Share

Chapter 6. Dear Girlfriend

Napag usapan na namin ni Dustin ang aking pag re-resign sa trabaho dahil lilipat na ako sa kanilang kumpanya ayon sa aming kontrata. Mas malaking sahod at magandang benepisyo ang aking matatanggap. Maaga akong nagtungo sa aking pinagtatrabahuhan para asikasuhin ang aking resignation papers at iligpit ang aking mga gamit.

“Irish!” Masayang tawag sa akin ni Janeth na kaibigan ko at kasama sa trabaho.

“Oh Janeth, kamusta ka?”

“Ayos naman ako. Ikaw kamusta na? Bakit kailangan mo mag resign?” Malungkot na tanong ni Janeth sa akin.

“Gusto mo magkape?” Nakangiti kong tanong sa kanya.

Kumuha kami ng kape sa pantry at nagtungo sa rooftop para makapag usap. Magaan ang loob ko kay Janeth halos bestfriend na ang turing ko sa kanya. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng naganap sa aking buhay sa mga nakalipas na linggo at hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi.

“Walang hiyang Jared yun! Pagkatapos ka niyang pakinabangan ng husto lolokohin kalang pala niya! At ang walang hiya mong bestfriend naku!” Galit na galit si Janet habang nagsasalita. Na touch naman ako sa kanya dahil naramdaman kong may isa ulit akong kakampi sa buhay bukod kay mama at Dustin.

“Hayaan na natin sila Janeth, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang bago kong buhay at masaya ako na ayos na si mama sa kabila ng mga nangyari sa akin parang nagpapasalamat na rin ako dahil nakilala ko si Dustin na tumutulong sa amin ni mama ngayon at sumusuporta.”

“Pero Irish, sigurado ka na ba sa gagawin mong pagpapakasal sa kanya kay Dustin? Paano kung matutunan mo siyang mahalin sa kabila ng inyong pagpapanggap?”

Natigilan ako sa sinabi ni Janeth may point siya. Ngayon pa nga lang ay may namumuo ng kilig sa aking puso para kay Dustin paano pa kaya kung magkasama na kami sa bahay. Ininom ko ang kape na aking hawak bago sumagot sa kanya.

“Don’t worry Janeth, I will make sure na mananatiling kontrata ang lahat. Hindi ako magpapadala sa aking damdamin para walang maging problema. Ayoko na rin masaktan takot na akong magmahal muli.”

Hinawakan ni Janeth ang aking kamay at ngumiti sa akin, “Nandito lang ako Irish, as your bestfriend kung okay lang sayo?”

Ngumiti ako ng ubod ng tamis maligaya ang aking puso sa aking narinig, “Thank you best friend!” Nag yakap kami ni Janeth na halos maluha ako sa kaligayahan.

“Irish, may hiring pa ba dun sa kumpanya nila gusto ko rin lumipat alam kong mas malaki ang sahod sa kumpanya nila at maganda ang mga benepisyo”

“Don’t worry itatanong ko kay Dustin at babalitaan kaagad kita.”

Bumalik na kami sa loob ng kumpanya at inayos ko na ang lahat ng aking mga gamit. Nakausap ko na rin ang aking boss nanghihinayang man siya na bitawan ako ngunit wala naman siyang magagawa dahil alam niya na mas magandang kumpanya ang Intel Telecommunication Company kaya naman he just wish me goodluck sa aking paglipat.

Umuwi na ako kaagad sa aming bahay kahit inaya ako ng aking mga ka trabaho na mag celebrate para sa aking paglipat sa mas magandang kumpanya. Naabutan ko si mama na nagluluto para sa aming hapunan.

“Mama, nakauwi na po ako!” Masaya kong bati kay mama.

“Anak, nandyan ka na pala kamusta ang pagpapaalam mo sa trabaho?”

“Ayos naman po Ma. Ano po niluluto nyo?” Niyakap ko si mama mula sa kanyang likuran.

“Sinigang na baboy isa sa paborito mo.” Nakangiti na sabi ni mama.

“Wow! Mapaparami na naman ang kain ko nito Ma.”

“Sige na magbihis ka na muna sa kwarto mo malapit na ito maluto.”

Umakyat na ako sa aking kwarto upang mag shower. Ibinabad ko ang aking katawan sa bathtub at nag muni-muni. Hindi ko alam kung anong trabaho ang naghihintay sa akin sa kumpanya nila Dustin pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi naman mapahiya si Dustin sa pagpasok sa akin sa kanilang kumpanya.

“Anak! Bumaba ka na kakain na tayo!” Malakas na tawag sa akin ni Mama.

Tumayo na ako at nag banlaw ng katawan at nagbihis. Ilang saglit pa ay nasa kusina na ako naabutan ko si mama na naghahanda sa hapagkainan. Kaagad ko siyang tinulungan at nag umpisa na kaming kumain.

“Irish, kamusta ang pagpapakilala mo sa pamilya ni Dustin naging maayos ba ang lahat?” Tanong ni mama habang kumakain kami.

“Maayos naman po ang lahat Ma. Mabait po silang lahat sa akin.”

“Anak, nakokonsensya ako sa ginagawa nyo ni Dustin na pagpapanggap. Alam kong hindi nyo dapat yan ginagawa pero wala akong magawa para pigilan man lang kayo.”

Hinawakan ko ang kamay ni mama, “Ma, alam ko rin naman po na hindi ito tama pero ito lang po ang paraan para makaganti sa kabutihan ni Dustin sa atin. Isang taon lang naman po kami magsasama bilang mag asawa Mama, kapag ikinasal na po kami pagkatapos po ng aming kontrata ay tahimik po kaming maghihiwalay.”

Hindi na nagsalita si mama kumain na lang kami ng tahimik. Alam ko na labis ang pag aalala sa akin ni mama. Pero hindi na ako makakaurong pa sa kontrata namin ni Dustin dahil nagawa na niya ang part niya kaya ako naman ngayon ang kailangan tumupad sa aming usapan.

Natapos na kaming kumain ni mama kaagad kong hinugasan ang aming pinagkainan at pinagpahinga ko na si mama sa kanyang kwarto. Pagkatapos maghugas ay kumuha ako ng chips sa cabinet mahilig ako kumain ng kung anu-ano bago matulog habang nagbabasa ng novel o nanonood ng movie. Nasa kwarto na ako ng tumunog ang aking telepono nakita kong tumatawag si Dustin.

“Hello Dustin, what’s up? Bakit ka tumawag?” 

“Wala naman gusto ko lang kamustahin kung okay na ang lahat? Handa ka na ba para bukas sa bago mong trabaho?” Tanong ni Dustin mula sa kabilang linya.

“Yes ayos na ang lahat. Uhm..I don’t know Dustin, pero kinakabahan ako para bukas excited ako na ewan.” Nakangiti kong sabi.

“It’s alright Irish, everything will be fine tomorrow, leave it to me okay.”

Naiimagine ko ang itsura ni Dustin na nakangiti habang nagsasalita at lihim na naman na kinikilig ang aking puso.

“Salamat Dustin.”

“You're welcome my Dear girlfriend.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dustin mula sa kabilang linya, “Sira ka talaga akala mo totoo.”

Natapos ang pag uusap namin ni Dustin. Humiga ako sa kama at hindi ko mapigilan na ngumiti.

“Girlfriend…ang saya siguro kung totoo ang lahat,”Bulong ko sa aking sarili bago ipikit ang aking mga mata patungo sa pagtulog.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Christine Joyce Basco
Nice story! Hoping for more exciting chapters.
goodnovel comment avatar
Albert Payag
More update! ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status