SYD
“Uy… kinikilig yan!” Pang-aasar ni Kelly, na siyang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kinunutan ko siya ng noo. “Kinikilig? Pinagsasabi mo?” maang-maangan kong tugon, kahit na alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. “Sus! Denial Queen! Aminin mo… naguwapuhan ka rin sa kaniya, ano?” saad niya ulit. “Kanino ba kasi?” pagmamatigas ko. “Hay... kanino pa ba? Eh, ‘di roon sa stranger guy na first kiss mo!” walang prenong sagot niya sa akin. Pinamulahanan tuloy ako ng mukha. “Uy! Nagba-blush siya! Ibig sabihin, ‘di mo pa rin nalilimutan iyong Mystery Groom na iyon, ano?” Pinagtutulungan na nila ako ngayong asarin. Tinulak-tulak pa nga ni L.a ang gilid ng isang braso ko dahil sa hindi maitagong pagkakilig nito. Teka? Ano ba kasi ang nakakalilig doon? “Infairness, mga sissy, ha! Ka-look-a-like kaya ni Gong Yoo iyong stranger guy na iyon! Grabe! Ang guwapo! Oppa!” Kinikilig din na anas ni Maggi. Napaismid ako. “Gong Yoo, raw? Baka CongGo kamo!” pamimilosopo ko. Muling nagsalita si Maggi. “Pero, mga sissy, balita ko outsider iyong guy na iyon sa univers–“ “Sinong guy?” Sabay-sabay kaming napalingon sa taong nagsalita sa may likuran ko. Napaletrang O bigla ang bibig ko pagkakita sa nakangiting papalapit sa amin. Namilog din ang aking chinitang mga mata dahil hindi ko naman kasi siya inaasahang makikita rito. Itinaas-baba ko ang tingin kay Miguel. Shit! Nakapambahay lang siya! Ibig sabihin… nandito lang pala siya sa kanila? Ang buong akala ko ay umalis siya. Teka, narinig kaya niya? “Sino ba ‘yang pinag-uusapan ninyo, girls? At kanina pa kayo parang kinikilig diyan?” may pagtatakang tanong ni Migs. “Ni hindi ninyo na nga namalayan ang paglapit ko,” dugtong pa niya. Nagkatinginan kaming apat. Nagtanong siya. So, ibig sabihin, wala siyang narinig? Nilakihan ko sila ng mata isa-isa, lalong-lalo na ang pasaway na si Kelly. Pero mukhang hindi naman nito nakuha ang nais kong iparating sa kanila. Tangkang magsasalita na sana ang madaldal na ito nang maunahan siya ni Miguel. “Nevermind. Anyway, drinks? Mag-freshen up muna kayo. Mukhang mainit-init kasi ‘yang topic ninyo, eh.” At saka ko lang napansin ang mga dala niya. Inilapag niya ang puting tray na pinaglalagyan ng tatlong Mango Juice. Napangko naman ang tingin ko sa naiibang inumin na nakalagay rin dito. Wow! Magnolia Chocolait! Bigla tuloy akong nanakam. Favorite drink ko ito, eh! Teka… para sa akin kaya ito? Umayos ako sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang pagkapit ng isang kamay ni Miguel sa bakal na sandalan ng inuupuan ko. “Wait!” ani Kelly na nakataas pa ang isang kilay. “Bakit may pang-kid’s drink dito? Nagkamali ka yata ng lagay, Kuya Migs, eh. Pero, puwede na rin. Hmm… is it okay, kung akin na lang ito?” maarteng saad ng bruha. Tangkang kukuhain na sana ni Kelly ang Chocolait nang biglang mabilis na dinampot ito ni Miguel. Napatingin tuloy kaming apat sa kaniya. “Oops… ah– ah!” aniya sabay iling. “Sorry, baby girl, pero para kay Syd kasi ito,” nakangiti niyang sagot kay Kelly. “Oh, I see,” tanging nasabi na lang ni Kelly. Nagpalipat-lipat pa ang makahulugang tingin nito sa aming dalawa ni Miguel. Si Migs pa mismo ang nagtusok ng straw, sabay lapag ng brown tetra pack sa tapat ko. Napayuko ako at lihim na napangiti. Naaalala pa rin pala niya? Ito ang legit. To the highest level ang kilig ko ngayon— sobra!