Share

Chapter 1

Author: KaptainChazz
last update Last Updated: 2024-03-14 11:10:41

Let the party begin!" 

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar matapos sumigaw si Beatrice. Nagdiriwang sila ng kaarawan nito sa McSorley's Old Ale House, isang kilalang bar sa Downtown Manhattan, New York. 

"One tequila for you," sabay abot ni Beatrice ng isang basong alak sa kaibigan nitong si Alessia.

Nakangiting tinanggap naman ni Alessia ang baso at tinungga ito kaagad. Naghiyawan silang lahat nang makita nilang naubos agad ni Alessia ang tequila na inabot sa kanya.

Alessia Montague is the epitome of elegance and sophistication, a young heiress whose world is adorned with the luxuries of high society. Born into wealth and privilege in the heart of New York City, Alessia embodies grace and poise, effortlessly commanding attention wherever she goes. As the scion of the illustrious Montague family, she carries the weight of legacy on her shoulders, inheriting the reins of the esteemed MTG Corporation. Yet beneath her polished exterior lies a spirited soul yearning for adventure and authenticity. Despite the confines of her gilded cage, Alessia harbors dreams of exploring the world beyond the confines of her opulent upbringing, seeking to carve her own path amidst the glitz and glamour of society's elite.

"Happy birthday, " she greeted her friend and hugged her.

Dumiretso sila sa gitna ng bar at nakisayaw sa mga kaibigan nila. Nirentahan nilang lahat ang buong bar kaya naman mga invited lang sa party ni Beatrice ang mga nandoon. 

Nagising si Alessia dahil sa sakit ng ulo dulot ng kalasingan nito kagabi. Napapikit na lamang siya ng maigi at napahawak sa ulo. Ngunit pinilit niyang tumayo at napatingin sa paligid. Napabuntong hininga na lamang siya matapos niyang masilayan ang kaniyang condo. Pinili niyang dumiretso dito dahil baka mapagalitan siya ng kaniyang Papa dahil sa kalasingan nito. Hindi naman strict ang parents niya pero nahihiya pa din siyang makitang lasing dahil baka kung ano pa ang magawa nito. Pinilit na lamang niyang tumayo at dumiretso sa kaniyang banyo. Naligo na ito para mahimasmasan. Ilang minuto ang itinagal niya sa kanyang banyo. Nadatnan niyang tumutunog ang kanyang cellphone nang makalabas ito sa paliguan.

"Yes?" 

Hindi na nito tinignan kung sino ang caller dahil alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganto kaaga.

"What happened last night?" tanong sa kanya ng kaibigan niya. Napapikit na lamang siya dahil expected na niyang ito ang kaniyang itatanong.

"We're drunk," tipid na sagot nito. Napabuntong hininga naman ang kausap niya sa kabilang linya.

"I'm now 24, gosh!" reklamo ng kaibigan nito. Natawa siya dahil alam niyang nagrereklamo ang kaibigan niya dahil hindi na sila pareho ng edad. Mas bata siya ng isang taon. 

Alessia Montague is 23 years old. She is a fresh graduate in Columbia University, one of the top universities in the world.

"Chill girl, you're just 8 months ahead," tugon niya sa kaibigan. 

Hindi na nagtagal ang tawag nilang dalawa kaya naman nagpalit na ito ng damit at kinuha na ang gamit niya. Dumiretso siya sa basement kung saan ang condo niya dahil nandoon ang sasakyan nito.

Bumungad sa kaniya ang nakangiting ina nito nang makauwi na ito sa bahay nila. 

"Hi dear" bati sa kaniya ng kaniyang ina at nakipagbeso dito.

"We had so much fun last night," panimulang kwento ni Alessia sa kanya.

"That's great! How's Beatrice? Ask her to come over, we'll have dinner tonight." Sabi ng kaniyang ina. Napangiti naman siya dito at dali daling nitext ang kaniyang kaibigan.

