HINDI PA RIN siya binigyan ni Gabe ng sagot na biglang na-pressure kung ano ang kanyang sasabihin kay Atticus. Hindi niya pa iyon nagagawang pag-isipan sa mga sandaling iyon. Naguguluhan pa siya kung ano ang nararapat niyang gawin.“Will you get married? Will you choose to be with someone else?” Napangisi na si Gabe sabay iling ng kanyang ulo. Mukhang sinasagad at sinusubok ni Atticus ang kanyang pasensya.“Ang layo na ng tinakbo ng isipan mo, Fourth. Nakita mo bang may boyfriend ako para magpakasal na agad?” The morning sun shone on his face, making it look even paler. Gabe’s temper is gone now. She didn't want to argue with him anymore. Who was right or wrong didn't matter. Ngunit nabahala doon si Atticus dahil may iba sa kinikilos ni Gabe. “Bababa ako, kung hindi ako makabalik at kailangan mo ng abogado pwede bang magpadala na lang ako ng iba na galing din naman sa firm ko? Maintindihan mo sana ang sitwasyon ko. Iyong pinakamagaling ang ibibigay kong substitute ko…” “Sige…” wal
SINUNOD NI ATTICUS ang bilin ni Gabe. Nahiga na rin siya ngunit hindi niya niyakap ang babae gaya ng pagbibigay nito ng permiso sa kanya. Nilalagnat siya at ayaw niyang mahawahan ito. Malay ba niyang hindi lang dahil sa sugat ang lagnat niya. Mabuti na iyong nag-ingat keysa parehong sila ang magkaroon ng sakit. Naging masaya na lang siya na natulog sila ng gabing iyon sa iisang kama kahit na walang intimate na reaction sa kanilang pagitan. Paggising niya kinabukasan ay halatang wala na siyang lagnat, wala na rin si Gabe sa kanyang tabi nang lingunin niya. Lingid sa kanyang kaalaman ay maagang gumising ang babae at kasalukuyang nasa greenhouse sa likod ng mansion ng sandaling iyon. Sumama ito kay Briel na mag-harvest ng fresh na mga leafy vegetables na umano ay kailangan na nilang kunin. Pagbaba ni Atticus ng hagdan ay pabalik na rin sila sa loob ng mansion. Deretsong lumabas sa courtyard ng mansion ang lalaki upang magpaaraw at maglakad-lakad habang nagpapainit sa sikat ng araw. Doon
BINITBIT NIYA ANG pagkain ni Atticus kahit na hindi niya alam kung makakain ba iyon ng lalaki gayong ang sabi ng tiyahin ay tulog na ito. Bukas pa rin ang lahat ng ilaw sa loob ng silid ni Atticus nang pumasok doon si Gabe. Puno ng pag-iingat at tantiya ang kanyang mga hakbang palapit ng higaan nito upang huwag siyang mabulabog. Alam niyang kailangan nito ng pahinga at matanda na siya upang ipagkait iyon sa katawan ng dating kasintahan. Maayos na nakahiga si Atticus, nakatagilid sa kabilang direksyon na marahil ay suggestion ng doctor nang dahil sa sugat niyang sariwa pa sa likod. Hindi niya inalis ang tingin dito lalo na sa parte ng may tiyan na base sa kanyang paghinga ay himbing na noon ang tulog. “Siguro naman kapag nagising siya ay makikita niya ang pagkain.” Inilapag ni Gabe ng maingat at walang ingay ang tray ng pagkain sa gilid ng higaang table at tumayo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng lalaking hindi man lang nagising sa kanyang pagdating. Parang may
MARAHANG SINARA MUNA ni Giovanni ang dahon ng pintuan ng silid bago hinawakan niya ang ulo ni Gabe at marahan iyong hinaplos-haplos. Kitang-kita niya ang lungkot sa apo sa pamamagitan ng nakabagsak nitong magkabilang balikat. Dama niyang sinisisi rin ni Gabe ang kanyang sarili kung bakit nangyari ang bagay na iyon kay Atticus. Ilang sandali pa ay napatingala na sa mukha ng matandang lalaki si Gabe nang hindi ito magsalita upang makita lang ang reaction ng dating Governor. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa magiging sagot nito sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag ng tinango nito ang ulo at marahang ngumiti upang sabihin sa apo na wala na itong dapat na ipag-alala sa kanyang dating nobyo.“Huwag ka ng mag-alala sa kanya, gagaling na siya dahil natingnan na siya ng magaling na doctor namin ng Tita Briel. Hmm? Baka ikaw naman ang magkasakit kapag dinibdib mo ang lahat. Natural na ang ma-infection kapag may sugat.”Hinawakan ng matanda ang isang braso ni Gabe at hinila ito patungo ng ku
PASALAMAT NA LANG si Atticus na hindi sila napahamak ng babae dahil kung hindi, mas malala ang mangyayari na kargo de konsensya pa niya dahil hinayaan niyang ito ang humawak ng manibela na dapat ay siya ang gumawa. Naging doble ang panghihina niya nang tumigil ang kotse kahit pa nakahinga siya ng maluwag pagtingin niya sa labas at nakitang nasa pamilyar na parking na sila ng mansion. At least, tinupad nito ang pangako sa kanya.“Lolo Gov! Tita Briel! Tulungan niyo kami!” exaggerated na paglabas pa lang ng sasakyan ay eskandalosa na ang naging sigaw ni Gabe doon. Natataranta namang umahon sa kanyang upuan si Giovanni na nagkataong nasa may pintuan noon dahil kakatapos lang ng tawag ni Bethany sa kanya, kinakamusta ng pamangkin niya ang anak nito at si Atticus na nasa puder nila ngayon kung ayos lang sila. Sinabi ni Giovanni na mukha namang ayos ang dalawa. Aniya ay wala doon ay nasa trabaho na sila.“Oh Gabe, apo bakit ka—”Hindi na nagawa pang matapos iyon ni Giovanni na malalaki na
PUNO NG PAG-AALALA ay natataranta ng binuksan ni Gabe ang pintuan sa driver seat upang alisin lang doon si Atticus at patuloy na itaboy upang pumunta sa likod na bahagi ng kotse. Sa mga sandaling iyon ay nakasubsob na ang mukha ni Atticus sa manibela ng sasakyan kung kaya naman sumidhi pa ang kanyang nararamdamang pag-aalala sa kalagayan nito. Pakiwari niya ay hindi na maganda ang pakiramdam ng lalaki ngunit pinipilit lang nitong ipakita na ayos lang siya. Tila kandilang nauupos na noon ang paghinga ni Gabe. Biglang bumigat na ang dibdib niya. Stress na stress sa mga nangyayari. Mauubusan siya ng hininga kung patuloy na magmamatigas pa rin ito at hindi pa rin susundin ang kanyang nais.“A-Ayos lang ako…kaya kitang ipagmaneho pabalik ng mansion. Lumulan ka n.” mahinang boses ni Fourth na sinubukan na ayusin ang upo sa harap ng manibela, malamlam na ang mga mata ng lalaki na halatang hindi na iyon maganda. Sinubukan niyang ikabit ang seatbelt ngunit nanghihina ang mga kamay niyang bumib