"Hindi ako sang-ayon sa kasal n'yo ni Binibining Mist." Natigilan si Wren na nakaupo sa driver's seat ng sasakyan at nilingon ang kapatid na nakaupo sa passenger seat. Magkasama silang dalawa dahil gusto ni Wren na ilabas ang nakababatang kapatid na babae para mag-dinner "Mhmm? Why so sudden? Hindi na lang ang boyfriend mo ang kontrabida sa love story namin ni Mist, pati na rin ikaw. Bakit?" Umikot ang mata ni Carnation. "Hindi ako kontrabida kuya, hindi lang talaga ako payag na si Binibining Mist ang maging asawa mo." "Bakit nga?" "Feeling ko ginagamit ka lang niya. Malakas ang kutob ko kuya, I'm sure may binabalak siya." Hindi niya alam kung ano binabalak ni Mistina, pero sigurado talaga siya na kaya ito magpapakasal sa kapatid niya, dahil gusto nitong gamitin si Wren sa kung ano man ang plano nito. "You don't have to worry about her and our wedding. Hindi naman ikaw ang pakakasal sa kanya, bakit kailangan mo pang alalahanin ang bagay na iya
Papasok pa lang si Carnation ng Casa de Lujuria, nang bumaba siya ng taxi ay bigla siyang hinablot ni Lizette sa kamay at hinila papasok ng hotel. Gulat niyang nilungon ang kaibigan at hiniyaan itong hatakan siya. “Bakit ka nagmamadali? May nangyari ba sa loob?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan nang mapansin itong hindi mapakali. Nasa loob na sila ng elevator patungong Casa de Lujuria. "Gising na raw si Farkas," tila maiiyak na sagot ni Lizette. Hindi niya sinasadya na matawa pero ang cute lang kasi ng kaibigan niya, alalang-alala sa baby boss nila. "Walang nakakatawa, Mauve! Alam mo ba na sobrang nag-alala ako sa hayop na iyon!" "Chill ka lang. Hindi mo naman kailangan sumigaw. Alam kong nag-aalala ka kay Farkas." Binitawan ni Lizette ang kamay niya. Sumimangot ang kaibigan na humarap sa pinto ng elevator. "Bakit hindi mo pinuntahan si Farkas? Hinintay mo pa talaga ako." "Bakit sa tingin mo papayagan nila akong pumasok sa kwarto niya? Isa pa, nar
Bumukas ang pinto ng opisina ni Luca at lumabas doon ang apat na lalaki. Hindi niya pa nakita ang mga lalaking ito, ngayon pa lang. Sunod na lumabas ng opisina nito si Luca na agad siyang napansin na nakatayo sa lobby. Nagkunot ito ng noo nagtataka kung bakit naroon siya nakatayo suot lamang ang manipis na roba. Nag-iwas siya ng tingin sa binata at niyuko ang ulo. Binati niya ang mga lalaking dumaan sa harap niya kasama na ang kasintahan na lumingon pa sa kanya ng isang beses bago ito tuluyang lumakad kasama ng mga lalaki. Wala sa sariling nagkuyom ni Carnition ang kamao. Hinabol niya ng tingin ang papalayong binata na 'di na muli lumingon sa kanya. Ano ang nangyari? Bakit pakiramdam niya may nagbago dito? Iba ang mga tingin ng binata sa kanya nang nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig ang tingin nito na para bang hindi siya kilala, at iyon ang unang beses
“Hindi ka ba ihahatid ni Carnation?” nanunukso na tanong ni Farkas na nakaupo sa shotgun seat, habang siya ay nasa backseat. They’re now waiting for Mistina na sobrang tagal bumaba, dahil ang daming dala. “She doesn’t want to go,” nagdaramdam niyang sagot sa kapatid. Tinawagan niya ang dalaga kagabi para sana imbitahan itong sumama sa paghahatid sa kanila sa airport, pero nagbilin lang itong mag-iingat siya sa byahe. Hindi niya tuloy alam kung aalis ba o huwag na lang. Halata kasi sa boses ng dalaga kagabi na nagtatampo pa rin ito. “Aww… So sad naman niyan, bro. Baka pagbalik mo may ibang nagko-comfort na sa girlfriend.” Sulsol pa ng kapatid niya at malakas na tumawa. Sinamaan ito ng tingin ni Luca at ipinakita ang middle finger niya sa kapatid, lalong lumakas ang tawa niyo dahil sa ginawa niya. “Bakit kasi hindi ka na lang magpa-iwan dito?” “Shut up, Fast. You know why I’m going with you.” “Because you miss dad?” Malutong na nagmura si Luca. Si Farka
