Share

Chapter 1.1

last update Tanggal publikasi: 2025-07-13 15:20:34

NANGHAHAPDI ANG MGA matang idinilat ng binatang si Brian ang kanyang mga mata nang marinig ang paulit-ulit na tunog ng kanyang cellphone. Nasa silid siya ng isang high-end apartment na nakatayo sa loob ng isang exclusibong subdivision. Hindi alintana ang lamig ng buga ng bukas na aircon ay nauubos ang pasensyang bumangon sa pagkakahiga ang binata habang kinakamot ang magulong buhok bakas ang pagkakaistorbo sa mahimbing niyang pagtulog. In the morning light, na nagmumula sa bukas na salaming bin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Emy Manila
maganda japareho lang ng story na binbasa ko
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
mabuti nman at ginawa ni Author Ang story ni Brian mukhang maganda
goodnovel comment avatar
Anna Arcelli Hermoso
sna my update sa kwento ni gabriano bianchi ganda ksi ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.3

    ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.2

    SI BENE ANG nag-order ng kanilang pagkain. Tinatanong lang niya si Gia kung gusto niya ito. Panay tango at iling ang ginawa ng dalaga habang maligaya ang mga matang tinitingnan lang si Bene habang umo-order. Sa kanyang paningin ay lalo itong naging gwapo. Magkaharap sila nito sa lamesa kung kaya naman kitang-kita niya ang kabuohan ng mukha niya. Mula sa gupit nitong tama lang sa hubog ng kanyang mukha. Habang nakatingin kay Bene, naisip ni Gia na ganun pala ang pakiramdam na alagaan ng taong minamahal niya. Sobrang saya ng puso niya. Sa labis na saya ay parang anumang oras ay sasabog iyon. Hindi lang iyon, nagdulot din iyon ng pakiramdam na parang maiiyak siya sa labis na kaligayahan.“May gusto ka pang idagdag, Gia?”Umiling si Gia. Nakangiti pa rin ang kanyang labi. Umayos na siya ng upo. Tiningnan na siya ng waiter na nasa gilid lang.“Wala na. Tama na iyon.”“Dessert?” suggestion ni Bene dahil ang huling natatandaan niya ay mahilig kumain ng matamis at malamig si Gia.“Ayoko, masy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.1

    NAHIHIYANG UMAYOS NA si Gia ng upo niya. Pulang-pula na noon ang magkabila niyang pisngi. Mali. Buong mukha niya ang namumula na parang nakakain siya ng sobrang anghang. Alam niyang dala ito ng action niya. Iyon ang resulta ng kahibangan.Masyado ba siyang mabilis?Talagang tinatanong niya pa iyon sa isipan?Siya ang unang humalik! Siya ang nag-initiate na gawin nila iyon.‘Sobrang nakakahiya ka, Giavanna! Ano ba?’Nais sanang sapukin ni Gia ang ulo bilang parusa sa kanyang sarili, ngunit hindi niya ginawa dahil nakatingin si Bene ng malagkit.“I’m sorry, masyado lang akong nadala ng emosyon kong matagal kong itinago.” nakatungong pag-amin ni Gia ng pagkakamali na hindi na makatingin nang diretso kay Bene.Mahinang natawa si Bene na ilang beses binasa ng dila ang kanyang nanunuyong labi. Lumaki na ang butas ng ilong niya. Aliw na aliw siya sa reaksyon ng mukha noon ni Gia.“Let’s talk about it later, Gia. For now, gusto kong kumain na at baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili at i

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.4

    AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.3

    HABANG PAPALABAS KANINA ay ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na magiging bold na siya sa lahat ng sasabihin niya kay Bene. Hindi niya na pipigilan pa ang sarili gaya ng mga ginagawa niya noon dahil bukod sa nahihiya ay naiilang. Napagdesisyunan din niyang sabihin kay Bene kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Wala na siyang pakialam kung ma-reject, ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang maiparating niya ang tunay na nadarama. Hindi na ni Gia kailangan pang maghintay ng tamang panahon dahil kailanman ay hindi magiging tama iyon kung hindi siya kikilos. Kung patatagalin niya pa ang bagay na iyon na mangyari kahit may pagkakataon na ay baka pagsisihan niya lang. Pwede namang ngayon na. Sayang ang opportunity na ito na ibinigay sa kanila ng panahon. Kumbaga ay ito ang perfect timing.“Thank you, Gia. Nakakahiya nga eh, dapat tulog ka na ngayon pero heto ka at piniling samahan mo akong lumabas pa.”“Ayos lang, sa totoo lang boring nga sa bahay. Sina Mommy, Daddy, si Kuya at a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.2

    HALOS MAPASAYAW SA tuwa si Briel sa pagbalik niya ng silid nila. Hindi nakaligtas ang pagiging hyper na iyon ng Ginang sa paningin ng asawa niyang si Gio. Hindi niya sinundan ang asawa para panoorin ang CCTV na ginawa ng Ginang na mag-isa, bigla kasing nanakit ang mga laman niya sa binti nang tangkain niyang tumayo upang sundan noon ang asawa. Pinili na lang niyang manatili sa silid kasama ang mga apo at hintayin ang pagbabalik ng asawa na hindi naman nagtagal.“May nakita ka? Anong meron at bakit ganyan ka ngayon kasaya?” Ipinilig ng Ginang ang kanyang ulo. Wala sa kanyang plano na sabihin sa asawa ang anumang kanyang nakita. Makaluma itong tao at paniguradong magiging hadlang. Pupunahin nito ang ginawang pagyakap ng anak sa bisita na kitang-kita sa camera. Bukas na lang niya sasabihin iyon kay Gio kung sakaling ulitin ng asawa ang tanong o kung makita rin ang CCTV.“Wala, Gio. Matulog na tayo. Mukhang guni-guni ko lang.” sampa ng Ginang sa kama upang tumabi na sa kanyang asawa. Hi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 55.2

    KATAKA-TAKA NA HINDI nagalit si Haya nang tawagin siya sa buong pangalan ni Atticus gaya noong una niyang ginawa na kulang ay maglupasay. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gabe na kilala ang anak na ayaw magpatawag ng buong pangalan sa iba. “Yes, can you let me borrow—” “No, mula sa araw na ito ay sa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 58.4

    HANGGANG MAHAL NIYA si Gabe, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Hindi rin maatim ng kanyang puso na makita ng twins ang mga ganung eksena sa pagitan ng kanilang mga magulang? Sure na maguguluhan ang mga bata kapag nagsimula nilang pagtalunan ang ganung dahilan. Buti sana kung aaminin

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 48.2

    ILANG SANDALI PANG hindi makagalaw si Atticus mula sa kanyang kinatatayuan nang matitigan ang pinapakitang parte sa kanyang damit ni Gabe. Naging malikot na ang kanyang mga mata na mahahalata mong mayroong itinatago at ayaw ng banggitin pa sa kanyang nobya. Matagal siyang hindi makasagot na tila pi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 51.1

    EXCITED NA NAG-RESEARCH online si Atticus at kalaunan ay nakuha pang kumunsulta sa ilang female subordinates with childrens at the company. Lihim niya iyong ginawa sa dahilang nagtatanong umano ang kanyang kaibigan na hindi naman ginawang big deal ng mga kasamahan. Hindi rin naman niya magawang mag

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status