Share

CHAPTER 48: Dj

Nang magsimula na ang meeting kahit nanginginig ang kamay ay pinilit pa rin niyang makapagsulat. Pinipilit niyang intindihin ang kung ano ang mga naririnig niya para may maisulat sya kahit ang daming naglalaro sa isip nya. Bumalik din sa isip niya yung dating gumugulo doon tungkol sa katayuan nila sa buhay. Nararamdaman na naman niya kung gaano kalayo ang distansiya nila at dahilan din kung bakit ayaw sa kanya ng Daddy ni Marc. Bigla niyang naisip na marami talagang hadlang sa kanilang dalawa.

Pagkatapos ng meeting ay agad sya lumabas ng conference room.

Palabas na siya ng conference room nang marinig nya ang tanong ni Suzet kay Samantha.

"Kailan ang kasal?"

"Next month habang hindi pa halata ang tyan ko kaya minadali na namin ang preparation." Narinig niyang sagot ni Samantha bago sya tuluyang lumabas ng pinto.

Napapaisip siya kung sino ang tinutukoy ni Samantha na pakakasalan niya at ama ng dinadala niya. Iniisip niyang hindi yun si Marc dahil sinabi na nitong hindi niya pakakasala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status