NAPATAYO NA ANG dalawang bata at matapos na magkatinginan ay nag-uunahan na silang tumakbo palapit sa kanilang ina. Yumakap na sila upang pawiin lang ang sinabi nitong pangungulila sa kanila. Ikinangiti naman iyon ng malapad ni Briel na sinusubok lang naman sila.“Mommy, dapat kasi magsama na lang ulit kayo ni Daddy sa loob ng iisang bahay para masaya na tayo ulit. Gaya ng dati. Doon sa villa. Doon naman kami lagi natutulog kapag kinuha ni Daddy e.”Hindi pinansin ni Briel ang muling hirit ni Brian. Binitbit na lang niya sa magkabilang tagiliran ang mga anak na walang ginawa kundi umirit lang nang umirit dala ng kanilang kiliti at kaligayahang nararamdamang. Doon na nabaling ang atensyon ng dalawang bata, iyon ang buong akala ni Briel ngunit nang ilapag niya sila saka naman nagsalita ang bunso niyang anak.“Tama Kuya, Mommy…” si Gia na suportado ang nais na mangyari ng panganay na kapatid. Nalaman ni Briel ang dahilan kung bakit hindi nagawang sunduin ni Giovanni ang mga anak ng Satu
MALIGAYA ANG MGA batang umuwi na nasulit ang oras na kasama ang ama. Inihatid sila ni Giovanni sa kabila ng mariing pagtanggi ni Briel. Isinama na lang niya ang kanyang secretary tutal sa villa rin naman sa Batangas ang tungo nila. Hinayaan na lang din siya sa kagustuhan ni Briel dahil kahit makipagtalo dito, alam ng babae na hindi rin naman siya mananalo sa kanya.“Daddy, next weekend pick up mo na kami ni Gia ng Friday night ha?” Napaayos ng upo si Briel. Friday night? Anong pinagsasabi ng kanyang anak. “Brian, sasabihin pa natin iyon sa Mommy mo. Hindi pa kami nag-uusap ng tungkol dito.” sagot ni Giovanni na bahagyang sumulyap sa rearview mirror ng sasakyan, bigla ng kinabahan doon.“Basta hihintayin ka namin ni Gia ng Friday night, di ba Gia?” sagot ni Brian na binalewala ang rason ng ama niya, alam niyang hindi sila magagawang tiisin ng kanilang Daddy. “Huwag mo kaming bibiguin. Sasama ang loon namin sa’yo. Hihintayin ka namin.” pamre-mressure pa nito.“Gabriano, narito lang
HINDI PUMAYAG ANG magkapatid na Brian at Gia na umalis sila agad ng apartment na suggestion ni Briel noong nasa sala na sila at hinihintay na lumabas ng kwarto si Giovanni. Sabay na nag-alboroto at humandusay sa sahig ng sala ang magkapatid nang i-announce na uuwi na sila ng mansion. Sinakto nila iyon na nakalabas na ng silid ni Giovanni. Maayos na itong nakabihis ng damit ng mga sandaling iyon. Napanganga na ang dating Governor nang makita ang ginagawa dito ng dalawa nilang anak. Dumadanak ng luha habang pinapanood lang ni Briel.“Ang dumi ng sahig—” “Daddy, pigilan mo si Mommy. Ayaw pa naming umuwi. Gusto pa namin ni Gia na mag-stay!” si Brian na nakatakbo na agad kay Giovanni upang magpakampi nang makita ang bulto niya, “Please? Kahit hanggang hapon lang ng araw na ito. Ayaw pa naming umuwi. Gusto pa namin dito!” patuloy na palahaw nito ng iyak na akala mo ay sobrang inapi at pinagbuhatan ng kamay. Pinalambot ni Giovanni ang kanyang mga tinging ipinukol sa nakahalukipkip na si Br
LUTO NA NOON ang kanilang pancake at nakahain na iyon at nakalagay sa kanilang plato. Sumampa na si Brian sa upuan. Kinarga naman ni Maria Gina si Gia upang maayos na maiupo na rin sa harap ng dining table. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain. Nagpatimpla lang ng black coffee si Giovanni. Sa totoo lang ay kanina pa siya hinihila ng antok, ngunit hindi siya pwedeng matulog dahil sa mga anak. Kailangan niyang manatiling gising upang kunin ang pagkakataong iyon para makabawi sa mga anak sa nasayang nilang bonding ng nagdaang araw. Nagpatuloy na kumain ang dalawang bata. Panaka-naka ang punas ni Maria Gina ng tisyu sa bibig nila kung saan nakakakalat ang chocolate syrup na halos ibuhos na sa pancake. Sarap na sarap ang dalawa sa almusal na iyon na unang beses nilang naranasan kasama ang ama. Nakangiti ang kanilang mga mata habang ngumunguya at ninanamnam ang bawat kagat sa pancake.“Pwede akong matulog mamaya, Brian.”“Daddy, sayang talaga. Mas masaya sana kung doon kayo natulo
LUMALIM PA ANG gabi ngunit nanatiling nakatayo pa rin si Giovanni na parang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya magawang i-angat ang kanyang mga paa upang magpatuloy na lumapit sa katawan ng dati niyang asawa na mahimbing pa ‘ring natutulog. Walang pumipigil dito. Pagkakataon na sana niya iyon, ngunit ayaw sumunod ng katawan. Habang nakaburo ang mga mata sa mukha ni Briel, pakiramdam niya ay parang pinipiga sa saya at lungkot ang puso niya.“Gabriella…” usal niya sa pangalan nito sa pag-asang magigising ito at maririnig siya, “I’m home…nakauwi na ako…”Subalit, ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin itong naging galaw na halatang himbing na himbing pa rin. Pinilit na ni Giovanni na makalapit kahit na pakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso. Matapos na pagmasdan ang mukha ni Briel na natutulog ay dahan-dahan siyang naupo sa bandang uluhan nito. Hindi pa nakuntento doon ang dating Governor na nagawa pang i-unan ang ulo ni Briel sa kanyang hita nang wal
SA PAGKAKATAONG IYON ay sinubukan ni Giovanni na tawagan si Briel upang kumustahin ang kanilang biyahe. Sa tantiya niya na oras ng biyahe ay malamang wala pa marahil sila sa Manila o baka naman ay kakarating lang nila ng mansion lalo na kung maabutan sila ng buhos ng ulan. Kilala niya rin ito. Hindi nito bibilisan ang takbo ng sasakyan lalo na kung lulan ang kanilang mga anak. Wala naman siyang ibang pakay kaya siya napatawag, nais lang niyang malaman kung nakarating sila ng mga bata nang maayos. Gusto lang niyang makibalita. Iyon lang naman. Hindi naman iyon napansin ni Briel na nakahiga na ng oras na iyon sa sofa, nahihigaan niya ang cellphone na bagama’t patuloy na umiilaw ang screen ay hindi niya napansin dahil may takip na braso ang dalawa niyang mga mata. Antok na antok na siya, pero parang ayaw siyang patulugin ng kanyang sariling katawan sa hindi niya malamang dahilan. Ayaw nitong sumunod sa kanya.“Tulog na kaya siya? Baka tulog na sila.” hinuha ni Giovanni ngunit itinuloy pa