Compartir

Chapter 6

Autor: KaptainChazz
last update Última actualización: 2026-01-22 23:41:13

Kinabukasan, maaga akong gumayak para bumisita sa bahay ng pinsan ko. Hindi na ako nagpaalam na bibisita sa kanila. Nagdala din ako ng mga pasalubong ko para kila tita at tito. Nasa parking na ako ng resort namin ng may mahagip ako di kalayuan sa sasakyan. Mukhang nag-aaway ata silang magkasintahan. 

Napakunot noo ako ng maaninag ko kung sino yung lalaki. Hahakbang na sana ako papunta sa kotse nang mapatingin sa akin yung lalaki. Napatigil naman ako sa paglalakad saglit. Masama pa ang tingin niya sa akin kaya dali-dali na lamang akong pumasok sa kotse. Hindi ko naman sinasadya na makita silang nag-aaway ng girlfriend niya. Hinintay ko na lamang ang driver ko sa loob ng sasakyan. Magpapasama ako sa driver dahil hindi ko pa kabisado ang daan papunta sa bahay ng pinsan ko. 

“Good morning, ma’am. Pasensya na po at natagalan ako,” paghingi ng paumanhin ni Manong.

“It’s okay po,” sagot ko na lamang.

Pinaandar na ni manong ang sasakyan. Napantingin ako ulit kung nasaan sina Luca kanina kasama ang gf niya pero wala na sila doon. 

Mga ilang minuto lang ang itinagal ng byahe nang makarating na kami sa bahay nila Tiffany. Sinalubong naman ako agad ni Tita Estel. 

“Hijaaa, long time no see. Ang dalaga mo na masyado,” bungad niya sa akin sabay yakap.

“Hi po, it’s nice to see you again, Tita Estel!” bati ko naman sa kanya.

“Wala ka bang kasamang pumunta dito? Nasaan ang daddy mo? Naku, tulog pa si Tiffany.” sunod-sunod na sambit nito.

“It’s okay po, tita. I didn’t tell her na I would go here. By the way, where is Tito Sam?” tanong ko sa kanya pabalik.

“Nasa taas pa, teka lang tatawagin ko.” sabi niya tapos pinaupo muna ako sa sala nila.

“Hon, nandito si Alessia, bilis!” excited na balita nito sabay balik sa tabi ko.

“Namiss kita,” sabay pinanggigilan niya ako sa yakap.

Kakababa naman ni Tito Sam nang kumalas na ng yakap si Tita Estel sa akin.

“Ali, hija,” tawag sa akin ni Tito sabay diretso papunta sa amin. Nagmano muna ako sa kanya sabay beso.

“Tito, how are you po?” tanong ko naman sa kanya.

“I’m doing well, how about you? I heard from your Dad, you’re staying in the resort right now, right?” tanong niya.

“Yes po,” sagot ko naman.

“Ate,” may tumili bigla galing sa kusina.

That’s Gaile, Tiffany’s sister. Tumakbo siya papunta sa akin para yumakap. I met her before noong pumunta sila ng States for New Year’s Celebration 3 years ago. Nagstay sila doon ng almost a month kaya naging close ko itong si Gaile. Si Tiffany ay hindi nakadalo noon dahil sa nagkaroon siya ng biglaang lakad that time.

“Gaile, miss you girl! How are you?” tanong ko sa kanya.

“I’m fine, I miss you too ate. What are you doing here?” pag-uusisa naman niya.

“I’m on my vacation right now.” sagot ko naman.

“She missed you so much,” sabi ni Tita Estel sa akin habang tuwang tuwa itong panoorin kaming magpinsan.

“Gisingin mo nga yung ate mo, Gaile. Sabihin mo nandito si Alessia,” utos naman ng ama nito sa kanya. Agad namang sumunod ang dalagita at tumakbo papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila.

“Biglang naging hyper na makita ka ni Gaile,” sambit ni Tito Sam.

“Kaya nga,” pagsang-ayon naman ni Tita Estel.

