Share

Chapter 3

Author: KaptainChazz
last update Last Updated: 2025-08-10 19:33:58

Kinabukasan, hinatid na lang si Alessia sa isang mall na medyo may kalayuan sa resort. Nang makababa siya sa sasakyan ay nagpaalam na ang pinsan neto at hinatid ng driver niya sa trabaho. Babalikan na lamang daw siya ng kanyang driver pagkahatid. Naglibot muna siya ng tingin sa paligid bago napagdesisyunang pumasok na sa mall. 

Pumasok siya sa iba't ibang kilalang brand para bumili at maghanap ng mga magugustuhan niyang mga damit. Nahuli siyang pumasok sa bench para mamili. Nang makapasok siya doon ay lumapit naman sa kanya ang isang saleslady doon para i-assist siya. 

"Good morning, Ma'am! Ano pong maitutulong ko sainyo?" Nakangiting tanong sa kanya ng staff. 

"I'll just buy some undergarments," sagot naman ng dalaga. 

"This way po," sabi ng staff at sinamahan siyang pumunta sa mga undergarments section. 

Nang may makita siyang bra na gusto niya ay kinuha niya ito. Pero dahil large ang size na nakadisplay doon, bumaling siya sa babae. Magsasalita na sana siya nang may biglang sumulpot sa likod ng babae.  Iyon yung lalaking nakita niya sa restaurant kagabi. Hindi siya magkakamali doon dahil kagaya nito yung matang tumitig sa kanya. Napatingin pa muna sa kanya yung lalaki bago bumaling sa saleslady.

"Can you get me a size 31 for this," utos niya sa babae. Dali-dali namang sumunod ang babae sa kanya kaya umalis ito doon. Naiwan siyang hawak hawak yung bra na tatanungin niya dapat sa saleslady kanina. Inis siyang napabaling sa lalaking nasa harapan niya.

Bumaling ang lalaki sa hawak niyang bra kaya naman mabilis siyang tumalikod para ibalik yung bra na hawak niya. Nahiya siya bigla sa hawak nito dahil parang nakita niyang ngumisi yung lalaki. Nang maibalik niya ang bra sa sabitan ay humarap siya ulit sa lalaki. Pero nagulat siya nang wala na doon yung lalaki. Napalinga linga siya at nakita niya itong nandoon na sa counter at nagbabayad ng pants na binili niya. 

Bumalik naman yung saleslady kanina sa kanya. Naiinis siya dahil may iba namang staff doon, yung nag-aassist pa sa kanya yung inutusan. Tapos na sana siyang bumili doon. 

"I'm sorry, Ma'am. Ano nga po ulit yung tanong niyo kanina?" Humihingi ng paumanhin yung staff sa kanya. 

"It's okay. Can you just get me a size 36 A cup for this one," sabay turo niya sa bra na hawak niya kanina. 

"And do you have other color with this design?" Dagdag na tanong nito. 

"Yes, po. Kunin ko lang po, ma'am." Paalam sa kanya ng babae. Umalis ito at bumalik sa storage room nila para kumuha ng stock nang pinapahanap niya. Naghintay pa muna siya ng mga ilang minuto bago bumalik yung babae. Nang makabili na siya doon ay umalis na ito doon at tinawagan yung driver niya. 

"Where  are you?" Tanong niya sa driver.

"Ma'am nasa parking lot po ako," sagot naman ni kuyang driver.

"Can you help me with my things?" 

"Sige po, ma'am. Saan po kayo banda?" Tanong ng driver sa kanya. Medyo nagloading naman siya doon dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"Bench," hindi siguradong sagot nito sa driver niya. Binaba na niya ang tawag at naupo sa may bench na nandoon sa gilid. Naalala na naman niya yung nangyari kanina. Napapikit na lamang siya sa hiya dahil doon. Nakakailang na makita siya ng lalaki na may hawak hawak na bra at malaki pa iyon. She's wondering if ano kaya ang naisip ng lalaki kanina. Sa dinami-dami ba namang lugar na pupuntahan niya, di niya akalaing makakatagpo niya ulit yung lalaki.

Naiinis siya dito dahil parang ang sungit ng aura ng lalaki. Magkapareho ang katawan ng lalaki doon sa bumangga sa kanya sa may mga booth kahapon. Kaya naisip niyang di imposibleng yun din yung lalaki na bumangga talaga sa kanya kahapon. Pero may possibility din na baka mali siya ng iniisip kasi andaming mga tao ang nandoon. 

Binigay niya lahat ng bitbit niyang paper bag sa driver nito nang makalapit na ito sa kanya.

"May pupuntahan pa po ba kayo, ma'am?" Tanong ng driver.

"Can you speak in English, kuya?" Request nito sa driver. Napakamot naman sa ulo yung driver at humingi ng paumanhin dahil hindi pala siya nito naiintindihan.

