Share

Chapter 180.1

last update Last Updated: 2024-12-28 15:03:46

ILANG ORAS ANG ginugol nila sa sementeryo. Hindi maalis ni Bethany ang kanyang mga mata sa likod ng lalaking nagpakilala niyang kapatid ng ina. Hindi nakaligtas sa kanya ang marahang paggalaw ng magkabilang balikat nito na halatang umiiyak. Isang dipa ang layo nila ng kanyang asawa kay Giovanni na pa-squat na nakaupo sa harapan ng puntod ng ina at kinikilala niyang ama pero naririnig niya ang boses nito na parang kausap ang ina hindi nga lang malinaw kung ano ang mga pinagsasabi nito. Nagsindi ito ng kandila.

“Gusto mong lumapit?” alanganing tanong ni Gavin na ikinailing lang ni Bethany.

“Hindi na. Moment nilang dalawa ngayon ni Mama pagkaraan ng ilang dekada tapos sasali pa ba ako? Pabayaan na lang natin sila.”

“Akala ko kasi gusto mong lumapit.”

Muling umiling si Bethany. Aaminin niya na magaan nga ang loob niya sa lalaki ngayong matagal niyang napagmasdan ito. Marahil kanina ay nadala lang siya ng bugso ng damdamin kung kaya naman nailabas niya ang tinatago niyang sama ng ugali.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Kristine luv Villanueva
Gavin sa kanya ka lang nga lukuhod dba ganyan ka nya kamahal ngbunga na rin ang sacrifices mo kaya wag na mgpaka abogago Kc may tatakbuhan na xa ngaun Pero I'm sure ikaw at ikaw pa rin ang piliin nya sa huli SPOILED WIFE nga dba
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
naku Gavin wag ka talaga pasaway kay thanie mayaman pala ang lahi nila hehe
goodnovel comment avatar
Noime Divina
Nahimasmasan na c Bethany hahaha..naisip nya din ang inasal nya SA harap Ng tiyohin nya...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.3

    LUMAMLAM NA ANG mga mata ng lalaki na ang isang kamay na nasa isang tainga ni Ceska ay bumaba sa baba ng dalaga upang mas maging malinaw ang mukha nito sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilang ilapit ang mukha. Sabi niya, cuddle lang at hindi nila gagawin ang bagay na iyon ngunit hindi niya mapigilan na halikan ito. Angkinin ang labi nito na kanina pa siya inaanyayahang halikan. Nagawa na nilang mag-sex kanina sa silid ng babae, ngunit para kay Brian ay hindi pa sapat iyon. Kulang na kulang pa. “Gabriano…” mahinang usal ni Ceska nang saglit tanggalin ng lalaki ang labi niya sa bibig nito. “Sabi mo—”Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay ikinulong na siya ni Brian sa kanyang dalawang braso. Muli pang inabot ang labi niya. Ipinikit na lang ni Ceska ang kanyang mga mata. Nagpatangay sa agos ng halikang iyon na alam na alam na ng babae kung saan sila papunta. Sinungaling talaga ng lalaking ito, pero hindi niya magawang makawala sa kanyang mainit na mga yakap.Lumalim pa ang hal

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.2

    LIHIM NA NATAWA si Ceska na ikinubli niya kay Brian. Bakas kasi sa boses nito ang excitement bigla.“Pasta, pizza at drinks. May gusto ka pa bang ipabili sa akin?”“Wala na. Okay na ako doon. Sa totoo lang, busog pa nga ako eh.” “Kailangan natin ‘to, kasi baka mamaya bigla na lang tayong magutom.” Gaya ng kanilang plano ay dumaan muna sila sa Amare La Cucina. Buong biyahe nila ay nanatiling tahimik si Ceska. Pinagninilayan kung tama ba ang naging pagpayag niya. Mali. Alam ng isipan niyang mali, ngunit ang bulong ng kanyang puso ay tama iyon. Si Brian na lang ang pumasok sa loob ng restaurant at nag-take ng order kung kaya naman nagkaroon si Ceska ng pagkakataon na makausap saglit si Benedict kahit na mariin niyang pinanindigan kanina na hindi niya iyon sasabihin kahit kanino. Pikit ang mga matang inamin niya na nasa labas siya kasama si Brian kahit alam niyang magagalit ito. Ngunit taliwas ang nangyari. Tahimik lang siyang pinakinggan ng Manager kahit na ang dami nitong nais na sabi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.1

