Share

Chapter 79.1

last update Last Updated: 2025-06-02 20:58:14

NANG MALAMAN NG mga Dankworth ang pagkawala ni Brian ay agad silang kumilos at ginamit ang mga connections. Nag-check sila ng CCTV sa harap ng paaralan kung saan ay nakita nilang sumakay ng taxi ang bata. Sinundan nila iyon upang e-trace kung saan papunta. Si Gavin ang nag-asikaso noon na nakipag-ugnayan sa mga pulis. Sinubukan ni Giovanni at Briel na pumunta ng villa nila at maging sa apartment nila sa Bulacan dahil baka naroon si Brian. Minsan na kasing nakarating doon ang bata at matalino ito. Memorize nito ang address nila sa Bulacan kung kaya naman nagbakasali sila ngunit wala. Nahirapan din sina Gavin na e-track na ang CCTV dahil hindi naman lahat ng kanto ay mayroon. Aabot din ng ilang araw kung hahalungkatin nila lahat.

“Nakita mo na? Nang dahil sa kapabayaan mo ‘to! Hindi na ito mauulit pa, Giovanni. Hinding-hindi ko na ipapahiram ang anak natin sa’yo. Napaka-wala mong kwentang tao at ama!”

Itinikom lang ni Giovanni ang kanyang bibig. Piniling manahimik na lang keysa naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (42)
goodnovel comment avatar
Angelica Batislaon Tineso
Ang sakit sa ulo...walang gana na basahin Puro pasakit nalang
goodnovel comment avatar
Desiree Enriquez Villanueva
yes true. naging gobernador pero bobo....nakakahinayang. buti pa c gavin....marami din pagsubok pero matalino ang character....ito naman juicemiyo....sobrang ginawang bobo c Gio...
goodnovel comment avatar
Liuchi Guyo Ordaniel
parang pare-pareho ang twist ng mga nobela tanga ang main character
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.3

    PAREHO SILANG NILAMON ng nakakabinging katahimikan. Si Giovanni ang unang hindi nakatiis doon. Huminga na siya nang malalim na pilit kinakalamay ang kanyang sarili. Nababasa niya sa pananahimik nito ang kagustuhan na tapusin na talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. Bagay na napagdesisyunan niyang huwag na iyong ipagdamot pa kay Briel. “Gusto mo na ba talagang tapusin ang lahat sa atin? Masyado ka bang nagmamadali? Di mo mahintay ang four months?” bakas sa boses ni Giovanni ang lungkot at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Briel na agad naman nitong nahawa na. “O-Oo, hindi na ako makapaghintay ng matagal. Alam mo naman ang dahilan ko. Saka para matapos na ang lahat.” Pinilit ni Giovanni na pasiglahin ang kanyang boses kahit na namamalisbis na ang kanyang mga luha. Damang-dama na niya ang sakit. Mas masakit pa iyon sa nararamdaman ng kanyang physical na katawan ng mga sandaling iyon.“Alright, sige. Malapit na akong sumakay ng eroplano, ang secretary ko na lang ang uutusan ko.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.2

    BUONG ARAW AY iyon lang ang naging laman ng isipan ni Briel na nagkataong rest day ng araw na iyon. Pilit niyang inapuhap sa kanyang sarili kung saan siya nagkamali. Inalala niya kung kailan siya huling nagkaroon ng menstruation. Wala siyang maalala na nagkaroon siya. Hindi niya matandaan iyon dala marahil ng kanilang naging problema ng asawa.“Imposible na mabuntis ako.” mariing iling niya na kinagat na ang hinliit niyang kuko habang nakaupo sa sofa, “Posible rin. Active kami ni Giovanni sa bagay na iyon. Magtaka ako kung hindi niya ako ginagalaw tapos nagkaroon ng laman.” Nasundo na lang at lahat si Brian sa school ay hindi pa rin tapos ang kanyang isipan na mag-isip ng tungkol sa bagay na ito. Ni hindi pa siya nag-pregnancy test dahil natatakot siya sa magiging resulta. Paano kung buntis siya? Makikipag-ayos siya sa asawa? Bakit niya naman gagawin iyon? Kung nakaya niya noon kay Brian, kakayanin niya rin sa kasunod nito.“Mom, I am home!” Yumakap lang si Briel sa anak at ipinagpa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.1

