ILANG ARAW ANG lumipas matapos na mangyari iyon. Nakikita nilang unti-unting bumubuti ang lagay ni Bethany ngunit naroon pa rin ang madalas nitong pag-iyak sa kalaliman ng gabi. Tumatangis. Ipinagluluksa ang anak niya. Hindi umalis si Gavin sa kanyang tabi. Ipinaramdam niya na hindi nag-iisa ang asawa. Naroon siya at karamay niya. Ganundin ang magkabilang partido ng kanilang pamilya. Nakaagapay. Nakaalalay sa kanilang mag-asawa.“Napakadaya mo, bakit hindi mo man lang siya ipinakita sa akin kahit sa huling sandali…” panunumbat si Bethany habang umiiyak, pinipilit naman niyang labanan ang lungkot pero hindi niya kaya dahil sinasakop pa rin siya palagi nito lalo na kapag naaalala niya ang bawat sipa at galaw ng kanyang anak noong nasa sinapupunan pa lang niya ito. “Sana binigyan mo man lang akong makapagpaalam sa kanya at mayakap siya. Kung nangyari iyon, baka mabilis kong matanggap. Baka mabilis kong mayakap na ipinahiram lang siya sa atin ng ilang saglit. Kung nayakap ko siya sana…”
PAGDATING NILA SA parking lot, nakita nila ang isang malaking pulutong ng mga media na nagsisiksikan sa harapan ng itim na RV, na nang makita sila ay nagkukumahog na hawakan ang mikropono at interbyuhin si Gavin. Sabik na makakuha ng anumang balita tungkol sa buhay ng kaharap na abogado.“Attorney Dankworth, ito ang iyong unang pagharap sa korte mula noong nangyari ang aksidente sa iyo. Makakaapekto ba ang sitwasyon ngayon ng iyong asawa na nasa hospital pa sa kasong hawak mo?” Sinubukan nilang itago ang lahat pero kumalat pa rin iyon na hinayaan na lang din nilang mangyari, ngunit ni minsan ay hindi man lang sila nagpaliwanag. Hindi nila kailangang magbigay ng paliwanag sa kanila.“May tiwala ka pa ba sa iyong sarili na mapapanatili mo ang iyong undefeated record?”Walang sabi-sabing sumakay si Gavin sa backseat ng sasakyan. Pinahinto ng sekretarya ang media at nagsalita ng ilang magalang na salita bago umupo sa likuran na katabi ng kanyang amo Isinusumpa niya ang walang prinsipyong
BUMALIK SILA NG hospital at pagkaraan ng dalawang araw ay nag-discharged sila at umuwi na ng penthouse. Naging malungkot sa kanilang mag-asawa ang unang gabi, panay ang iyak nila habang mahigpit na magkayakap. Hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat, pero alam nila sa kanilang sarili na malalagpasan ang lahat basta manatili silang magkasama. Hindi lang ang unang gabi ang naging malungkot nang dahil sa masalimuot na nangyari dahil maging ang mga sumunod pang mga araw lalo na nang magpaalam si Mr. Conley na babalik na siya ng Canada. Oo, at maayos na ang relasyon ng mag-ama ngunit para kay Bethany ay hindi pa rin ito sapat. Kakaunting panahon pa ang ginugugol ng ama sa kanya. Walang patumpik-tumpik na isinatinig iyon ni Bethany, kailangan na mailabas niya iyon sa kanyang isipan nang sa ganun ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Ayaw na niyang magkimkim lalo kung sama iyon ng loob. “Magkikita tayo ulit, hija. Magpagaling kang mabuti. Bibisita ako dito next month. Uuwi ako. Marami pa tay
TUMAGAL ANG TITIG ni Gavin sa mukha ng asawa. Para siyang nabingi sa sinabi ng asawa. Pinagnilayan niya ang timbre ng boses nito. Wala naman siyang makapang lungkot o napipilitan lang. Normal lang iyon. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya nang makita na nakakatulong sa asawa ang ginagawa nilang quality time. Subalit tama ito, kailangan na nga nilang bumalik ng Pilipinas dahil kailangan na niyang puntahan ang anak kung saan niya ito dinala. Hindi niya ito nilabas ng bansa. Magiging delikado iyon kung gagawin niya. Nasa isang laboratory lang ito sa Maynila na itinayo ng samahan ng mga doctor na mula sa iba’t-ibang bansa upang pag-aralan at e-conquer ang human biological genes. Sumugal siyang ibigay dito ang kanilang anak para maging subject. Mahal ang bayad doon pero wala siyang pakialam sa halaga. Noong malaman nila ng tiyuhin ni Bethany ang tungkol dito, nag-offer ito ng halaga pero tinanggihan iyon ni Gavin. Masyado siyang mayaman upang tumanggap ng pera sa Governor. Hindi iyon da
