LOGINGIA FELT A little heavy in her heart, but she didn't want to make Bene unhappy, so she stretched out her hand to pinch his chest muscles. Kahit anong pilit nito sa kanya, hindi pa rin siya pupunta. Isa pa, ayaw niyang makasalamuha si Cedric. Hindi dahil affected siya nito kundi dahil ayaw niyang gumawa ng ibang problema.“Ayokong pumunta. Hindi mo ako mapipilit. Saka, alam mo ba kung kailan iyon?” Iniiling ni Bene ang kanyang ulo. “Di ba hindi? Sa mismong araw iyon ng flight natin paalis ng bansa. Hindi iyon importante sa akin, Bene.” Of course Bene would not force her. Binigyan na siya ni Gia ng maraming dahilan at valid ang lahat ng iyon. Doon napatunayan ni Bene na sa kanilang dalawa, si Gia pa rin ang boss niya. Hindi niya rin ito mapipilit eh. “Alright, hindi na kung ayaw mo kahit pwede naman natin i-cancel iyong flight—”“Hibang ka ba? Ica-cancel mo ang flight natin dahil lang sa walang kwentang reunion? No way, Benedict!” Napatayo pa si Gia at nameywang. Bene pinched her w
OO AT MADALAS na tumatambay sa bahay ni Bene si Gia ngunit bukod sa yakap at halik ay wala ng ibang nangyayari sa kanila. Pinanindigan ni Bene ang hiling noon ng doctor na huwag siyang pwersahing gamitin. Isang beses lang muntik na may mangyari sa kanila, when Bene was drunk on a social occasion, and he came back late that night. Nanonood noon ng TV si Gia habang naghihintay sa pag-uwi ni Bene. Malakas noon ang ulan. Bene took advantage of the darkness to kiss her all over, and put his hands into her clothes, squeezing and rubbing her body hanggang sa tuluyang dumiklap ang init. Batid ni Gia sa kanyang sarili na may gustong mangyari sa kanila ni Bene, iyon nga lang bago tuluyang mahubad ang lahat ng damit umiwas ito.“Lasing ako baby, matulog na tayo.”Gia felt that Bene was good at pretending to be innocent, but if he didn't want to take the initiative, she couldn't possibly push him to the bed. Kahit sabihin na ikakasal din naman sila. Hindi iyon sinamantala nito. Natatandaan niya p
SA PAGPAPATULOY NG mga araw, naging habit na ni Gia ang magtungo sa bahay ng kasintahan lalo na noong maging legal sila sa kanyang mga magulang. Kada araw na walang trabaho si Bene ay naroon siya at maging sa araw na busy ang kasintahan. Doon siya naghihintay. Sasabayan niyang kumain ng hapunan at pagkatapos ay ihahatid siya nito pauwi ng kanyang apartment. May mga pagkakataon na nakakapuslit siyang sa bahay ni Bene matulog, iyon nga lang ay kung minsan lang. Mabibilang ito sa daliri niya sa kamay.“Huwag kang mag-alala, oras na ikasal na tayo ay magsasawa kang kasama mo ako…”Umismid lang si Gia, kapagdaka ay umirap sa kawalan ang kanyang mga mata. “Oo na, hindi ko na ipipilit…”Malambing na niyakap ni Bene ang kasintahan. Marahan na hinaplos ang kanyang buhok. “Weekend bukas, maaga kitang susunduin.” Nakatulis pa rin ang ngusong nilingon ni Gia ang kasintahan. “Bakit kasi ihahatid mo pa ako ngayon? Pwede naman akong dito matulog. Tipid ka pa sa gas.” Nginitian lang siya ni Bene
BAHAGYANG BINANGGA NI Gia ang isang balikat ni Bene upang kunin ang atensyon nito. Kanina pa siya kinikilig sa mga plano nito sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, hindi na niya kailangan ng engagement party.“Hindi ba pwedeng diretso kasal na tayo?” biro ni Gia na naging dahilan upang tingnan siya ng mga kasama. “I mean, gaano ba kahalaga ang engagement party? Pwede namang wedding ceremony na agad di ba? Gusto ko nga kumuha na tayo ng marriage license, bago ang ceremony. Di ba ganun ang ginawa ni Gabe at Kuya?”Malakas na humalakhak si Gio. May paghampas pa ng mahina ang isang kamay sa kanilang mesa na halatang tuwang-tuwa. Naiiling na ang ulo sa takbo ng isipan ng kanyang anak na mana sa kanyang ina. “Kalma, Gia. Walang aagaw sa’yo kay Benedict. Bakit ba madaling-madali ka anak?” nanunukso ang tono ng matandang lalaki, may bakas ng pagkahiya ang mukhang nilingon sandali ang walang imik na si Benedict. “Dad? Nagbibigay lang naman ako ng suggestion. Anong masama doon?” patulis ng nguso
