LOGINTHE COLDNESS ON Atticus' face became even more intense lalo na at nabanggit ni Cresia si Gabe na walang masamang ginagawa. Nakadagdag pa iyon ng namuong galit niya para sa babaeng ayaw na niyang makita pa kahit na kailan sa buhay.“If you are really unfortunate today, it is also your own fault! If you don't want to regret it later, abort the child! Tanggalin mo iyan at huwag mong ipaako sa ibang lalaki.” hindi na nag-iisip na utos ng lalaki na alam na malaking kasalanan ito.Hindi makapaniwala si Cresia sa turan ni Atticus. Paulit-ulit niyang iniiling doon ang kanyang ulo. Playing victim again. Gusto ng lalaking ipatanggal ang kanyang anak? Bakit niya gagawin iyon? Ito nga ang kanyang alas sa kanya.“Hindi, mamamatay muna ako bago ‘yun mangyari!” “Cresia, alam kong mahal mo ako kung kaya patuloy kang kumakapit kahit maraming taon na ang lumipas. Hindi mo ako mabitawan? Tingnan mo akong mabuti. Tingnan mo ang mata ko. Hindi kita mahal. Hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahal
IN THE QUIET ward, Atticus held the phone habang pabalik-balik ang kanyang lakad. Hindi siya makapagdesisyon. Sa totoo lang ay ayaw na niya munang magkaroon pa ng ugnayan kay Ian dahil sa nangyari sa kanila sa hospital, ngunit ang kulit ng tadhana na para bang sinusubukan ang kanyang pasensya. Tatawagan na niya sana ng lalaki nang biglang batuhin siya ni Cresia ng unan kung saan tumama sa braso niya na naging dahilan upang mabitawan na ang cellphone niya ni Atticus.“Hindi si Ian ang ama ng batang pinagbubuntis ko!” matalas ang boses nito na palatak ni Cresia na nagmamalaki pa rito.The atmosphere suddenly froze. May ibang lalaki si Cresia at hindi iyon ang kaibigan niya? Ito ang naisip agad ni Atticus.“Hindi si Ian? Kung gayon ay sino ang ama ng batang pinagbubuntis mo? Huwag mong sabihin na sa kabila ng kabutihan niya sa’yo ay nagawa mo pa siyang lokohin, Cresia? Napakaswerte mo na sa kanya para gaguhin mo lang!” Tumagal ang tingin ni Cresia sa mukha n Atticus. If Cresia hadn't be
NAPAHAWAK NA SA kanyang batok si Atticus dala ng pagkapikon at pagkulo ng natutulog niyang dugo ng pagkasuklam sa babaeng kaharap. Pakiramdam niya ay mapapatiran na siya ng ugat sa ulo sa stress na dala ni Cresia. Pikon na pikon na naman siya sa kakulitan nito na para bang walang sariling utak at sa patuloy na pagpupumilit sa mga bagay na ayaw niya. Talagang sinundan pa siya nito? Kung hindi niya iyon pakay ay wala sana sa harap niya ang babae. Imposible na may lakad din ang babae sa lugar at nagkataon lang ang lahat ng iyon. Alam nga nito kung saan siya naroong villa na hindi niya naman ikinalat. Ang secretary lang niya ang may alam, at syempre ang kanyang nobya lang. Malamang una pa lang ay nasa plano na nito ang sumunod sa kanya lalo at nag-iisa siya at hindi kasama ang nobya niyang si Gabe.“Kahit na alam ko na ako ang mahal mo, Cresia. Hindi pa rin tama na narito ka ngayon sa harapan ko.”Ngumisi lang ang babae na para bang hindi niya na-gets kung ano ang sinabi ni Atticus. Hin
DINAAN NA LANG ni Atticus sa pagngiti ang sinabi ng nobya at hindi na niya dinamdam kahit na may lungkot sa kanyang mga mata. Sabagay, baka nga malungkot lang si Gabe dito habang wala siya. Baka mamaya hindi niya pa ito matiis at hindi niya tapusin ang isang Linggong bakasyon na kailangan niya at utos ng doctor. Kailangan niyang panindigan pa rin iyon.“Hindi ko sinasabi na kailangan na natin magpakasal para matawag mo na akong asawa.” agad na bawi ni Gabe sa kanyang sinabi nang makita ang kakaibang ngiti ng kasintahan sa kanya, “Baka mamaya ay iyon na ang mga iniisip mo.” Lumapit pa sa kanya si Atticus, marahan ng hinaplos ang kanyang ulo. “Naniniwala akong isang araw ay maiikasal din tayong dalawa, Gabe. Hindi kita minamadali. Take your time, Baby…” Hindi siya sinagot ni Gabe na sinandal na ang ulo sa tagiliran ng katawan ni Atticus upang yumakap lamang. “Why do I feel like you're quite clingy right now?” tanong ni Atticus nang makita ang pagiging extra sweet ni Gabe.“Di ah. Ay
PUNO NG PAGIGING maang-maangan na inayos ni Atticus ang kanyang mukha. Siya na ang iiwas sa nobya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili gaya ng dati. Siya lang din ang mahihirapan, isa pa ay baka mabuko rin siya sa ginawa niya.“Hmm, ngayon gusto mong dito na ako matulog?” Ma-dramang niyakap pa ni Atticus ang kanyang sarili na malakas na kinatawa ni Gabe. Hindi siya natutuwa sa nobyo.“Tigilan mo nga ako niyang kaartehan mo. Wala akong pagnanasa sa katawan—”“Talaga?” “Talagang-talaga.” “Then aalis na ako—” “Wala man lang yakap at kiss?” “Aha! Kita mo na? Ikaw itong—” Sinamaan na siya ni Gabe ng tingin na malakas pang ikinatawa ni Atticus matapos na hindi na ituloy ang mga sasabihin pa sana. Niyakap na niya ang katawan ng kasintahan upang pawiin na ang napipinto nitong pagmamaldita na naman.“Oo na, dito na ako matutulog.” sambit ni Atticus na nauna ng pumasok ng penthouse, “Sinusubukan lang naman kita.” “Sinusubukan? May problema ka ba?” habol na ni Gabe matapos na tangga
NAG-MAKE FACE LANG si Gabe ngunit sinupil niya ang sarili na barahin ang sinabi ng kasintahan dahil magmumukha lang siyang isip-bata. Ang isang matured na babae ay hindi aasta nang ganun. Aminin niya man o hindi ay kinikilig siya.“If it is strange, isipin mo na lang na driver mo ako at sinusundo kita.” muli pang hirit ni Atticus na nakangisi pa rin.Ini-unat ni Gabe ang kanyang mga binti na halatang sobrang nangalay. Marahan niya pa iyong minasahe gamit ang kanyang isang palad. Pinanood lang naman siya ni Atticus. “Para kang sira, anong driver ang pinagsasabi mo diyan?” Tinitigan pa ni Atticus ang kasintahan ngunit biglang binawi iyon at iniiwas na para bang napaso siya pagkaraan ng ilang minuto. A hint of something was in his eyes, and after a moment's pause muli siyang nagsalita. “Kain tayo sa labas?” Hindi iyon inaasahan ng abogada kung kaya naman na-surpresa siya sa plano ng nobyo. “Saan naman tayo kakain? Nagpa-reserved ka na ng resto?” “Malalaman mo kapag nakarating na t







