Share

Chapter 116.2

last update Huling Na-update: 2024-10-03 23:25:17

MULING NILINGON NI Gavin ang banda kung nasaan sila upang matagpuan lang na wala na doong tao. Ikinurap-kurap niya na ang mga mata. Naisip na baka guni-guni lang niya ito.

‘Wala na siya? Paniguradong nakita niya kaming dalawa ni Nancy!’

Bumakas na ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Naisip na baka mamaya kung ano ang isipin ni Bethany sa tanawing nakita niya kasama ang dating nobya. Mataman naman siyang tiningnan ni Nancy. Noong nasa Canada pa siya naririnig na niya na may kasintahan na nga raw si Gavin. Sinamantala niya ang pagbabalik ng bansa upang tingnan kung tama nga ang naririnig niya. Gusto rin niyang makita kung anong klase ng babae ang ipinalit sa kanya ni Gavin. Sa tingin niya, wala namang kakaiba at espesyal sa babae. Normal lang sa tingin niya. Ang tanging nakapagpabago lang sa pananaw niya ay ang lantarang reaction dito ni Gavin.

“Gavin, hindi mo ba ako sasamahan sa loob ng mansion niyo? Matagal na panahon na noong huli akong magawi dito sa inyo.” malambing na sam
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Karen Joyce
mag lasing ka Bethany mag wala ka para bida ka sa party......kaasar naman tong episode Nato...
goodnovel comment avatar
Amia Alihs
dapat nman ndi na masaktan c bethany dapat xa na nag bida sa party
goodnovel comment avatar
Danesa Bonilla
dapat eh Kasama sya ni gavin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 117.1

    SA HALIP NA SUMAGOT ay muli lang hinarap ni Bethany ang cocktail drinks niya. Matapos niyang titigan iyon ng ilang segundo ang laman ay muli siyang sumimsim doon. Inuunti-unti niya lang inumin ang alak. Kung pagbibigyan niya ang kanyang sarili, malamang ay kanina pa siya nakarami at paniguradong sa mga sandaling iyon ay lango na rin siya. Ayaw niyang malasing at baka mawala siya sa tamang katinuan at makagawa ng mga bagay na kanyang pagsisisihan oras na mahimasmasan. Kumbaga ay moderate lang ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin dahil hindi niya alam ang mangyayari oras na malasing siya. Mabuti na iyong nag-iingat siya keysa naman pagsisisihan niya ang mga nangyari ng hindi niya naaalala.“Ikaw na ang girlfriend, ikaw na ang present ni Attorney Dankworth kaya bakit itinatago mo ang sarili mo dito? Inilalayo mo ang sarili mo sa kanya na para bang wala kang karapatan na magdamdam, Bethany.” Sinagot lang muli ng dalaga ng katahimikan ang katanungang iyon ni Patrick. Hindi niya kai

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 117.2

    NAKAHANDA NA ANG puso, mga mata, damdamin at kalooban ni Bethany sa kanyang makikita oras na pumasok siya sa banquet hall kung saan naroon ang karamihan ng mga bisita upang kumain ng dinner. Busog pa naman siya pero gusto niya lang pumasok doon at hanapin si Gavin. Tingnan kung tama nga ang sinasabi ni Patrick sa kanya. Paglabas niya sa banquet hall ay naroon naman ang venue kung saan maaaring magsayawan ang mga bisita. Itinatak ni Bethany ang sinabi ni Patrick sa kanyang isipan na si Gavin at Nancy ay nagsasayaw. Sa imahinasyon niya pa ang scene na iyon ay magandang pagmasdan, ngunit ang laki pala ng pagkakaiba kapag actual na. Iba sa pakiramdam kapag nakikita na ng mata. Iyong inihanda ni Bethany kanina na katatagan, parang biglang natibag iyon nang makita niya na ang scenario.'Sana hindi na lang pala ako pumasok dito.' Talaga nga namang bagay sila kung sa pagiging bagay lang ang pag-uusapan. Magaling din silang mag-partner sa pagsasayaw dahil nagagawa nilang magtugma ang bawat ga

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 117.3

    SUBALIT NANG MGA sandaling iyon ay nagawa ng makaalis ni Bethany. Hindi niya na matagalan ang kanyang nakikita. Ang buong akala pa naman niya ay kaya niya silang panoorin nang hindi nasasaktan. Mali siya. Para siyang pinapatay habang patagal nang patagal na nakaburo ang mga maya niya sa kanila.“Pasensya na po, Mrs. Dankworth. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko. Maaari niyo po ba akong matulungang makahanap ng taxi na maghahatid sa akin pauwi? Hindi na po ako kailangang ihatid pa.” Kulang na lang ay maiyak si Mrs. Dankworth nang sabihin ni Bethany iyon. Babae siya kung kaya naman alam niya ang kanyang nararamdaman habang nakikita niya ang ginagawa ni Gavin nang harapan. Hindi man iyon sabihin ni Bethany. Kitang-kita naman niya sa mga mata nitong hindi makatingin ng diretso. “Hija, hindi ka na ba talaga mapipigilan? Pwede ka naman sa bakanteng silid na lang magpahinga hanggang bumuti ang pakiramdam mo. Sasabihan ko na lang ang isa sa mga maid na asikasuhin ka.” “Pasensya na po t

