Share

Chapter 79.2

last update Last Updated: 2025-06-03 21:48:24

HINDI NA MAGAWANG makapagsalita pa ni Giovanni lalo pa nang makita niyang dumating na sina Gavin at Bethany galing ng police station. Nahuli silang pumunta doon dahil inasikaso pa rin nila ang kanilang mga anak. Masama pa noon ang pakiramdam ni Bethany dahil sa kanyang paglilihi, ngunit pinili pa rin niyang pumunta uoang damayan ang hipag. Isa pa, gusto niyang pumunta doon upang maging support na rin ng kanyang tiyuhin kahit pa masama ang loob niya at tutol siya sa ginawa nito sa kanyang sariling anak. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng silid upang puntahan si Briel at si Brian matapos na tumango kay Giovanni na hindi magawa kahit ang ngumiti sa kanya. Naiwan si Gavin sa may pinto kung nasaan si Giovanni at Mr. Dankworth na magkaharap na halatang masinsinang nag-uusap.

“Bethany!” iyak na ni Briel nang makita ang pagpasok ng kanyang hipag na agad siyang niyakap matapos na isara ang pintuan sa kabila ng pansamantalang pagsulyap dito ni Briel. “Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Lyn Magada
kailan pa to matatapos ang kwentong ito paulit2 na lg ang kwento.
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
Buti nga sa u Giovanni Ang Bobo mo ay naku intayin mo c Brian xa Ang huhusga sa u
goodnovel comment avatar
Ellen Delacruz
dusadusa dusa na lng palagi bat ganun ang papel mo Giovanni,Wala ng pagbabago? ano ang maging wakas ? masakit? masalimout ? aln pa? aynaku ! bakit Ako nagbabasa nito na pawang walang kwenta...wakasan mo na Mis A para tapos na
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 81.3

    MAY PAGMAMADALI ANG kanyang mga hakbang pagkatapos na sabihin iyon. Pinanood lang siya ni Briel na parang itinulos na ang paa sa kanyang kinatatayuan. May iba siyang nase-sense, ngunit ganunpaman ay hindi niya iyon pinansin at ginawa ang pakay sa palapag.“Hindi kaya may sakit siya?” parang sirang tanong niya sa kanyang sarili matapos na e-flush ang toilet bowl, “Eh ano naman kung may sakit? Sabi nga niya dala ng katandaan niya lang…” Halos maupos naman sa kanyang hininga sa pagmamadali si Giovanni na makabalik sa kanyang silid. Iyong tipong sumisigaw na ang kanyang katawan sa labis niyang pagmamadali ay hindi niya iyon pinansin. Hindi siya tumigil sa takot na sundan siya ni Briel. Nang lubusang makapasok sa loob ng silid, doon pa lang siya nakahinga pero kinakapos na. “Anong nangyari?” tanong ni Donya Livia na napaharap na sa anak na habol ang hinga. “Di ba sabi mo gusto mong lumabas sa garden ng hospital upang maglakad-lakad? Bakit narito ka na agad? May humahabol ba sa’yo?” lingo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 81.2

    INILIHIM NILANG MAG-ASAWA iyon na maging kay Briel ay hindi nila nabanggit na alam nilang buntis ito. Baka kasi kapag sinabi nina Bethany at Gavin na alam nila ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi rin nila matiis na sabihin ang kalagayan ni Giovanni. Ayaw nilang gawin pang mas kumplikado ang sitwasyon. Hihintayin na lang nilang Tadhana ang kumilos.“Sigurado ka, Briel na ayaw mong magpasama?” ulit ng ina niya nang magsabi si Briel na kailangan niyang pumunta ng hospital upang magpa-check up, “Isama mo si Maria Gina…” “Hindi na, Mom. Kaya ko na ang sarili ko. Pakibantay na lang si Brian.” “Okay, huwag kang gaanong magtatagal.” Sinipat ng Ginang ang suot ni Briel na hindi pangbuntis. Maong pants iyon na ang explanation sa kanya ay de-garter at stretchable. Mababakas ang pagbabago ng hubog ng katawan ni Briel na bahagyang maiitago dahil sa suot niyang damit. Isang buwan na ang lumipas matapos na pumirma siya ng divorce at wala na siyang narinig na muli kay Giovanni.“Alright, Mom…”

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 81.1

    WALONG ORAS NAGTAGAL ang operasyon ni Giovanni upang tanggalin ang bukol na nakita sa kanyang bituka. Ikinonsidera itong success ng mga doctor, ngunit kinakailangan na manatili pa rin siya sa hospital upang maalagaan ng doctor. Nang magising si Giovanni ay nagulantang siya nang maabutan ang inang nasa tabi ng kanyang kama. Naghihintay na gumising siya. Hindi lang ang ina ang naroon nang igala niya ang kanyang mga mata. Naroon din ang pamangkin niyang si Bethany. Nasa may pintuan ng silid nakatayo ang asawa nitong si Gavin. Hinang-hinang pa ang kanyang katawan, ni hindi pa nga niya kayang magsalita ngunit nagawa niyang ipaling ang kanyang ulo. Hinawakan na ng kanyang ina ang isa niyang kamay. Iyong galit na nakita niya noon sa kanyang ina ay naglaho na ngayon dito. Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi natagalan ni Conrad na hindi ipaalam iyon kay Donya Livia. Tinawagan naman ng matanda ang apo niyang si Bethany at sinabi rin ito kay Gavin.“It's such a big thing, Giovanni. Sobrang seryo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.4

    ILANG BESES NA kumibot ang bibig ni Conrad upang sabihin kay Briel ang tunay na kalagayan ng dating Governor, nais niyang malaman nito na may sakit ang kanyang amo. Baka sakaling magbago pa ang takbo ng isip nito. Isa pa, labis niyang mahal si Giovanni kaya malamang ay hindi siya nito magagawang tiisin. Ngunit nang maalala na iba ang ugali ni Giovanni kapag nalaman nito ang ginawa niya ay pinili na lang niya ang itikom ang bibig keysa mapasama siya sa pagmamagandang loob na kanyang tanging hangad lang naman.“Si Brian?” sa halip ay tanong niya upang pagaanin ang nararamdaman niya.“Nasa playroom.” Sa bandang huli ay nagpasya ang secretary na magsalita pa rin ng pahapyaw. “Mrs. Bianchi, wala na ba talagang pag-asa na maging maayos kayo ni Mr. Bianchi?” Tiningnan na siya nang masama ni Briel. “Alam mo na, baka lang naman pwede pa. Baka sinusubok lang kayong mag-asawa sa taong ito. Baka pwedeng bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon upang patunayan ang sarili?”Nag-iwas ng tingin

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.3

    PAREHO SILANG NILAMON ng nakakabinging katahimikan. Si Giovanni ang unang hindi nakatiis doon. Huminga na siya nang malalim na pilit kinakalamay ang kanyang sarili. Nababasa niya sa pananahimik nito ang kagustuhan na tapusin na talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. Bagay na napagdesisyunan niyang huwag na iyong ipagdamot pa kay Briel. “Gusto mo na ba talagang tapusin ang lahat sa atin? Masyado ka bang nagmamadali? Di mo mahintay ang four months?” bakas sa boses ni Giovanni ang lungkot at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Briel na agad naman nitong nahawa na. “O-Oo, hindi na ako makapaghintay ng matagal. Alam mo naman ang dahilan ko. Saka para matapos na ang lahat.” Pinilit ni Giovanni na pasiglahin ang kanyang boses kahit na namamalisbis na ang kanyang mga luha. Damang-dama na niya ang sakit. Mas masakit pa iyon sa nararamdaman ng kanyang physical na katawan ng mga sandaling iyon.“Alright, sige. Malapit na akong sumakay ng eroplano, ang secretary ko na lang ang uutusan ko.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.2

    BUONG ARAW AY iyon lang ang naging laman ng isipan ni Briel na nagkataong rest day ng araw na iyon. Pilit niyang inapuhap sa kanyang sarili kung saan siya nagkamali. Inalala niya kung kailan siya huling nagkaroon ng menstruation. Wala siyang maalala na nagkaroon siya. Hindi niya matandaan iyon dala marahil ng kanilang naging problema ng asawa.“Imposible na mabuntis ako.” mariing iling niya na kinagat na ang hinliit niyang kuko habang nakaupo sa sofa, “Posible rin. Active kami ni Giovanni sa bagay na iyon. Magtaka ako kung hindi niya ako ginagalaw tapos nagkaroon ng laman.” Nasundo na lang at lahat si Brian sa school ay hindi pa rin tapos ang kanyang isipan na mag-isip ng tungkol sa bagay na ito. Ni hindi pa siya nag-pregnancy test dahil natatakot siya sa magiging resulta. Paano kung buntis siya? Makikipag-ayos siya sa asawa? Bakit niya naman gagawin iyon? Kung nakaya niya noon kay Brian, kakayanin niya rin sa kasunod nito.“Mom, I am home!” Yumakap lang si Briel sa anak at ipinagpa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status