Share

6

“GOOD morning, madame-sir” Nakangiti kong binati si madame Zakira nang maka pasok na ako sa opisina niya.

Mabuti na lang at binigyan ako ni Ron ng gamot kagabi dahil kung hindi ay baka nga tuluyan na akong nilagnat at hindi makapag trabaho ngayong araw. Hindi ko pa naman sinasabi kila mama ang kinita ko kahapon, pero mamaya pag uwi ko ay mamamalengke na lang ako para sa kanila.

Tumingala lang si madame Zakira sa akin at saka siya tumango, wala siyang sinasabi pero mababakas ang inis sa kan'yang mukha.

Tatlong araw pa lang naman akong nag-tatrabaho dito pero nasanay na ako sa malamig na pakikitungo niya sa akin.

Basta ang mahalaga ay makapagtrabaho at kikita ako ng malaki. Ipapangako ko na makakapag-papatayo ako ng bahay para sa mga magulang ko at maipapagamot ko din ang kanilang sakit balang araw.

“You're late.” Tipid lang nitong sambit sa akin habang nakatingin sa mga dokrumentaryong kan'yang pinipermahan.

Napatingin naman ako sa aking relo— joke lang, wala ako nun.

Sa wall clock ako napatingala at alasais pa lang naman ng umaga. Sa pag-kakaalam ko ay 7:30 am naman ang usual na office hours pero napakaaga naman ata niya. At saka ako, late? Wala naman siyang binigay na specific hours kung anong oras akong mag-sisimula ah? Edi kasalanan niya iyon, aba!

“You are my personal assistant and driver, your job is to assist me. As soon as I woke up, you should be by my side and assist me to prepare everything. My clothes, the car, fetch me, my breakfast et cetera.” Napalingon naman ako kay madame Zakira nang bigla siyang mag-salita. Napagtanto ko lang na kanina pa pala siya nakatingin sa akin habang nakatingala ako sa wall clock.

“Eh ba't 'di na lang po kayo mag-asawa?” Nakangiwi ko namang bulong.

“Are you telling me to have a wife?” Naiiritang usal nito sa akin na nag-palaki ng aking mga mata.

Ay hala, dinig niya 'yon?!

“Joke lang po, hehe.” Tumawa ako ng peke sa kanya at saka ako nag peace sign, umirap naman siya ng matindi at agad na namula dahil sa galit, kasunod nito ay ang padabog niyang pag bitaw sa kan'yang ballpen at kaagad na tumayo.

Napaatras naman ako habang nakatingin ako sa galit niyang mukha. Tahimik man siya, wala man siyang salitang binabanggit habang nag-lalakad siya patungo sa isang cabinet ay dama ko pa din ang nag-uumapaw nitong galit na kasalukuyang nag-papakaba sa akin.

Kinuha niya sa cabinet ang isang maliit na paper bag at saka siya nag-lakad palapit sa akin. Nan-laki naman ang mga mata ko at saka ako muling napaatras habang bumibilis lalo ang tibok ng aking puso.

Papatayin niya ba ako?! Ang sama ng mga titig niya sa akin!

Gagamitin niya ba 'yung bag para patayin ako? Juicecolored, help me!

Mas lalong bumilis ang aking pag-hakbang paatras hanggang sa tuluyan akong makasandal sa nakasaradong pintuan, taranta ko itong binuksan ngunit bago ko pa man mapihit ang doorknob nito'y tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Agad namang namuo ang pawis sa aking nuo at saka ako napapikit.

“What the hell are you doing? Hindi kita gagahasahin. As if!” Ngumingiwi na sambit niya sa akin. Dahan-dahan naman akong dumilat at saka ako napatikhim at napatayo ng tuwid nang mapagtanto kong may iniaabot lang pala sa akin.

Praning na ata ako.

Pero sino ba naman ang hindi matatakot dito? Nag-bibigay na nga lang, naka death glare pa ang bakla.

Tumawa lang ako ng peke sa kanya at saka ko inabot ang paper bag na ibinibigay niya sa akin, pag-katapos ay nag-lakad siyang muli sa kan'yang swivel chair at umupo dito.

Sinita ko naman ang paper bag at nakita dito ang eleganteng kasuotan; polo, slacks, sapatos at tuxedo, may neck tie pa.

Binigyan ko naman kaagad siya ng nag-tatanong na tingin.