"By the way, where is Dad?" tanong niya sa kaniyang ina. 

"He's upstairs," sagot nito sa kaniya.

"Good morning," nagulat silang pareho nang biglang nagsalita ang Papa nito sa likod nila. Napatingin sila ng masama sa kaniyang ama.

"Chill girls, where is Hanz?" tanong ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Tinuro naman Honey (ina) ang bumubungad na kotse ng binatang anak nila.

Hanz Jacob Montague, he's one and only brother. 

"'Sup sis," bati sa kaniya ng kuya nito. Napasimangot lamang si Alessia sa lalaki kaya naman ginulo ni Hanz ang buhok niya.

"It's too early yet you're irritating me," reklamo niya sa kapatid.

"Let's have our breakfast," aya ng kanilang ama bago pa sila mag-away na dalawa. Para silang mga aso't pusa kung mag-away. Mapang-asar pareho ang magkapatid pero mabilis lamang maubos ang pasensya ni Alessia sa kaniyang kuya. Alam niyang hindi siya mananalo kapag nagsimula na silang  mag-asarang magkapatid.

Dumiretso muna siya sa kaniyang kwarto matapos silang mag-agahan. Ilang minuto ang nakakalipas, biglang may kumatok sa kaniyang pinto. 

"Come in," sigaw niya sa kung sino man ang kumakatok. Pumasok ang mga magulang niya kaya naman nagtataka siyang napatingin dito. Umupo ang mama niya sa tabi nito at nakatayo naman sa paanan ng kama ang Papa niya. Nagpapalit palit ang tingin niya sa dalawa. Natawa naman sa kaniya ang mga magulang nito.

"I'm going back to the Philippines," pagsisimula ng kaniyang ama.

"Really?" 

"Yes, and we're wondering if you want to go there? It's been years since you last visited the Philippines." sabi ng kaniyang ama.

"I'll think about it, Dad." sagot niya.

"You can visit our resort there," dagdag  naman ng kaniyang ina.

"Yeah, yeah sure. Maybe it's best for me since I want to go somewhere," napapaisip na sabi ni Alessia.

"That's great, pack your things now. We will have a flight tomorrow morning," agad na sabi ng kaniyang ama. Nakakunot noo naman siyang napatingin dito.

"That's too fast," reklamo niya. Natawa lamang ang mga magulang nito sa naging reaksyon niya.

"Well, no backing out." saad pa ng Papa nito.

"Hey, that's unfair!" sabi niya.

"Aren't you coming, Mom?" baling niya sa kaniyang ina.

"Nope, I have so many things to do here. But I'll let you know if I'm going there," sagot ng kaniyang ina.

"Oh hey, how about Hanz?" Dagdag na tanong pa nito kasabay nang pagpasok ng kaniyang kapatid sa kwarto.

"You miss me again?" Pang-aasar pa ng kapatid nito sa kaniya kaya sinamaan na lamang niya ito ng tingin.

"He's going to the Maldives on Friday, that's why he can't come with us." Sagot ng kaniyang ama.

May isang branch pa ng company nila sa Maldives na kung saan ang kuya niya ang nagmamanage dito. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag nang sabihin ng kaniyang ama na hindi makakasama si Hanz sa kanila. Her mother is also busy managing her own business here in New York. Kasalukuyan siyang nagmamanage sa Fashionista Company na kung saan sila ang isa sa nagmamanage ng mga fashion na ginaganap sa iba't ibang sulok ng bansa. 

Nagsilabasan na ang kaniyang pamilya sa kwarto nito kaya napagdesisyunan niyang matulog na lamang muna para tuluyan nang mawala ang kaniyang hangover. Nagising na lamang siya nang maramdaman niyang gumalaw ang kama nito kaya napamulat siya agad. Nagulat siya ng makita niya ang nakangiting kaibigan nito sa loob ng kaniyang kwarto.

Beatrice Escalus is a Filipino citizen pero nag-aral sa New York nang dahil sa ambisyon nitong makapasok sa isang sikat na eskwelahan. Galing din siya sa isang kilalang pamilya. Noong nagcollege siya sa New York, doon niya nakilala si Alessia na naging matalik niyang kaibigan. Nang mapag-alaman ni Beatrice na may lahing Pilipino si Alessia, sinimulan niyang turuan ito kung paano magsalita ng tagalog. Kaya naman may konting kaalaman na si Alessia sa pagsasalita ng Tagalog. Pero dahil nandito sila sa New York, hindi sila madalas mag-usap ng kaniyang kaibigan gamit ang Filipino language. At naalala niya noong bata siya, tinuruan din siya ng kaniyang ama kung paano magsalita ng Filipino. Pero dahil ilang taon na ang nakalipas mula noong unang bisita niya sa Pilipinas, medyo nakalimutan na niya ang ibang salita sa tagalog. Kaya naman kung maririnig mo siyang magtagalog ay mababakas ang accent nito.

Napatingin siya sa labas ng kaniyang bintana at nakitang madilim na ang paligid. Nakihiga sa tabi niya ang kaniyang kaibigan.

"Wake up, girl. It's already evening, you need to get up and change. Your mom told me to wake you up," aniya ng kaniyang kaibigan.

"What time is it?" She asked.

"Well, it's already 6:34 in the evening," Beatrice answered.

Hindi na umangal pa si Alessia kaya naman dumiretso na agad ito sa banyo para maligo. 

Bumaba na sila ng kaniyang kaibigan nang matapos siyang makapagpalit. Dumiretso ang mga ito sa dining area kung saan naghahanda na ng pagkain ang mga maids nila. Nakita niyang nagluluto din ang ina nito.

"Hi," bati sa kanila ng babae.

"Good evening, ma'am."  bati pa sa kaniya ng mga maids na nadadaanan nila.

"Nani, I missed you!!!" She suddenly ran towards her own maid. Si Nani ang kasa-kasama niya mula pa noong bata siya. Ito na ang isa sa tumayong tagapangalaga niya. She hugged her tightly kaya naman natawa sa kaniya ang kaniyang Nani.

"You missed me that much, Alessia?" Tanong sa kaniya ng babae.

"So, so much!" she answered excitedly.

"She's always asking me when are you coming back," saad naman ng kaniyang ina na dumaan sa likuran ng mga ito para ilagay sa hapagkainan ang inihanda nitong pagkain.

Ilang minuto munang nakipag-usap si Alessia sa kaniyang Nani hanggang sa tawagin na sila ng kaniyang ama para kumain. Nagsimula na silang magsandok ng kani-kanilang mga pagkain.

Biglang dumating ang kaniyang kuya na galing sa labas kaya naman napasimangot bigla si Alessia nang makita ang pagmumukha nito.

"Sorry, I'm late." Saad ng kaniyang kuya bago umupo sa harapan nito. Habang si Beatrice ang katabi naman niya.

"How's it going?" Tanong ni Alessandro (ama) kay Hanz.

"Well, the meeting was smoothly fine," pagyayabang naman ni Hanz na dahilan para tawanan siya ng kaniyang ina. 

"Why are you laughing, Mom?" baling nito sa kaniyang ina.

"You're so cool," pagbibiro naman nito.

"Oh, hi Beatrice. You're here, by the way, belated happy birthday." Bati ng kuya nito sa kaniyang kaibigan.

"Thanks, Hanz." Tugon naman ng kaniyang kaibigan.

"Happy birthday, hija." Bati naman ng ama at ina nito.

"Thank you, tito and tita." Masayang tugon ni Beatrice.

"By the way, Daddy asked me to go to the Philippines. You want to come with me?" Tanong ni Alessia sa kaibigan niya. 

"Yeah, you can accompany my daughter since you know about the Philippines." Dagdag pa ng kaniyang ama.

"I would love to go with you, but I still need some things to fix. But once I finish my business here, I'll let you know. Sorry, tito may pinapaasikaso kasi sila Dad sa akin bago ako makabalik sa Pilipinas," baling ng kaibigan nito sa ama niya. 

Medyo kumunot ang noo nito dahil hindi niya gaano naintindihan kung ano ang sinabi ng kaibigan sa kaniyang ama. Hindi niya pa gaano naiintindihan lahat ng salita sa Tagalog. 

"What are you guys talking about?" hindi na niya napigilan pang tanungin ang kaibigan. Natawa naman sa kaniya ang Daddy nito. 

"Nothing," sabi ng kaniyang kaibigan.

"That's unfair, " sabi pa niya dito kaya mas lalo silang natawa sa kaniya.

"Ang pangit mo," biro naman sa kaniya ng kaniyang kapatid kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Hey, I know that word. " pakikipagtalo niya.

"Stop teasing your sister, Hanz." suway ng kanilang ina sa kapatid kaya naman tinawanan niya ito.

Nang matapos nang magdinner ang pamilya niya, nagpaalam na din ang kaibigan nito matapos nilang mag-usap saglit. Dumiretso na siya sa kaniyang kwarto matapos niyang ihatid sa sasakyan ang kaibigan nito. Bago pa siya makapasok sa kaniyang kwarto ay tinawag siya ng kaniyang ama kaya naman lumapit siya dito.

"Alessia," anang ama.

"Yes, dad?" takang tanong naman ni Alessia.

"Did you already pack your things?" Tanong sa kaniya.

"Not yet," sagot nito.

"You should ready your belongings because we are taking a private jet at 6 in the morning," sabi ng ama niya.

"That's too early," reklamo pa nito.

"That's why you should go to bed early tonight," saad ng kaniyang ama.

"Yeah," pagsang-ayon na lamang nito.

"And by the way, you will stay in Santa Ana, Cagayan. We have a resort there and I already called yesterday to clean your room," sambit ng kaniyang ama. Napatango na lamang siya dito at nagpaalam na. Nauna na siyang pumasok sa kaniyang kwarto. Dumiretso siya sa kaniyang walk-in closet para ayusin ang kaniyang maleta. Napag-isipan niyang isang maleta na lamang ang kaniyang gagamitin. Konting gamit lang ang naiisip niyang dalhin dahil napagdesisyunan niyang magshopping na lamang siya once na makarating na sa Pilipinas. Nang matapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit ay kinuha muna niya ang kaniyang cellphone at nagpatugtog.

Ilang minuto ang nakalipas ay pumasok na din siya sa loob dahil lumalamig na sa labas. Dahil hindi siya gaano inaantok, naisipan na lamang muna nitong manood ng Harry Potter since yun yung favorite niyang pinapanood mula noong high school siya.

 Naisip niya kung ano kaya ang mangyayari sa kaniya sa Pilipinas since hindi niya gamay ang mga tao doon. Bata pa lamang siya noong huling ipinunta siya doon ng kaniyang ama. Hindi niya alam kung may makakakilala pa sa kaniya doon. Kaya mas maganda sana kung sasama sa kaniya ang kaniyang kaibigan pero napabuntong hininga na lamang siya dahil busy naman ang kaniyang kaibigan. 