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 118.1

    HALOS ALA-UNA NA ng madaling araw ng makarating si Bethany ng penthouse. Dumaan pa kasi siya sa isang coffee shop upang tumambay doon na malapit lang sa lugat at kumain na rin ng slice ng cake na kanyang comfort food kapag malungkot siya. Ganunpaman ay nararamdaman niya pa rin ang gutom. Hindi niya kasing nagawang kumain ng main course sa birthday party. Hindi niya tuloy na-enjoy ang mga iyon. Patay pa ang mga ilaw pagpasok niya ng pintuan, patunay na wala pa rin doon si Gavin na inaasahan na naman niya. Malamang busy pa rin ngayon ang abogado sa dating kasintahan nitong na-miss niya.“Ano bang inaasahan mo, Bethany? Umasa ka pang narito na talaga siya. Hindi ka niya priority, wake up!” Tinanggal niya ang manipis na suot an make up at naligo. Iyon ang una niyang ginawa. Matapos noon ay binalot niya ang kanyang katawan sa black silk na roba habang. Lumabas na siya ng silid matapos noon at tumayo sa tabi ng glass wall upang pagmasdan lang ang gabing buhay na buhay pa ang mga street lig

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 118.2

    TINANGGAL MUNA NI Gavin ang kanyang suot na coat at pagkatapos ay itinapon niya iyon sa sofa. Ilang segundong naburo pa ang kanyang mga mata sa bote ng wine na nasa table. Wala pang kalahati ang bawas noon. Napalunok na siya ng laway. Kilala niya si Bethany. Hindi karaniwang gawain nito ang umiinom ng alak dahil namumuhay ng may disiplina sa kanyang sarili ang dalaga. Ang kanyang pag-inom ay nangangahulugan lamang na siya ay masama ang kalooban. Kung bakit masama ang loob niya, nahulaan na ni Gavin na siya malamang ang dahilan noon. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng music room na naging dahilan upang mapatayo na nang maayos si Bethany para salubungin si Gavin.“Thanie, galit ka ba sa akin?” gamit ang pagaw na boses ay tanong ni Gavin. Halos mahigit ng binata ang kanyang hininga habang hinihintay niya ang magiging sagot ng dalaga. Hindi nagsalita si Bethany. Mukhang tama yata ang sinabi ni Briel na nagtatampo ito dahil sa nangyari kanina. Hindi nagsinungaling ang dalaga upang p

    Huling Na-update : 2024-10-05
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 118.3

    NAKAGAT NA NI Bethany ang kanyang labi. Gustong-gusto na talaga niyang umiyak pero hindi iyon pwedeng makita ni Gavin. Hindi niya pwedeng makita na sobrang nasasaktan siya dahil pihadong pagtatawanan lang siya nito. Bakit ba kasi hinayaan niyang mahulog sa abogado ang kanyang sarili?‘Hindi ka pwedeng umiyak, Bethany. Hindi mo pwedeng pagmukhaing tanga pa ang sarili!’“Huwag mo sanang pansinin ang existence ni Nancy, kung iyon ang pinagsimulan nito. Nakaraan ko na iyon. Hindi mo ba kayang sumabay na makipaglaro? Pinagbigyan ko lang din siya dahil ayaw ko siyang mapahiya sa mga nakakakilala sa kanya.” rason ni Gavin na para kay Bethany ay ang lamya nito.Kaya pala okay lang sa kanya na siya ang mapahiya. Kung ganito ang mindset ng abogado sana man lang ay hindi na siya ipinakilalang girlfriend nito sa halos lahat ng bisita sa party. Nakaka-proud na sana ang bagay na iyon, kaso lang biglang natabunan ng pagpapakita doon ng nakaraang babae sa buhay nito. Hindi niya tuloy mapigilang maawa

    Huling Na-update : 2024-10-05
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 118.4