“I have a flight to America at five o'clock. I need to attend a fashion show and you'll go with me. I want you to assist me, not Vanessa, you'll be wearing that to look more elegant. Starting today, I don't want you to wear that oversized shirts and jeans. Your sneakers are also unpleasant to my eyes, I don't like it. I'll give you enough time for this day to do what you need to do. Pack your things or whatsoever, just make sure before five o'clock, you should be here. Now get the hell out.” Mahaba nitong saad sa akin at saka na siya bumalik sa tinatrabaho niya.

“Po?! Ilang araw tayo mamamalagi doon?” Tanong ko kaagad sa kanya.

“Just two days and we'll be right back here.” Tipid nitong sagot sa akin.

Napatulala naman ako saglit pero agad din akong lumabas nang mapagtantong kailangan ko ng mamalengke at mag stock ng makakain para sa mga magulang ko bago ko sila iwanan.

Mabuti na lang at nadala ko ang limang libo na ibinigay ni madame Zakira sa'kin kahapon.

Pag-abot ko sa palengke ay bumili na ako ng kakailanganin nilang lahat, mga delata, sabon, bigas, gamot, isda at ano-ano pa.

Tamang-tama naman ang apat na libo para dito, tinira ko naman ang isang libo para pera-perahin nila sa mga araw na wala ako dito.

Nang makauwi na ako sa bahay ay tuwang-tuwa naman si mama at si papa, nagalak talaga si mama na ayusin ang mga pinamili ko sa munti naming kusina habang si papa naman ay sinimulang kainin ang paborito niyang mansanas. Tamang-tama daw dahil gutom na gutom na siya at kakagaling lang niya sa kan'yang trabaho bilang taxi driver. Ngayon ko lang ito nalaman dahil kanina lang daw siya nag-simulang mag trabaho.

“Pa, di'ba sabi ko sa inyo na ako na lang ang mag-tatrabaho? Mas lumalala na nga ang diabetes niyo. Malaki-laki naman ang kinikita ko sa opisina. Tignan niyo na lang, tatlong araw pa lang eh naka limang libo na ako.” Naiinis na saad ko kay papa habang siya ay kumakain.

“Pabayaan mo na ako, gusto lang naman kitang tulungan sa kabuhayan natin. At saka gusto ko ay mag-patuloy ka sa kolehiyo, kaya nag-iipon ako ngayon. Na mi maintain ko naman ang gamot ko dahil sa mga kinikita ko at sa kinikita mo. Masama namang dito lang ako sa bahay at walang gawin, baka magka-highblood pa ako.” Sagot niya sa akin habang kumakain. Inalis ko naman ang maliit na balat ng apple sa kan'yang balbas at saka ako nag-salita.

“Mas maigi kung mag regular exercise ka dito kasama si mama. Basta ako na ang na ang bahala. At saka kung ganito ba naman kalaki ang kikitain ko, aba'y hindi na ako mag ka-college.” Sagot ko sa kanya.

“Pabayaan mo na siya, Alex. May katwiran naman ang kan'yang sinabi. Masyado ding makakasama sa kanya ang buong araw na walang ginagawa.” Sabat naman ni mama sa amin.

“Mas makakasama kung sosobrahan niyo ang pag-tatrabaho niyo. Mahihina na kayo at baka bigla kayong ma knock down ng sakit niyo habang wala ako dito, noh? At saka ikaw ma, huwag ka nang mag-labandera, mas lumalala 'yang rayuma mo eh. Ako na ang bahala sa pang-kabuhayan natin. Nag-aalala talaga akong iwanan kayo.” Saad ko sa kanila at saka ako kumuha ng isang lakatan upang kainin.

“Anong iiwanan? Saan ka ba pupunta ha?” Kunot-noo na tanong ni papa sa akin.

“Sasamahan ko 'yung boss ko sa America. Personal assistant niya kasi ako kaya kailangan kong sumama sa kanya at dalawang araw lang daw kami doon. Basta 'wag niyo lang pagudin ang sarili niyo dahil pag-uwi ko, may pasalubong kayo sa akin.” Nakangiti kong sambit sa kanila at saka ko na sila iniwanan upang ilagay sa bag ko ang mga damit na dadalhin ko.

Sinigurado kong hindi ako mahuhuli ni madame Zakira bilang babae kaya 'yung mga brief ni papa ang dinala ko imbis na mga panty ko.

Nag-paalam lang ako sa mga magulang ko at alastres pa lang nama'y bumalik na ako sa opisina ni madame Zakira dala ang aking bagahe.

Naabutan ko naman si Ron sa opisina kasama si madame Zakira habang sila ay nag me-merrienda.