Malaki ang bawat hakbang ng magkapatid na Lindenhurst nang makarating sa ospital kung saan dinala ang kanilang ama. Nang matagpuan nila ang silid kung saan ama, agad silang sinalubong ni Samantha. Mukha itong wala pang tulong ng ilang araw, ang masayahin at maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng stress. “Samantha, kumusta ang dad?” nag-aalala na tanong ni Mistina. Hinawakan nito ang kamay ng kanilang stepmother at marahan itong hinila para maupo sa couch na naroon sa silid. “Ano ang sabi ng mga doctor?” “Stable na siya. Wala na sa bingit ng kamatayan, pero ang sabi ng doktor ay huwag daw natin i-stress ang daddy ninyo.” Malalim na nagpakawala ng buntong-hininga si Luca at nilingon ang ama na payapang natutulog sa kama nito. Hindi niya inakalang makikita niya ang ama sa ganitong kalagayan. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit inatake siya sa puso?” Iritableng tanong ni Farkas at na upo sa kabilang bahagi ng couch kung saan nakaupo si Mistina at Samantha. Si Luca naman ay doon naupo sa s
“Hindi pa ba tumatawag sa iyo si Farkas?” tanong ni Carnation sa kaibigan na nakaupo sa sofa at kumakain ng mangga na may bagoong. Binisita niya ito dahil gusto raw na may kasama na kumain ng hinog na mangga na sinasawsaw sa bagoong. Ngunit hindi naman niya maatim na kumain dahil hindi niya talaga ma-imagine ang lasa! “Hindi pa. Hayaan mo ang baliw na iyon, hindi ko naman siya kailangan.” Napailing siya sa sinabi ng kaibigan. “Kailan mo itong sabihin sa kanya Lizette. Hindi pwedeng solohin mo lang ang tungkol sa bagay na ito. Dalawa kayong gumawa nito, dalawa din kayong dapat na humarap sa naging resulta.” “Hindi ko siya kailangan,” malumanay na sagot ni Lizette. “Nag-resign na ako at wala na kaming koneksyon sa isa’t-isa. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko at ang maliit na... “ Matunog na lumunok si Lizette. “Kaya kong buhayin ang maliit na taong ito sa loob ko.” “Ayaw mo bang lumaki ang batang iyan na may ama?” “May ama naman talaga siya.
Two years later. . . "Good Morning, Ma'am." "Good Morning! Si Kuya Wren ba pumasok na?" tanong ni Carnation sa secretary nang pumasok siya ng sariling opisina. "Hindi pa dumating si Sir Wren. Pero sigurado naman po na papasok iyon ngayon. Last week lang sila dumating ng asawa niya after ng honeymoon nila," imporma naman nito at sumunod sa kanya. "Ganun ba?" Hinubad ni Carnation ang suot na suit at sinampay sa sandalan ng swivel chair niya. Ang secretary naman niya ay agad na tinungo ang maliit niyang pantry at nagtimpla ng kapi. "Anong nga na nga pala ang nangyari doon sa meeting na pina-cancel ni kuya?" "Ayon po, nag-reschedule na ako. Mamaya na pong 3pm ang meeting, sana sumipot na ang kapatid niyo." Napailing si Carnation sa sinabi ng secretary. Dapat kasi pumasok na ng opisina ang kuya niya ng nakaraang linggo. Ang problema hindi na yata maiwan ang asawa. Naku! Tatlong buwan nga na nag-honeymoon ang mga ito sa iba't-ibang bansa sa mundo, tapos kulang pa rin? "Grabe po mag-hon
"Mabuti naman at naisipan mong pumasok ngayon? Akala ko talaga balak mong ibigay sa akin ang kompanya mo," anas ni Carnation nang pumasok sa opisina ng nakatatandang kapatid. Nasabi sa kanya ng secretary na pumasok ito kaya naman agad niya itong pinuntahan sa opisina nito."I can do that. Gusto mo ba?" Sakay ng kapatid sa sinabi niya."No thanks! Hindi ko pinangarap na maging CEO, kuntento na ako sa trabaho at yaman ko."Malakas na tumawa ang kapatid niya. Itinuro nito ang lounge area sa opisina nito kaya doon siya naupo. Tumayo naman si Wren mula sa office table nito at naupo sa couch na katapat ng kinauupuan niya."Hindi agad kami nakabalik ni Mistina dahil nagkaroon ng problema sa kanila pagkatapos ng kasal namin. Last week naman, marami kaming inasikaso sa bahay kaya hindi rin ako nakapasok," paliwanag ng kapatid."So… Kumusta ang buhay may asawa? Masaya ka ba ngayon?" Hindi niya gustong maging tunog bitter. Sadyang hindi lang maganda an