Kahit kabado si Chloe ay huminga nalang siya ng malalim, at nag-ipon ng lakas ng loob. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Yohan, ‘yung may hawak na gamot. Tapos, parang wala lang nangyari, sinadyang buksan pa lalo ang kwelyo nito.
“Madilim na kasi, baka hindi mo makita nang maayos habang nilalagyan mo ng gamot.” Mahinang bulong niya, halos hindi na nga marinig. Nagkunot lalo ang noo ni Yohan. For a moment tahimik lang si Chloe habang nakatitig sa kanya. Ang liwanag ng buwan mula sa bintana, tama lang sa mukha ni Yohan. Nagmukha tuloy itong may glow effect. Noon, takot siya kay Yohan. Tahimik kasi at palaging seryoso. Walang emosyon ang mukha kapag kinakausap. Lagi pang patay ang ilaw sa gabi. Ni hindi niya nakita nang malinaw ang mukha nito kahit magkasama na sila sa kama. Pero ngayon? Ngayon lang. Ngayon lang niya talaga siya tiningnan. At grabe. Guwapo si Yohan. As in, nakakabaliw na guwapo. Medyo singkit o chinito, pero hindi naman masyado. Parang yung mga mata ng lalaking nonchalant pero nakakatunaw tumitig. Matangos ang ilong, medyo moreno sa sunog ng araw, pero halata pa rin ang linis at ang pino ng features niya. Halos six-three ang height. Broad shoulders, matipuno. Parang model sa magazine. Mas mukha pa ngang artista kaysa kay Chase na dati akala niya siya ang pinaka-gwapo sa mundo. GGSS, e. “Ano? Hindi mo ba ako lalagyan niyan?” Tanong ni Chloe, mahina lang pero may lambing. Medyo nangingilid na ang luha niya sa mata, paawa effect. Ganon talaga siya, kilalang maganda si Chloe. Pero sa ganitong ayos niya ngayon? Mas lalong nakakaawa. Mas lalong mahirap tiisin. Tahimik pa rin si Yohan na nakatitig sa kanya. Hanggang sa, finally, nagsalita na rin. “Nakita ko lahat kanina.” Parang tinamaan ng kidlat si Chloe at natigilan. “Wala ka bang ipapaliwanag sa akin? Sa lahat ng nakita at narinig ko?” Tanong ni Yohan, mababa lang ang boses nito pero ramdam ang bigat sa bawat salita. Alam ni Chloe na kung magsisimula sila ulit, dapat totoo siya. Walang sikreto at walang pretensyon. So, huminga siya ulit ng malalim at diretso sa mata ni Yohan ang tingin. “Hindi ko siya pinatawag. Lasing siya at bigla nalang nagwala. Kahapon ko pa sinabi sa kanya, na tapos na 'yung connection naming dalawa. Na wala nang pag-asa.” Hindi kumibo si Yohan. Pero yung tingin niya? Mariin at parang sinusuri ang buong pagkatao ni Chloe. Tatlong taon din nag-aral ng criminal psychology si Yohan. Kaya nang tumingin siya sa mga mata ni Chloe, alam niyang totoo ‘yung sinasabi nito. Walang bahid ng kasinungalingan. Kaya nga siguro, may sense kung bakit ito tumaga gamit ang gunting kanina. At ‘yung pagkagat ng dila niya nung una? Baka dahil hindi pa siya handa. Like motionally, mentally, baka hindi pa niya kayang tanggapin si Yohan. Baka nga may bahid pa rin ng feelings para kay Chase. Pero bago pa man tuluyang manahimik ang kwarto, si Chloe na ang unang nagpatuloy magsalita para may topic sila. “Ganito na lang…” malamya ang boses niya, mahinahon pero desidido na talaga siya. “Sabihin mo sa’kin kung anong kailangan kong gawin para pagkatiwalaan mo ko. Gagawin ko.” Pinagmamasdan ni Yohan ang reaction niya. “Wag na.” Sabi niya at parang nagpipigil lang. Tapos, iniangat niya ang kamay niya, dahan-dahang tinakpan ang leeg ni Chloe gamit ang palad niya. Meron siyang