“Yow, Alex! Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Nakangiti nitong bati sa akin at saka siya tumayo upang salubungin ako ng kan'yang palad para makipag-shake hands.

Tinugon ko naman ito at saka niya ini tap ang aking balikat.

“Oo, galing nga ng gamot mo eh. Parang magic. Magaling ka talagang doktor, guwapo pa.” Nakangisi kong pag-bibiro sa kanya na ikinatawa niya ng peke.

Malamang, awkward at corny ang dating nun sa kanila.

“Whatever. Let's go to the airport.” Matipid na sabat ni madame Zakira sa amin.

“Where are you going?” Kunot noo na tanong ni Ron sa amin.

“America. I'll attend a fashion show.” Tanging sagot ng kaibigan niya at saka na siya tumayo at nag-lakad patungo sa pintuan.

“Andoon si Xyl...” Sambit ni Ron kay madame na nakapagpa-tigil kay Zakira sa pag-lalakad. Hindi ko aakalain na may ikakabusangot pa ang mukha nito dahil nang marinig niya ang pangalang iyon ay nabakas ko kaagad ang matinding galit sa kan'yang mukha.

“Naririnig ko pa lang ang pangalan ng babaeng iyon ay masyado nang nasisira ang araw ko. 'Wag lang niya subukang mag-pakita sa akin doon dahil sisirain ko ang buong pagkatao niya.” Nanggagalaiti na sambit ni madame Zakira at saka siya may matatalim na tinging nag-lakad palabas sa kan'yang opisina.

Naiwan naman kaming dalawa ni Ron sa loob at saka ako napatingin sa kanya, kasunod nito ay ang pag-bigay ko sa kanya ng nag-tatanong na tingin. Nangibit balikat lang siya at saka din ako iniwanan.

Napailing na lang ako saka ko kinuha ang bagahe at ang paper bag na ibinigay sa akin ni madame Zakira.

“Teka, hintayin niyo ako!” Sigaw ko pa't saka ako patakbong humabol sa kanila. Bago pa man ako tuluyang makahabol sa kanila sa elevator ay tuluyan nang sumara ito kaya hinihingal akong napahinto dito.

Kakaripas nanaman ako ng takbo sa hagdanan maabutan lang silang dalawa. Pashnea talaga!

Hindi na ako nag-reklamo pa at binilisan ko na ang pag-takbo ko paibaba sa hagdanan. Pag-abot ko sa pinaka baba ay tamang-tama din ang aking dating dahil kakabukas lang ng elevator na sinasakyan nila madame Zakira.

Pawisan at hinihingal akong lumapit sa kanila at saka ako napa-luhod ng matinding pagod na sinundan kaagad ng aking pag-ubo.

“What the hell? Didn't you used the other elevators?” Nagagalit na tanong sa akin ni madame Zakira. Malamang sa malamang ay itong pawisan kong kasuotan ang ikinagagalit niya.

Tinulungan naman niya akong tumayo pero kaagad ko siyang itinulak dahil baka mandiri siya sa aking pawis, bukod doon ay baka mahalata niya ang peke kong talong pag nahawakan niya ito, mahirap na.

ZACHARY LUIS'S P.O.V.

Talagang nasira ang aking araw nang banggitin ni Ron ang dati kong asawa. Sa tuwing naririnig ko ang nakakarinding pangalan niya ay parang ginugusto kong mambug-bog o mang-sabunot ng babae.

Hindi ko maiwasang ikuyom ng mahigpit ang mga kamao ko habang mabilis akong nag-lalakad patungo sa elevator ng aking opisina.

Pag-abot ko dito ay sumunod din kaagad sa akin si Ron. Hinintay ko si Alex na sumunod sa amin pero sumarado din kaagad ang elevator, gusto ko sana itong pigilan para makasama siya sa akin pero baka hindi ko mapigilan ang aking sarili sa kanya mamaya, may iba pa namang elevator dito.

“You shouldn't have mentioned her name.” Sambit ko kay Ron at kasunod nito ay ang matindi kong pag-irap.

“I was just warning you, she might get closer to you once she saw you there.” He responded as he crossed his arms.

“There will be no danger to warn me—”

“Do you want to show yourself to her like that? You look really defeated despite your success. You look like a loser despite being on top, Zachary.” Putol nito sa aking sinasabi.

“What do you mean?” Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

“You're being like that because you are afraid to have any connections with them again, Zach. You look like a coward, y'know? Malamang eh iisipin ni Xyl na gumanyan ka dahil na trauma ka sa kanya. I'm not gonna lie, Zach. You really look miserable.” He responded.

“Are you telling me to be a man again?”

“I am telling you to be yourself and show to them that you are not affected at all after all of their betrayals.” Sagot nito sa akin at saka siya nag-pamulsa.

“I am being myself—”

“You are escaping yourself as a man because you hated women. But you can't even realize that you are also trying to be a woman, Zachary. That you are wearing a clothes that most women wears? That you are desiring a guy? Don't you realized those things?” I remained silent as I am coming up with a response.

I'm not gonna lie, he got a huge point on me.

“You can't understand me at all, Ron” tanging wika ko sa kanya.

“I didn't study psychology for nothing, Zach. I do understand you. You sure have such an ironic characteristic and that just makes me laugh. You hate women yet you are not being a real man that their opposites and you're trying to escape the past you've been carrying.” Nakangisi nitong saad sa akin na aking ikinairap.

“I am being like this, I am being a gay to avoid having any romantic relation with any women. If I came back to the old me, all of them would definitely gonna flirt to me, make me love them, and then what? Betray me with my twin brother who's more sweeter than me, according to how fool they are.” Inis kong sagot sa kanya at saka ko siya tinignan ng masama.

“I wish I can just hypnotized you and command you to be yourself again.” Nakabuntong hininga niyang saad sa akin, kasunod nito ay ang pag-bubukas ng elevator namin. Nang palakad na kami palabas ay paika-ika namang lumapit sa amin si Alex.

His oversized shirt is filled by his sweat and chasing his breath, he crawled on the waxed tiled floor as he coughed and looked up at me.

What the hell happened to him?

Tumingin ako sa kan'yang pinanggalingan, doon ko lang napagtanto na imbis na gamitin ang iba pang elevator ay tinakbo niya pala ang hagdanan masabayan lang kami.

“What the hell! Didn't you used the other elevators?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Pinilit niyang tumayo at agad ko naman siyang inalalayan pero itinulak din niya ako kaagad.

Is he avoiding any physical contact with me because I'm gay?

Whatever.

“Ayos lang po hehe. Hindi ko po kasi alam gamitin ang elevator na iba.” Nakangiti nitong sabi sa akin.

He looks really cute for me, kaya agad na nang-init ang buong mukha ko dahil sa matinding adoration ko sa kanya. Ayaw ko naman mag tili-tili ng kilig dito dahil masyadong nakakaliit ng dignidad iyon pero hindi ko maiwasang kumuyom ang kamao ko at makagat ang aking labi. Agad akong umirap para magmukha akong naiinis imbis na kinikilig.

“Such a dumb! Whatever. Tara na!” Tanging usal ko lang at nag-madali na akong nag-lakad pauna sa kanya. Naramdaman ko namang sumunod siya kaya pasekreto akong napangiti at mas binilisan ko pa ang pag-lalakad ko.

“Alright then, Zach. Aalis na ako, take care.” Dinig ko pang sambit sa akin ni Ron pero hindi ko na pinansin pa iyon dahil mas nakatuon ako kay Alex sa likod ko na hinihingal habang ako ay kan'yang hinahabol.

Ipinag-patuloy ko ang aking pag-lalakad habang naka focus sa kanyang pag-sunod ngunit nang medyo malayo na ako sa kanya ay napahinto ako sa pag-lalakad at nilingon ko siya.

“Why aren't you following me?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.

“Andito na po yung kotche niyo.” Hinihingal niyang sagot sa akin dahilan para ako'y matigilan.

Wtf, Zach! Lutang!

Tumikhim bagang ako at saka pasimpleng nag-lakad pabalik sa kanya.

“I thought my car was there.” Pag-rarason ko at saka ko itinuro ang mga kotche sa likuran ko. “I mean the black one over there.” Dag-dag ko pa at saka ako umiwas ng tingin.

Tumingin naman siya doon ng may mga nag-tatanong na tingin.

“Wala pong itim na sasakyan dun, madame. Tapos pula po yung kotche niyo ngayon hehe” kan'yang wika sa akin na may mga pekeng ngiti.

“Whatever! Let's get inside, we're late in our flight!” Naiinis kong sambit sa kanya.

“May dalawang oras pa po bago ang flight.” Sagot nito sa akin na may mga hilaw na ngiti.

“Are you saying that I'm spacing out?!” Iritado kong sambit sa kanya saka ko siya inirapan, pagkatapos ay padabog akong sumakay sa back seat.

Nakakabuwisit talaga!

Pero ang cute niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status