    NOONG MAKITA NI Gavin na hindi nagsisinungaling ang dalaga ay napakamot na lang ito sa kanyang ulo. Iyamot ang rumihistrong reaction sa kanyang mga mata. Malamang dahil paniguradong ilang araw na hindi niya magagawa ang gusto niya sa katawan ng dalaga. Umayos na siya ng tindig matapos na titigan ng ilang minuto si Bethany. Tuloy-tuloy itong lumabas ng nasabing silid at walang lingon sa likod na nagtungo ng sala upang kalamayin ang kanyang sarili. Dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo sa kaha at sinindihan na iyon matapos ilagay sa bibig niya. Walang pakialam kung hubad man ang kanyang katawan na tumanaw sa labas ng penthouse habang naninigarilyo. Mababanaag sa mukha ang pagkabigo. “Wrong timing!” mahina niyang saad na sinundan iyon ng malalim na buntong-hininga. Inayos ni Bethany ang kanyang suot na bathrobe sa katawan na nagawa ng hubarin nni Gavin at walang imik na pinulot ang mga damit ni Gavin na parang sawang basta na lang iniwan sa sahig. Nanginginig pa ang katawan ni Betha

    Huling Na-update : 2024-10-05
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 119.1

    HINDI SUMAGOT SI Bethany, nagdahilan na lang siya sa kaibigan na tatawagan na lang niya ito mamaya dahil nagmamaneho siya kahit hindi pa naman umaandar ang sasakyan niya. Pinaniwalaan naman iyon ni Rina. Humigpit ang hawak ng dalaga sa manibela matapos na maputol ang tawag ng kaibigan niya. Natulala na lang siya sa unahan ng kanyang sasakyan. Prino-proseso ng kanyang isipan ang mga nalaman.Paano ba siya mawawalan ng pakialam sa binata?Paano iyon posible?Kung nagkaroon siya ng magandang relasyon sa binata kahit na wala silang label na dalawa, at pagkatapos ng lahat ay siya ay naging spoiled din sa abogado? At hindi lang iyon, she likes him too.Nang maramdamang kalmado na siya ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan ngunit agad siyang natigilan nang muling mag-ring ang cellphone. Ang buong akala niya ay si Rina ulit ulit, ngunit pagtingin niya ay nagulat siyang si Gavin pala iyon. Mabilis niyang pinindot ang answer button noon upang sagutin, gamit ang mahinahon at kalamadong tini

    Huling Na-update : 2024-10-05

Pinakabagong kabanata

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 64.2

    GANUN NA LANG ang naging gulat ng mag-asawang Dankworth nang bumungad si Giovanni sa bulwagan ng kanilang mansion nang hindi man lang nila natunugan ang gagawin nitong pagpunta. Paakyat na sana ang mag-asawa sa ikalawang palapag upang matulog na nang matigilan dahil nakita nila ang dating Governor sa pinto at akay ang kanyang anak. Sa likod nito ay kabuntot nila si Briel. Noon lang naunawaan ng mag-asawa na marahil kaya nasa labas ang mag-ina ay hinihintay ang pagdating ng dating Gobernador.“Oh? Kailan ka pa bumaba? Bakit hindi ka nagsabi?” maligayang salubong ni Mr. Danworth na malapad na agad ang ngiti sa kanyang future na manugang, “Gabriella, pababa pala si Giovanni di mo sinabi sa amin?” “Ah, susunduin ko lang po ang mag-ina ko.” alanganing sagot ni Giovanni na tiningnan na si Briel ng may kahulugan, humihingi siya ng tulong na magpaliwanag sa kanyang mga magulang. Mukhang hindi kasi alam ng kanyang mga magulang ang kanyang plano kung kaya nais niya itong magsalita. “Isasama ko

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 64.1

    AGAD NA NATAMEME si Giovanni sa mahabang naging litanya ng kanyang pamangkin. Tama nga naman ito, marami sa mga sinabi nito ang pwede nilang gawin ni Briel nang matapos na ang kanilang problema. Pinag-isipan niyang mabuti ang suggestion na iyon ng kanyang pamangkin na inukopa ang buong araw niya na tanging iyon lang ang iniisip. Nang makapagdesisyon ay hinagilap niya ang cellphone at sinubukan niyang tawagan si Briel. Nakailang tawag na siya ng video call sa social media account nito ngunit hindi naman siya sinasagot. Ring lang iyon nang ring. Nakokontak niya ito kung kaya alam niyang hindi naman siya nito blinock. Baka kasi iyon ang case kung kaya hindi mag-konekta ang kanilang linya. Ganun din sa pagtawag niya sa phone number ng babae na kanyang sinubukan, hindi niya ito makontak. “Bakit?” tanong niya na mas nagulo pa ang isipan kung bakit ganun, ni hindi nito mabasa ang chat niya. Agad niyang naisip kung inilagay ba ang number niya ng fiancee sa blacklist. Makailang beses niya pa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 63.4

