Share

CHAPTER 35: The Father

Bigla nyang naalala na napagkuwentuhan nila yun ni Dexter sa batangas. Sinabi nila na nagpunta sila sa boracay ni Darwin at Marc. Naalala niyang napagkuwentuhan din nila ni Marc ang tungkol sa boracay. Naikwento niya kay Marc na nagtungo siya sa boracay dahil broken hearted siya sa isang lalake. Natandaan niyang sinabi ni Marc na nagtungo din sila doon. Kinuwento pa nito sa kanya na nabroken hearted ito sa dalawang babae sa boracay. Naalala din nya yung parehong birthmark ni Marc at Dj sa palad. Biglang pumintig ng malakas ang puso niya parang humihiyaw yun sa kagalakan na si Marc ang ama ni Dj.

Pilit niyang inalala yung gabing may nangyari sa kanila nung lalake sa boracay kaya lang ay wala siyang maisip na kahit na anong mag uugnay doon kay Marc. Bukod sa lasing sya noon at madilim sa kwarto ay hindi niya nakita ang mukha ng lalake at tanging yung kuwintas na yun lang ang meron siya na makakapagsabi kung sino ang lalakeng yun. At si Marc yun.

Nagtaka sya kung bakit DJ ang nakalagay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status