Share

[SAMUEL] Part6.3: Chapter3

NANG sumapit ang dilim, nakapalibot ang mga magkakaibigan sa bonfire. Nag-iinuman at nagkukuwentuhan silang lahat.

“Hey, guys, laro tayo!” wika ni Cassandra, animo’y lasing na.

“Game, ano bang laro ’yan?” tugon ni Johan habang niyayapos niya si Tisay.

“Truth or dare.” Pinulot niya pa ang boteng wala nang laman at itinaas iyon. “Alam n’yo siguro yung laro sa bote thingy, ano?” dugtong ni Cassandra. Tumango-tango naman ang mga kasama nito.

“Sige, sige, simulan mo na!” parang inip na sambit ni Benjamin. Tinungga nito ang alak na hawak niya at humithit pa ng sigarilyo sabay buga sa kung saan.

“Okay,” aniya ni Cassandra at ipinaikot ang bote. Matapos niyon ay tumapat ito sa harap ni Benjamin.

“Oh f*cking hell! Ako talaga?” di-makapaniwalang angil nito.

“Alangan na sa ’min?” pambabara ni Cassandra. “Truth or dare?” dagdag pa niya.

“Hmm... Dare!” sagot ni Benjamin. Akmang magsasalita na sana si Cassandra nang unahan siya ni Prelim.

“Yakapin mo si Cass nang limang minuto,” utos ni Prelim kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status