NABALOT NG NAKAKABINGING katahimikan ang bandang dakong iyon ng hospital matapos na sabihin iyon ng pasigaw ni Bethany. Maging ang mga bystanders at dumadaan lang ay parang ayaw makagawa ng anumang ingay sa binitawang linya ng dalaga na punong-puno ng pait at matinding hinanakit. Nasa side sila ng dalaga kahit na hindi nila sabihin ang bagay na iyon. Sa kanila sila kakampi base sa kanilang narinig.“Halika na, Rina. Umalis na tayo. Huwag na tayong magsayang ng oras sa mga walang kwentang tao.”Inirapan ni Rina si Nancy na katitigan niya pa rin ng mga sandaling iyon. Wala siyang pakialam kung nakita man iyon ng mga magulang nitong parang estatwang mga nakatanga sa kanyang kaibigan. Hindi marahil nila napaghandaan ang maaanghang na mga salitang bibitawan ni Bethany para sa kanyang nobyo. Dahil doon ay umangat na ang gilid ng labi ni Rina, proud na proud sa katapangan ng kaibigang si Bethany. “Gago kasi at walang bayag na lalaki! Huwag ka sanang magkaanak sa hinaharap kahit isa dahil na
LINGID SA KANILANG kaalaman ay malinaw na nakikita sila ni Gavin sa pader ng elevator kung saan lang siya seryosong nakatingin. Umigting pa ang kanyang panga. Hindi na alam kung ano ang magiging hakbang niya para muling makuha ang loob ng kanyang galit na galit na nobya. Pupusta siya. Kung gaano niya ito kabilis nakuha ang tiwala noon, ngayon ay parang sobrang imposibleng mangyari na muli siyang pagkatiwalaan nito dahil sa mga nangyari. Muli niyang sinira ang tiwala nito na muling ibinigay sa kanya. “Kapag hindi ka niya pinatawad, ibig sabihin lang noon ay hindi ka niya talaga—” hirit pa sana ni Nancy.“Nancy, that’s enough! Problemado na nga iyong tao dadagdagan mo pa ang bigat ng isipin niya.” putol sa kanya ng ama niyang si Mr. Conley na nababalot na ng sobrang pagkakonsensya, siya ang ugat kung bakit may problema ang dalawa at kung bakit sila magkasira ngayon. “Natural na magagalit ang girlfriend ni Gavin lalo na at may nakaraan kayo. Unawain mo rin sana. Hindi lang iyon, narini
NOONG NAKIPAGHIWALAY SIYA kay Nancy, hindi naman niya naramdaman ang ganung klaseng pagsisisi na dama ng buo niyang katawan. Dapat mas malala pa nga iyon dahil mula pagkabata silang magkakilala at magkasama, maganda rin ang relasyon niya sa mga magulang ni Nancy. Pero hindi. Hindi niya naramdaman ang ganitong klase ng pagsisisi ng mga sandaling iyon noon. Oo nagalit siya. Hanggang doon lang naman iyon. Ibang-iba ang lahat ngayon na nagsisi siya ng husto, gusto niyang bumawi kay Bethany, ayaw niyang mawalay sa kanya ang dalaga. Pakiramdam niya ay kulang ang magiging buhay niya oras na mangyaring hindi na talaga siya kibuin ni Bethany.Hindi sila dapat nagtapos ng ganito lang. Ang dami nilang pangarap eh. Hindi pa nga nila nasisimulan ang trip nila.Mariin at pwersahang hinawakan ni Gavin ang pinto ng sasakyan gamit ang kanyang mga kamay na akmang isasara na sana ni Bethany, masuyo na siyang tumingin sa dalaga na nagulat sa biglaan niyang pagsulpot sa gilid ng kotse.“Hayaan mong ihatid
NANGHIHINANG NAPASANDAL NA si Gavin sa gilid ng kanyang sasakyan. Nasa isipan niya pa rin ang mga salitang binitawan ni Bethany. Hawak pa rin ng kanyang nanlalamig na kamay ang papel ng diagnosis ng dalaga. Masusi niyang pinasadahan iyon ng tingin. Nandilat ang mga mata niya sa naging dahilan ng operasyon nito. Siya. Siya ang may kasalanan kung bakit kailangang mag-undergo nito ng operasyon. Hindi kasi siya nag-iingat. Sobrang naging hayok ng katawan niya sa sex. Nagulo na niya ang buhok sabay sulyap muli sa apartment ni Bethany. Napaawang na ang bibig sa pagkabigla sa nakasulat na result.“Sorry, Thanie, I am really s-sorry…” sambit niyang napahawak pa sa kanyang dibdib.Parang guguho ang mundo ni Gavin nang paulit-ulit niyang balikan ang mga nangyari ng araw na iyon. Inabot na lang siya ng kalaliman doon ng gabi pero hindi magawa ng utak niyang mag-function nang maayos at tama. Guilty na guilty siya sa mga nangyari na parang nais niyang balikan ang oras na iyon. Nakailang tingin siy
