Share

Chapter 117.1

last update Last Updated: 2024-10-04 01:38:03

SA HALIP NA SUMAGOT ay muli lang hinarap ni Bethany ang cocktail drinks niya. Matapos niyang titigan iyon ng ilang segundo ang laman ay muli siyang sumimsim doon. Inuunti-unti niya lang inumin ang alak. Kung pagbibigyan niya ang kanyang sarili, malamang ay kanina pa siya nakarami at paniguradong sa mga sandaling iyon ay lango na rin siya. Ayaw niyang malasing at baka mawala siya sa tamang katinuan at makagawa ng mga bagay na kanyang pagsisisihan oras na mahimasmasan. Kumbaga ay moderate lang ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin dahil hindi niya alam ang mangyayari oras na malasing siya. Mabuti na iyong nag-iingat siya keysa naman pagsisisihan niya ang mga nangyari ng hindi niya naaalala.

“Ikaw na ang girlfriend, ikaw na ang present ni Attorney Dankworth kaya bakit itinatago mo ang sarili mo dito? Inilalayo mo ang sarili mo sa kanya na para bang wala kang karapatan na magdamdam, Bethany.”

Sinagot lang muli ng dalaga ng katahimikan ang katanungang iyon ni Patrick. Hindi niya kai
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Kyna Mendez
Gavin … naku naku baku… umayos ka ngaun nakapila na si patrick hahah
goodnovel comment avatar
Kyna Mendez
Thanie sobrang haba ng buhok moooo an dame nila nkapilaaaaa
goodnovel comment avatar
Lorelie Labador
kawawa namn c thanie.. pero wg ka mg alala love ka ne Gavin .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 25.2

    HINDI NA MA-GETS ni Atticus kung anong klaseng utak mayroon ang babaeng kaharap na parang wala sa sarili.“Sinisisi mo ako ngayon dahil nakipag-break siya sa’yo, pero hindi mo alam na ikaw mismo ang may gawa kung bakit ka niya paulit-ulit na nilalayuan. Mahal mo siya, pero bakit mo iniwan? Bakit nakipag-break ka sa kanya? Naging tayo noon, binigyan mo ako ng chance na mahalin ka bakit pinagsisisihan mo na iyon ngayon? Too late, Atticus. Hindi ka na niya tatanggapin! Tandaan mo, hinding-hindi ka na niya ulit papapasukin sa buhay niya kaya pwedeng kalimutan mo na siya?”Pigil ang galit na pumasok na sa loob ng kanyang penthouse si Atticus. Pabalya niyang sinara ang pintuan na siyang nagpapitlag kay Cresia at kulang na lang ay bumasag na ng eardrums niya. Atticus leaned against the door, covering his face. Cresia was absolutely right. He had given up before. Kung hindi niya iyon ginawa, hindi si Gabe magtatanim ng sama ng loob sa kanya. Kung nangyari iyon, malamang ay may dalawa o tatlo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 25.1

    HABANG NAGMAMANEHO AY iyon ang laman ng isip ni Gabe. Hindi iya maintindihan ang sarili, mabilis na naman siyang mairita. Likas na iyon sa kanya, ngunit kilala naman siya ni Atticus. Pinagtataka niya, hindi ito napilit na isiksik ang sarili. Inapakan na ni Gabe ang brake, mabilis na tumigil ang kanyang sasakyan. Hindi na maipinta ang hilatsa ng mukha niya. “Huwag niyang sabihin sa akin nagsasawa na siya sa ugali ko?” buhol ang kilay na usal ni Gabe, lalo pa doong nairita. “Susuko na ba siya? Hindi na niya ako susuyuin? E ‘di wow! As if namang makikipagbati na ako sa kanya. Manigas siya!”Kinabukasan nang bumalik si Atticus sa penthouse ng babae ay wala siyang Gabe na natagpuan. Nalaman niya sa isa sa mga maid na sa villa umuwi si Gabe nang tumawag siya dito upang magtanong lang kung nagawi ba doon ang babae.“Oo hijo, narito siya.” sagot ng mayordoma na siyang nakasagot ng tawag niya. Lingid sa kanyang kaalaman na nang makita ni Gabe na naroon ang kanyang sasakyan ng hapon na iyon a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 24.4

    MARAHANG ITINAAS PALAYO ng mukha ni Gabe ang kanyang kamay na may hawak na cellphone. Naduduling na siya sa mga letra na naroon at nasisilaw sa liwanag. Pinag-isipan niyang mabuti kung tatawagan niya ba ang lalaki o babaliwalain na lang. Hindi pa rin niya dito kayang humingi ng sorry. Baka kasi kapag tinawagan niya, mangulit na naman ito sa kanya.“Saka na lang siguro.” muli niyang sambit na pinatong na ang cellphone sa ibabaw ng kanyang dibdib.Ipinikit niya ang mga mata matapos na ipatong ang isa niyang braso sa kanyang noo. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Naalimpungatan siya nang may maramdaman na may nakatingin sa kanyang pares ng mata. Kinailangan niya pang kusutin ang mga mata para lang luminaw iyon at maaninag kung kaninong bulto ang nasa gilid ng hinigaan na sofa.“A-Atticus?” Maagang nagtungo doon ang lalaki na may dalang almusal sana nila ng babae. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Gabe na nakahiga sa sofa. Gusto niya itong gisingin, ngunit nag-alinlangan

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 24.3

    SA NARINIG NA galit na tinig ng ina ay dahan-dahan ng napaahon si Gabe sa kanyang upuan. Ilang sandaling naging blangko ang kanyang isipan na napuno ng maraming katanungan. Pakiramdam niya ay nanginig ang kanyang buong katawan ng sandaling ito. Kilala niya na masamang magalit ang ama, at ang marinig iyon sa ina ay alam niyang may mali.“A-Anong ginawa ni Daddy kay Fourth, Mommy?” “Ano pa nga ba? Nilatayan niya ang likod ni Fourth. Kulang na lang tanggalin niya ang balat sa likod!” Natutop na ni Gabe ang kanyang bibig. Ilang segundong parang hindi siya makahinga nang maayos at saka nabingi. “Kumustahin mo man lang. Tulungan mong pagalingin ang mga sugat niya. Damayan mo siya. Alam ko ang ginawa mo sa kanya, nakita ko sa CCTV kung kaya huwag na huwag mong itanggi. Pareho lang kayong may maling dalawa at ang masasabi ko ay sumobra ka na, Gavina. Hindi na makatarungan ang pagiging bayolente mo. Ganyan ba kita pinalaki, ha?” Walang lakas ng loob na magtanong si Gabe sa ina kung paano n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 24.2

    SA SOBRANG PAGPAPAHALAGA sa pamilya ng kasintahan niyang si Gabe mula noon pa man ay nakalimutan na ni Atticus na may sariling pamilya rin pala siya na naghihintay sa kanyang minsang umuwi at magpakita. Literal kasi na ginawa na niyang mundo ang babae. Sobrang naglaan siya dito ng oras at panahon. Minsan iniisip niya, hindi kaya nagtatampo na ang mga ito? Hindi lang nila tahasang sinabi iyon sa kanya. Nanatili pa siya ng ilang taon abroad at nang bumalik, sa Dankworth pa rin tumuloy. Umuuwi naman siya sa kanila, lalo na noong magkahiwalay sila ni Gabe. Umuuwi rin siya ng bansa, hindi lang madalas. Hindi siya kagaya ng kapatid na si Uno na madalas na nasa bansa kahit na sa Paris namamalagi at dito may trabaho. Ang huling balita pa nga niya sa isa sa panganay na kapatid ay dito na maninirahan sa bansa. Hindi niya lang alam kung gaano katotoo ang balitang iyon na nakuha niya mula kay August na laging updated.“Pasensya na, Mommy…hindi pa ako nakakalinis...” pindot ni Atticus sa switch up

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 24.1

    NAPATDA SA HARAP ng pintuan ng penthouse ni Atticus ang kanyang inang si Alyson habang panaka-naka ang tingin niya sa dahon ng pinto na nakasarado. Iniisip ng Ginang kung i-ri-ring niya ba ang doorbell o hindi at aalis na lang. Sinulyapan niya ang dala niyang bag ng mga ipinaluto niyang ulam upang dalhin lang iyon sa anak. Napagpasyahan niyang puntahan na ito upang makita ang sitwasyon ng anak dahil makailang beses na niyang tinatawagan ang anak ngunit hindi naman ito sumasagot. Bagay na nagpabahala na sa Ginang. Hindi rin nag-re-reply sa kanyang message si Fourth. Tatlong araw na iyon kaya hindi niya maiwasan na mag-alala kahit sinabi ng kakambal nitong ayos lang din ito.“Mom, Fourth is fine. Ang tanda na niya para e-baby mo pa.” “Nag-aalala lang naman ako sa kanya anak.” “Hayaan niyo na po muna siya, Mom. Hindi ka pa rin ba nasanay sa ugali niya?” Hindi na pinansin ng Ginang ang ibang sinabi ng kakambal ni Fourth. Alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. Subalit, bilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status