Share

Chapter 18.3

last update Last Updated: 2025-02-18 23:25:46

NAKAHINGA NANG MALUWAG si Briel nang magawa niyang matapos na palitan ng damit si Giovanni nang hindi ito nagigising. Gusto niyang magtatalon na doon sa galak, magdiwang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib kahit na panay ang tagaktak ng kanyang pawis sa buong katawan, lalo na sa mukha. Daig niya pa ang nag-sauna o kung hindi naman ay ang tumakbo ng ilang milya para lang magpapawis at magbawas ng taba. Gamit ang nangangatog na mga tuhod ay tumayo na siya nang maayos na niya ang kumot sa katawan ng Gobernador na kasalukuyang pa rin na nahihimbing bunga ng matinding pagod. Nakatulong ang alak na ininom ni Giovanni upang ibigay nito ang tulog at pahingang inaasam ng katawan.

“Thank you, Lord…” usal niya habang hawak na ang pants at polo shirt nitong papalabhan niya mamaya. “Pinakinggan mo ang panalangin ko. Akala ko ay mabubulilyaso pa ako sa aking malinis na intensyon.”

Sa halip na tumalikod na upang lumabas ng silid at balikan ang kanyang pamilya na naghihintay ay nanatili pa doo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (44)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Masaya kn pakipot kp k. mahal m nmn cya
goodnovel comment avatar
NovenoJoy
Update po plssss...
goodnovel comment avatar
Roselyn Mendoza
hala tagal na nmn mag update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.3

    MARIING NAKAGAT NA ni Ceska ang kanyang pang-ibabang labi. Natunaw na ang inis sa kanyang mukha. Napalitan na iyon ng kilig. Iyong tipong parang kinikiliti ang kanyang puso sa sinabing iyon ni Brian. Inirapan na niya si Brian kahit na sa mga sandaling iyon ay nais itong yakapin. Muli niyang pinaandar ang sasakyan dahil baka kapag niyakap niya ito ano pa ang maisipan nitong gawin sa kanya. Naging tahimik na ito hanggang sapitin nila ang main gate ng mansion ng mga Bianchi. Doon pa lang ay nakabalatay na ang kaba sa mukha ni Ceska. Pumasok na siya sa teritoryo ng mga Bianchi. Hindi niya mapigilan ang kabahan. Nilingon na siya ni Brian upang pakalmahin, ngunit sa halip na sabihin iyon ay kalokohan ang biglang pumasok sa isip ng lalaki. “Kinakabahan ka ba? Bakit ka naman kakabahan na i-meet ang soon ay parents-in-law mo na?” Inapakan ni Ceska ang brake. Sa taranta niya ay hindi niya nakita ang malaking bato sa gilid kung saan ay bumangga ang minamaneho niyang sasakyan. The front of the

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.2

    NAKAILANG PALIT NA si Ceska ng kanyang suot na damit. Ilang beses niyang tinanong ang kanyang sarili kung totoo ba talaga na inimbitahan siya ng asawa ng dating Governor kahit na narinig naman niya sa mismong bibig ng Ginang iyon. Makailang beses niyang tinanong iyon nang paulit-ulit. Narinig niya ang sinabi nito sa tawag pero hindi pa rin siya naniniwala. Hindi kaya alam na nitong nobyo niya si Brian at doon siya nito tatalakan at ipapahiya? Nang sumagi sa kanyang isipan iyon ay bigla siyang nanghina. Parang ayaw na talaga niyang sumama. Hindi pa sila kumakain at hinihintay umano silang dumating. Nakakahiya naman doon.Ito na ba ang pagkakataong kinakailangan niyang maging matapang?Ilang sandali pa niyang sinipat ang kanyang sarili sa salamin. Marahan niyang hinaplos ang kanyang buhok. Lumipat iyon sa kanyang mukha. Kung hindi ngayon ay kailan pa siya tatapang?“Ito na siguro ‘yun.” kumbinsi niya sa kanyang sarili.Nang bumaba sa hagdan si Ceska ay agad ng napaahon sa inuupuan niy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.1

