แชร์

Chapter 84

ผู้เขียน: LMCD22
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-07 19:23:09

3rd Person's Point of View

Galit na galit na sinirado ni Samantha ang pintuan ng sasakyan niya.

Malakas ang tunog ng pagkapasara nito na tila sumasalamin sa nag-aalab na galit na kumukulo sa loob ng kanyang dibdib.

Halos umalingawngaw ang tunog sa malawak at tahimik na driveway ng kanilang mansion.

Mabilis at mabibigat ang hakbang niyang naglakad papasok ng mansyon, ang matataas na takong ng kanyang sapatos ay nag-e-echo sa marmol na sahig.

Ngunit bigla siyang natigilan sa kalagitnaan ng kan
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
Akala ko sasabihin na naman ni Dorryn na Alien si Samantha....hehehe....pero bkt isa lang UD mo Miss A
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 229

    3rd Person's Point of ViewNakatulala si Leander habang nakatingin kay Dorryn. Para bang hindi pa rin niya matanggap ang mga katotohanang isa isang nabubunyag sa harapan niya. Ang mga impormasyong iyon ay tila malalaking alon na sunod sunod na humahampas sa kanyang isipan."You must be kidding, right?" wala sa sarili niyang saad.Nanatiling tahimik si Dorryn. Hindi siya nagsalita at sa halip ay napatingin lamang siya kay Darrel na noon ay seryoso ring nakatingin kay Leander."Bro, about that..."Agad namang napalingon si Leander sa lalaki."Don't tell me isa ka ring assassin, Darrel?"Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Darrel bago siya bahagyang tumango."Yes. Ang pamilya namin ay isang assassin at nasa dugo na namin ang bagay na iyon."Bahagyang natahimik ang paligid.Tanging ang malamig na hangin mula sa labas ang tila gumagalaw sa loob ng silid habang pinoproseso ni Leander ang lahat ng kanyang naririnig.Napatingin si Darrel sa kanyang kapatid."Kahit lumaki na or

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 228

    Dorryn's Point of ViewNatahimik ang buong sala matapos ang mga salitang binitawan ni Leander. Ang dating maaliwalas na hangin sa loob ng bahay ay tila biglang bumigat. Para bang may hindi nakikitang pader na namamagitan sa aming lahat habang nakatingin kami sa isa't isa.Hindi ko maiwasang mapaisip.Paano niya nalaman?Paano niya nalaman na isang mafia ang asawa ko?Nanatiling seryoso ang ekspresyon ni Leander habang nakatingin sa akin. Makikita sa mga mata niya ang pag aalala, ngunit may kasama ring pagdududa at takot."Alam mo naman 'di ba kung ano ang mafia?" tanong niya. "Delikado sila at hindi makakapagkatiwalaan."Bago pa man ako makapagsalita ay biglang tumayo si Nando.Mabilis.Napakabilis.Sa isang iglap lamang ay nakatutok na ang malamig na dulo ng baril niya kay Leander.Agad namang namutla ang mukha ng lalaki.Samantalang ako ay nanatiling tahimik.Wala akong emosyon na ipinakita habang nakatingin lamang sa kanya.Hindi rin ako nagulat.Kilalang kilala ko si Nando.At ala

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 227

    Dorryn's Point of ViewNatapos na rin kaming kumain at kasalukuyan kaming nasa sala ng mansyon. Kumportable akong nakasandal sa malambot na sofa habang marahang hinihimas ang aking tiyan. Pakiramdam ko ay para akong isang batang pinakain ng paborito niyang pagkain buong araw dahil sa sobrang kabusugan. Ang init ng pakiramdam sa loob ng bahay ay nagbibigay ng kakaibang ginhawa at katahimikan na tila ba pansamantalang pinatitigil ang lahat ng problema sa mundo.Sa paligid namin ay maririnig lamang ang mahinang ugong ng air conditioner at ang mahinang kaluskos ng mga kasambahay na nagliligpit ng pinagkainan sa kusina. Ang mga ilaw sa sala ay nagbibigay ng banayad na liwanag na lalo pang nagpapakalma sa kapaligiran.Napatingin ako kay Leander na nananatiling nakaupo sa kabilang sofa. Katabi niya ngayon si Kuya Darrel na tila komportable ring nakikipagkwentuhan sa kanya. Samantalang ako naman ay nakaupo sa tabi ni Nando.Hawak niya ang isa kong kamay habang nakasandal ako sa kanya.Actuall