NAPAAYOS NA NG upo si Gavin nang makita niya ang paglabas ni Rina sa gate ng apartment. Hindi niya alam kung aalis na ito o may bibilhin lang sa labas ng ganung oras, pero ang tanging nais niya ay ang makausap si Bethany kaya hindi na siya nagdalawang isip pa sa naunang plano niya. Hindi niya magawang makatulog kahit na umuwi siya ng penthouse ng nagdaang gabi. Sa bawat sulok kasi ng bahay niya ay nakikita niya ang imahe ni Bethany. Sinubukan niyang uminom ng alak pampatulog, pero hindi ito nakatulong at iba ang ginawa sa kanya. Pinaiyak lang siya nito at mas pinasama ang timpla ng loob niya. Pina-realized pa nito na napakalaki niyang gago sa desisyon niya sa pagitan ng nobya at dating kasintahan niya. Kaya naman minabuti niyang lumabas na lang ulit at baka kung ano pa ang magawa niya sa sarili kung magmumukmok lang siya sa loob ng penthouse. Bumili na rin siya ng magiging almusal nila ni Bethany. Hindi lang iyon, sinamahan pa niya ito ng bouquet ng paboritong flower ng kasintahan niy
NAGSUKATAN NA NG matalim na mga tingin ang dalawang dating magkasintahan. Pilit na inaarok ni Gavin ang damdamin ni Bethany kung seryoso ba ito sa kanyang mga pinagsasabi. Hindi naman siya inatrasan ng dalagang nakipagtagisan ang mga mata nababalot ng hinanakit at sama ng loob. Si Gavin na lang ang napilitang umiwas sa bandang huli. Batid niyang hindi basta aatras sa kanya ang dalaga na puno pa rin ng galit ang pares ng mga mata. Siya na ang kusang a-adjust.“Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa katawan, Gavin! Kahit kaunti lang, please lang.” bulyaw ni Bethany na mas nandilat pa ang mga mata niya. “Pwede kang makahanap ng kahit na ilang babae na makakatabi sa pagtulog mo at papawi ng init ng katawan mo dahil alam kong iyon lang ang habol mo. Kaya mo iyong gawin kahit na nakasara pa ang mga mata mo! Hindi mo na kailangang guluhin pa ako ng ganito! Saka hindi lang naman ako ang babae dito sa mundo, huwag ka nga.” “Bakit, Thanie? Sa tingin mo ba ay iyon lang ang habol ko sa’yo kaya ako—”
NAPABANGON NA SI Bethany nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang apartment. Kumakalabog ang kanyang puso na dahan-dahan na lumabas ng silid sa pag-aakala na nabuksan ni Gavin ang pintuan ng apartment. Nakahinga lang siya nang maluwag sabay hawak sa kanyang dibdib nang makita niyang si Rina lang pala ang pumasok at hindi naman si Gavin.“Nagkausap ba kayo? Pinagbuksan mo?” usisa agad ng kaibigan na bahagyang tinuro sa labas.“Oo, akala ko kasi ay ikaw at may nakalimutan lang. Nagising din ako sa ingay ng doorbell eh.”Napailing na lang si Rina. Hindi makapaniwala na magogoyo nito ang kaibigan. Nilapag na niya sa center table ang mga dala niyang almusal nila. “Binigay mo kagabi sa akin ang duplicate key mo kaya malabong gagamit ako ng doorbell dahil alam ko rin namang puyat ka at kailangan mo ng pahinga. Buti at hindi ka niya pwersahang pinasok dito para magkausap kuno kayong dalawa?”Hindi sumagot si Bethany. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang abogado. Kumukulo na naman
ALAS-OTSO ng gabi nang marating nina Miss Gen at Bethany ang dinner party na sinasabi ng babae. Bagong galing pa lang siya sa napagdaanang sakit kaya nilinaw niya kay Miss Gen na hindi siya pwedeng uminom ng alak. Naiintindihan naman iyon ng babae.“Ayos lang Miss Guzman, ang mahalaga naman ay kasama kita. Hindi mo kailangang makipagsabayan. May mga low alcoholic drink naman doon in case hindi ka makatiis na hindi sumabay sa aming uminom.”Ngumiti lang si Bethany bilang sagot. Hindi nagtagal ay narating nila ang sinasabing dinner party. Hindi iyon normal na party lang. Ang inaasahan ni Bethany ay isa o dalawa lang na investors ang ka-meeting nila, pero mali siya. Marami sila na hindi niya kilalang mukha na noon lang niya nakita. Karamihan pa sa kanila ay mga lalaki. Hinuli niya ang mga mata ni Miss Gen na naging bigla na lang mailap. Hindi malaman ni Bethany kung bakit biglang tumahip ang dibdib niya. Pakiramdam niya, habang pumapasok siya sa loob ng VIP room na iyon ay pumapasok siy
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang