PARA MATIGIL NA ang bunganga ni Patrick ay tinanggap na lang iyon ni Briel. Ininom niya ang tubig para manahimik na si Patrick na alam niyang hindi siya tatantanan hangga’t hindi niya pinagbibigyan. Akma pa nitong pupunasan ng hawak na tisyu ang labi niya na may kalat ng kaunting tubig nang hablutin niya na ang tisyu mula dito. Sigurado siya na pinagmamasdan pa rin sila ni Giovanni at hindi sa pagiging assumera lang niya na kapag nakita nito ang tagpong iyon ay iisipin nitong may relasyon marahil sila ni Patrick; na wala naman. Nagkita lang din sila sa banquet na iyon. Sandali, kailangan niya pa bang ipaliwanag pa iyon sa Gobernador? Bakit niya gagawin ito?“Ako na. Masyado mo akong bini-baby!”“Bini-baby? Ganyan naman kita e-trato dati ah. Speaking of it, pwede na siguro kitang maging baby.” Matalim ang mga matang inirapan siya ni Briel. Alam na ni Patrick ang reaction na iyon ng babae. Pagak na muling natawa lang si Patrick na aliw na aliw sa hitsura ni Briel. Aaminin niya, sobrang
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Patrick na halatang nagulantang sa sinabi ng hindi kilalang lalaking kaharap ay mabilis ng nahila ni Giovanni si Briel palabas ng venue. Sinubukan ni Briel na tanggalin ang hawak nito sa kanyang braso nang mahimasmasan ngunit sa halip na lumuwag iyon ay mas lalo lang humigpit ang hawak sa kanya ng Gobernador. Mabagal ang mga hakbang nila at kahit siguro mabilis ay wala pa ‘ring makakapansin dahil invested pa rin ang halos lahat ng mga bisita sa kaganapan sa gitna ng dance floor; kina Bethany at Gavin na mas naging sweet pa sa bawat isa. Paano ba naman, maharot pang hinalikan ni Gavin ang asawa na animo ay silang dalawa lang ang nasa lugar na sa paraan ng pagtingin kay Bethany. Maliban kay Patrick na nahimasmasan lang nang makitang naglaho na sa paningin niya ang dalawang kaharap kanina ay wala ng ibang nakapansin pa sa kaganapang iyon. Bigla siyang nataranta. Sapo ang noong inilibot na ang kanyang mga mata upang hanapin sina Briel at Giovanni. Naisip na baka n
NAKAPAMEYWANG NA DOON si Briel. Puno na ng poot ang kanyang mga matang nakaburo kay Giovanni na iwas na ang tingin sa kanya. Makailang beses na gumulong ang kanyang adams apple sa ginawa niyang paglunok ng laway. Naisip ng Gobernador na masyado yata siyang naging insensitive. Naunahan ng alam niyang matinding selos sa kanyang mga nakita kanina. Pabagsak siyang naupo sa sofa matapos na lumapit doon. Hindi naman umalis sa kanyang kinatatayuan si Briel na sinundan lang ng tingin ang ginawa ng Gobernador na pag-upo sa sofa. Unti-unting napalis ang kanyang galit nang maisip na nagselos ito kay Patrick. Ibig lang sabihin noon ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito sa kanya at nakakakilig.“O bakit hindi ka na makapagsalita? Akala ko ba pag-uusapan natin si Brian? Ano ang tungkol sa kanya? Magsalita ka.” hamon niya kay Giovanni nang hindi pa rin ito lumingon na animo ay walang planong tingnan siya o sagutin ang mga tanong niya, “Don’t tell me na apektado ka pa rin ng presensya ko? Mah
NAGUGULUHAN MAN AT hindi sigurado ni Giovanni kung magiging madali lang ba ang bagay na iyon. Takot sa kanya ang bata kahit pa siya ang ama nito. Napatunayan niya iyon nang subukan niya itong kunin at umiyak lang ang bata. Ayaw nitong kumarga man lang sa kanya kahit na anong pagkuha niya ng atensyon ng bata. Mabuti pa sa kanyang inang si Donya Livia, nagagawa nitong lumapit at magpahalik sa pisngi. Hindi naman siya nakakatakot. Ang tanging naiisip niyang paraan upang mapalapit dito ay ang manatili sila sa iisang tahanan. Kung mananatili ito ng Maynila at nasa Baguio siya, imposibleng mangyari ang gusto niya. Hindi naman pwedeng lagi rin siyang bababa.“Why don’t you and Brian live with me in Baguio?” Mabilis ang ginawang pag-iling ni Briel ng kanyang ulo. Ano siya hibang? Kung papayag siya parang sinabi niyang bati na sila. Bakit sila doon titira? Kung noon ay gusto niya iyon, ngayon ay hindi na. Ayaw na niya sa ideyang iyon.“Hindi pwede. Magsisimula na akong mag-trabaho next week.