MULA NG ARAW na iyon ay nawalan na ng balita si Gia kung ano pang nangyari kay Cedric. Hindi na rin siya nagtanong sa kapatid kung ano ang kanilang napagkasunduan sa police station noong iniwan nila ni Bene. Hindi na rin niya nakita pa kahit ang anino ni Sammy o kahit ang makasalubong sila. Hindi pa rin sila nakakabisita sa bahay ng kanyang kapatid na si Brian at ng asawa nitong si Ceska dahil sa hindi naging tugmang schedule ng dalawa. Noong gumaling ang sugat at pasa ng kasintahan ay bumalik na rin ito sa office. Kung hindi kasi si Brian ang busy, si Benedict naman. Hindi naman nagpumilit si Brian na gawin ang kanyang gusto ng future na bayaw. Bilang businessman ay iginalang niya ang oras nito na gaya niyang busy.“Sa sunod na lang, Gia…” iyon ang laging sagot ng kapatid kada tatanungin ni Gia kung kailan ito libre.“O sige, Kuya Brian. Sabihan mo lang kami nang maaga nang sa ganun ay ma-plano rin namin ng maayos.”“Alright, patatawagan kita sa Ate Ceska…” Taliwas naman ang naganap
GABRIANO LOWERED HIS head and lit a cigarette. Walang pakialam kung nasa loob man sila ng police station noon. After taking a puff, he slowly exhaled the smoke circle. He looked up at Cedric again. Naghihintay ng sagot.“Do you want me to press charges?” Nahihintakutang itinaas ni Cedric ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko. Halos pumikit na ang isang mata niya dala ng mga suntok na natamo mula kay Bene. Visible na rin ang mga pasa sa mukha niya.“No, I promised I would not do anything to her. Gusto ko lang naman siyang makausap.”“Sa banyo? Malinaw na kinorner mo siya. Alam mo kung ano ang pwede kong isampang kaso? Hindi mo yata alam kung kaano-ano namin ang mga Dankworth. Wala akong pakialam kung kaibigan ka ng asawa niya!”Biglang napaluhod si Cedric sa harapan ni Brian na ikinagulat ng mga police officer na naroon. “Mr. Bianchi, have mercy. Hindi ko na ulit guguluhin ang kapatid mo o tatangkaing kausapin.”Hindi sinagot ni Brian ang sinabing iyon ni Cedric. Pinatay niya
MALAKAS NA INUBO si Giovanni sa kakatawa sa kalokohang iyon ng asawa.“Seryoso ka diyan, Briel? Hindi na natin ‘yun kaya. Baka mamaya mabalian pa tayo ng buto.”Humalakhak na rin si Gabriella. Nagbibiro lang naman siya. Baka mamaya pareho silang madala sa hospital at nakakahiya sa kanilang mga anak
ILANG ORAS NA ang nakalipas matapos na maligo ni Ceska. Ni hindi pa natanggal ang towel sa kanyang buhok sa sobrang okupado ng kanyang isipan. Ganun siya kalutang. Kuminang ang kanyang mga mata sa galak na halatang umiyak nang makita niya ang bulto ni Brian sa pinto ng silid. Buong akala niya ay hi
HINDI NAWALA ANG paningin ni Ceska kay Brian nang makapsok na ito sa loob ng kanilang villa. Panay ang sulyap nito sa kanya gamit ang mga mata nitong animo ay tinutunaw siya kung kaya naman nag-decide siya na magtungo na lang ng kanyang silid at magkulong hanggang matapos ang okasyon. Ayaw niyang s
ILANG SEGUNDO NA napatitig si Ceska sa nilabasang pintuan ni Gia na nakapinid na. Tahimik ang loob ng silid. Walang kahit na anong ingay bukod sa hinga niya. Humahalimuyak ang pamilyar na amoy ni Gabriano na sumasama sa hangin. Umikot sa kabuohan ng silid ang kanyang mga mata. Nang dumapo ‘yun sa p







