LOGINBAGO PA SIYA MAKABANGON at makapag-isip ng tamang dahilan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa secretary niya. “Attorney Dankworth, magsisimula ang meeting sa loob ng sampung minuto. Nakarating ka na ba sa law firm?” matamis ang boses ng kanyang secretary habang hinihintay ang kanyang magiging sagot, nanatiling tahimik ang abogado. “Gusto ko lang naman na ipaalala…” Pinikit ni Gabe ang kanyang mga mata. Gusto pa niyang matulog. Hindi lang iyon, ayaw niya pang bumangon. Gusto pa niyang manatili sa kama. Tumikhim si Gabe upang tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Siya ang boss kaya dapat na siya ang masunod. Wala namang magagawa ang mga ito kung babaguhin niya ang oras ng meeting sa huling minuto. “Paki-reschedule ng meeting bukas ng umaga, alas-diyes. Hindi ako makakapunta kung ngayon. Nasa bahay pa ako.”The secretary still sensed something was wrong. Hindi ugali ng abogado na magbago ng meeting kung wala naman.“May sakit ka po ba, Attorney Dankworth?”Gabe mumbled. “Hmm, I'
KUMALMA ANG HITSURA ni Gabe na mistulang magwawala na kung sakaling magkakamali ng sagot ang asawa. Matagal-tagal niya itong hinintay tapos ganun lang ang sasabihin nito sa gabi ng pagbabalik?“Bawasan mo na lang ang gagawin mo. Ako na ang bahala. Dadamayan mo lang akong namnamin iyon.”Kasabay nito ay muling humakbang si Atticus pasulong. Binuksan niya ang pinto ng guest room at naglakad papunta sa kama gamit lang ang ilang hakbang. Maingat na ibinaba niya ang katawan ni Gabe sa malambot na kama. Nadepina ang mala-porselanang kutis ni Gabe ng maitim na bed sheets. Kitang-kita sa mga paninitig ni Atticus ang matagal na niyang pagtitimpi at ang pananabik niya. Halos hindi ni Atticus binigyan ng oras para makapag-adjust si Gabe. Sumampa na siya ng kama. Muling binuhat ang katawan ni Gabe at sinandal na ang sarili niya sa headboard ng kama. Hinayaan lang naman siya ni Gabe. Inoobserbahan ang mga gagawin niya. Tinawid na niya ang kanilang pagitan at inangkin na ang mainit at malambot na
UMAYOS NG TINDIG si Gabe upang ihanda ang kanyang sarili. Humarap na ang katawan sa kanya ng asawa. Nag-aalangan ang mga mata ng babaeng tumitig na kay Atticus bago pa siya tuluyang magsalita ng kanyang paliwanag.“Wala nang dalawang taon ang itatagal ni Jake.”Biglang kumapal ang hangin sa paligid. Iyon ang naramdaman ni Atticus sa kanyang narinig. Kaya ba hindi maiwan ni Gabe ang lalaki nang dahil doon?“Wala na siyang ibang kamag-anak sa paligid niya na pwedeng lapitan o mag-aalaga sa kanya. At kahit na mayroon man, ang habol lang naman nila ay ang daan-daang milyong ari-arian niya. Atticus, ayokong ipaliwanag sa’yo ang pagkakaiba nina Jake at Cresia, pero masasabi kong noong kasama kita, hindi kita kailanman ginawan ng mali. Kaibigan lang si Jake…”“At ngayon? Ano na ang tingin mo sa kanya?” tanong niyang hindi na napag-ukulan ng pansin ang sinabi ng asawang nauna. “Kaibigan pa rin ba, ha, Gabe?”Hindi sumagot si Gabe. Hindi niya na kailangang sabihin iyon sa asawa lalo na ngayong
BUKOD SA AYAW ni Gabe na makita ng kambal na may alitan sila ng kanilang ama ay pagod na pagod din si Gabe. Hindi sumang-ayon o tumutol si Atticus sa kanyang tinuran. Ngunit para kay Gabe ay hindi na iyon mahalaga. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, lumabas, yumuko, binuhat na sina Haya at Hunter. Matapos na halikan ang mga anak ay dahan-dahan niyang binitawan para sa ina naman sila makapaglambing na sa mga sandaling iyon ay umiirit sa excited. “Mommy, you’re home!” Niyakap ni Haya ang kanyang ina. Hinalikan naman siya ni Gabe na nagawa ng ikulong ang anak na babae sa kanyang bisig. Maya-maya ay umeksena na rin si Hunter na pilit siniksik ang kanyang katawan sa kandungan ni Gabe kung nasaan si Haya prenting nakaupo. Malambing na tinanong ni Gabe ang mga anak kung maayos ba ang kalagayan nila nitong mga nakaraang araw, kung masaya sila kahit na wala sa tabi nila ang kanilang ina. Panay tango lang ang kambal.“Masaya si Haya, Mommy!”“Me too, Mommy. Daddy bought us some new toys.”
SAKA LANG NAALALA ni Gabe na natapos na ni Atticus ang kanyang recovery period ng mga sandaling iyon sa surgery nang balingan na niya ang mukha ng asawang malapad na ang ngiti sa kanya. Hindi niya mapigilan na baka iyon ang habol sa kanya ng asawa kaya nanunundo ito? Imposible. Alangan namang sa hotel siya nito ideretso at hindi umuwi ng villa. Isang kahunghangan ang gagawin ni Atticus kung iyon nga at mapapatunayan niya ang plano nito sa likod nng panunundo. “Oh? Nariro ka pala…” Hinila ni Gabe ang kanyang maleta at dahan-dahan nglumapit kay Atticus na may ilang dipa rin ang layo sa banda nila. Habang papalapit ay hindi naman mapigilan ni Atticus na titigan siya nang may malalim na tingin sa kanyang mga mata. Maya-maya ay hindi na niya natagalan ang basta paninitig lang, sinalubong na niya si Gabe at kinuha niya ang mga bagahe nitong dala. Alalay ang lakad niya patungo sa parking lot. Lumapit si Gabe sa kanya at mahina ng nagtanong habang inilululan ni Atticus ang kanyang mga malet
WALANG IMIK NA hinayaan lang ni Atticus na ilabas ng mga anak ang emosyon ng lungkot sa pag-alis ng kanilang ina. Panay naman ang tingin ng driver sa kanila na marahil ay nagtataka na kung bakit hindi sinasaway ng amo ang mga bata na tumigil na sa kanilang pag-iyak. Iba kasi ang ugali ng dalawang bata, mintris na sawayin lalo lang silang lumalakas ang pag-iyak. Bago makarating ng villa, ubos na ang kanilang mga luha at okay na ulit ang kambal. Tila walang nangyari.“Daddy, hindi mo ba mami-miss si Mommy kaya hindi ka umiyak kanina?” tanong ni Haya habang pagulong-gulong na ito ng kama, hinahagis niya ang maliit na bola na hinahabol ni Otso at binabalik naman sa kanya. Mukhang okay na ito.“Syempre mami-miss pero hindi ko naman kailangang umiyak para ipakita iyon dahil alam kong babalik din siya agad.” matalinong sagot ni Atticus na abalang binibihisan si Hunter na kakatapos lang noong mag-half bath. Tumango si Haya, iyong tipong tila naiintindihan niya ang sinabi ng ama. “Mga anak,
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






