LOGINBOOK 4
CHOSEN HUSBAND OF GAVINA DANKWORTH SECOND GENERATION/DANKWORTH BABIES GAVINA ‘GABE’ DANKWORTH STORY BLURB Mga bata pa lang sina Gavina Dankworth at Atticus Carreon ay pinili na nila ang isa't-isa na hanggang pagtanda nila ay magsasama. Nagsimula man sa away-bata ang pagkabuo ng kanilang relasyon, ngunit iyon ang nagpatatag sa kanilang dalawa na halos hindi mapaghiwalay. Mula sa musmos na mga pangako na ginawa nilang realidad ng buhay noong lumaki na hanggang sa tunay na laban. Subalit, datapwat, sadyang mapaglaro ang Tadhana. Sa gitna ng laban, biglang bumitaw si Fourth. Naiwang luhaan at unwanted si Gabe. Pagkaraan ng ilang taon, bumalik sa bansa si Fourth upang dito na manatili. Pinanghahawakan pa rin niya ang pangako nilang binitawan ni Gabe kahit siya ang unang sumira dito. Paano kung hindi na ito ang babaeng minahal niya noon? Anong kailangan niyang gawin upang maibalik ang dati nitong pag-ibig? Hanggang kailan ang isang Atticus Carreon magmamakaawa at magpapaalipin upang sa bandang huli ay muli siyang piliin na maging asawa at habangbuhay na katuwang ni Gabe?BOOK 5CHARM OF FATE OF BRYSON DANKWORTHSECOND GENERATION/DANKWORTH BABIESBRYSON ‘BRY’ DANKWORTH STORY BLURBBunga ng pagkabigo sa pag-ibig sa ikalawang pagkakataon, sa iisang babae; nangako si Bryson Dankworth na kailanman ay hindi na siya muling iibig pa. Lagi na lang kasi siyang nate-take for granted. Subalit nang muli niyang makita ang dating kasintahan na si Piper Hidalgo, sa ikatlong pagkakataon kinalaban niya ang sarili at nilunok ang kanyang mga sinabi. Hindi niya na pinairal ang pride. Natagpuan na lang niya ang sariling nire-renew ang umaapaw ditong pagmamahal. Pinangako niya sa sarili na iyon na ang huling pagkakataon. Kailanman ay hindi na ito papakawalan kahit na anong mangyari. Hindi na niya hahayaang lumayo pa ang babae at muling iwan siya sa ere.Sa ikatlong pagkakataon, pumanig na kaya sa kanila ang Tadhana?
HINDI INALIS ANG mga mata sa mukha ni Gabe ni Atticus. Ni ang pagkurap ay ayaw na gawin ng lalaki. Sa mga pilikmata nito nakatuon ang paningin niya at naghihintay na magbigay na iyon ng kaunting motion man lang, sign na gigising na.“Mr. Carreon, baka nais na po ninyong makita ang mga bata. Malinis na po sila.” “Mamaya na, kapag nagkamalay na ang aking asawa. Sabay namin silang titingnan.” sagot ni Atticus na hindi magawang tumingin sa nurse na nagsalita matapos na pumasok sa silid, hindi umalis si Atticus sa tabi ng asawang natutulog pa rin.“Sige po, kayo ang bahala…”Buong magdamag at isang buong araw na walang malay si Gabe. Ganun na lang ang galak ni Atticus nang magkamalay ito at nakita niyang mapula na muli ang labi ng asawa at puno ng buhay at excitement ang pares ng kanyang mga mata. “K-Kumusta ang mga anak natin? Nakita mo na ba sila? Pinuntahan mo na?” sunod-sunod na tanong ni Gabe. Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Atticus sa halip na sagutin ang mga katanungan nit
HINDI NAGING MADALI sa kanilang mag-asawa ang pagdadalang-tao ni Gabe sa ikalawang pagkakataon. Nariyan ang kada buwan ay mayroon siyang spotting at kailangang na isugod ng hospital dis oras ng gabi. Hindi siya naging maselan sa paglilihi, ngunit ang katayuan ng kanyang mga anak sa loob ng tiyan ang nangangailangan ng matamang atensyon. Kinakailangan niyang itigil panandalian ang trabaho sa law firm. Bawal din siyang ma-stress at mag-isip ng mga nakaka-stress. Sinalo ni Atticus ang lahat ng stress, para sa kanya ay mabuti na siya ang tumanggap noon keysa sa asawa. Nagawang pagsabayin ng lalaki ang kanyang trabaho, pag-aaruga sa kambal nilang anak na hindi rin nakaligtaan ang buwanang check up at syempre nakaya din niyang bagayan ang pagiging moody ni Gabe na mas lumala kumpara sa dati. Hindi niya nga alam kung paano niya iyon kinaya, ang tanging alam ni Atticus ay sobrang mahal niya ang mag-iina niya.“Kaya pa ba, Fourth?” bandang walong buwan na noon ang kabuntisan ni Gabe at napansi
MULA NG GABING iyon, pinilit ni Gabe na libangin ang kanyang sarili. Tuwing malulungkot siya, iniisip na lang niya ang mag-aama na doble ang mararamdamang lungkot oras na siya naman ang mapahamak. Paunti-unti, nagawa ni Gabe na mag-adjust at tanggapin ang kapalaran ni Jake. Panay pa rin ang dalaw nila sa puntod nito na kada buwan din nangyayari. Isang taon din halos ang naging set up nila na ganun na kada malulungkot si Gabe ay binibisita nila kung nasaan si Jake.“Aalis na tayo agad?” puno ng pagtatakang tanong ni Atticus nang sindihan lang ni Gabe ang dala nilang kandila at tumayo na, bahagyang nag-inat pa ang katawan ng asawa na para bang pagod na pagod na agad sa kanyang pag-upong ginawa doon. “Pero hindi pa tayo nagtatagal dito, Gabe. Parang fifteen minutes pa lamang tayo mula ng makarating dito.”“Ayos na iyon, gusto ko ng umuwi.” Sinundo siya ni Atticus sa law firm dahil nag-aya si Gabe na magtungo nga sila ng puntod ni Jake. Hindi nila kasama ang kambal. Sa halip na magtanong
GANUN PA MAN ang ginawa ni Atticus, hindi naibsan ang sakit na nararamdaman ni Gabe. Para sa kanya ay kapatid niya ang nawala dahil iyon naman ang turing niya sa lalaki. Feeling niya ay napilay siya ng isang paa. Hindi sa hindi niya alam kung paano magsisimula, ngunit nais niyang bigyan ang kanyang sarili na i-proseso ang mga bagay na iyon kahit na alam niyang mahirap. Unti-unting tanggapin ang katotohanan ng kanyang isipan na kahit na ubusin pa ang luha niya sa katawan ay hindi na maibabalik ang buhay ni Jake. Batid ng babae na matagal bago makabawi ang katawan niya doon pero dahil alam niyang nasa kanyang tabi ang asawang si Atticus, ang lahat ay makakaya niyang gawin. Masakit man ay tinanggap niya sa puso niya na hanggang doon lang ang binigay ng langit na buhay sa lalaki.“Sa ngayon ay makakapahinga na siya sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya. Kailangan mo na siyang bitawan. Paunti-unti. Jake life were beautiful. Alam kong wala siyang pinagsisisihan sa mga huling sandali niya.
MULING IBINUKA NI Gabe ang bibig. Wala siyang matandaan na may kakilala silang kailangan nilang saglit na puntahan sa bansang iyon. Kumbaga wala iyon sa plano nilang mag-asawa simula noong umpisa, subalit bago pa niya magawa ay nagawang pigilan na siya ng nagmamadali doong si Atticus. Iyong tipong parang walang ibang makakapigil sa kanya.“Pwede bang mamaya na ako mag-explain, Gabe?” mahina ang tinig na hiling ni Atticus na pinalamlam pa ang kanyang mga mata upang humingi ng malalim na pang-unawa sa asawa. Pinagbigyan naman iyon ni Gabe dahil dama niya ang pakiusap ni Atticus. “Kailangan ko na munang mag-booked ng ating flight. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko lahat.” Hinayaan siya ni Gabe kahit ang dami ng gumugulo sa isipan ng babae na mga katanungan. Sa paningin niya mas magulo ang isipan ng asawa dahil halatang tulala ito at parang hindi makausap nang maayos. Binitawan niya ang braso nito at pinanood niya ang bawat galaw ni Atticus na bagama’t kalmado, alam niyang may mabigat