    PAGDATING NG VILLA ng mga Natividad ay walang inaksayang sandali si Brian. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob na parang tagaroon lang siya. Bukod sa mga katulong ng mga ito ay wala ng ibang kasama si Ceska. Bumalik na sa hotel niya si Benedict na hindi naman doon natutulog. Kasalukuyang nasa living room noon ang babae. Nagbabasa ng libro. Inaabala ang sarili. Sa totoo lang ay naiinggit siya na hindi siya kasama ng mga magulang patungo ng mansion ng mga Bianchi. Naiintindihan naman niya ang mga ito na hindi rin siya invited doon kung hindi ang original na pamilya lang ng mga Natividad. Wala rin siyang dapat na ikasama ng loob sa pamilya. Basa pa noon ang buhok niya dahil kasama sa paglilibang niya ng sarili ay pinili niyang maligo. Ilang minuto lang iyon dahil malamig ang tubig. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim.“Mr. Bianchi…” sambit ng katulong na siyang sumalubong kay Brian, lumingon na ito sa babae na halatang hindi pa rin napapansin ang pagdating ng nobyo. “Miss Ceska, na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 30.4

    PAGDATING NILA NG mansion ay mabilis ng tumakas si Gia na nauna ng pumasok sa loob. Naiwan si Vaniel na panay ang sulyap kay Brian. Hindi dahil sa narinig niyang usapan nila ng Ate Gia niya kung kaya siya dito nakatingin. Iniisip niya lang iyong sinabi ni Cora sa kanya na ito raw ang mas nahirapan noon nang dahil sa kalokohan ng ama nilang dating Governor.“May sasabihin ka sa akin, Vaniel?” Ganun na lang ang iling ni Vaniel. Bahagya pa itong ngumiti sa kanya. “Wala, Kuya…” Inakbayan na siya ni Brian at iginiya na papasok sa loob ng mansion. Nagpatangay naman si Vaniel. Sinalubong sila agad ng maid na sinasabihan si Brian na pumunta ng office ng ama.“Thanks sa pagsama sa akin kanina, Vaniel.” Muli lang tumango si Vaniel na sinundan na ng tingin ang bulto ng kapatid na paakyat na ng hagdan. Ngayon naiintindihan niya kung bakit ganun ito kamahal ng mga magulang nila. Marami itong napagdaanan. Marami itong mga iniluha at sakit na malamang ay lihim na ininda. Paniguradong hanggang ng

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 30.3

    NAGTUNGO DOON SI Benedict na dumating kanina matapos na makaalis si Brian upang makita lang si Ceska. Nakilangoy na rin siya na hindi naman pinagbawalan ng mga magulang nito. Muling tinitigan ni Benedict ang babae, ilang minuto pa ay nakilala na niya kung sino ito. Malamang ay kapatid ito ni Gabriano. May hawig ito sa kapatid at sa pinsan nilang si Gabe. “Hindi ako maglalangoy kung nilalamig ako. Saka, hindi ka ba naturuan ng salitang privacy? Masamang naninilip—” “Excuse me?” putol ni Gia na bahagyang ipinaypay ang isang palad sa kanyang mukha na bagama’t malamig ay naramdaman niya ang biglang pag-iinit noon, nameywang na ang kanyang isang kamay upang ipakita dito ang pagtataray. “Anong pinagsasabi mong naninilip? Malay ko bang ibang tao ka? Ang buong akala ko ay ikaw si Kuya Oscar!” Umangat ang gilid ng labi ni Benedict na halatang natutuwa sa reaction ng inosenteng mukha ni Gia. Lalo pa iyong namula na para bang nahihiya ito sa daloy ng kanilang usapan. Di na magawang tanggalin

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 30.2

    NANATILING TAHIMIK LANG si Ceska habang nakatingin sa mukha ni Brian. Hinihimay ang mga sinabi ng nobyo sa kanyang isipan na lalong nagpabagabag pa sa kalooban ni Brian nang dahil sa pananahimik nito. Iba ang pananahimik nito ngayon. Basta iba. Malalim iyon. Nakakabahala. Iyong tipong hindi ni Brian maarok kung ano ang iniisip niya. Ikinulong na niya ang katawan nito sa kanyang mga braso nang sa ganun ay sabihin nito sa kanya ang kanyang iniisip. Nang i-angat ang mukha ay mabilis niyang ninakawan ng halik ang labi ni Ceska na napakislot. Pilit na hinuhuli ang mga mata nito na para sa lalaki ay parang biglang naging mailap at hindi niya magawang maapuhap upang mabasa lang noon.“Pangako, Baby, hindi ko talaga siya pinapunta.” Pabirong tinulak ni Ceska papalayo ang mukha ni Brian sa kanya nang akmang muling hahalik ang nobyo dahil inilapit na naman nito ang kanyang mukha. Naniniwala naman siya sa mga sinabi nito. Hindi lang talaga siya umiimik dahil wala naman siyang ibang sasabihin. I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status