Share

Chapter 69.1

last update Last Updated: 2024-08-05 21:15:14

MAY SASABIHIN PA sana si Bethany nang makita niyang nakatuon na sa likuran niyang bahagi ang mga mata ng kaibigan. May tinitingnan ito. Bahagya pang nagunot ang noo nito na parang may nakitang pamilyar na mukha. Umismid ito at sumama ang hilatsa ng mukha. Doon pa lang ay alam niya ng hindi maganda ang kahihinatnan ng kung sinong nakita niya.

“Girl, napakaliit talaga ng mundo. Sa dami ng lugar, dito pa talaga natin siya makikita. Pambihira naman talaga, oo.” sambit nito bago pa man siya makapagtanong kung sino iyon.

Sa halip na magtanong kung anong meron ay si Bethany na lang mismo ang kusang lumingon sa banda ng tinitingnan ng kaibigan upang alamin kung sino ang tinutukoy nito. May hinala na siya ngunit kailangan niyang mapatunayan iyon. Nakita niya doon si Audrey, kausap ang ilang kasamang mga babae na hindi gaanong maaninag ng dalaga. Nagtatawanan pa sila. Habang papalapit sa pwesto nila na madadaanan ng mga ito habang papasok sa loob ay naging malinaw sa paningin ni Bethany kung s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Daisy Adano
pasend sinu may buong story napo netoh hehe
goodnovel comment avatar
Guilas Brave Ellaoni
ahahahahaha... magkakaalaman na... may mapapahiya na... grabe ai audrey ano..... manunulot... hahahaha...
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
buti nlng Bethany dyn si tina pinagtanggol ka kay audrey dapat matuto kang lumaban
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.3

    MATAPOS NA MAGBIHIS at patuyuin ng hair dryer ang kanyang buhok ay nahiga na si Briel na parang sabik ang likod na nag-inat matapos na lumapat iyon sa kama. Naging parang musika sa kanyang pandinig ang agos ng tubig ng shower kung nasaan noon si Giovanni. Itinaas na niya ang isang kamay upang tingnan lang ang singsing na nasa kanyang daliri na agad kuminang sa tama ng ilaw sa silid. Ngumiti siya nang malaki. Hindi pa rin makapaniwala na okay na sila ulit. Sinulyapan niya ang pintuan ng banyo bago muling napangiti na animo ay teenager na kinikilig. Oo, hindi na siya teenager pero iyong puso niya ay sobrang saya ng mga sandaling iyon. Napakasaya. Inayos niya ang kumot sa katawan. Humihilik na noon si Briel paglabas ni Giovanni.“Talagang hindi niya ako hinintay na matapos maligo.” bulong ni Giovanni habang tinutuyo ang kanyang buhok ng hawak niyang extra na towel, titig na titig na sa mukha ni Briel. “Ang daya...”Kinabukasan, sabay-sabay na kumain ng agahan ang mag-anak at pagkatapos a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.2

    AWTOMATIKONG HUMAWAK NA muli ang isang kamay ni Giovanni paikot sa kanyang beywang. Mula sa mga anak na nagtatampisaw sa tubig alat ay lumipat ang paningin niya kay Briel na tumitig na sa kanyang mukha ng mga ilang segundo na para bang mayroong binabasa doon. “Tama ka. Sobrang simple lang ng ganitong buhay. Walang stress, walang problemang iniisip.” Mula sa beywang ni Briel ay tumaas ang isang palad ni Giovanni na humaplos sa ulo ng babae. Marahan. Magaan. Iyong ipong parang normal na sa kanilang dalawa ang ganung mga tanawin.“Walang ganito sa Baguio, pero doon sa villa natin meron. Nakalimutan mo yatang may dagat din tayo sa likod kagaya ng villa ng kapatid mo.” paalala ni Giovanni na nagpakislap ng mata ni Briel. Oo nga pala, nakalimutan niya. Marahil ay dahil sa sobrang dami ng mga pangyayari kaya ganun. “Iba pa rin kapag alam mong nasa ibang lugar ka, kagaya na lang nito.” Litanya ni Briel na hindi magawang maintindihan ni Giovanni. Ganun pa man ay di na nagtanong. Pinili na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.1

    GANUN NA LANG ang inggit ng mga ka-trabaho ni Briel nang makita ang pagdating ng kanilang pamilya sa kaparehong hotel na kanilang tutuluyan sana ng kanyang mga katrabaho. Hindi man sila direktang magsalita ay nakikita ni Briel ang ebidensya sa kanilang mga mukha lalo na at ang karamihan sa kanila ay may kanya-kanya na ‘ring pamilya na kagaya niya. Matapos na tumango sa kanila ay diretso silang pumasok sa uukupahin nilang suite. Nag-hello lang sa kanila si Briel at nangakong hindi siya male-late sa magiging iterinary nila kinabukasan na siyang simula rin nila. “Anong gusto mong unang gawin natin? Magpahinga o lumabas?” tanong ni Giovanni na nakatingin ang mga mata sa kanyang anak na si Brian na nakadapa na sa ibabaw ng kama nila. “I’m too tired, Daddy. Gusto kong matulog.” reklamo ng anak na halatang may jetlag pa noon.“Ha? Gusto mong matulog? Iyon na nga ang ginawa mo buong biyahe natin patungo dito.” pinasigla pa ni Giovanni ang kanyang boses upang ipaintindi iyon kay Brian, “Come

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 100.4

    MULA SA MUKHA ni Giovanni ay lumipat ang mga mata ni Briel sa isang kamay ng dating Governor kung saan ay may hawak itong isang gold ring. Hindi niya alam kung saan ito galing na para bang pinaghandaan nitong mabuti ang proposal niya. Iyon nga lang hindi kagaya ng dati na maraming nakakaalam. This time, silang dalawa lang. Ang venue sa loob lang din ng silid nila. Bumangon si Briel kung kaya naman napaayos na rin ng upo si Giovanni. Kapwa wala pa rin silang saplot sa katawan na para bang ang tanawing iyon ay normal na rin sa kanilang paningin.“Of course, Ex-Governor Bianchi.” naluluhang umang na niya ng daliri sa harapan ni Giovanni. Inilagay na ni Giovanni ang singsing sa daliri ni Briel na matagal-tagal na ‘ring walang singsing. Pagkatapos noon ay mahigpit na siyang niyakap ng lalaki. Ginantihan naman ito ni Briel na sa mga sandaling iyon ay parang sasabog na ang kanyang puso sa labis na galak at excitement doon.“I’ll be your good husband and a responsible Daddy of Brian and Gia,

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 100.3

    SUNOD-SUNOD NA TUMANGO ang ulo ni Briel ngunit hindi siya interesado na pag-usapan nila ito. Malambing ang paninitig na hinaplos niya ang ulo ni Giovanni. Lumamlam pa ang tingin ng lalaki sa mukha ni Briel na halatang hindi na makapaghintay na angkinin ang katawan ni Briel.“Since nag-enjoy na ako doon, ikaw naman ang gusto kong mag-enjoy ngayon.” kagat pa ng labi ni Briel na nakuha naman agad ni Giovanni ang kahulugan kung kaya natawa na siya ng mahina.“Talaga?” Upang patunayan ni Briel ang kanyang sinabi, siya na ang kusang humalik sa labi ni Giovanni. Hinila niya ito sa leeg upang mas lumapit sa kanya. Hindi naman siya binigo ni Giovanni. Ilang sandali pa ay nagawa na nilangn mahubaran ng damit ang bawat isa na basta na lang inihagis sa sahig. Sinulit nila ang pangungulila na kanilang naramdaman ng mga araw na magkahiwalay. “Ni-locked mo ba ang pinto?” tanong ni Briel nang biglang maalala iyon. Nasa gitna na sila ng kasarapan ng kanilang pagniniig nang maalala niya iyon.“Hmm…

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 100.2

    TUMAGAL ANG PANINITIG ni Patrick sa mukha ni Briel na parang may pinapatunayan sa kanya. Totoo naman iyon. Napangiti na lang siya nang maalala kung ano na ang pinaglalaban ng babae. Tama rin naman ito, masarap ngang magmahal ng taong mahal ka. Subalit, hindi pa rin niya maalis sa kanyang sarili na minsan niyang minahal ang babae. Minsang labis na pinahalagahan.“Tama ka nga, Gabriella. Masarap magmahal ng taong kayang ibalik ang pagmamahal mo.” tugon niyang biglang naalala ang kabaliwan niya noon, tunay din naman na minahal niya si Briel kaso nga lang ibang lalaki ang nakalaan dito. Masaya na rin naman siya ngayon at nakabitaw na.Hindi na nakasagot noon si Briel dahil dumating na ang mag-ina ni Patrick. Agad ng kumarga ang bata sa kandungan ni Patrick na sa tingin ni Briel ay bata lang ng ilang taon sa kay Brian. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ng bata na agad naman siyang binigyan ng matamis na ngiti. Mas malaki ang nakuha nito sa features ng kanyang ina na may kaunting halik ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status