    SUMAMA PA ANG hilatsa ng mukha ni Briel. Kung pwede nga lang turuan ang kanyang puso, matagal na niyang ginawa iyon ay ibinaling ang kanyang pagmamahal kaso nga lang ay hindi. Masyado niyang naibuhos kay Giovanni ito.“Sana nga Mommy, sana ka-edad ko na lang dahil paniguradong mas mabilis silang kausap hindi niya kagaya! Mabilis din magdesisyon. Hindi ko kailangang maghintay hanggang sa mamuti ang mata ko. Hindi niya ako papaasahin lang.” Hindi makapaniwalang napakamot na lang ang Ginang sa kanyang ulo. Kilala niya ang anak. Hindi niya ito mapipilit sa mga bagay na alam niyang ayaw nitong gawin. Magkakasira lang sila. Hindi naman niya matawagan si Donya Livia upang sabihin ang pagiging pasaway ng anak nito. Bubulabugin pa ba niya ang matanda? Hindi na lang siya kumibo pa at hinayaan na lang niya ang anak sa kung ano ang gusto nitong gawin. Matanda na ito. Alam na niya ang tama at mali.“Papasok na ako. Kayo na muna ang bahala kay Brian kasi half-day lang naman ang pasok niya. Pinapa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 63.3

    BUMIGAT PANG LALO ang pakiramdam ni Giovanni sa mga akusasyong binabato sa kanya ni Briel kahit na totoo naman ang lahat ng iyon. Naiintindihan niya rin kung saan ito nanggagaling. Aminado siyang siya rin ang may mali. Nahigit na niya ang hininga nang makita niyang maluha na si Briel nang dahil sa sama ng loob. Nanlilisik na ang mga mata nitong muli siyang sinulyapan na kung nakakamatay lang ay kanina pa sana siya doon nakabulagta at nangisay.“Alam mo? Hindi mo kami tunay na mahal ng anak mo! Palagi ka na lang ganyan. Lagi kang hindi available pagdating sa aming dalawa!” umiiling na patuloy na bintang ni Briel kay Giovanni na nakatayo pa rin at matamang nakatingin sa kanya, parang inugatan na ang kanyang mga paa sa kung saan nakatayo dahil hindi na siya makaalis doon. “Dahil kung mahal mo at mahalaga kami, willing kang talikuran ang lahat para sa aming mag-ina. Hindi mo iyon makakaya di ba? Dahil palaging mahalaga ang negosyo sa’yo. Mahalaga ang iba kumpara sa aming dalawa ng anak mo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 63.2

    KASALUKUYANG WALA DOON ang mag-asawang Dankworth kung kaya naman silang mag-anak lang ang kumain ng sabay-sabay ng lunch. Matapos noon ay tumambay na silang tatlo sa kwarto ni Briel. Nilaro ni Giovanni si Brian nang nilaro kung kaya naman nang mapagod ay mahimbing itong nakatulog. Pagkakataon na sinamantala ng dating Gobernador na bumawi kay Briel. Hindi naman na doon nagpatumpik-tumpik pa si Briel na isang haplos lang ni Giovanni sa kanyang mga hita na may kasamang malalim na mga halik, tuluyan na naman siyang nawala dito sa ulirat. Muling pinagbigyan ang kagustuhan ni Giovanni na angkinin ang kanyang sarili na pareho rin naman nilang na-enjoy.“Hindi ako natutuwa na pinapaghintay mo na naman ako. Kami.” paglalabas ni Briel ng kanyang saloobin matapos na ayusin ni Giovanni ang nakabalot na comforter sa kanilang walang saplot na katawan na nasa ilalim nito. “Narinig mo?” Gumalaw ang adams apple ni Giovanni at lumalim ang hinga na hindi nakatakas sa pandinig ni Briel. “Alam ko naman

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 63.1

    NAPANATAG NA ANG loob ni Briel sa kanyang narinig. Namasa pa ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa labis na galak. Hindi maikakaila na excited na siya sa araw ng gagawing pagbaba ni Giovanni kahit na hindi pa man lumilipas ang isang araw mula ng kanilang pagkikita. Parang ang tagal na ng huli sa paraan ng kanilang pag-uusap na dalawa.“Sabi mo iyan ha? Baka paasahin mo na naman ako.” “Hindi ko iyon gagawin.” malambing na sagot ni Giovanni upang bigyan ng assurance si Briel sa kanyang sinabi. Hindi na rin nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sa paglalim ng gabi. Bukod doon ay nakaramdam na rin sila ng antok. Ang marinig iyon ni Briel ay naging kampante ang kanyang puso at nagdesisyon na hindi na lang mag-isip nang kung ano hanggang makababa ng Maynila si Giovanni. Nang sumapit ang araw ng pagbaba nito ay nakatanggap si Briel ng tawag mula sa kanya. Ganun na lang ang panghihina niya nang malamang hindi umano ito matutuloy na bumaba. Iyon na nga ba ang mali at negatibong iniisip niya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 62.4

    SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 62.3

    SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 62.2

    MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gusto

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status