ko lang napagtanto na basa na ang aking buong katawan at kasuotan.

Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko at saka ako nakisilong sa tabi ng entrance ng Elton's bar.

Sa tingin ko ay malalim na din ang gabi. Andoon pa naman ang sasakyan ni madam-sir kaya mukhang hindi pa naman niya ako iniiwanan.

Mabuti naman. Baka kasi tuluyan na niya akong sesantehin, wala na akong ibang mapagkakakitaan pa at saka gustong-gusto ko na din dito dahil mataas ang suweldo. Maputol man ang mga buto't mapunit man ang mga balat ko ay wala akong pakealam.

Ang gusto ko lang ay humaba pa ang buhay ng natitira kong pamilya. Bahala na kung anong balak ni God basta kasama ko si Oprah.

Echos!

Masakit na din ang mga katawan ko lalo na ang mga paa at ulo ko. Sa tuwing iginagalaw ko ito ay bigla akong nanghihina sa sakit nito dahil sa tatlong oras na pagtakbo ko kanina marating lang ang lugar na ito. Idagdag pa ang uhaw at gutom na nararamdaman ko. Limang subo lang ng kutsara ng kanin ata ang nakain ko sa ngayong araw at kaninang umaga lang iyon. Ultimo tanghalihan ay ‘di man lang ibinigay ni madam-sir sa akin.

Tsk! Napaka demonyito kasi ng baklitang iyon. Kung sana ay binigyan niya lang ako ng singkuwenta para sa aking pamasahe, ‘di sana ako mapapagod ng ganito.

Anong magagawa ng black card niyang di naman tinatanggap ng mga tricycle driver? Pero dibale! Para sa perang 'yun, walang dahilan para umalis ako, kahit palayasin pa ako ni boss.

“Ah!” Bigla akong napadaing ng mahina nang sumakit ng todo ang ulo ko. Pakiramdam ko ay nabibiyak ito dahil tila nag lalakbay mula batok hanggang mata ang sakit nito. Napahawak ako sa isang tao upang humingi ng alalay ngunit bigla niya akong tinabig.

“EWW YUCK!!! WHY IS THIS STINKING GUY HOLDING ME?!” Dinig kong sigaw nito at nang dahil doon ay bigla akong napaupo sa semento.

Nanguyom ang mga kamao ko at sinusubukan kong labanan ang panghihina at pang hihilo ko ngunit talagang nawawalan na ako ng lakas. Nag-sisimula na ding uminit ang pakiramdam ko’t nan-lalabo na ang paningin ko.

Tumayo akong nanginginig ang katawan ko, talagang pinilit ko na tumayo kahit hinang-hina na ako. Dahil ata ito sa matinding pawis, gutom uhaw ta’s naulanan pa ako. Tsk! Ba't pa kasi ako natulog dun? Ang lamig na nga, nakababad pa ako sa basang damit na ito tapos pawisan pa ako kanina. Baka mamaya nito eh maunahan ko pa ang mga magulang ko patungong afterlife.

“Look! You destroyed my dress you damn peasant!” Dinig ko pang saad ng isang naiiritang babae, iyon yata ang nahawakan ng basa kong kamay kanina nang muntik na akong matumba.

“Pasensya na po.” Saad ko habang nakayuko akong umaatras palayo sa kaniya.

Gusto ko siyang patulan dahil nakakabuwisit din na maltratuhin ako sa isang walang ka kuwenta-kuwentang dahilan. Nais ko ding ipaalam sa babaeng ito ang kababawan at kakitidan ng utak niya, kaso baka supalpalin niya ako, nanghihina pa naman ako ngayon at baka matuluyan pa ako.

Habang umaatras naman ako ay ibinato ng amputagres na babae ang bag niya sa akin. Dahil original ito at branded na sobrang mahal ay mabigat ito, kaya naman, because of the gravity and the bicycle floating in the water because it is plastic and leaf, I fell down on the ground even though one direction said ‘nobody can drag me down’

Echos!

Hayys, matutumba na nga lang ako dahil binato ako ng babaeng kamukha ni Big mom ng one piece pero payatin lang ay ano-ano pa ang naiisip ko.

Pumikit na lang ako at hinintay ko na ma fall in love ako sa semintadong sahig. Nagulat lang din ako na imbis na sahig ay napasandal ako sa isang katawan na amoy galing sa impyerno.

