Share

Chapter 56

"Likewise," palaban na sagot ni Carnation kay Tilaine at nilabanan ang masama nitong tingin sa kanya. Oo, mas maganda si Tilaine, sexy at mayaman, pero hindi siya magpapatalo dito! Ito nga ang almost perfect… Na kay Tilaine na lahat ng pwedeng hilingin ng isang katulad niya na pinagkaitan ng mundo sa maraming aspeto ng buhay. Pero buo ang loob niya na labanan ang babae dahil alam niyang sa huli siya ang nakasungkit ng puso ni Luca.

Isang nanunuya na ngisi ang tugon ni Tilaine sa kanya. Pinag-cross nito ang mga braso sa harap ng dibdib. "That's good to hear. Hindi natin kailangan magustuhan ang isa't-isa. Sa tingin ko, alam mo na ang tunay na relasyon namin ni Luca." Sandali siyang natigilan ngunit marahan na tumango bilang tugon sa babae.

"At kampante ka na niyan?" makahulugan na tanong ni Tilaine. Nakunot ni Carnation ang noo. "Huwag ka munang magdiwang dahil sa nalaman mo. Malay natin may gawin ako at magbago ang ihip ng hangin…"

Hindi napigilan ni Carnatio

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status