Share

Chapter 2

Author: KaptainChazz
last update Last Updated: 2024-03-14 11:10:48

Gaya nang napag-usapan, sumakay na sila ng kaniyang ama sa private jet na pag-aari nila. Diretso daw kasi ito sa airport na malapit sa kanilang resort. Hindi na pumayag pang ihatid sila ng kaniyang ina sa airport kaya naman mabilis din silang nakaalis. Nang nasa himpapawid na ang mga ito, naisipan na lamang ni Alessia na magpatugtog gamit ang kaniyang headphone at umidlip. Antok na antok pa siya sa kadahilanang late na siya nakatulog. Ilang oras lamang ang tinagal ng biyahe nila kaya naman napabalikwas na lamang siya sa kaniyang upuan nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Napangiti na lamang siya nang makita niyang ang Daddy niya pala ang tumatapik dito.

"Dad," sambit nito.

"We're here," natatawang sabi pa sa kaniya ng kaniyang ama. Kaya naman nag-ayos na lamang siya ng kaniyang sarili. Sumunod na siya palabas ng sinakyan nila at diretso sa kotseng nakaabang sa pagdating ng mga ito. Bago pa sumakay si Alessia, napatingin pa muna siya sa paligid niya. Na-amaze siya sa natatanaw niya. 

"Hop on, it's hot here," rinig na aya sa kaniya ng ama nito kaya naman dali-dali na siyang sumakay ng sasakyan. 

"Where are we, Dad?" tanong niya sa kaniyang ama.

"Where here at Santa Ana, Cagayan. This is where I used to live when I was still a kid." Sagot niya. Napatingin siya sa mga nadadaanan niyang mga kabahayan. At lalo siyang na-amaze nang makita niya ang mga magkakaiba ibang resort na makikita sa Santa Ana. 

"There are numerous beaches in this area that I wasn't aware of before. As far as I recall, there's only one well-known beach here in the Philippines, Boracay Beach. I was considering visiting it, but now I'm thinking of canceling those plans." saad niya sa kaniyang ama.

"That's right, by the way, I will leave you here. I am staying in Manila," sambit ng kaniyang ama.

"Okay," tugon nito.

"Don't worry, I'll introduce you to my niece and she will accompany you since Beatrice can't come with us," dagdag nito.

"Who?" she asked.

"Her name is Tifanny," sagot nito.

"Tiffany? She's my cousin?" dagdag naman nitong tanong.

"Yeah," he said.

Ilang minuto lang ang biyahe nila papunta sa resort kung saan siya magstay. Nang makababa na sila ng sasakyan, nilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong naglalakad papunta sa iba't ibang direksyon. Beach and resort pala ang tinutukoy sa kaniya ng ama nito. She's wondering, why no one told her about this place. 

Nagulat siya nang may sumigaw sa di kalayuan at tumatakbo papunta sa direksyon nila. Napakunot noo ito sa kaingayan ng babae na nagmano sa kaniyang ama. Nakatingin lamang siya dito hanggang sa bumaling sa kaniya ang tingin ng babae. Malaking ngiti ang binungad ng babae sa kaniya. Ngumiti na lamang siya ng tipid pabalik sa babae dahil naiilang siya dito. Ito na marahil ang pinsan na tinutukoy ng kaniyang ama.

"Ikaw siguro si Alessia," sambit ng babae sa kaniya. Tinitigan lamang niya ito dahil hindi niya alam kung sasagot ba siya. Medyo naintindihan niya ang sinabi ng babae pero may part sa kaniya na ayaw niyang ipaalam na may naiintindihan siya sa lengguwahe ng kaniyang ama.

"Yes, she is. I think she can't understand you right now," ang kaniyang ama na ang sumagot doon sa babae."

"Alessia, this is Tiffany, your cousin. Tiffany, my daughter Alessia," pakilala ng ama nito sa isa't isa.

"Hi, nice to meet you." bati sa kanya ng dalaga.

"Nice to meet you," tugon na lamang nito

"Shall we?" pagpuputol ng ama nito sa kanilang dalawa.

"Yeah, I'm tired. I want to rest, Dad." sagot nito sa kaniyang ama.

Nauna nang naglakad ang ama niya at pinsan nito. Nagpahuli na lamang siya dahil gusto niyang matanaw ang dagat. Naririnig niyang nag-uusap ang dalawa sa harap niya pero hindi niya ito gaano maintindihan kung ano man yung pinag-uusapan nila. Napansing niyang may pinagkukumpulan sa may gilid ng dagat kaya napatigil siya at inaaninag kung ano man yung pinagkukumpulan nila.

"Alessia," tawag sa kaniya ng kaniyang ama kaya napabaling siya dito.

"Is there something wrong?" dagdag na tanong pa nito.

"Nothing," sagot niya at lumapit na sa mga ito.

Hindi na sumulyap pa si Alessia sa gilid ng dagat.

"We're here," sambit ng kaniyang ama. Napatingin naman ito sa isang cabin kung saan siya magstay. Pumasok na sila sa loob at pinakita sa kaniya ang kwarto nito. Sinabi ng ama nito na anytime pwedeng matulog ang pinsan nito dito kung gusto niyang may kasama. Sinabi din ng pinsan nito na minsan lang siyang uuwi sa cabin dahil may trabaho din ito. Madalas lang siyang dito magstay dahil mas malapit doon ang workplace niya.

"I'll just take a nap," paalam niya sa kaniyang ama at pinsan.

"Okay you should rest. I'll get going, then. I need to attend the meeting at 2pm." Paalam naman sa kaniya ng kaniyang ama.  Her dad kissed her forehead before going out. 

"Do you need something?" Tanong sa kaniya ng kaniyang pinsan.

"Nah, I'll just need some rest." tugon naman nito sa kaniya.

"Well, if you need anything, you can call me. I hope we can get along," ngiting sabi pa ng pinsan nito. Nginitian niya ito at tumango.

"Where can I call you?" Tanong naman niya dito.

"Oh, here." sabay abot sa kaniya ng phone at pinakita nito ang number niya.

Kinuha na lamang nito ang number niya at pagkatapos nun ay umalis na ito dahil nga may aasikasuhin pa daw ito. Humiga na ito sa kama niya at tinawagan ang kaniyang kaibigan.

"Hi, girl!" Masayang bati ng kaibigan nito sa kaniya.

"Hey," matamlay na tugon nito.

"What happened?" Takang tanong sa kaniya.

"Nothing, I'm just tired. I don't have enough sleep," sagot naman niya.

"How's going on there?" pangangamusta sa kaniya.

"This place is so amazing, so you better get here as soon as possible," sambit nito.

"I will," natatawang tugon naman ni Beatrice.

"I have my cousin who can accompany me here, but I still dont know her that much," pagkwekwento niya.

"Be friendly," sabi ng kaibigan.

Pagkatapos nilang magkwentuhan ay natulog na muna ito dahil hindi na niya kayang labanan ang antok. 

Nang sumapit ang tanghalian, dumating ang kaniyang pinsan. 

"Hi," bati sa kaniya nito. Nginitian niya ito at sinubukang makipagkwentuhan.

"Where have you been?" tanong ni Alessia kay Tiffany.

"Just out there, the weather is nice today." Sabi nito.

"Yeah, I think so," pagsasang-ayon niya.

"Let's gala, later." Aya ng pinsan.

"What's gala?" Takang tanong naman niya.

"I mean let's go outside, I'll tour you around," natatawang paliwanag nito.

"Ahh, sure." pagsang-ayon niya.

Inaya siyang kumain ng seafoods. Tumungo na siya sa hapagkainan at nagsimulang kumain. Habang kumakain sila ay nagpakwento siya sa kaniyang pinsan at nagtanong ng kung ano-ano tungkol sa lugar nila. Napag-alaman niyang marami nga talagang dumadalong tourist sa kanilang resort dahil sa ganda ng pagkakadisenyo ng mga pool at pagkakasakto ng magandang view sa dagat.

Naging komportable siya sa kaniyang pinsan kahit ilang oras niya palang ito nakakasama. Hindi niya akalain na masaya pala itong kasama at kakwentuhan. Akala niya hindi niya ito makakasundo pero may mga bagay silang pagkakapareho kaya naman hindi naging mahirap na nagkasundo silang dalawa. Inayos na ni Tiffany ang kanilang pinagkainan at may tinawagan ito. Marahil tinawag na niya yung tinutukoy ng kaniyang ama na tagalinis sa cabin niya. Siya naman ay nagpaalam na magshower at magpalit muna bago sila lumabas para mamasyal. Naeexcite na siyang gumala at makita ang lahat ng sulok ng kanilang resort. It's her first time going there kaya naman hindi siya pamilyar sa lugar na iyon. Ilang minuto lang ang tinagal niya sa banyo at pagkatapos ay dumiretso siya sa isang walk in closet na nasa cabin. Pinasadya daw talaga ng ama nito ang walk-in closet na iyon dahil pinagawa niya talaga itong cabin para sa kaniya. Siguro matagal nang plano ng papa niya na ipunta siya dito sa lugar na ito. Santa Ana, Cagayan has waterfalls, islands, beaches, a swarm of enchanting fireflies, a centuries-old lighthouse, and a campsite—all of which can be visited in a quick weekend trip. The humble town of Sta. Ana is the location of a world-famous nature getaway, Palaui Island. 

Nang makapagpalit na ito ay siya naman ang dating ng maglilinis sa kanyang cabin.

"Alessia, this is Nanay Tessa." Pakilala ng pinsan nito sa isang matandang katabi niya.

Nginitian at nakipagkamay siya dito.

"Hi, I'm Alessia," pakilala niya sa matanda. Nakangiting tinanggap naman ng matanda ang kaniyang kamay at nagpakilala din.

Matapos ang pagpapakilala ay napagkasunduan nilang magpinsan na lumabas na. Nagsuot lamang siya ng isang strapless floral na dress na hanggang sa tuhod niya. Nagsuot lang din siya ng white slipper dahil nakita niya kanina na halos buhangin ang madadaanan nila. Kumuha lang din ang pinsan nito ng payong in case na naiinitan siya. 

Unang pinuntahan nila ang mga kainan doon. Sinabi ng pinsan nito na in case na magsawa siya sa mga pagkain niya sa cabin, pwede siyang kumain dito anytime. Pinakilala siya ng kaniyang pinsan sa mga chef. Gustuhin man niyang sabihin na huwag na lang ipagsabi na anak siya ng may-ari ng resort pero lingid sa kaniyang kaalaman ay alam na pala ng mga empleyado doon ang mga anak ng nagmamay-ari ng resort. Kung kaya kapag may nadadaanan silang staff ay laging bumabati ito sa kanila.

"They're so friendly," puna niya sa mga ito. Tinawanan naman siya ng kaniyang pinsan. Nasabi na niya dito na nakakaintindi naman siya ng tagalog kaya pwede lang siyang magsalita ng tagalog. Sasabihan na lang siya kapag may hindi ito naintindihan. Pero sinabi niya dito na huwag na lamang niya sabihin sa ibang nakakaintindi siya.

"Kilala ka sa lugar na ito," sambit ng pinsan nito kaya naman nagtatakang tinignan niya ito.

"How?" tanong niya.

"Girl, masyadong maimpluwensiya ang Daddy mo. Nasa mga magazine kayo because of how successful your company is." Sagot sa kaniya. Tumango-tango na lamang siya dito.

"Wait, I'll be back." paalam ng pinsan niya.

Bigla siya nitong iniwan sa ilalim ng puno. Napabuntong hininga na lamang siya at tinanaw na lamang ang dagat.  Namangha siya sa ganda ng sikat ng araw ngayon kaya naman kinuhanan niya ito ng litrato. Ilang minuto pa siyang nagpicture doon, pati ibang tao ay kinukuhanan din niya ng litrato. Napansin niya ang mga booth na nasa likod lamang nito di kalayuan kaya napagdesisyunan niyang tignan kung ano ang mga binebenta doon.

Maraming napapatingin sa kaniyang mga tao marahil dahil sa sinabi ng pinsan nitong kilala siyang anak ng may-ari ng resort. Pumunta siya sa isang matanda na nagtitinda ng mga anklet at bracelets. 

"Hi, hija. Ang gandang bata naman nito," puna sa kaniya ng matanda. Nginitian lang niya ito at tinanguan. Akala siguro ng matanda ay hindi niya ito naintindihan kaya naman nagsalita ulit siya.

"Do you want this?" Tanong sa kaniya ng matanda sabay abot sa isang bracelet na may maliit na crescent moon sa gitna. Tinanggihan niya ito noong una pero wala na itong nagawa nang isuot ito ng matanda sa kaniya.

"Thank you," pasasalamat niya dito.

"Your dad must be so proud of you," sabi pa nito sa kaniya.

"You know me?" Curious na tanong nito sa matanda.

"Yes, your Alessandro's daughter. Your dad is so humble and very kind to all the people here in Santa Ana. He gave us opportunities to work," pagkwekwento nito sa kaniya. Namangha naman siya na malaki pala ang pasasalamat ng mga tao sa ama niya. Nagpasalamat siya ulit doon sa matanda na nagbigay sa kaniya ng bracelet. 

Nagulat siya nang may nakabangga siya pagkaharap niya sa direksyon kung saan siya iniwan ng pinsan niya kanina. Hindi niya nakitang may tao pala siyang mababangga. Nahulog ang phone nito kaya naman pinulot niya ito agad. Nagulat siya nang lagpasan lang siya ng lalaki. Kaya sinamaan na lamang niya ng tingin ang likod ng lalaki. Tinignan pa nito mula ulo hanggang paa. Nakasuot lamang ito ng loose sando na may butas butas at short shorts. Inisip na lamang niyang baka isa ding nagtatrabaho iyon sa lugar doon at nagmamadali dahil may trabaho pang aasikasuhin. 

Medyo nairita lang siya dahil hindi man lang humingi ng tawad yung lalaki. Tinignan niya ulit yung phone niya, nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala itong galos o basag. Akala na niya ay mababasag na iyon kanina. Bumalik na lamang siya doon sa puno at napagdesisyunan niyang hintayin na lamang ang pinsan. Napatingin ulit siya sa likod niya pero hindi na niya nakita pa yung lalaki. Ni hindi man lang niya alam kung ano ang mukha nung lalaki na iyon. Ang napansin lang nito ay ang maliit na tattoo sa may bandang wrist ng lalaki. Isang maliit na cresent moon ang nakalagay doon. Napatingin naman siya ulit sa binigay ng matanda sa kaniya kanina. Isang maliit na crescent moon din. 

Dumating naman ang kaniyang pinsan. Sinamaan niya ito ng tingin.

"I'm sorry, biglang sumakit yung tiyan ko. Are you okay?" Paghihingi ng tawad ng pinsan nito sa kaniya.

"Yeah, I'm okay but don't do that again," banta naman niya sa pinsan.

"Yeah, I'm sorry. Let's go, you need to try the buko juice here," aya ng pinsan nito. Nagtungo sila sa isang tindahan na nagbebenta ng fresh buko juice. Nagustuhan naman ni Alessia ito at iyon din ang kauna-unahang makatikim siya ng fresh buko juice. Hindi kasi ganun kauso sa New York ang buko juice.

Nagmeryenda din sila ng iba't ibang pagkain gaya ng turon, kakanin at iba pa. Nag-enjoy si Alessia sa pamamasyal nila. Naisip niyang ipasa ang mga litrato ng kinain niya at pinuntahan sa kaniyang kaibigan. Nainggit naman si Beatrice dahil sa mga pinasa nito. 

Nang malapit na sumapit ang gabi, naisipan na nilang bumalik sa cabin para magpalit. 

"Can we go shopping, tomorrow? If you're not busy," aya niya sa kaniyang pinsan.

"I have work tomorrow, dear. But I'll accompany you to the mall and sasabihan ko nalang yung driver mo na samahan ka para may magbitbit ng mga pinamili mo," sambit ng kaniyang pinsan.

"Oh, it's okay," sabi na lamang niya. Umalis na ulit ang pinsan nito para magpalit din daw siya sa kanilang bahay. Hindi naman gaano malayo ang bahay nila dito. Dadaanan na lamang daw siya mamaya para makakain sila sa labas kung saan yung restaurant na pinuntahan nila kaninang tanghali. Pero sinabi naman niyang magkita na lamang sila sa restaurant since hindi naman gaano malayo yun sa cabin niya at naaalala naman niya kung saan iyon.

Nagpalit lamang siya ng off shoulder dress na hanggang mid thigh niya. Nang makalabas na siya, tumayo muna siya saglit sa harapan ng kaniyang cabin. Napansin niya ang isa pang cabin sa di kalayuan. Nakaopen ang light nito pero wala siyang maaninag na tao. Pinagsawalang bahala na lamang niya iyon at nagtungo na sa restaurant. 

Pagkadating niya doon ay binati siya agad ng mga staff. Tumango at nginitian na lamang niya ang mga ito. Pumwesto siya sa tabi ng glass window kung saan kitang kita ang dagat. May lumapit sa kaniyang waiter kaya napatingin siya dito.

"What would you like to eat, ma'am?" Tanong ng waiter sa kaniya.

"Can I have the menu, please." she ordered. 

Binigay naman sa kaniya ang menu list. Sinabihan niya muna ang waiter na tatawagin na lamang niya ito once na may napili na siya. Nagtingin tingin na lamang siya muna sa hawak niyang menu.

Nabaling ang atensiyon niya sa pinto nang bumukas ito. Napatingin siya sa lalaking pumasok. Walang reaksiyon ang mukha. Naglakad ito papunta sa table kung saan malayo sa kaniya. Nagulat siya nang biglang tumingin sa kaniya ang lalaki kaya naman umiwas siya ng tingin dito. Binaling niya ang kaniyang tingin sa dagat. Hindi nagtagal, dumating na din ang pinsan nito. Sinenyasan niya ito kaya naman dali daling nagtungo ang pinsan nito sa kinaroroonan niya. Inutusan na lamang niya ang kaniyang pinsan na ito na ang pumili ng kakainin nilang dalawa. Bumaling siya ulit sa kinaroroonan ng lalaki pero wala na ito doon. Hindi na lamang niya ito pinansin. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga inorder ng pinsan nito. Madaming pagkain ang nakahain sa harap nilang dalawa. 

"Can we finish this?" Tanong pa niya sa pinsan niya na tinawanan lang siya.

"Let's eat," aya ng pinsan nito. Kumain na lamang silang dalawa at nagkwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa mga childhood memories nila para makilala pa nila ang isa't isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 3

    Kinabukasan, hinatid na lang si Alessia sa isang mall na medyo may kalayuan sa resort. Nang makababa siya sa sasakyan ay nagpaalam na ang pinsan neto at hinatid ng driver niya sa trabaho. Babalikan na lamang daw siya ng kanyang driver pagkahatid. Naglibot muna siya ng tingin sa paligid bago napagdesisyunang pumasok na sa mall. Pumasok siya sa iba't ibang kilalang brand para bumili at maghanap ng mga magugustuhan niyang mga damit. Nahuli siyang pumasok sa bench para mamili. Nang makapasok siya doon ay lumapit naman sa kanya ang isang saleslady doon para i-assist siya. "Good morning, Ma'am! Ano pong maitutulong ko sainyo?" Nakangiting tanong sa kanya ng staff. "I'll just buy some undergarments," sagot naman ng dalaga. "This way po," sabi ng staff at sinamahan siyang pumunta sa mga undergarments section. Nang may makita siyang bra na gusto niya ay kinuha niya ito. Pero dahil large ang size na nakadisplay doon, bumaling siya sa babae. Magsasalita na sana siya nang may biglang sumulpo

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 2

    Gaya nang napag-usapan, sumakay na sila ng kaniyang ama sa private jet na pag-aari nila. Diretso daw kasi ito sa airport na malapit sa kanilang resort. Hindi na pumayag pang ihatid sila ng kaniyang ina sa airport kaya naman mabilis din silang nakaalis. Nang nasa himpapawid na ang mga ito, naisipan na lamang ni Alessia na magpatugtog gamit ang kaniyang headphone at umidlip. Antok na antok pa siya sa kadahilanang late na siya nakatulog. Ilang oras lamang ang tinagal ng biyahe nila kaya naman napabalikwas na lamang siya sa kaniyang upuan nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Napangiti na lamang siya nang makita niyang ang Daddy niya pala ang tumatapik dito."Dad," sambit nito."We're here," natatawang sabi pa sa kaniya ng kaniyang ama. Kaya naman nag-ayos na lamang siya ng kaniyang sarili. Sumunod na siya palabas ng sinakyan nila at diretso sa kotseng nakaabang sa pagdating ng mga ito. Bago pa sumakay si Alessia, napatingin pa muna siya sa paligid niya. Na-amaze siya sa

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 1

    Let the party begin!" Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar matapos sumigaw si Beatrice. Nagdiriwang sila ng kaarawan nito sa McSorley's Old Ale House, isang kilalang bar sa Downtown Manhattan, New York. "One tequila for you," sabay abot ni Beatrice ng isang basong alak sa kaibigan nitong si Alessia.Nakangiting tinanggap naman ni Alessia ang baso at tinungga ito kaagad. Naghiyawan silang lahat nang makita nilang naubos agad ni Alessia ang tequila na inabot sa kanya.Alessia Montague is the epitome of elegance and sophistication, a young heiress whose world is adorned with the luxuries of high society. Born into wealth and privilege in the heart of New York City, Alessia embodies grace and poise, effortlessly commanding attention wherever she goes. As the scion of the illustrious Montague family, she carries the weight of legacy on her shoulders, inheriting the reins of the esteemed MTG Corporation. Yet beneath her polished exterior lies a spirited soul yearning for adventure and au

  • The Star-Crossed Promise   SYPNOSIS

    "Amidst the stars' intricate dance, our promise was forged, destined to endure the trials of fate and time."Alessia Montague, a wealthy New Yorker who returns to the Philippines with her father, Alessandro, for a vacation at their family-owned resort. Amidst the serene backdrop of Santa Ana, Cagayan, Alessia encounters Luca. Despite their rocky start, Alessia finds herself drawn to Luca, Struggling with her feelings, Alessia must navigate the complexities of love, trust, and forgiveness. As she grapples with her emotions, Alessia learns that sometimes, the most unexpected encounters can lead to profound personal growth and lasting connections.****Hope you'll like it!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status