* MAG-A-ALAS cinco na ng hapon nang magpaalam sina L.a at Kelly. Hindi na raw sila magtatagal sapagkat may pasok pa sila kinabukasan. Halos dalawang taon na rin silang nagtuturo sa magkaibang eskuwelahan na kanilang pinagtatrabahuhan. Si Maggi naman ay ngayon pa lang nag-uumpisa sa kaniyang teaching career. Nabuntis kasi siya noon, kaya pansamantala muna siyang huminto dati sa pag-aaral. Pero atleast, nagpatuloy. Samantalang ako, heto, tambay at wala pa ring nararating sa buhay. Hindi ko maiwasan na makaramdam nang kaunting inggit sa kanila. Hindi ko naman sinasabing pinagsisisihan ko ang ginawa kong paghinto noon sa pag-aaral. Choice ko naman kasi iyon, eh. Mas kailangan nila mama at papa ang tulong ko noong mga panahon na iyon, kaya isinantabi ko muna pansamantala ang pansarili kong pangarap.Nag-alok din naman dati si Tita Allyson na pag-aralin ako habang nasa poder nila ako ng asawa niya. Pero tinanggihan ko iyon. Sapat na para sa akin ang ginagawa nilang pagtulong sa papa ko. Isa pa, kilala ko si tita. Okay naman siya kaso may pagkasumbatera. Lalo na kapag hindi ka umayon sa mga gusto niya o ‘di naman kaya, kapag sumasalungat ka sa kagustuhan niya. Gusto, laging oo ka lang ng oo sa kaniya. Tama na iyong kapatid niya na lang ang tulungan niya. Ayoko rin kasi na iasa sa iba ang tungkol sa pag-aaral ko. Tutal, bata pa naman ako. Hindi pa huli sa akin ang lahat. Saka ko na lang ulit ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo, kapag nakaipon na ako ng pera.* NAPAGPASIYAHAN ko na manatili na muna kina Maggi. Hindi pa rin kasi ako mapakali hanggang ngayon. Gustong-gusto ko nang makausap si Miguel. Gusto ko siyang komprontahin tungkol sa nangyari noong huli naming pagkikita— ang tungkol sa tangka niyang paghalik sa akin. Nais ko nang mabigyan ng kasagutan ang mga bagay na ilang araw na ring nagpapagulo sa isipan ko. Sinabihan ako ni Maggi na puntahan ko na lang daw ang kuya niya sa may veranda nila sa second floor. Hindi na ako nagdalawang-isip, kaya mabilis na akong nagtungo roon. Nadatnan ko si Migs na mag-isang nakaupo roon habang abala sa kaniyang ginagawa. Huminto ako sa paghakbang nang nahuluminigan ko ang musika mula sa tinitipa niyang gitara. Lalo akong napahanga sa kaniya nang marinig ko ang maganda niyang boses. Ang lamig sa pandinig. Iyong tipong tumatagos sa puso ang bawat letra ng kanta na binibitiwan niya. Nakaisip na naman ako ng kapilyahan. Binuksan ko ang cellphone ko at palihim siyang kinuhaan ng video. Tamang-tama dahil pa-side view ang puwesto niya. Kinuhaan ko rin siya ng ilang mga stolen shots. Aba! Minsan lang mangyari ito, kaya hinding-hindi ko ito puwedeng palampasin! Hindi man ako pamilyar sa kanta pero feeling ko, isa na ito sa mga magiging favorite ko, simula ngayon.I miss you like crazyEven more than words can sayI miss you like crazyEvery minute of everydayGirl, Im so downWhen your love’s not aroundI miss you… miss you… I miss you… Hindi ko na namalayan na sobrang nai-enjoy ko na pala ang ginagawa kong ito kay Miguel. Napapitlag ako. Hindi ko inaasahan ang biglang pagbaling ng tingin niya sa lugar na kinatatayuan ko. Kuhang-kuha sa video ang ganda ng pagkakangiti niya habang nakatingin sa akin. Para bang… expected niya na, na kanina ko pa siya pinagmamasdan.I missed you like crazy Tila nanayo ang balahibo ko. Pakiwari ko'y, humaplos sa puso ko ang huling mga letra na iyon. Mahina kong ipiniling ang ulo. Asyumera ka na naman, Cindy! Saway ko sa sarili. Ini-stop ko na ang pagkuha ng video. Isinenyas ni Miguel ang isa niyang kamay tanda ng pag-ayon niya sa paglapit ko. Mahigpit muna akong napalunok bago ko sinunod ang nais niya. Sinusundan niya ako ng tingin habang humahakbang, palapit sa kaniya. “Upo ka rito, sa tabi ko,” alok niya. Ininguso niya ang isang single bean bag na upuan, na nasa kanang bahagi niya at doon niya ako pinauupo. Tumango ako at sinunod nga ang sinabi niya. “Gusto mo raw ako makausap?” agad na tanong ni Miguel sa akin. Ang mga daliri niya ay patuloy pa rin ang pagtipa sa gitara. Tumango ako. “Ah… eh… oo, sana.” Nakanguso siyang tumingin sa akin. “Hmm… tungkol saan naman?” muling tanong niya. Kahit na nilulukuban nang sobrang hiya ay naglakas-loob pa rin akong ituloy ang pagtatanong sa kaniya. “I-iyong tungkol sa nangyari noong nakaraan, Kuya Migs. A-ano ba ang ib–“ “That’s nothing, Syd,” putol niya sa pagsasalita ko. Biglang nalaglag ang balikat ko. Naguguluhan man ay nagawa ko pa rin siyang tingnan sa kaniyang mga mata.“N-nothing?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Muntik niya na akong mahalikan! Tapos... sasabihin niyang, that's nothing!? “Per–” “Shhh…” aniya, sabay dunggol ng hintuturong daliri sa aking nguso. Grabe, ha! Nagulat ako sa ginawa niyang iyon! Hindi pa siya nasiyahan at malakas niya pang pinanggigilang pisilin ang kaliwang pisngi ko. “Aray!” singhal ko. Asar-talo kong hinawi ang kamay niyang nakakurot pa rin sa mukha ko. “Ano ba! Kuya Migs, masakit!” Feeling ko, nangapal itong pisngi ko, pagkabitiw niya sa pagkakapisil dito. Pero imbes na tumigil ay ang nananahimik ko namang buhok ang pinag-initan. Ginulo-gulo pa niya lalo ito. Hindi mawala ang mga ngiti niyang umabot na yata hanggang tainga, na halatang enjoy na enjoy sa ginagawa niyang kalokohan. Naaasar man, pero aaminin ko na nagugustuhan ko ang ginagawa n'yang panghaharot sa akin. Natahimik si Kuya Miguel. Natigilan din ako dahil sa nakakailang niyang pagtitig. Hindi ako sigurado, pero pakiramdam ko, may ibang ibig ipahiwatig ang malamlam niyang mga mata dahil sa klase ng tingin na ipinupukol niya. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga, bago niya sinambit ang mga kataga na magpapaalala sa akin, kung hanggang saan lang ako dapat na lumugar sa buhay niya. "Forget it. I just missed you, my long lost favorite girl friend, that's why."* MIYERKULES, mag-aalas quatro na ng hapon. Kauuwi ko lang, galing sa in-applyan naming production company ni Noreen. Magandang balita ang ipansasalubong ko sa amin. Nakapasa kasi kami sa ginawa naming mga exams doon. Feeling ko nga, bumalik ako sa pag-aaral dahil sa dami ng ipina-take sa amin na tests kanina. Hihintayin na lang namin ni Noreen na tawagan kami ng HR, para sa schedule naman ng pagpapa-medical namin. Kaninang umaga, nakasabay ko maggayak si mama dahil may sarili rin siyang lakad. Nagpadala kasi ng mensahe sa kaniya kahapon ang sekretarya ng AG Foundation. Iniimbitahan nito ang lahat ng mga beneficiary ng foundation sa ika-labing apat na taon nitong anibersaryo na gaganapin ngayong araw. Excited nga si mama, sapagkat taun-taon, mayroon daw silang ipinamimigay na malalaking papremyo sa pa-raffle games nila. Isinama ni mama ang kapatid kong sumunod sa akin, na si Jasper. Limang taon ang agwat ko sa kaniya. First Year College na siya ngayon, sa kursong Bachelor of Mechanical Engineering at ang AGF din ang nagpapaaral sa kaniya. Nandito na ako sa tapat ng bahay namin nang madatnan ko si papa na abalang inaayos ang mga pananim niyang iba’t ibang uri ng Cacti. Sadyang malaki ang naitulong sa kaniya ng pag-aalaga ng mga halaman. Ito na ang nagsilbing therapy ni papa, simula noong maka-recover siya sa pagkaka-stroke. Totoo nga ang mga sinasabi ng ilan, na ang pagtatanim ay nakatutulong sa pagkakaroon ng payapang kaisipan, nakakabawas ng anxiety at stress ng isang tao. Nahagip din ng mga mata ko ang nagkalat na mga tools sa lapag. Pinipilit pa rin palang ayusin ni sangko iyong lumang pampasadang tricycle ni papa. Noon pang nakaraang araw sinusubukang kumpunihin ni Sangko Rommel ‘yong lumang pampasadang motorsiklo ni papa. Ito ang pinakahuling naipundar ni papa, simula nong nagpasya na siyang huminto sa pagtatrabaho sa abroad. Naisipan kasi ni Sangko na ito na lang muna sana ang gagawin niyang side line habang wala pa siyang nahahanap na bagong trabaho. Pero dahil na rin siguro sa may kalumaan na at matagal ring nakatengga, kaya hirap na siyang ma-repair ang ilang mga parte nito. Mahal pa naman ang kakailanganing mga piyesa para sa pagre-recondition ng motor. “Papa, nandito na po ako!” Napalingon si papa sa gawi ko. Hawak niya ang isang may kahabaan nang Myrtillocactus. Marahil, inihiwalay niya ito mula sa iba pang mga kasama nito at ililipat niya sa nakabungkal nang lupa. “Oh, anak, mabuti at maaga kang nakauwi. Kumusta ang nilakad mo? Teka, nakapananghalian ka ba kanina, ha?” tanong sa akin ni papa. “Sandali lang at ipaghahanda kita ng merienda.” Tangkang bibitiwan na sana ni papa ang hawak niyang Cactus pero pinigilan ko siya. “Huwag na po, pa. Dumaan po kami ni Noreen kanina sa Talipapa. Nag-merienda na po kami ng Kwek-kwek at Kikiam, pati na rin po ng palamig, kaya okay na okay pa po ako. Ahm… nakauwi na rin po ba sina mama at Jasper?” “Hindi pa, anak. Miyerkules ngayon, alam mo na… Baclaran Day, kaya baka nagsimba pa sila. At saka, alam mo naman na sobrang trapik talaga sa Maynila kapag ganitong araw, hindi ba? Kaya baka medyo gabihin na rin sila makauwi.” “Sus! Araw-araw naman pong trapik sa Maynila, hindi lang tuwing Miyerkules.” Natatawang sagot ko kay papa. Pati siya ay nakitawa na rin. “Tulungan ko na po kayo riyan?” alok ko sa kaniya. Tumango si papa. Ipinatong ko muna sa kawayang upuan na naririto ang bitbit kong backpack at bumalik din agad sa kinapupuwestuhan ng mga Cacti. Pinagbubunot ko ang mga ligaw na damo sa paligid ng mga iyon. Inayos ko rin ang arrangement ng ilang maliliit na paso, na pinagtataniman ng mga Bishop’s Cap at Star Cactus. Hindi ko naman maiwasang mapangiti, pagkakita ko sa mga bagong bukadkad na bulaklak ng The Queen of The Night— isa ito sa mga paborito kong uri ng cactus na inaalagaan ni papa. “Nga pala, hija. Dumaan dito kanina si Miguel at hinahanap ka." Agad akong napalingon sa gawi ni papa. “Talaga po? Ano raw po ang kailangan niya?” may pagtatakang tanong ko. “Sinabi po ba ni Kuya Migs, kung bakit niya ako hinahanap?” “Sinabi ko, maaga kang umalis dahil mag-a-apply ka ng trabaho. Wala naman siyang nabanggit kung bakit ka niya hinahanap. Pero may iniwan siyang supot. Para sa iyo raw ‘yon. Tingnan mo na lang doon sa loob, nakapatong sa lamesa,” sagot ni papa. Mabilis akong tumayo, sabay pagpag ng kamay. Tinanggal ko ang suot kong gardening gloves nang masiguro na wala ng mga nakakapit na lupa rito at agad na nagpaalam kay papa. Excited akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko kaagad ang supot na sinasabi ni papa. Napailing ako, sabay kamot sa ulo. Brown paper bag naman pala iyong tinutukoy ni papa na supot. Ang buong akala ko, supot na may lamang pansit! Nilapitan ko na iyon at agad na sinipat ang laman. Kagat-labi akong napangiti nang makita ko ang mga laman nito. Hindi ako makapaniwala! Hindi mawala ang pagkakangiti ko at tila ba’y nagkikislapan ang aking mga mata, habang isa-isang inilalabas sa supot ang isang jar ng Chupachups, isang pack ng Juicy Fruit Gum, isang balot ng Boy Bawang at pati na rin ang isang litrong Magnolia Chocolait na ipinabibigay ni Kuya Miguel sa akin.SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.