She opened her phone when someone texted her. It's Beatrice, saying na nakauwi na ito sa kanilang bahay. Tinawagan na lamang niya ang kaniyang kaibigan at nakipagkwentuhan na lamang ulit siya dito. Nang matapos na ang kaniyang panonood, ay sakto ding pinatay na niya ang tawag. Pinatay na din niya ang kaniyang TV at nahiga na ito. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 3

    Kinabukasan, hinatid na lang si Alessia sa isang mall na medyo may kalayuan sa resort. Nang makababa siya sa sasakyan ay nagpaalam na ang pinsan neto at hinatid ng driver niya sa trabaho. Babalikan na lamang daw siya ng kanyang driver pagkahatid. Naglibot muna siya ng tingin sa paligid bago napagdesisyunang pumasok na sa mall. Pumasok siya sa iba't ibang kilalang brand para bumili at maghanap ng mga magugustuhan niyang mga damit. Nahuli siyang pumasok sa bench para mamili. Nang makapasok siya doon ay lumapit naman sa kanya ang isang saleslady doon para i-assist siya. "Good morning, Ma'am! Ano pong maitutulong ko sainyo?" Nakangiting tanong sa kanya ng staff. "I'll just buy some undergarments," sagot naman ng dalaga. "This way po," sabi ng staff at sinamahan siyang pumunta sa mga undergarments section. Nang may makita siyang bra na gusto niya ay kinuha niya ito. Pero dahil large ang size na nakadisplay doon, bumaling siya sa babae. Magsasalita na sana siya nang may biglang sumulpo

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 2

    Gaya nang napag-usapan, sumakay na sila ng kaniyang ama sa private jet na pag-aari nila. Diretso daw kasi ito sa airport na malapit sa kanilang resort. Hindi na pumayag pang ihatid sila ng kaniyang ina sa airport kaya naman mabilis din silang nakaalis. Nang nasa himpapawid na ang mga ito, naisipan na lamang ni Alessia na magpatugtog gamit ang kaniyang headphone at umidlip. Antok na antok pa siya sa kadahilanang late na siya nakatulog. Ilang oras lamang ang tinagal ng biyahe nila kaya naman napabalikwas na lamang siya sa kaniyang upuan nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Napangiti na lamang siya nang makita niyang ang Daddy niya pala ang tumatapik dito."Dad," sambit nito."We're here," natatawang sabi pa sa kaniya ng kaniyang ama. Kaya naman nag-ayos na lamang siya ng kaniyang sarili. Sumunod na siya palabas ng sinakyan nila at diretso sa kotseng nakaabang sa pagdating ng mga ito. Bago pa sumakay si Alessia, napatingin pa muna siya sa paligid niya. Na-amaze siya sa

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 1

    Let the party begin!" Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar matapos sumigaw si Beatrice. Nagdiriwang sila ng kaarawan nito sa McSorley's Old Ale House, isang kilalang bar sa Downtown Manhattan, New York. "One tequila for you," sabay abot ni Beatrice ng isang basong alak sa kaibigan nitong si Alessia.Nakangiting tinanggap naman ni Alessia ang baso at tinungga ito kaagad. Naghiyawan silang lahat nang makita nilang naubos agad ni Alessia ang tequila na inabot sa kanya.Alessia Montague is the epitome of elegance and sophistication, a young heiress whose world is adorned with the luxuries of high society. Born into wealth and privilege in the heart of New York City, Alessia embodies grace and poise, effortlessly commanding attention wherever she goes. As the scion of the illustrious Montague family, she carries the weight of legacy on her shoulders, inheriting the reins of the esteemed MTG Corporation. Yet beneath her polished exterior lies a spirited soul yearning for adventure and au

  • The Star-Crossed Promise   SYPNOSIS

    "Amidst the stars' intricate dance, our promise was forged, destined to endure the trials of fate and time."Alessia Montague, a wealthy New Yorker who returns to the Philippines with her father, Alessandro, for a vacation at their family-owned resort. Amidst the serene backdrop of Santa Ana, Cagayan, Alessia encounters Luca. Despite their rocky start, Alessia finds herself drawn to Luca, Struggling with her feelings, Alessia must navigate the complexities of love, trust, and forgiveness. As she grapples with her emotions, Alessia learns that sometimes, the most unexpected encounters can lead to profound personal growth and lasting connections.****Hope you'll like it!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status