Pabango ni madam-sir ito ah. “Are you okay? Can you still stand?” Tila yata kakaiba ang boses niya.

Idinilat ko ang mga mata ko at saka ako humawak sa pader na malapit sa amin bago ako tumayo ng matuwid habang ang mga paa ko ay nanginginig pa din.

“Great.” Mahinang usal lang ni madam-sir nang malaman niyang nakakatayo pa ako bago siya nag patuloy na maglakad patungo sa babaeng muntik ko nang makaaway kanina.

“Are you alright, Alex?” Nag-aalala namang tanong ni Ron sa akin at saka niya hinubad ang jacket niya upang ibigay ito sa akin.

Agad kong inabot ito saka ko ito inibalot sa katawan ko.

“The award of most idiot doctor goes to Ron.” Nakangisi namang usal ni Damien. Tila ito sadyang iniinis si Ron.

Tumaas naman ang isang kilay ni Ron sa kanila. “What? I was just helping him.” Nakangiwi nitong saad.

“Uhh, if I am a fine doctor, I would not bother to ask someone if he's okay who's obviously not okay instead I'll just check him or her up.” Sumbat naman ni Eric kay Ron.

Umirap na lang si Ron sa kanila saka siya bumaling ulit sa akin.

Bumaling naman ako kay madam-sir habang kinakausap niya ang babaeng umaway sa akin kanina.

Bigla niya itong sinampal at dahil malaki-laki ang katawan ni boss ay natumba ang babae at napaupo ito sa sahig.

“Ouch! That was hurt!” Mangiyak-ngiyak na d***g ng babae habang nakaupo siya sa sahig at nakahawak sa kan’yang kaliwang pisngi na siyang sinampal ni madam-sir.

“Well, that's the goal!” Maarteng saad ni Madam-sir sa babae saka siya pakembot-kembot na tumungo sa amin. Bago pa siya tuluyang makalapit sa amin ay humarap siyang muli sa babae habang nakalantik ang tatlo niyang daliri sa magkabilang kamay. “Oh and by the way, if you are wondering why I did it is because I hate ugly people like you. And if you are mad at me then die in anger. Bye Bitch!” Maarteng saad ni madam-boss saka na siya humarap sa amin.

Napamaang naman ako sa ginawa niya. Nakakaawa naman iyong babae.

Pero kung pangit na iyon sa paningin ni sir sa kabila ng pagiging matangos ng ilong niya, makinis ang balat at magagandang mga mata, eh ano naman ako?! Aray!

Baklita talaga!

“Why didn't you entered inside the bar?!” Iritang tanong ni madam-sir sa akin nang makalapit na siya sa amin. Napatitig naman ako sa magaganda nyang mga mata... Ang boses niya kanina...

PAKSHET KUNG DI LANG KASI ITO BAKLA, BAKA AKO PA ANG NANG AKIT SA KANIYA EH!

Pero ang sakit ng ulo ko kaya saka ko na lang iyon iisipin.

Nanatili kaming nagkatitigan. Walang emosyon kung titignan ang buong mukha ni Madam Zakira pero kung kikilatising mabuti ang kaniyang mga mata ay tila ba may kung anong bagay dito na hindi ko mawari pero pakiramdam ko ay malaking parte ito ng aking pagkatao.

“As a religious person myself, I hate seeing same gender having a sparks on each other.” Bigla kaming napaiwas ng tingin ni madam-sir nang mag salita naman si Damien.

“Dude, if that will make our friend happy, why not? Just respect it.” Sumbat naman ni Eric kay Damien.

Bigla naman akong nailang kaya yumuko na lang ako.

“I am against in such thing. I wouldn't respect it but to prevent any issues, as a friend I would not discriminate such an idea. It's too late, I gotta go.” Saad lang ni Damien saka na niya kami iniwanan.

Inihatid ako ni Madam-sir sa bahay namin pero dinala niya muna ako sa hospital para maresitahan ako ni Ron ng gamot. Wala siyang kahit na anong reklamo, galit o masasamang salita, bagay na sobrang nakakapanibago.

Binigyan niya lang ako ng limang libo at ang sabi niya ay bumalik na lang ako sa opisina kapag ayos na ang pakiramdam ko bago ko siya iwanan sa kotche.

Habang nakahiga naman ako sa banig at nakatalukbong sa aking kumot ay hindi ko maiwasan ang mapaisip sa mga trato ni madam-sir sa akin kanina.

Sana ay palagi siyang ganoon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status