GINAWANG WALLPAPER NG Gobernador ng kanyang cellphone ang larawang iyon ng mag-inang Brian at Briel. Aminin niya man o hindi habang tinititigan niya ang larawan ng mag-ina, hindi niya maikakaila ang patuloy na sakit na kanyang nararamdaman. Invisible iyon pero damang-dama ng kanyang buong katawan. Napakurap na sii Giovanni na naramdaman na ang pag-iinit ng bawat sulok ng kanyang mga mata. Puno ang kanyang puso ng panghihinayang sa mga oras na nasayang. Huminga siya nang malalim. Pilit na kinalma ang umaahong halo-halong emosyon na dapat ay hindi niya na nararamdaman dahil nangako na siyang babawi sa mag-ina. Gagawin niya ang lahat upang makabawi lang sa kanila, lalo na sa kanilang anak na paniguradong naghahanap ng kalinga ng ama. Habang nakahiga ay hindi niya pa rin magawang tanggalin ang mga titig ng mga mata niya doon. Hindi pa si Giovanni nakuntento, marahang hinaplos niya ang screen kung saan nakatapat ang mukha ng kanyang mag-ina. “Soon, magkakasama rin tayo sa loob ng iisang l
ILANG ARAW ANG lumipas at nagulantang ang mga Dankworth at Bianchi ng makarating ang balitang naka-confine sa hospital ang anak nina Bethany at Gavin, si Gabe. Kinakailangan daw nito umanong salinan ng dugo kung kaya naman taranta na ang pamilya sa paghahanap ng dugong kinakailangan ng bata. Nagkataon pa na ang blood type ng dugo ni Gabe ay kagaya ng blood type ng kanyang ama na mahalaga. Kinakailangan niyang salinan na agad namang nakahanap. Maging si Mr. Conley na nasa ibang bansa ay napauwi nang wala sa oras dahil sa balitang iyon. Nais niyang manatili sa tabi ng anak ni Bethany kahit na hindi naman kinakailangan. Hindi rin naman nagtagal at sinabi ng mag-asawa na okay na ang anak. Kinakailangan na lang nilang manatili doon ng ilang araw para sa pagbawi ng lakas na nawala ni Gabe. Araw-araw na bumibisita doon si Briel, after ng kanyang trabaho ay hindi pwedeng hindi siya dumadaan doon upang kumustahin ang pamangkin. Parang naging everyday routine niya na ang bagay na ito.“I’m oka
DALAWANG ARAW MATAPOS na makalabas ng hospital ni Gabe ay nagpahanda sina Mr. and Mrs. Dankworth ng family dinner sa mansion sa galak na nakalabas na ang apo. Dahil napag-alaman din nila na nasa Manila pa ng mga sandaling iyon si Giovanni ay personal itong inimbitahan ni Mr. Dankworth na pumunta sa inihandang dinner ng pamilya. Pumunta naman si Giovanni doon. Kung tutuusin ay nasa plano na talaga niya ang pumunta sa mansion para makita ang kanyang anak. Maaga pa siya nang dumating. Ganun na lang ang gulat ng mag-asawang Dankworth na may dala ang Gobernador ng iba’t-ibang mga prutas na paborito ng kanilang apong si Brian. Makahulugan na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit hindi naman sila doon nagkomento na pinaharap lang ang kanilang apong si Brian na padilat-dilat na naman ang mga matang nakatingin sa ama. Hawak nito ang favorite toy car na bigay din ng Gobernador sa kanya. Napangiti na doon si Giovanni. Ibig sabihin ay pinapahalagahan ng anak ang mga bigay niya. “Bless sa Daddy, Bri
MATAMAN NA PINAGMASDAN nina Briel at Giovanni ang kanilang anak na para bang isa itong mamahalin na bagay o magandang tanawin na hindi nila pwedeng palagpasin. Napangiti pa silang dalawa ng unti-unting maging madungis ang hitsura ng mukha ni Brian. Tumulo pa kasi ang laway nito na ang iba sa laman at balat ng ubas ay sumamang lumabas. Maya-maya ay lumapit na ang bata kay Briel at sinubuan ang ina ng hawak niyang ubas na hindi naman tinanggihan ng babae na niyakap pa at hinalikan ang pisngi ng anak matapos na tanggapin iyon at magpasalamat sa anak. Kitang-kita ang inggit sa mga mata ni Giovanni na hindi naman nakaligtas sa matalas na gilid na paningin ni Briel. Dahil sa marami naman itong pasalubong sa kanila, naisip ni Briel na deserve din ng Gobernador na malambing ng anak niyang si Brian. “Brian, bigyan mo rin ang Daddy, please?” malambing na utos ni Briel sa anak. Natigil sa marahang pagnguya sa kinakain niyang ubas si Brian na halatang naintindihan ang sinabi ng ina. Nilingon na
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang