Share

Chapter 55.3

last update Huling Na-update: 2025-04-23 22:52:04

MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.

“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (27)
goodnovel comment avatar
Lhynne Rodriguez
ano titingnan mo na nman Ang kanyang pag layo Giovanni,sundan mo na SI briel at mag paliwanag ka na talagang mahal mo sya,para ka na Mang engot eh
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
si briel talaga ang Mali kc,umaasa pa sya na mkita pa Nia Yong nkauna sa kanya dahil sinadya Nia na ibalik ang suot Nia at maskara nia.si Gio ang habol lng Nia magkausap lng sila dpat ni briel Kya umatend sya sa party tuloy nkita Nia Yong babae na unang nkuha Nia na virgin dhil kggawan dn ni briel
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Sus,briel nag iinarte kna nman.kaw nman Gio wag Kang patay patay jn,kumilos ka,Kya nagalit sau si Gavin ang bagal mo mag pasya sa ugali ni briel na lhat ng gsto Nia nasusunod pkita mo ngayon ang tunsy na ikaw.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.2

    AGAD SUMILID SA isipan ng lalaki na paano niya nanakawan ng halik mamaya ang kasintahan? Hindi pa naman siya hibang na wala sa sariling gagawin iyon sa mismong harapan ng mga magulang nito gayong hindi pa sila kasal o kahit kasal na sila. May natitira pa naman siyang kahihiyan sa katawan. Saka may respeto pa siya sa kanila.“Okay, halika na hijo. Doon na natin sila sa kusina hintayin.” hila na ni Cora sa future niyang manugang, bumait na siya kay Brian lalo nang makita niyang tanggap ng pamilya nito si Ceska. Wala naman ng ibang dahilan upang sungitan ito na ang turing nila ni Conrad ay parang sariling anak na rin. Nagkaroon lang siya ng sama ng loob ng dahil sa pagganti nito.Talunang sumunod sa kanya si Brian. Walang imik. Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Ceska kasunod ng kanyang ama at maging ang kapatid nitong si Oscar ang asawang buntis. Hindi na rin lingid sa kanilang mag-asawa ang relasyong mayroon sina Ceska at Gabriano.“Nandito ka?” si Ceska na nahihiya ng nilibot ang m

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.1

    MAHINANG NATAWA SI Brian sa naging tanong ng nobya. May point naman ang kasintahan, masyado lang siyang naging mainit. Pinainit nito ng husto ang kanyang katawan kung kaya naman iyon pumasok sa kanyang isipan kanina.“Okay, sa ibang araw na lang…” Napailing na si Ceska sa tono ng boses ni Brian na parang dismayado sa kanya kahit na nakangiti ang kanyang labi. “Kiss at hug na lang muna sa ngayon…” dugtong pa ni Brian sa kanyang sinabi.Pabiro siyang tinulak ni Ceska papalayo sa kanyang katawan. Humalakhak naman si Brian noon na humalay sa tahimik na paligid. Inirapan siya ni Ceska, iyong irap na makikita ni Brian kaya mas lalo pa itong natawa sa kanyang hitsura.“Kamakailan lang noong—” “Ang tagal na kaya noong huli nating ginawa. I almost forgot what it felt like.” Nasapo na si Ceska ang kanyang noo. Siya naman ang natawa habang kinakagat ang labi. “Anong matagal na at nakalimutan mo na agad? Ilang araw pa lang ang lumilipas, Gabriano. Huwag ka ngang makakalimutin.” nakapameywang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.4

    MAY HALIK NG lungkot ang mga mata ni Ceska na ilang beses na umiling. Tandang-tanda pa niya ang araw na iyon na unang beses siyang dinala doon ng dating Governor. Trauma man sa mga nangyari, hindi pa rin niya nagagawang makalimutan iyon. Marahil dahil napaka-memorable ng araw na iyon. Maaaring bata pa siya noon ngunit nakaukit na sa kanyang isipan ang senaryong iyon na bagama’t may kalakip na mapait niyang kapalaran, hindi niya ito kakalimutan. Narinig niyang araw ng kasal iyon ng mga magulang ni Gabriano, at nagtangka ang kanyang ina na tumalon sila sa rooftop upang makuha lang ang pansin ng dating Governor. Sumugod noon si Giovanni sa pinangyarihan ng upang iligtas lang siya. Ngunit umalis din naman sila agad sa mansion nang dahil sa tensyon na namamagitan sa mga pamilya nito. Ni hindi nga nagawa ni Ceska na purihin ang magandang istruktura ng mansion ng mga Bianchi na ngayon lang niya napuri. “Iyon marahil iyong araw na kinamuhian mo ako nang sobra dahil hindi natapos ang kasal ng

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.3

    MARIING NAKAGAT NA ni Ceska ang kanyang pang-ibabang labi. Natunaw na ang inis sa kanyang mukha. Napalitan na iyon ng kilig. Iyong tipong parang kinikiliti ang kanyang puso sa sinabing iyon ni Brian. Inirapan na niya si Brian kahit na sa mga sandaling iyon ay nais itong yakapin. Muli niyang pinaandar ang sasakyan dahil baka kapag niyakap niya ito ano pa ang maisipan nitong gawin sa kanya. Naging tahimik na ito hanggang sapitin nila ang main gate ng mansion ng mga Bianchi. Doon pa lang ay nakabalatay na ang kaba sa mukha ni Ceska. Pumasok na siya sa teritoryo ng mga Bianchi. Hindi niya mapigilan ang kabahan. Nilingon na siya ni Brian upang pakalmahin, ngunit sa halip na sabihin iyon ay kalokohan ang biglang pumasok sa isip ng lalaki. “Kinakabahan ka ba? Bakit ka naman kakabahan na i-meet ang soon ay parents-in-law mo na?” Inapakan ni Ceska ang brake. Sa taranta niya ay hindi niya nakita ang malaking bato sa gilid kung saan ay bumangga ang minamaneho niyang sasakyan. The front of the

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.2

    NAKAILANG PALIT NA si Ceska ng kanyang suot na damit. Ilang beses niyang tinanong ang kanyang sarili kung totoo ba talaga na inimbitahan siya ng asawa ng dating Governor kahit na narinig naman niya sa mismong bibig ng Ginang iyon. Makailang beses niyang tinanong iyon nang paulit-ulit. Narinig niya ang sinabi nito sa tawag pero hindi pa rin siya naniniwala. Hindi kaya alam na nitong nobyo niya si Brian at doon siya nito tatalakan at ipapahiya? Nang sumagi sa kanyang isipan iyon ay bigla siyang nanghina. Parang ayaw na talaga niyang sumama. Hindi pa sila kumakain at hinihintay umano silang dumating. Nakakahiya naman doon.Ito na ba ang pagkakataong kinakailangan niyang maging matapang?Ilang sandali pa niyang sinipat ang kanyang sarili sa salamin. Marahan niyang hinaplos ang kanyang buhok. Lumipat iyon sa kanyang mukha. Kung hindi ngayon ay kailan pa siya tatapang?“Ito na siguro ‘yun.” kumbinsi niya sa kanyang sarili.Nang bumaba sa hagdan si Ceska ay agad ng napaahon sa inuupuan niy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.1

    PAGDATING NG VILLA ng mga Natividad ay walang inaksayang sandali si Brian. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob na parang tagaroon lang siya. Bukod sa mga katulong ng mga ito ay wala ng ibang kasama si Ceska. Bumalik na sa hotel niya si Benedict na hindi naman doon natutulog. Kasalukuyang nasa living room noon ang babae. Nagbabasa ng libro. Inaabala ang sarili. Sa totoo lang ay naiinggit siya na hindi siya kasama ng mga magulang patungo ng mansion ng mga Bianchi. Naiintindihan naman niya ang mga ito na hindi rin siya invited doon kung hindi ang original na pamilya lang ng mga Natividad. Wala rin siyang dapat na ikasama ng loob sa pamilya. Basa pa noon ang buhok niya dahil kasama sa paglilibang niya ng sarili ay pinili niyang maligo. Ilang minuto lang iyon dahil malamig ang tubig. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim.“Mr. Bianchi…” sambit ng katulong na siyang sumalubong kay Brian, lumingon na ito sa babae na halatang hindi pa rin napapansin ang pagdating ng nobyo. “Miss Ceska, na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status