MULA SA MUKHA ni Giovanni ay lumipat ang mga mata ni Briel sa isang kamay ng dating Governor kung saan ay may hawak itong isang gold ring. Hindi niya alam kung saan ito galing na para bang pinaghandaan nitong mabuti ang proposal niya. Iyon nga lang hindi kagaya ng dati na maraming nakakaalam. This time, silang dalawa lang. Ang venue sa loob lang din ng silid nila. Bumangon si Briel kung kaya naman napaayos na rin ng upo si Giovanni. Kapwa wala pa rin silang saplot sa katawan na para bang ang tanawing iyon ay normal na rin sa kanilang paningin.“Of course, Ex-Governor Bianchi.” naluluhang umang na niya ng daliri sa harapan ni Giovanni. Inilagay na ni Giovanni ang singsing sa daliri ni Briel na matagal-tagal na ‘ring walang singsing. Pagkatapos noon ay mahigpit na siyang niyakap ng lalaki. Ginantihan naman ito ni Briel na sa mga sandaling iyon ay parang sasabog na ang kanyang puso sa labis na galak at excitement doon.“I’ll be your good husband and a responsible Daddy of Brian and Gia,
SUNOD-SUNOD NA TUMANGO ang ulo ni Briel ngunit hindi siya interesado na pag-usapan nila ito. Malambing ang paninitig na hinaplos niya ang ulo ni Giovanni. Lumamlam pa ang tingin ng lalaki sa mukha ni Briel na halatang hindi na makapaghintay na angkinin ang katawan ni Briel.“Since nag-enjoy na ako doon, ikaw naman ang gusto kong mag-enjoy ngayon.” kagat pa ng labi ni Briel na nakuha naman agad ni Giovanni ang kahulugan kung kaya natawa na siya ng mahina.“Talaga?” Upang patunayan ni Briel ang kanyang sinabi, siya na ang kusang humalik sa labi ni Giovanni. Hinila niya ito sa leeg upang mas lumapit sa kanya. Hindi naman siya binigo ni Giovanni. Ilang sandali pa ay nagawa na nilangn mahubaran ng damit ang bawat isa na basta na lang inihagis sa sahig. Sinulit nila ang pangungulila na kanilang naramdaman ng mga araw na magkahiwalay. “Ni-locked mo ba ang pinto?” tanong ni Briel nang biglang maalala iyon. Nasa gitna na sila ng kasarapan ng kanilang pagniniig nang maalala niya iyon.“Hmm…
TUMAGAL ANG PANINITIG ni Patrick sa mukha ni Briel na parang may pinapatunayan sa kanya. Totoo naman iyon. Napangiti na lang siya nang maalala kung ano na ang pinaglalaban ng babae. Tama rin naman ito, masarap ngang magmahal ng taong mahal ka. Subalit, hindi pa rin niya maalis sa kanyang sarili na minsan niyang minahal ang babae. Minsang labis na pinahalagahan.“Tama ka nga, Gabriella. Masarap magmahal ng taong kayang ibalik ang pagmamahal mo.” tugon niyang biglang naalala ang kabaliwan niya noon, tunay din naman na minahal niya si Briel kaso nga lang ibang lalaki ang nakalaan dito. Masaya na rin naman siya ngayon at nakabitaw na.Hindi na nakasagot noon si Briel dahil dumating na ang mag-ina ni Patrick. Agad ng kumarga ang bata sa kandungan ni Patrick na sa tingin ni Briel ay bata lang ng ilang taon sa kay Brian. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ng bata na agad naman siyang binigyan ng matamis na ngiti. Mas malaki ang nakuha nito sa features ng kanyang ina na may kaunting halik ni
BAHAGYANG NATAWA NA roon si Giovanni, somehow na-miss niyang may tumatawag sa kanya ng Governor Bianchi. Tumango lang siya at kinuha na rin ang pagkakataong mag-congratulate.“Thanks, Governor Bianchi. Sayang, hindi ka nakasama at ang mga kiddos niyo.” Muling naalala ni Giovanni ang kagustuhan niyang sumama ngunit hindi niya ipinakita sa mukha. Hindi naglaon ay nagpaalam na si Briel. Pinayagan naman siya ni Giovanni. Inisip niya na malaki ang tiwala niya kay Briel kaya ano ang ipinag-aalala niya? Dapat siyang mapanatag lang. “Marami pang pagkakataon. Pag-uwi mo dito sa bansa, pwede mong makita ang mga bata.”“Kaya nga, Governor Bianchi. O siya, maiwan ko muna kayo Briel at iikot lang ako.” Habang naroon si Briel sa Brazil ay nag-plano na lang si Giovanni ng maaari nilang gawin pagbalik nito ng bansa. Aayain niya silang umakyat ng Baguio? Tama, iyon na lang ang gagawin niya tapos bababa rin naman sila dahil magbubukas siya ng branch at opisina sa Batangas ng sa ganun ay maging mala
NATAWA NANG MAHINA si Gavin sa pagiging obsessed ng tiyuhin ng asawa sa kanyang kapatid. Napatingin na ang mga kasama sa kanya. Nakikita niya kasi ang kanyang sarili dito, late bloomer nga lang si Giovanni sa pagiging obsessed. Ganun pa man ay natutuwa naman siya sa nangyayari. Ibig lang sabihin ay mas nagmamahal ngayon ang dating Governor kumpara sa kanyang kapatid.“Hayaan niyo na sila, iyan ang gusto eh.” pagkunsinti niya dito na agad ikinatingin nang masama ng asawa niyang si Bethany sa kanya, may pag-irap pa nga itong nalalaman ng ‘di pagsang-ayon. “At kapag nagkasakit ka Tito pagbalik niyo? Sinong mahihirapan?” si Bethany na tutol din doon, kinakailngan niyang sabihin ang maaaring mangyari dahil mukhang hindi yata naiintindihan. “Marami pa namang pagkakataon upang makapamasyal kayong mag-anak. Hindi lang ngayon.” Napanguso na si Briel sa hipag sa ginagawa nitong pagtatanggol sa kanya. Iyon din ang pinapaintindi niya. Baka sa halip na maging masaya ang bakasyon nila, maging ma
HINDI NI BRIAN matandaan. Paano kasi naagaw ang buong atensyon niya ng pamilyar na imahe ng bata sa labas ng bintana ng kinaroroonan nilang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Parang iyon ang batang sinugod niya sa hospital na nabalian ng binti noong nasa Baguio sila. Iyong batang kinamumuhian niya nang sobra dahil sa inaagaw ang Daddy nila. Lingid sa kanyang kaalaman na si Ceska nga ang batang iyon, nasa Maynila na sila ulit na piniling doon na mag-aral ang bata habang nagpapagaling. Bumaba na sila ng Baguio at sa villa na ulit na binili noon ni Giovanni nakatira. Malapit lang iyon sa kanilang villa at nina Gavin.“Di ba? Hindi mo masagot dahil hindi ka naman talaga nakikinig!” akusasyon pa ni Gabe na biglang uminit na ang ulo, “Ano ba kasing tinitingnan mo sa labas ha? Ngayon ka lang ba nakakita ng maraming tao?” “Gavina?” saway agad ni Gavin sa anak na napakalakas mang-alaska, harap-harapan itong nangbu-bully. “Oh, I knew it! You must be looking at the pretty girl on the whe