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 226

    Dorryn's Point of View“What do you mean, Leander?” nagtataka kong tanong habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.Bahagyang humangin sa paligid at marahang sumayaw ang ilang hibla ng buhok ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kaseryoso ang ekspresyon niya. Kanina pa siya tila may gustong sabihin na mabigat, ngunit hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung ano ba talaga ang ipinag-aalala niya.“I know hindi mo maintindihan kung bakit ko sinasabi ang bagay na ito pero ayokong mapahamak ka sa asawa mo.”Napakurap ako at bahagyang napakunot ang noo.“Ha? Hindi naman niya ako pinahamak eh.”Agad siyang napabuntong hininga na para bang matagal na niyang kinikimkim ang bagay na gusto niyang sabihin.“Hindi nga pero ang mga kalaban niya... oo.”Lalo naman akong nalito sa sinabi niya. Totoo naman na hindi ordinaryong tao si Nando. Marami siyang nakakaharap na mapanganib na tao dahil sa posisyon niya. Ngunit sa lahat ng panahon na magkasama kami, ni minsan ay hindi niya hinayaang may

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 225

    Dorryn's Point of ViewInalalayan ako ni Nando habang dahan dahan kaming bumababa mula sa sasakyan. Katatapos lamang ng klase ko at pakiramdam ko ay para bang naubos ang lahat ng enerhiya ko sa buong maghapon. Mainit ang sikat ng araw ngunit banayad ang ihip ng hangin na sumasalubong sa amin habang nakatayo kami sa harapan ng napakalaking mansyon.Napatingala ako sandali sa kalangitan bago iniunat ang aking mga braso.Nag stretching ako at napapikit nang ilang segundo.Pagod na pagod talaga ako.Ang gusto ko na lang ay kumain ng masarap na pagkain at pagkatapos ay humiga sa malambot na kama habang yakap ang unan."Wife, are you hungry?"Napalingon ako kay Nando na agad kong nakitang nakatingin sa akin nang may pag aalala at lambing sa kanyang mga mata."Yes, dong. Gutom na kami ni baby."Ngumiti ako habang hinahaplos ang tiyan ko.Ilang buwan pa lamang ang lumilipas ngunit hindi ko maiwasang kausapin ang baby namin na para bang naiintindihan na nito ang lahat ng sinasabi ko.Agad nama

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 224

    3rd Person's Point of ViewNakanganga si Leander habang nakatingin kay Darrel. Para bang hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip niya ang impormasyong kakarating lamang sa kanya. Kanina pa niya pinipilit pagdugtungin ang mga piraso ng katotohanan sa loob ng kanyang isip, ngunit habang mas maraming nalalaman ay mas lalo lamang siyang nalilito.Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng binata na nasa harapan niya.Ngayon niya napansin ang mga bagay na hindi niya nakita noon.Ang hugis ng mga mata.Ang kulay ng buhok.Ang paraan ng pagngiti nito.At higit sa lahat, ang kakaibang pagkakahawig nito kay Dorryn.Kung hindi lamang niya lubos na kilala ang dalaga, baka noon pa man ay napansin na niya ang koneksyon ng dalawa.Unti unting bumukas ang kanyang bibig habang pilit inuunawa ang lahat."She's my long lost sister."Parang huminto ang oras sa paligid nila.Napakurap si Leander."Paano? So ibig sabihin hindi si Samantha ang nawawala mong kapatid kundi si Dorryn?""Yes. Bago lang namin nalaman

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 67

    Dorryn’s Point of ViewHindi ko alam pero kanina pa hindi mapakali ang isipan ko. Parang may maliit na tinik na nakabaon sa dibdib ko at hindi ko maalis. Sino ba naman kasi ang babaeng ’yun?Paulit ulit sa isip ko ang pangalan na nakita ko sa screen ng cellphone niya. Hindi ko man nabasa nang buo,

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-30
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 70

    Dorryn's Point of View*Hindi ko namalayan na halos maubos ko ang lahat ng desserts na nakahilera sa mesa. Mula sa malalambot na macarons na parang ulap sa tamis, hanggang sa makinis na tsokolateng cake na tila natutunaw sa bawat dampi ng dila ko, isa isa ko silang nilasap na parang wala akong pak

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-30
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 64

    Dorryn’s Point of ViewIlang araw ang lumipas na tila ba masyadong payapa ang mundo, isang katahimikang halos hindi ko na makilala. Hindi muna nagparamdam si Eduardo. Para bang ang matandang iyon ay napagod na rin sa kakaisip ng mga plano niya at nagpahinga muna sa kung saan mang sulok ng kanyang m

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-29
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 61

    Dorryn's Point of ViewNapalunok pa rin ako nang maramdaman ko ang matalim at mapanuring mga titig ni Eduardo na tila sinusuyod ang bawat bahagi ng aking mukha, para bang hinahalungkat niya ang mga alaala na matagal nang ibinaon sa limot. Parang may malamig na hangin na dumaan sa aking batok, dahi

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-28
บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status