共有

Chapter 179.4

last update 公開日: 2024-12-27 21:36:05

PINAUNLAKAN NGA NI Mr. Bianchi ang paanyaya ng tanghalian kahit na wala sa kanyang vocabulary sa buhay na kung saan-saang bahay mangangainan. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang ma-explain ang kanyang sarili. Wala sa plano niyang tumalikod at takasan ang lahat at kumuha pa ng ibang araw. Anuman ang mangyari ngayon, kailangan niyang panindigan iyon. Napahiya na siya sa harap ng mag-amang Dankworth, lulubus-lubusin niya na iyon na mangyari sa araw na iyon. Pagdating nila sa kitchen ng m
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (41)
goodnovel comment avatar
Violeta Furuhashi
ang Ganda n ng story...️titiklop n Lalo si attorney Gavin ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Marianne Delapeña Zulueta Julian
update nman author
goodnovel comment avatar
Adelaida V. Galvez
wala palang bayag si Conley.. At ito ang maganda may ibubuga pala ang angkan ni thanie sa mother side.. Sana mababait sila at protektahan nila si thanie. at good job gavin ipagpatuloy mo yan alagaan mo at mahalin ang asawa mo..
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.3

    ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.2

    SI BENE ANG nag-order ng kanilang pagkain. Tinatanong lang niya si Gia kung gusto niya ito. Panay tango at iling ang ginawa ng dalaga habang maligaya ang mga matang tinitingnan lang si Bene habang umo-order. Sa kanyang paningin ay lalo itong naging gwapo. Magkaharap sila nito sa lamesa kung kaya naman kitang-kita niya ang kabuohan ng mukha niya. Mula sa gupit nitong tama lang sa hubog ng kanyang mukha. Habang nakatingin kay Bene, naisip ni Gia na ganun pala ang pakiramdam na alagaan ng taong minamahal niya. Sobrang saya ng puso niya. Sa labis na saya ay parang anumang oras ay sasabog iyon. Hindi lang iyon, nagdulot din iyon ng pakiramdam na parang maiiyak siya sa labis na kaligayahan.“May gusto ka pang idagdag, Gia?”Umiling si Gia. Nakangiti pa rin ang kanyang labi. Umayos na siya ng upo. Tiningnan na siya ng waiter na nasa gilid lang.“Wala na. Tama na iyon.”“Dessert?” suggestion ni Bene dahil ang huling natatandaan niya ay mahilig kumain ng matamis at malamig si Gia.“Ayoko, masy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.1

    NAHIHIYANG UMAYOS NA si Gia ng upo niya. Pulang-pula na noon ang magkabila niyang pisngi. Mali. Buong mukha niya ang namumula na parang nakakain siya ng sobrang anghang. Alam niyang dala ito ng action niya. Iyon ang resulta ng kahibangan.Masyado ba siyang mabilis?Talagang tinatanong niya pa iyon sa isipan?Siya ang unang humalik! Siya ang nag-initiate na gawin nila iyon.‘Sobrang nakakahiya ka, Giavanna! Ano ba?’Nais sanang sapukin ni Gia ang ulo bilang parusa sa kanyang sarili, ngunit hindi niya ginawa dahil nakatingin si Bene ng malagkit.“I’m sorry, masyado lang akong nadala ng emosyon kong matagal kong itinago.” nakatungong pag-amin ni Gia ng pagkakamali na hindi na makatingin nang diretso kay Bene.Mahinang natawa si Bene na ilang beses binasa ng dila ang kanyang nanunuyong labi. Lumaki na ang butas ng ilong niya. Aliw na aliw siya sa reaksyon ng mukha noon ni Gia.“Let’s talk about it later, Gia. For now, gusto kong kumain na at baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili at i

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.4

    AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.3

    HABANG PAPALABAS KANINA ay ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na magiging bold na siya sa lahat ng sasabihin niya kay Bene. Hindi niya na pipigilan pa ang sarili gaya ng mga ginagawa niya noon dahil bukod sa nahihiya ay naiilang. Napagdesisyunan din niyang sabihin kay Bene kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Wala na siyang pakialam kung ma-reject, ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang maiparating niya ang tunay na nadarama. Hindi na ni Gia kailangan pang maghintay ng tamang panahon dahil kailanman ay hindi magiging tama iyon kung hindi siya kikilos. Kung patatagalin niya pa ang bagay na iyon na mangyari kahit may pagkakataon na ay baka pagsisihan niya lang. Pwede namang ngayon na. Sayang ang opportunity na ito na ibinigay sa kanila ng panahon. Kumbaga ay ito ang perfect timing.“Thank you, Gia. Nakakahiya nga eh, dapat tulog ka na ngayon pero heto ka at piniling samahan mo akong lumabas pa.”“Ayos lang, sa totoo lang boring nga sa bahay. Sina Mommy, Daddy, si Kuya at a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.2

    HALOS MAPASAYAW SA tuwa si Briel sa pagbalik niya ng silid nila. Hindi nakaligtas ang pagiging hyper na iyon ng Ginang sa paningin ng asawa niyang si Gio. Hindi niya sinundan ang asawa para panoorin ang CCTV na ginawa ng Ginang na mag-isa, bigla kasing nanakit ang mga laman niya sa binti nang tangkain niyang tumayo upang sundan noon ang asawa. Pinili na lang niyang manatili sa silid kasama ang mga apo at hintayin ang pagbabalik ng asawa na hindi naman nagtagal.“May nakita ka? Anong meron at bakit ganyan ka ngayon kasaya?” Ipinilig ng Ginang ang kanyang ulo. Wala sa kanyang plano na sabihin sa asawa ang anumang kanyang nakita. Makaluma itong tao at paniguradong magiging hadlang. Pupunahin nito ang ginawang pagyakap ng anak sa bisita na kitang-kita sa camera. Bukas na lang niya sasabihin iyon kay Gio kung sakaling ulitin ng asawa ang tanong o kung makita rin ang CCTV.“Wala, Gio. Matulog na tayo. Mukhang guni-guni ko lang.” sampa ng Ginang sa kama upang tumabi na sa kanyang asawa. Hi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 57.1

    ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay m

    last update最終更新日 : 2026-03-26
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 60.2

    GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon

    last update最終更新日 : 2026-03-26
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 44.2

    SA HALIP NA sumugod sa club nang dahil sa nalaman niya sa tawag ay minabuti ni Briel na magtungo ng apartment. Ewan ba niya, umaasa siyang baka magawi doon ang nobyo pagkatapos niyang magsaya. Baka kasi kapag pumunta siya doon ay magaya sa dati na mapahiya na naman siya. Ayaw naman niyang pwersahin

    last update最終更新日 : 2026-03-26
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 35.2

    DUMIRETSO NG KUSINA si Briel matapos na batiin ang ama na tumango lang naman sa kanya. Muling binalikan ang kanyang mga narinig. Kung hindi ang kanyang kapatid ang may gawa noon kay Albert, ang Gobernador ba ang may gawa noon? Hindi niya makalimutan ang mga banta ni Giovanni kay Albert. Bigla tuloy

    last update最終更新日 : 2026-03-25
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status