    MAHIGPIT ANG YAKAP ni Brian kay Ceska mula sa likod. Nasa Melvin Jones football field na sila. Ayaw na ng lalaki itong bitawan kahit na saglit lang. Kung pwede lang na habang panahon na lang silang ganito, hihilingin niya na huwag ng matapos ang sandaling iyon. Naiiyak siya. Ang buong akala ni Brian ay hindi na niya magagawa pang yakapin nang ganito ang dating nobya. Gustong-gusto niya ang mga nangyayari ngayon sa kanila na ang hiling niya ay pareho sila ng nararamdaman ni Ceska na magaan ang hawak sa kanyang dalawang braso na nakayakap sa katawan nito. Kalmado ang kanilang mukha ngunit sa loob ng kanilang dibdib ay parehong naghuhuramentado ang kanilang mga puso na gaya ng fireworks, sumasabog. Parehong nakatingala ang kanilang mukha sa langit, sa fireworks na binibigyan ng liwanag ang madilim na paligid. May distansya sila mula sa mga taong naroon at nanonood na gaya nila. Hindi sa takot sila na may kakilalang makakita, ngunit gusto nilang mas ma-enjoy ang moment na iyon. Nasa may

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.4

    HINDI NA NAGAWA pang tapusin iyon ni Ceska na sinunggaban na ni Brian ang labi upang ituloy ang halik na sinimulan ng babae. Napasinghap na ang babae. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Brian. Ilang minuto iyong tumagal. Gumapang na ang mga kamay nitong humaplos na sa kanyang katawan. Palalim nang palalim ang kanilang halikan na puno pa rin ng pananabik. Kulang na lang ay ihiga siya ng lalaki sa upuan at muling gawin ang bagay doon na parehong nasa kanila ng isipan. Mabuti na lang at napigilan iyon ng tawag sa cellphone ng staff ng restaurant upang sabihing may table ng nakalaan para sa kanilang dalawa.“I told you…” marahang pisil ni Brian sa baba ni Ceska at punasan na ang lipstick na kumalat. Gulantang pa rin noon si Ceska na walang naging ibang komento sa bilis ng nangyari. “Huwag mo akong hahamunin…” Pumunta na sila ng restaurant. Pagdating nila sa upuan ay ilang minuto lang silang naghintay ng order. “Any additional order, Sir?” ibang staff iyon, hindi ang nag-assist sa k

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.3

    FAVORITE NG PAMILYA Bianchi na kainan ang resto na iyon kung kaya mas gusto ni Brian siyang dalhin dito. Walang itulak kabigin ang luto doon lalo na ang Garlic Buttered Chicken, Sweet and Sour Fish Fillet at ang Lechon Brocolli Rice. Crowded, pero gustong-gusto pa rin ni Brian na iparanas kay Ceska ang kumain doon. Marahil ay dahil nais niyang hilumin ang inner child nito na hindi naranasan ang mga bagay na iyon?“May set up ng fireworks mamaya sa Melvin Jones football field. Manood tayo ha?” muli pang lingon ni Brian na pinaandar na ulit ang sasakyan niya. “Tapos noon ay uwi na rin tayo. Kung gutom ka pa, sabihin mo sa akin. Pwede tayong mag-take out sa Amare La Cucina ng pizza or pasta. The best din doon, Ceska…” “Sige…” Matapos na iparada ang sasakyan ay magkahawak-kamay na tinungo nila ang restaurant. Walang pakialam sa mga taong kanilang nakakasalubong. Hindi alintana kung sakali man na may makakilala sa kanila doon. Brian was handsome, wearing a formal suit, driving a luxury

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.2

    MATAPOS NA BUHAYIN ang makina ng sasakyan ay walang-lingon sa likod na pinaandar na ni Brian ang sasakyan. Walang pakialam kung may makakita man sa kanilang pag-alis. Kapwa pigil ang kanilang mga hinga habang pinapanalangin nang tahimik na wala sanang makapansin sa kanilang sasakyan na umalis. Lingid sa kanyang kaalaman ay tanaw na tanaw sila ni Gia, na hindi pa rin mapigilan ang kilig sa kanyang labi. Proud siya sa kapatid na tumatapang na. Sa halip na sabihin iyon sa kanyang ina, ang pinsan niyang si Nabe ang kanyang tinawagan upang kuwento lang ang kanyang kababalaghang natuklasan. At dahil katabi lang ni Nabe ang kanyang Ate Gabe, nagbigay na ito ng reaction niya patungkol sa kanyang naulinigan dito. “Gia, don’t you dare na sabihin kay Tita Briel ang natuklasan mo. Hintayin mong si Gabriano ang magsabi.”“Why? Ang kupad niya kasi—” “Huwag mong sirain ang diskarte niya. Naghahanap lang iyon ng tamang tyempo.” Umirap si Gia kaya sinamaan na siya ng tingin ni Gabe na medyo bad mo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status