HINDI SIYA PINANSIN ni Atticus na dinampot na agad ang bote ng whisky upang tumagay. Hindi niya kailangang pumatol sa panglilibak ng kapatid. Nag-share siya dito ng problema, kaya malamang ay lagi nitong gagamitin din iyong pang-asar.“Sayang ang gandang lalaki, Fourth. Bakit ka nagtitiis sa kanya?” sabat ni Nero, isa sa mga pinsan niyang buo na naroon kasama nilang umiinom. Hindi niya expected na kasama ito. Buong akala niya ay ang kakambal niya lang ang naroroon. Tiningnan niya lang ito at hinarap ang nakakatanda nilang kapatid na si Dos na naroon din at nakatingin lang sa kanya.“Just go home, Fourth. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Magkaroon ka naman ng kaunting kahihiyan para sa sarili mo. Ang babae, kapag lalong sinusuyo lalong umaarte. Subukan mong magkaroon ng walang pakialam sa kanya. Mga ilang araw lang.” mahabang litanya ni Dos na halatang malawak na ang experience sa mga babae.Malaki ang duda dito ni Atticus na magiging effective ang payo ng kanya
KAYANG-KAYA SIYANG ITULAK ni Gabe palayo kung gugustuhin niya. Sa skills na mayroon siya, kayang-kaya niya itong itumba ngunit hindi niya iyon ginawa. Marahil ay dahil damang-dama niya ang paghingi nito ng sorry o na-miss niya ang genuine nitong yakap. Kung si Gabe lang ang masusunod, yayakapin niya ito pabalik. Gaganti siya. Kung pagbibigyan niya ang gusto ng kanyang katawan, baka sa mga sandaling iyon ay maging maayos na sila agad. Ngunit hindi pwede. Kailangan niyang panindigan kung ano ang unang ipinakita niyang pagmamatigas na makipagbalikan sa dating nobyo.“Atticus, sa tingin mo sa responsibilidad na pasan ko sa aking balikat may panahon pa ba akong mamuhi sa’yo at unahin ang nararamdaman ko? What's the point of dwelling on this? May magbabago pa ba? Wala naman na di ba?” sunod-sunod na tanong niya gamit ang kalmadong boses, hindi pa rin niya kinakalas ang yakap nito. Kahibangan man, pero nais niya pang maramdaman ang init ng mga bisig ni Atticus. “Sa totoo lang, hindi ko inaas
ILANG SEGUNDONG NAPATULALA si Atticus. Hindi niya alam na nagkaroon ng sakit si Gabe after ng kanilang break-up. Sa katunayan, noon niya lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Kung alam niya na nangyari iyon, malamang ay umuwi siya agad ng bansa dahil hindi niya naman magagawang tiisin si Gabe. Wala ‘ring nagsabi noon sa kanya kahit na madalas na nakakausap niya pa ang mag-asawang Dankworth na mga magulang ng kanyang dating nobya. Napabaliktanaw siya sa mga araw na kinakamusta niya ito, at ang tanging sagot nila ay ayos lang naman ang abogada. Marahil ay dahil magaling magtago si Gabe kung kaya naman pati ang mga magulang niya ay hindi iyon napansin kundi ang kapatid niya lang si Bryson at Brian ang tanging may alam. Ilang sandaling kinagat-kagat niya na ang kanyang labi.“Ano pa bang aasahan namin sa’yo? Busy ka noon sa kaligayahan mo. Sana hindi ka na lang bumalik ngayon.” Pagkasabi noon ni Bryson ay tumayo na ito at walang lingon na nilayasan niya si Atticus na hindi pa rin ma
NANG IBABA NI Gabe ang tawag ay humakbang na patungo ng pintuan si Atticus. Nais niya pa sanang manatili ngunit ano naman ang gagawin niya doon? Panoorin na pakainin ni Gabe si Jake paggising nito? Baka mabali lang niya ang leeg nito.“Aalis ka na?” habol ni Gabe na hindi alam kung bakit niya iyon ginawa. May pakiramdam siya na ayaw niyang magpaiwan kay Atticus.“Hmm, ano pang gagawin ko dito?” “Akala ko ba gusto mo akong makausap?” Pagod ang mga matang tiningnan ni Atticus si Gabe. May magbabago pa ba kung magkakausap silang dalawa? Wala na. “Sa ibang pagkakataon na lang. Unahin mo muna ang bisita mong asikasuhin.” suot na ni Atticus ng kanyang sapatos. Ibinuka ni Gabe ang bibig. Akmang pipigilan ang lalaking umalis. Hindi niya alam pero biglang nais niyang maging dependent na naman sa kanya. Gusto niya itong manatili. Iyon nga lang hindi niya magawang sabihin dahil natatakot siya na baka biguin nito at hindi pagbigyan dahil naroon si Jake. Minabuti na lang niyang itikom ang kan
PINILI NI GABE NA humakbang palabas ng silid. Sinundan siya ni Jake na sinubukan siyang yakapin mula sa likuran. Kinalas ni Gabe iyon. Pilit niyang inilayo ang katawan sa lalaki. Natigilan siya pagdating sa sala nang makitang nakatayo doon si Atticus. Naka-focus ang kanyang mga mata kay Gabe na hindi na magawang ihakbang ang kanyang mga paa. Dahil hindi na pumalag si Gabe, nagawa na ni Jake na yakapin siya nang hindi namamalayang naroon si Atticus at nakatingin sa kanila. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Gabe. Iyong tipo na nahuli siya ni Atticus na may lalaki.“Pwede ba tayong mag-usap, Gabe?” halos hindi lumabas iyon sa lalamunan ni Atticus na gulantang pa rin.Doon siya nagtungo pagkagaling niya sa unit ng kakambal na si August. Naghilamos lang siya. Inalok pa siya ng kapatid na kumain ngunit hindi niya iyon pinagbigyan. Nais niyang balikan si Gabe. Magpakumbaba. Kausapin tungkol sa kanila. Siya na ang maninikluhod nang maging maayos na sila. Siya ang mangh
DUMILAT ANG MGA mga mata ni Gabe nang marinig niya ang nakakairitang malakas na boses ni Jake. Ilang beses niyang sinubukan na takpan ang kanyang tainga, ngunit naririnig niya pa rin ito. Inis ngunit walang imik siyang bumangon. Inilapat na ang mga paa sa ibaba ng kama. Inambahan niya ng tadyak si Jake nang magtigil na ito kakatalak na tinalo pa ang bunganga ng kanyang ina kung makapanermon, hindi na nakahuma si Jake sa kanyang biglaang ginawa. Tumama ang kanyang isang paa sa hita ni Jake na ilang minutong nanlaki ang mga mata nang maramdaman ang sakit. Hindi siya pinansin ni Jake habang buhol na ang mga kilay. Lamang pa rin ang sama ng loob niya sa ginawa ni Gabe. Pakiramdam niya ay na-backstabbed siya nito. Inayos ni Gabe ang magulo niyang buhok na itinali sa tuktok ng ulo. Pinanlisikan na ng mga mata si Jake nang kanyang lingunin. Ipinapakitang hindi nagustuhan ang naging reaksyon nito.“You can't just ask a random man to spend the night with you, Gavina. Narito naman ako, bakit ka