MUGTO AT NAMUMULA pa rin ang mga mata ni Gavin nang sapitin niya ang laboratory. Hindi niya alintana ang pagod lalo na nang salubungin siya ng isang blondeng doctor at i-abot sa kanya ang maliit na capsule kung saan naroon sa loob nito ang anak na si Gabe. Ang buong akala niya, tapos na siyang umiyak pero nang makita niya ang malaking pinagbago ng anak magmula nang dalhin nila doon ni Governor Bianchi, muli pa itong bumuhos na parang malakas na ulan.“All I can say is that your daughter is a good fighter, Mr. Dankworth.” puri ng doctor na proud na proud ang mukha.Hindi ni Gavin itinago ang halo-halong emosyon lalo pa nang maingat niyang kargahin ang capsule na kahit hindi nagkakaroon ng contact ang kanilang balat ni Gabe, alam niyang nakikita siya nito. Ramdam siya ng anak. “The survival rate is now 50%. It's quite high now.” Mula sa 10% na sinabi ng hospital sa kanya, nagawa iyong muling mapataas ng mga doctor na pinagkatiwalaan niya. “The only problem is Gabe is difficult to fe
TATLONG TAON ANG matuling lumipas. Kagaya ng napagkasunduan nilang mag-asawa. Hinayaan ni Gavin na tuparin ni Bethany ang naudlot niyang pangarap nang dahil sa kawalan ng sapat na pera. Nagtungo siya ng Canada at bumabalik lang ng bansa kapag mayroong oras. Hindi naman siya matiis ni Gavin na hindi makita kung kaya madalas ang paglabas nito ng bansa upang puntahan ang asawa kada buwan. Hindi naging balakid ang milya-milya nilang pagitan upang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Pinatibay pa nga noon ang kanilang samahang dalawa. Walang nagbago. Tuwing holidays uuwi ng bansa si Bethany o pupuntahan siya ni Gavin para lang magkasama sila.“Uuwi na ako ng Pilipinas bukas, Attorney!” palatak ni Bethany habang ka-videocall ang asawa, bakas sa kanyang boses at mukha ang excitement. Aminin niya man o hindi, na-miss niya ‘ring manatili sa piling asawa. “Okay na. Tapos na. Napagbigyan ko na ang sarili ko. Na-heal ko na ang inner child dreams ko kaya babalik na ako sa piling mo.”Kakatapo
SINUNDAN NA IYON nang mahina niyang mga hikbi na sa tunog ay parang sobrang aping-api. Napakurap-kurap si Gavin na agad niyakap nang mahigpit ang anak at binuhat mula sa pagkakaupo nito sa duyan. Dama niya ang bigat na dinadala nito sa kanyang puso. Marahan niyang hinagod ang likod nito upang aluin, ngunit mas lumakas pa ang hikbi.“Kailan ko ba makikita si Mommy sa personal? Hindi sila naniniwala kahit na pinakita ko sa kanila ang picture niyo ni Mommy na nasa cellphone ko. Gusto ko ng makita ang Mommy ko, Daddy. Ipakita mo na si Mommy sa akin...please?”Nawalan ng boses doon si Gavin. Ilang buwan na siyang kinukulit ng anak tungkol sa ina. Kung tutuusin ay pwede naman sana na makita na nila ang bawat isa, ngunit si Bethany naman ang kanyang inaalala. Sigurado siya na kapag sinabi niya ang tungkol kay Gabe dito, walang makakapigil na umuwi ito ng bansa. Sayang naman iyong ginawa nitong pag-aaral para lang makasama ang kanyang ama sa concert na pangarap. Kaya naman kahit gustong-gusto
HINDI NAMAN NI Gavin ipinagkait sa bata na makita ang ibang mga kamag-anak na updated din sa lagay ng kanilang anak. Hindi niya na iyon brinoadcast pa sa media dahil alam niyang pagkakaguluhan. Hindi lang iyon, tiyak na aabot ito sa kaalaman ng kanyang asawa na babad sa social media. Naging simple lang ang lahat. Itinago niya ang lahat. Madalas na bumisita sa villa sina Governor Bianchi at si Donya Livia, ganundin ang kanyang mga magulang. Alam nila ang plano niya. Naipaliwanag na rin ni Gavin ang dahilan kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay lihim pa rin sa kanyang asawa ang tungkol sa kanilang anak.“Hihintayin ko lang pong matapos ang concert nila ng Tito Drino,” napatingin siya kay Mr. Dankworth nang magtaas ito ng isang kilay, hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa iba. “I mean ni Papa bago ko sabihin kay Thanie ang tungkol kay Gabe. Sayang naman po kung bigla kong sasabihin at mababalewala ang pagod niya. Kilala niyo naman ang asawa ko pagdating sa anak namin. Pakiusap,
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay