PINILING MAGLUTO NG pagkain ni Gabe upang aliwin niya ang kanyang sarili dahil mas bumabangon pa ang inis niya kay Atticus na wala man lang paramdam sa kanya. Sinunod niya ang hakbang na nakita online ngunit gaya ng kanyang inaasahan, hindi iyon masarap. Ni hindi nga yata nito nakuha ang totoo nitong lasa. Sa bandang huli ay napilitan siyang mag-order na lang online upang may mailaman sa kanyang tiyan, nagpa-deliver siya ng steak. Habang hinihintay iyong dumating, nagsalin siya ng wine sa goblet at nagpatugtog ng slow music upang kalmahin ang baha ng mga katanungan at hinanakit sa kanyang isipan para kay Atticus. She kept telling herself that she was enjoying this luxurious solitude. Subalit nang dumating ang steak, kahit na ito ang pinakamasarap na steak, kasama ng pinakamahal na alak sa loob ng kanyang tahimik at marangyang penthouse, pakiramdam ni Gabe ay mayroon pa ‘ring kulang sa kanya ngayon na hinahanap niya.“Atticus Carreon!” sigaw niya na sinalampak ang katawan sa sofa, dahi
MALUTONG ANG TAWANG niyakap siyang muli ni Atticus. Hinalikan sa noo kahit pa pumapalag ito sa kanyang sinasabi dahil sa layo na ng tinakbo ng galit nito sa kay Gabriano.“Wala siyang sinasabi pero doon din naman iyon papunta, Gabe. Bubuo na sila ng pamilya at ngayon pa lang ay naiinggit na ako sa kanila kaya sabayan na natin sila. Pwede naman diba?” Saglit silang nagkatitigan. Hindi magawang tanggihan ni Gabe ang offer nito. Nahawi ang galit ni Gabe sa pinsan sa naging maling akala niya. Sa totoo lang, iyong sinabi ni Atticus kay Gabe ay pangarap niya na dati pa. Kung hindi siya iniwan ng lalaki, marahil ay may dalawa na rin silang anak ngayon o kung hindi naman ay baka sumobra dahils a kanilang edad ngayon.“Sunog na ang sinangag!” Napaigtad si Atticus sa ginawang malakas na pagsigaw ni Gabe habang nandidilat ang mata at gumagalaw ang butas ng ilong na pinasok na ng nasusunog na nakasalang na pagkain sa apoy. Nagmamadaling tumalikod si Atticus at hinarap ang sinangag na kanyang na
MULING INABOT NI Gabe ang labi ni Atticus. Hindi na napigilan ni Atticus ang sarili na hindi gantihan ang halik na ibinigay ni Gabe sa kanya. Puno ng pananabik sa ilang araw na hindi nila pagkikita, idiniin ng lalaki ang bibig niya at sinabayan ang bawat galaw ng malambot na labi ni Gabe. Napaungol si Gabe nang marahang kagat-kagatin ni Atticus ang labi niya at yumakap na ang dalawang braso nito sa kanyang beywang upang mas ilapit lang iyon sa kanyang nag-iinit ng katawan. Hindi naman umangal si Gabe sa ginawang iyon ni Atticus, sa halip ay nagustuhan niya pa iyon na lantaran niyang pinakita. Kalaunan ay hindi na namalayan ng dalawa ang isa-isang pagkahubad ng kanilang mga damit sa katawan. Walang putol pa rin ang halik na mas pinagningas pa ang kanilang mga katawan. Nakahiga na si Gabe sa sofa habang nasa ibabaw niya ang katawan ni Atticus. Hindi alintana ang kalmot sa mukha na natalo ang kirot ng nag-uumapaw na init ng kanilang katawan. Wala ng pakialam kung dumugo man iyon o magkar
TAHIMIK NA SINUNOD ni Atticus ang nais na mangyari ni Gabe. Dahan-dahan siyang naupo habang hindi inaalis ang mga mata sa babae. Binuksan naman ni Gabe ang first aid kit na dinala ni Atticus at kinuha doon ang kanyang mga kailangan. Maingat niyang nilinisan muna ang sugat ng lalaki habang panay ang buntong-hininga. Kitang-kita niya kung paano lang tiisin ng lalaki ang sakit na dulot ng mahabang sugat na iyon. Naisip niya bigla ang mga magulang ng lalaki. Ano na lang kaya ang sasabihin nila oras na makita nila ang sugatang mukha ng anak, lalo na ang Mommy niya na halatang mahal na mahal si Atticus simula pa lang noong mga bata pa sila. Baka mamaya magbitaw ito ng salita at paiwasan na siya. Sa isiping iyon ay hindi na mapigilan ni Gabe na uminit na ang ulo. Hindi na naman siya rito natutuwa. “May lahi bang pusa ang babaeng iyon? Pasalamat siya na professional ako kung kaya hindi ko siya sinaktan. Ang lalim ng mga kalmot niya sa’yo ha! Dapat talaga tinuloy ko na siyang kasuhan. Pasalam
MAHINANG NATAWA NA si Atticus sa kadamutan ni Gabe kung kaya naman may kalokohan na naman siyang naisip habang nakatingin sa mukha ng babae. Inilapit niya ang katawan sa abogada na pinandilatan pa siya ng mga mata. Sa pag-aakala ni Gabe na pipilitin nitong tikman ang milk tea niya, mas inilayo pa niya ang kamay upang hindi maabot iyon ni Atticus. Napaawang ang bibig niya na hindi iyon ang pinuntirya ni Atticus, sa halip ay hinawakan ang baba niya at walang paalam na humalik sa kanyang labi. Pwersahang ipinasok pa nito ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig. Hindi niya iyon napaghandaan kung kaya naman hindi niya nagawang makaiwas. Nahimasmasan siya ay natanggal na ni Atticus ang labi sa bibig niya. Tumango-tango ang kanyang ulo, marahan ito na para bang nagawa ng tikman ang milk tea.“Not bad, pero dahil galing sa labi mo papasa na siyang masarap.” Akmang tatadyakan siya ni Gabe ngunit mabilis itong nakaiwas sa kanya. “Ikaw na nga ang pinuri, ikaw pa ang galit. Hayaan mong tikman
NADAGDAGAN PA ANG pagtataka sa mga tinging ipinukol ni Gabe kay Atticus. Inalalayan na ni Atticus pababa si Gabe at agad na kinuha ang kamay nito na pinagbigyan naman ni Gabe kahit na ang dami niyang katanungan sa kanila. Ilang sandali pa ay marahan na silang naglakad na parang matandang mag-asawa na ini-enjoy ang tahimik at malamig na gabi. Hindi pa ito nagawa ni Gabe sa sinuman at ni minsan kung kaya feel na feel niya. Nakabawas din iyon sa stress niya. Naisip niya na maganda rin pala ang paminsan-minsan na maglakad lalo sa gabi. Medyo hindi siya komportable sa mga tingin ng kanilang mga nadadaanan na naroon din at malamang ay ginagawa ang ganito, ganunpaman ay hindi niya napigilan na iyakap ang isang kamay sa mga bisig ni Atticus. Ikinalapad pa iyon ng ngiti ng kumag sa kanya dahil sa kanyang ginawa.“Is this better? O sa beywang mo dapat iyakap ang isang kamay ko, Fourth?” Tumigil sa paglalakad si Atticus sa narinig niyang katanungan ni Gabe. Marahang itinango niya ang kanyang ul