"Do you want to go somewhere, ma'am?" Medyo nauutal na tanong ng driver sa kanya.

"We'll just buy some snacks then go home," sagot niya sa driver. Tumango na lamang ang driver sa kanya.

"I'll wait you outside, ma'am." Sabi sa kanya ng driver at tumungo na sa labas. Siya naman ay pumunta sa bilihan ng shawarma dahil natakam ito sa itsura ng pagkain. Nag-order siya ng dalawang shawarma, dalawang pitacos at dalawang burrito. Nag-order din siya ng dalawang drinks sa kabilang stall. Binilhan niya ang driver nito ng pagkain dahil ayaw naman niyang siya lang ang kumakain sa sasakyan.

Nang makuha na niya lahat ng kanyang order, nagtungo na sila sa sasakyan nito. Binigay niya sa driver ang ibang pagkain at sinabing kumain muna ito bago magdrive para umuwi. 

Nang matapos na silang magmeryenda ay umalis na rin sila doon.

Nang makarating siya sa kanyang cabin ay pinagchecheck niya lahat ng kanyang pinamiling damit. Bumili din siya ng iba't ibang swimsuit para may gagamitin siya kapag natripan niyang magswimming. Nang maayos niya na lahat ng kanyang gamit ay binigay niya ito kay Nanay Tessa para malabhan bago niya gamitin. 

Napag-isipan niyang umidlip muna para mamayang hapon ay pupunta ito sa tabing dagat para makita ang sunset. Naisipan niyang manood ng sunset ngayon. Naghalf bath muna siya at nagpalit ng floral dress na hanggang mid-thigh nito.  

"Alessia," biglang may tumawag sa kanya mula sa labas kaya naman dali-dali siyang lumabas para tignan kung sino iyon. Napangiti siya nang makita niya ang pinsan nitong kumakaway sa kanya.

"Hey, what's up!"

"How are you? Did you already eat lunch?" Tanong sa kanya ng kaniyang pinsan.

"Nope, but i got snacks earlier." sagot niya dito.

"Well, I came here to give you this." Sabay abot sa kanya ng isang paper bag.

"What is this?" Takang tanong naman ni Alessia nang mahawakan ito at tinignan ang nasa loob.

Mga iba't ibang pagkain na pwedeng kutkutin kapag nabobored ang nakita niya sa loob ng paperbag.

"You will love those snacks. You should try that," sabi sa kanya ng kaniyang pinsan.

"Thank you," paghingi niya ng pasasalamat.

"I have to go. May work pa ako, dumaan lang ako dito para ibigay sayo yan. Bye," paalam agad sa kanya ng pinsan nitong si Tiffany. Yumakap pa ang pinsan nito sa kanya bago tuluyang umalis. Pumasok naman siya agad sa kanyang cabin para ilagay ang pasalubong sa kanya. Nilapag niya ang paperbag sa lamesa at naupo doon. Tinawagan niya muna ang kaniyang kaibigan na si Beatrice pero line busy ang natanggap lamang nito. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo. Inayos na muna niya ang kanyang sarili ulit sa harap ng salamin bago napagpasiyahan na lumabas na lamang sa kanyang cabin at gumala.

Una niyang pinuntahan ang pool area kung saan kitang-kita ang ilan doon na lumalangoy. Natuwa pa siya nang makakita ito n mataas na slide para sa mga adult. Kumuha siya ng ilang litrato doon bago naman pumunta sa isang restaurant na nandoon. Nag-order lamang siya ng strawberry smoothie at naupo sa may malapit sa glass window na tanaw ang pool area. May nadaanan din pala siya doon na bar sa di kalayuan kanina. Nagpaplano siyang i-try sana iyon kaso wala siyang kasama. Mas masaya sana kung nandoon lamang yung kaibigan niyang si Beatrice. 

Saktong pagdating ng order niya ay naisipan niyang magpost sa kanyang I* story. Nag-open siya doon at bumungad sa kanya ang ibang mensahe galing sa ibang kaibigan niya. Tinatanong kung nasaang lupalop siya ng mundo dahil sa post niyang litrato nung nakaraan. Hindi na lamang siya nagbigay ng oras para replyan sila isa-isa. Nagpost na lamang siya ulit ng ibang litrato at nagcaption ng "Santa Ana". Atleast doon, makikita na ng ibang kaibigan niya na nasa ibang bansa siya. Matapos niyang magpost ay tumayo na ito at kinuha ang kaniyang smoothie bago umalis sa restaurant na iyon. Hindi lingid sa iba na anak siya ng may-ari ng resort na iyon kaya naman kahit saan siya dumaan ay binabati ito. Siguro yung mga nagbabakasyon na lamang ang hindi nakakakilala sa kanya.

Medyo bumababa na ang sikat ng araw kaya naman dumiretso na siya sa tabing dagat. Napadpad siya sa mga mababato part ng beach kaya napag-isip niyang umupo na muna doon. Kumuha ulit siya ng ilang litrato mula sa kinauupuan niya. 

"What a nice view," sambit niya sa kaniyang sarili. Ilang minuto siyang nanatili doon nang may lumapit sa kaniyang isang lalaki. May itsura ito at mukhang may lahi din.

"Hi, miss. Are you alone?" Tanong sa kaniya ng lalaki. Tumango lamang siya bilang tugon.

"Miss, what's your name?" tanong ulit sa kanya ng lalaki. Buti na lamang sanay siya makihalubilo kung kani-kanino sa New York kaya hindi na siya nagtaka sa lalaking nasa malapit sa kanya na dumadamoves ito sa kanya.

"I'm Alessia," pakilala niya at tipid na ngumiti sa lalaki.

"What a beautiful name! By the way, I'm Lorenzo. Can I take a picture with you? You're so beautiful," tanong sa kanya ng lalaki. Natawa siya sa loob-loob niya dahil hindi naman siya artista para may magpapicture sa kanya.

"Sure," pagpayag na lamang niya para hindi ma-offend sa kanya ang lalaki. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at tumingin sa camera na hawak ng lalaki. Nagselfie sila ng dalawang beses pagkatapos ay dumistansiya siya dito.

"Thank you, you're so kind. Are you new here?" Tanong pa sa kanya ng lalaki.

"Yeah, I'm just wandering around." tugon niya sa lalaki.

"Well, I can be your tour guide if you want." alok sa kaniya ni Lorenzo.

"No, thanks." Pagtanggi nito sa alok ng binata. Naputol ang pag-uusap nila nang may tumawag sa cellphone ng lalaki. 

"Excuse me, I'll just answer this call." paalam ng lalaki sa kanya. Siya naman ay hindi na nagpaalam at tumalikod na para umalis sa lugar na iyon. Hindi napansin ng lalaki ang pag-alis niya dahil nakatalikod ito habang may kausap sa kanyang cellphone.

May itsura naman yung lalaki pero mukhang babaero para sa kanya kaya naiiling na tumawa na lamang ito sa nangyari.

Naglalakad siya sa tabing dagat nang may biglang lumapit sa kanyang bata. Ngumiti sa kanya ang bata kaya naman nginitian din niya ito at bumaba para magpantay silang dalawa.

"Hello, what's your name?" Tanong niya sa bata.

"K-kira," sagot ng bata sa kanya. 

"You're so cute," sabi nito sabay pisil ng kaunti sa pisngi. 

"How about you?" Tanong naman ng bata sa kanya. Natuwa siya dito dahil english speaking din pala ito. Hindi na siya mahihirapan na kausapin siya.

"I'm Alessia," sagot niya sa bata. 

"But you can call me Ali," dagdag niya dito.

"Hi, ate Ali. Y-you're so pretty!" Sabi sa kanya ng bata at yumakap pa ito sa kanya. 

"Thank you, you're so sweet! Are you with someone?" Tanong niya sa bata at tumingin sa paligid. Lahat ng mga dumadaan doon ay mukhang di naman kasama ng bata kaya nagtataka siyang binalik ang tingin sa kaharap niya.

"I'm with Tito Luca, but he went somewhere." Sagot ng bata.

"Who's that? Is that your uncle?" Tanong pa nito sa kanya. Bakit naman hinayaan ng lalaki na yon na iwan ang bata mag-isa dito sa tabing dagat.

"Yes," sagot naman ng bata.

"Where's your Mom?"

"She's busy," sagot nito at medyo nawala yung ngiti sa labi niya.

"Hey, don't be sad sweetie. You want to come with me? Let's find your kuya Luca?" aya niya at tumango naman si Kira.

Hinawakan niya ito sa kamay at naglakad na sila papunta sa reception area. 

"Do you know your hotel room?" Tanong niya sa bata. Umiling naman sa kanya ang bata. 

"Wait me here, okay?" Utos niya sabay pinaupo sa isang sofa. Tumango lamang ang bata sa kanya at siya naman ay dumiretso sa isang staff na nagmamanage sa mga list ng visitors na nandoon sa kanilang resort.

"Good morning, Ma'am. How may I help you?" Tanong ng staff sa kanya.

"Could you please find Luca and let him know that Kira is waiting here?"

"What's his last name, ma'am?" Tanong ulit sa kanya.

"All I know is Luca, I don't know what's his surname." Sagot niya sa staff.

"Okay, ma'am. I'll let you know if there's Luca in the list." 

Ilang minuto muna siya naghintay sa staff at palingon-lingon siya sa batang kasama niya. Nakangiti naman ang bata sa kanya. She's super cute, kung pwede lang ay kunin na lamang niya muna ito sa cabin niya pero baka hinahanap na ang bata kaya mas maigi na i-contact na lamang ang kakilala nito.

"Ma'am, may nag-iisang Luca po sa list ng visitors. Bale nagcontact na po ako sa kanya and papunta na siya dito." Sabi sa kanya ng staff.

"Okay, thanks." tugon na lamang niya dito.

Nilapitan niya si Kira at tumabi dito.

"You okay?" Pangangamusta niya sa bata. 

"Yes, is Tito Luca coming?" tanong sa kanya ng bata.

"Yes, we'll just wait here for a minute."

Hindi nga nagtagal ay biglang may sumulpot sa harapan nila. 

"Tito Luca," tawag sa kanya ng bata at yumakap sa lalaki. Napatingala naman siya para makita ang mukha ng lalaki. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 3

    Kinabukasan, hinatid na lang si Alessia sa isang mall na medyo may kalayuan sa resort. Nang makababa siya sa sasakyan ay nagpaalam na ang pinsan neto at hinatid ng driver niya sa trabaho. Babalikan na lamang daw siya ng kanyang driver pagkahatid. Naglibot muna siya ng tingin sa paligid bago napagdesisyunang pumasok na sa mall. Pumasok siya sa iba't ibang kilalang brand para bumili at maghanap ng mga magugustuhan niyang mga damit. Nahuli siyang pumasok sa bench para mamili. Nang makapasok siya doon ay lumapit naman sa kanya ang isang saleslady doon para i-assist siya. "Good morning, Ma'am! Ano pong maitutulong ko sainyo?" Nakangiting tanong sa kanya ng staff. "I'll just buy some undergarments," sagot naman ng dalaga. "This way po," sabi ng staff at sinamahan siyang pumunta sa mga undergarments section. Nang may makita siyang bra na gusto niya ay kinuha niya ito. Pero dahil large ang size na nakadisplay doon, bumaling siya sa babae. Magsasalita na sana siya nang may biglang sumulpo

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 2

    Gaya nang napag-usapan, sumakay na sila ng kaniyang ama sa private jet na pag-aari nila. Diretso daw kasi ito sa airport na malapit sa kanilang resort. Hindi na pumayag pang ihatid sila ng kaniyang ina sa airport kaya naman mabilis din silang nakaalis. Nang nasa himpapawid na ang mga ito, naisipan na lamang ni Alessia na magpatugtog gamit ang kaniyang headphone at umidlip. Antok na antok pa siya sa kadahilanang late na siya nakatulog. Ilang oras lamang ang tinagal ng biyahe nila kaya naman napabalikwas na lamang siya sa kaniyang upuan nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Napangiti na lamang siya nang makita niyang ang Daddy niya pala ang tumatapik dito."Dad," sambit nito."We're here," natatawang sabi pa sa kaniya ng kaniyang ama. Kaya naman nag-ayos na lamang siya ng kaniyang sarili. Sumunod na siya palabas ng sinakyan nila at diretso sa kotseng nakaabang sa pagdating ng mga ito. Bago pa sumakay si Alessia, napatingin pa muna siya sa paligid niya. Na-amaze siya sa

  • The Star-Crossed Promise   Chapter 1

    Let the party begin!" Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar matapos sumigaw si Beatrice. Nagdiriwang sila ng kaarawan nito sa McSorley's Old Ale House, isang kilalang bar sa Downtown Manhattan, New York. "One tequila for you," sabay abot ni Beatrice ng isang basong alak sa kaibigan nitong si Alessia.Nakangiting tinanggap naman ni Alessia ang baso at tinungga ito kaagad. Naghiyawan silang lahat nang makita nilang naubos agad ni Alessia ang tequila na inabot sa kanya.Alessia Montague is the epitome of elegance and sophistication, a young heiress whose world is adorned with the luxuries of high society. Born into wealth and privilege in the heart of New York City, Alessia embodies grace and poise, effortlessly commanding attention wherever she goes. As the scion of the illustrious Montague family, she carries the weight of legacy on her shoulders, inheriting the reins of the esteemed MTG Corporation. Yet beneath her polished exterior lies a spirited soul yearning for adventure and au

  • The Star-Crossed Promise   SYPNOSIS

    "Amidst the stars' intricate dance, our promise was forged, destined to endure the trials of fate and time."Alessia Montague, a wealthy New Yorker who returns to the Philippines with her father, Alessandro, for a vacation at their family-owned resort. Amidst the serene backdrop of Santa Ana, Cagayan, Alessia encounters Luca. Despite their rocky start, Alessia finds herself drawn to Luca, Struggling with her feelings, Alessia must navigate the complexities of love, trust, and forgiveness. As she grapples with her emotions, Alessia learns that sometimes, the most unexpected encounters can lead to profound personal growth and lasting connections.****Hope you'll like it!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status