“Kaninang magising yan, ni hindi maipinta yung mukha niya.” dagdag pa nito. Natawa naman ako sa kwento nila. Ilang minuto naman nila muna akong kinuwentuhan habang wala pa yung dalawang magkapatid.

“Do you have a boyfriend already?” biglang tanong naman ni Tita Estel sa akin habang nanunukso yung paningin at ngiti nito. Umiling naman ako agad.

“I don’t have one, Tita. It’s not yet my priority right now.” sabi ko naman sa kanila. May gustong manligaw sa akin pero lahat yon ay hindi ko pinayagan.

“Why not? You’re not young anymore,” tukso naman ni Tito Sam. Perfect match talaga ang mag-asawa na ito dahil sa mga kalokohan na mga iniisip nila. No wonder kahit apat lamang sila, hindi sila naboboring dahil masaya silang magkakasama.

“We’ll get there when time comes,” pabiro ko naman sagot na ikinatawa nilang mag-asawa.

“Anong pinag-uusapan niyo?” saktong dating naman ni Tiffany. Magulo pa ang buhok nitong bumaba.

“Tinatanong nga namin kung may boyfriend na ang pinsan mo,” sagot ni Tita Estel.

“May boyfriend ka na, ate?” sabat naman ni Gaile na kakababa lang din. Umiling ako at tumawa.

“Why are you so early?” baling ni Tiffany sa akin.

“I just came here to visit. I don’t have anything else to do today, that’s why.”

“Saktong sakto, sama ka sa akin sa grocery mamaya. Kailangan nating bumili ng iba pang kakailanganin natin pagpunta sa bundok sa sabado.” aya sa akin ng pinsan ko.

“This Sabado na ba yung punta niyo?” tanong naman ni Tito Sam sa anak niya.

“Yes, Pa. Alessia wants to come kaya why not na isama na lang din siya para maiba naman yung vacation niya.” sagot ni Tiffany.

“That’s great, for sure mag-eenjoy si Ali doon.” sabi naman ni Tita Estel.

“I agree, enjoy staying here. Malay mo dito ka pala magta-trabaho kapag nakapag-isip isip ang daddy mo.” sabi naman ni Tito Sam.

Pinaghandaan pa muna ako ng breakfast ni Tita Estel. Si Tito Sam naman ay umalis na kanina dahil may lakad daw sila ng mga kaibigan niya ngayon. Kinwentuhan lang ako ng kinwentuhan ni Tita Estel at Gaile habang si Tiffany naman ay nagbibihis. Mga ilang oras din muna ang itinagal ko sa bahay nila bago namin napagpasiyahan na lumabas na ni Tiffany.

“Alis na kami, Ma.” paalam ni Tiffany sa nanay niya.

“Oh sige, mag-ingat kayong dalawa. Ali, bisita ka ulit next time, okay? It’s nice seeing you again.” baling ni Tita Estel sa akin sabay yakap.

“Sure, tita. I’ll come here next time.” tugon ko naman sa kanya.

Inaya na ako ni Tiffany palabas ng bahay nila. Sumunod naman agad ako sa kanya.

“Do you want me to call my driver?” tanong ko kay Tiffany.

“No, I already called Lorenzo. He will pick us here, nagsabi kasi ako sa kanya na samahan niya tayong mamili para naman may tagabuhat tayong lalaki.”

Napaisip naman ako kung kasama ba doon si Luca, pero sana naman hindi. Ayaw ko munang makita yung pagmumukha ng lalaki na iyon lalo na nawitness ko pa man din yung love quarrel nila ng jowa niya. 

“Okay,” tugon ko na lamang. Ilang minuto lamang kaming naghintay sa labas ng bahay nila nang may humintong sasakyan sa harapan namin. Dumungaw sa bintana ang nakangiting si Lorenzo. 

“Good morning, ladies. Hop on!” aya niya sa amin. Agad naman kaming naglakad ng pinsan ko patungo sa kotse. Sinilip ko pa muna ito, inaaninag sa likod ng sasakyan kung may ibang nakaupo doon. Napabuntong hininga ako nang makita kong walang ibang tao doon. 

“I’ll just sit in the back,” agad na sambit ko at naunahang pumasok sa kotse si Tiffany.

“You sure?” paniniguro pa ng pinsan ko. Tumango na lamang ako at humalukipkip na sa likod. Mabuti na lamang at wala yung masungit na lalaking yun. Hindi ko pa naman alam kung paano ko siya haharapin ngayon.

“Where is Luca?” rinig na tanong ni Tiffany kay Lorenzo.

“May biglaang lakad kaya hindi siya makakasama ngayon.” paliwanag naman ni Lorenzo sa amin. Mas nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko iyon.

“May gusto ka bang puntahan muna?” baling sa akin ng pinsan ko.

“Uhm, let’s go to the grocery first.” sagot ko.

Wala ng umimik sa amin sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa Supermarket. Nakakapanibago din na hindi nag-iingay at nangungulit ngayon si Lorenzo. Na para bang pinagtakluban siya ng langit at lupa sa araw na ito.

“Are you okay?” tanong ko kay Lorenzo nang makababa kami sa kotse. Bumaling naman siya agad sa akin.

“Of course! Miss me already?” tanong nito na may pilyong ngiti.

“Not really,” agad na sagot ko sabay talikod sa kanya. 

“May regla lang sa ulo yang lalaki na yan kaya nananahimik.” biglang singit naman ng pinsan ko. Tumawa kaming dalawa habang si Lorenzo ay sumimangot.

“Grabe ka na talaga sa akin. Lagi niyo akong inaapi,” sabi nito sa amin.

“Joke lang,” bawi naman agad ng pinsan ko habang tumatawa pa din.

“Bahala kayong magbitbit ng mga bibilhin niyo,” sabi nito sabay talikod na sa amin. Mas lalo kaming natawa sa inakto niya.

“So childish,” sabi ko naman sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin sabay lakad ulit. Sumunod na lamang kami sa kanya papasok sa Supermarket.

“Don’t worry about him. Ganyan talaga yan,” sabi sa akin ng pinsan ko. 

Nagsimula nang mamili ang pinsan ko nang makapasok kami. Nakasunod lamang kami sa kanya habang tulak tulak ang tig-isa naming cart ni Lorenzo. Hinayaan na lamang namin na siya ang pumili ng mga bibilhin since siya din naman ang nakakaalam kung ano ang kakailanganin namin doon sa pupuntahan namin sa sabado.

“Do you want some snacks?” tanong sa akin ng pinsan ko kalaunan.

“Do they have truffles here?” tanong ko sa pinsan ko. Tinitigan pa muna niya ako ng matagal.

“What?” takang tanong ko sa kanya.

“I didn’t expect you were looking for truffles. I think truffles is not available here,” sagot niya sa tanong ko.

“Ow, sayang.” sabi ko sa tagalog.

“Wow, may accent pa.” puna naman agad ng lalaki sa tabi ko habang nakahawak ng kung ano anong pagkain na nilagay nito sa cart niya.

“Or you can just buy me almonds, please.” pag-iiba ko na lamang sa naisip kong pagkain.

“Yun lang ba?” tanong niya sa akin.

“Yeah, and also buy more chocolates. I’ll pay for everything. I want to give some food there,” sabi ko na ikinatuwa naman nilang dalawa.

“Wow, you’re so amazing talaga.” compliment pa ni Lorenzo sa akin.

Naisip ko kasing baka maraming bata doon kaya gusto ko bigla mamigay ng mga chocolates and iba pang snacks na pwedeng mabigay.

“True, don’t worry ako na bahalang mag-ayos ng mga ito.” sabi pa ng pinsan ko habang tuwang tuwa itong maglagay ng mga pagkain sa cart. 

Nang matapos na kaming mamili ay dumiretso na kami agad sa counter para magbayad. Inabot ko naman agad yung card ko sa babae dahil iaabot na sana ng pinsan ko yung card niya.

“I’ll pay,” agad na sabi ko.

“You sure? Ang dami nito, funds naman yung gagamitin ko ipambabayad dito.” paliwanag pa niya.

“No, keep that. Baka magamit pa yan sa ibang bagay.” sabi ko habang tinatry na ulit mag-tagalog.

“You’re good at speaking tagalog, huh. Pinahirapan mo pa ako mag-english nung una tuloy.” reklamo ni Lorenzo.

“I didn’t tell you I can’t speak Tagalog.” depensa ko naman.

“Thank you talaga, Ali. Sobrang laking tulong nito sa mga tao doon,” sabi ng pinsan ko habang hawak hawak ba ang dalawang braso ko. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

Binalik na sa akin ang card ko. Nang matapos mapack lahat ng pinamili, tinulungan pa kami ng ibang staff doon para ilagay lahat ng mga pinamili namin sa sasakyan. Agad pumunta sa kotse si Lorenzo para buksan iyon.

Nagkayayaan pa kaming kumain muna nang matapos na ikarga lahat ng pinamili sa likod ng sasakyan. Pumunta kami sa restaurant malapit  sa kung saan kami bumili. Nagulat ako nang may nakaupong lalaki na nakatalikod sa amin sa table kung saan kami pupuwesto.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 6

    Kinabukasan, maaga akong gumayak para bumisita sa bahay ng pinsan ko. Hindi na ako nagpaalam na bibisita sa kanila. Nagdala din ako ng mga pasalubong ko para kila tita at tito. Nasa parking na ako ng resort namin ng may mahagip ako di kalayuan sa sasakyan. Mukhang nag-aaway ata silang magkasintahan. Napakunot noo ako ng maaninag ko kung sino yung lalaki. Hahakbang na sana ako papunta sa kotse nang mapatingin sa akin yung lalaki. Napatigil naman ako sa paglalakad saglit. Masama pa ang tingin niya sa akin kaya dali-dali na lamang akong pumasok sa kotse. Hindi ko naman sinasadya na makita silang nag-aaway ng girlfriend niya. Hinintay ko na lamang ang driver ko sa loob ng sasakyan. Magpapasama ako sa driver dahil hindi ko pa kabisado ang daan papunta sa bahay ng pinsan ko. “Good morning, ma’am. Pasensya na po at natagalan ako,” paghingi ng paumanhin ni Manong.“It’s okay po,” sagot ko na lamang.Pinaandar na ni manong ang sasakyan. Napantingin ako ulit kung nasaan sina Luca kanina kasam

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 5

    “Good morning!” masayang bungad sa kanya ng kanyang pinsan ng magmulat ito ng mata.“It’s too early,” reklamo ko nang tanggalin niya yung kumot ko na nakabalot sa akin.“Get up, may gagawin tayo today. This is going to be fun,” aya niya sa akin.Napaupo naman ako sa kama at confused na tumingin sa kanya.“What is it?” kunot noo naman akong napatingin sa kanya.“The weather’s amazing today—perfect for snorkeling. Wanna do it?” sabay kindat niya sa akin.“Snorkeling? Right now? That’s so spontaneous!” Napatayo na ako agad dahil sa excitement.“Exactly! Sometimes the best adventures are the unplanned ones. I’ve got the gear ready, and I know a spot with super clear water and lots of fish.”“Hmm… that does sound tempting. Where is it?” tanong ko sa kanya.“Just about 30 minutes from here. It’s quiet, not crowded, and the view underwater is incredible. We can be back before sunset.”“Alright, I’m in! Let me just grab some snacks and a towel.” Paalam ko.“Awesome! Get ready for an underwate

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 4

    "Tito Luca," tawag sa kanya ng bata.Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tinawag niyang tito. Sa lahat ng lalaki sa mundo, ito pa talaga ang makikita ko ngayon."Where have you been?" tanong ng lalaki sa kanya sabay yuko para magpantay sila. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Napairap nalang sa ere si Alessia dahil sa inis niya sa lalaki.Akalain mong ito pala yung pabayang tito na tinutukoy sa kanya ni Kira."At the beach, I'm with ate Ali," sabay turo sa akin ni Kira. Pero ang matindi, hindi man lang tumingin yung lalaki sa itinuturo ng pamangkin niya. Ayos talaga 'tong lalaking ito. Ang sama-sama ng ugali, akala mo sobrang gwapo."Let's go," aya ng lalaki kay Kira."Bye, ate Ali!" Paalam sa kanya ng bata habang kumakaway."Bye, Kira. Be a good girl, okay?" Bilin niya sa bata at tumango naman ito habang nakangiti sa kanya. Tinapunan muna niya saglit ng tingin yung lalaki sabay balik ng tingin sa bata. Tumalikod na ang dalawa sa kanya kaya napairap na naman ito."Suplad

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 3

    Kinabukasan, hinatid na lang si Alessia sa isang mall na medyo may kalayuan sa resort. Nang makababa siya sa sasakyan ay nagpaalam na ang pinsan neto at hinatid ng driver niya sa trabaho. Babalikan na lamang daw siya ng kanyang driver pagkahatid. Naglibot muna siya ng tingin sa paligid bago napagdesisyunang pumasok na sa mall. Pumasok siya sa iba't ibang kilalang brand para bumili at maghanap ng mga magugustuhan niyang mga damit. Nahuli siyang pumasok sa bench para mamili. Nang makapasok siya doon ay lumapit naman sa kanya ang isang saleslady doon para i-assist siya. "Good morning, Ma'am! Ano pong maitutulong ko sainyo?" Nakangiting tanong sa kanya ng staff. "I'll just buy some undergarments," sagot naman ng dalaga. "This way po," sabi ng staff at sinamahan siyang pumunta sa mga undergarments section. Nang may makita siyang bra na gusto niya ay kinuha niya ito. Pero dahil large ang size na nakadisplay doon, bumaling siya sa babae. Magsasalita na sana siya nang may biglang sumulpot

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 2

    Gaya nang napag-usapan, sumakay na sila ng kaniyang ama sa private jet na pag-aari nila. Diretso daw kasi ito sa airport na malapit sa kanilang resort. Hindi na pumayag pang ihatid sila ng kaniyang ina sa airport kaya naman mabilis din silang nakaalis. Nang nasa himpapawid na ang mga ito, naisipan na lamang ni Alessia na magpatugtog gamit ang kaniyang headphone at umidlip. Antok na antok pa siya sa kadahilanang late na siya nakatulog. Ilang oras lamang ang tinagal ng biyahe nila kaya naman napabalikwas na lamang siya sa kaniyang upuan nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Napangiti na lamang siya nang makita niyang ang Daddy niya pala ang tumatapik dito."Dad," sambit nito."We're here," natatawang sabi pa sa kaniya ng kaniyang ama. Kaya naman nag-ayos na lamang siya ng kaniyang sarili. Sumunod na siya palabas ng sinakyan nila at diretso sa kotseng nakaabang sa pagdating ng mga ito. Bago pa sumakay si Alessia, napatingin pa muna siya sa paligid niya. Na-amaze siya sa

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 1

    "Let the party begin!" Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar matapos sumigaw si Beatrice. Nagdiriwang sila ng kaarawan nito sa McSorley's Old Ale House, isang kilalang bar sa Downtown Manhattan, New York. "One tequila for you," sabay abot ni Beatrice ng isang basong alak sa kaibigan nitong si Alessia.Nakangiting tinanggap naman ni Alessia ang baso at tinungga ito kaagad. Naghiyawan silang lahat nang makita nilang naubos agad ni Alessia ang tequila na inabot sa kanya.Alessia Montague is the epitome of elegance and sophistication, a young heiress whose world is adorned with the luxuries of high society. Born into wealth and privilege in the heart of New York City, Alessia embodies grace and poise, effortlessly commanding attention wherever she goes. As the scion of the illustrious Montague family, she carries the weight of legacy on her shoulders, inheriting the reins of the esteemed MTG Corporation. Yet beneath her polished exterior lies a spirited soul yearning for adventure and au

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status