    NAGPATULOY ANG TAWAG ni Giovanni kahit na alam niyang walang pag-asa na sagutin siya nito. Palagi siyang nagbabakasakali na sagutin ng asawa ang kanyang tawag. Madalas na sa loob ng isang araw ay isang oras niyang ginagawa iyon bago siya matulog. Nang nasa kalahating oras na nang biglang sagutin iyon ni Briel dala ng alchohol sa kanyang katawan.“Ano bang problema mo? Hindi mo ba palalamapasin ang isang araw ng di ako iniistorbo?!”Bakas sa boses ni Briel ang pagkakaraoon ng tama sa alak na hindi nakaligtas kay Giovanni. “Umiinom ka? Nasa labas ka ba?” “Oo, umiinom ako. Bakit? Bawal? Sinong magbabawal? Ikaw?” Malakas na tumawa si Briel na ang tunog noon ay nang-iinsulto. “Huwag mo nga akong patawanin. Sa tingin mo may karapatan ka pa sa akin? Hindi na ako kagaya ng Gabriella Dankworth na kilala mo. Narinig mo? Kaya ko ng mabuhay ng wala ka di gaya ng dati. Baka nakakalimutan mo kaya nais ko lang ipaalala sa’yo ang bagay na iyon.” “Si Brian?” “Nasa room tulog na. Hindi mo ako kag

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.4

    MATABANG NA TININGNAN na siya ni Briel. Humalukipkip na ang kanyang dalawang braso. Nasa loob na ng sasakyan ng driver na sundo nila ng mga sandaling iyon si Brian at di na sila dinig. Nakikita lang sila ng bata na mukhang may pinag-uusapan sa likod na masinsinan. “No, kapag sinabi ko sa’yong makikipaghiwalay na ako, makikipaghiwalay na ako!” “Briel, wala na ba talaga? Kahit anong gawin ko wala na ba talaga? Iiwan mo na ako kahit pa anong pakiusap ang gawin ko sa’yo? Ganun mo na lang ba ako bibitawan? Sumusuko ka—” “Dapat noon pa ako sumuko eh. Pinilit ko lang maging maayos tayo. Iyong pag-iwan mo sa akin sa kasal, understandable pa at kaya ko pang tunawin, subalit ang nangyari sa anak natin? Hindi kita kayang basta na lang patawarin, Giovanni. Pasensya ka na. Hindi ko kaya…”Napahaplos na si Briel sa kanyang buhok upang kalamayin ang sumisidhing galit niya.“Kailangan ko ng umalis. May trabaho pa ako, after lunch.” Tinangka ni Briel na sumakay na ng sasakyan ngunit hinawakan ni G

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.3

    BAGO PA MULING makapagsalita si Giovanni ay dumating na ang kanyang ina na nalaman na ang nagyari sa kanyang apong si Brian. Nang magtama ang mata nila ng anak na si Giovanni, kumulo pa ang dugo ng matanda. Hinambalos na niya ang anak ng tungkod niya.“May lakas pa rin talagang harapin ang asawa mo sa kabila ng ginawa mo, Gio?!” “Mama—” Mag-asawang sampal ang natanggap ni Giovanni mula sa kanyang ina na nagpabaling ng kanyang mukha sa magkabilang direksyon ng dalawang beses nang tuluyan itong makalapit. Napapahiyang namula pa ang mukha ni Giovanni dahil may dumaan doon na ilang mga nurse na nakita ang buong pangyayari. Walang tunog na tumulo at naglandas ang luha niya. “Mama—” “Itinakwil na kitang anak, kaya bakit tinatawag mo pa rin akong ganyan? Tawagin mo na lang akong Donya Livia simula ngayong araw. Huwag mo akong paandaran niyang luha mo!” Pagkasabi niya noon ay tinungo na ng matanda ang loob ng silid upang tingnan ang apo. Nilagpasan niya si Giovanni na humabol ng tingin s

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.2

    HINDI NA MAGAWANG makapagsalita pa ni Giovanni lalo pa nang makita niyang dumating na sina Gavin at Bethany galing ng police station. Nahuli silang pumunta doon dahil inasikaso pa rin nila ang kanilang mga anak. Masama pa noon ang pakiramdam ni Bethany dahil sa kanyang paglilihi, ngunit pinili pa rin niyang pumunta uoang damayan ang hipag. Isa pa, gusto niyang pumunta doon upang maging support na rin ng kanyang tiyuhin kahit pa masama ang loob niya at tutol siya sa ginawa nito sa kanyang sariling anak. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng silid upang puntahan si Briel at si Brian matapos na tumango kay Giovanni na hindi magawa kahit ang ngumiti sa kanya. Naiwan si Gavin sa may pinto kung nasaan si Giovanni at Mr. Dankworth na magkaharap na halatang masinsinang nag-uusap.“Bethany!” iyak na ni Briel nang makita ang pagpasok ng kanyang hipag na agad siyang niyakap matapos na isara ang pintuan sa kabila ng pansamantalang pagsulyap dito ni Briel. “Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status