sun-kissed skin sa ilalim ng malamig niyang palad. At habang nakatitig siya sa kanya, sinara ni Yohan ang pinto gamit ang kabilang kamay. Sumunod si Chloe na hindi na umimik, habang pabalik sila sa loob. “Doon ka muna sa sofa.” sabi ni Yohan habang nilalatag ang mga gamit, bulak, disinfectant at tweezers. Umupo si Chloe nang walang reklamo. Paglingon ni Yohan, parang biglang lumiit ang mundo nila. Si Chloe ay maliit lang, barely 5'3. Nakaupo sa gilid ng sofa, nakabaluktok ang katawan na parang bata. ‘Yung paa niya, nakadikit sa tiles at namumula na sa lamig. Ang kulay pink ng mga daliri niya sa paa. At ang liit-liit niya talaga sa harap ng 6’3 niyang height. Napalunok si Yohan. Medyo may kumurot sa kalooban niya dahil sa ginawa niya, natakot niya ata si Chloe. Oo nga naman, arranged marriage sila. Ni hindi pa nga sila properly nagkakakilala bago ‘to. Tapos eto pa, nilapitan niya nang walang kasiguraduhan if gusto ba siya nito o hindi. At mas malala, may ibang tao na sa puso ng babae. Hindi na siya umimik habang lumuhod sa harap ni Chloe. Inangat ang malamig na paa nito at pinatong sa hita niya. “Open your mouth.” Agad sumunod si Chloe, parang walang pag aalinlangan at binuka agad ang bibig. “Hindi ko makikita nang maayos ’yan. Ilabas mo ng maayos ’yung dila mo.” Pumikit nalang si Chloe at inilabas ang dila niya ng dahan-dahan, parang natakot siya bigla. Mas lalong sumimangot si Yohan at mas lalong lumalim ang tingin niya kay Chloe. Sandali siyang napahinto. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. Kinuha niya ang tweezers, sinabayan ng cotton ball, at dahan-dahang pinasok sa loob ng bibig ni Chloe. Medyo malalim ang sugat at medyo kulang ang haba ng tweezer. Kaya nung umatras nang konti ang dila ni Chloe, naabot niya ng daliri niya ang labi nito. Biglang kinilabutan si Chloe. Tila Isang segundo lang 'yun at parang kinuryente na siya bigla. “Does it hurt?” tanong ni Yohan, paos na ang boses. “Oo…” mahina lang ang sagot ni Chloe at bahagyang namumula ang pisngi. Nakapikit pa rin siya, pero yung mahahabang pilikmata niya, nanginginig. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa tensyon sa pagitan nila. Naalala ni Yohan ‘yung eksena kanina. ‘Yung paghubad ni Chloe ng damit, nanginginig ang katawan niya. Hindi dahil sa lamig. Kundi sa takot o kaba. Biglang nanuyo lalamunan niya. Yohan clenched his jaw. Nagdalawang-isip siya at tumingin sa tweezers, tapos sa maliit na sugat sa dila ni Chloe. “Teka lang,” bulong niya, medyo naiilang. “Tuloy na lang natin sa ospital. Mabigat kamay ko… baka lalo pa kitang masaktan.” Pero bago pa niya ibaba ang gamit, nahawakan na ni Chloe ang pulso niya. “Wag,” sabi ni Chloe ng mahina, pero diretso at may halong pagpapanik. “Chloe—” “Okay lang,” giit niya, halos mapaungol na siya. “Masakit na eh... kaya kahit ano na. Gawin mo na.” Yohan froze. Parang sinuntok siya sa tiyan. He didn’t expect that kind of surrender. “Sige,” sabi niya makalipas ang ilang segundo. “Pero... pakibitaw muna ng kamay ko.” Chloe hesitated. Napatingin siya kay Yohan na parang, baka mawala siya bigla. “Paano kung hindi ka na bumalik?” tanong nito. Pabulong lang, pero ramdam ang pag bigat ng hininga niya. Napahinga si Yohan nang malalim. “Hindi ako ganun,” sagot niya. “Kung aalis man ako.. hindi dahil iiwan kita.” Doon lang dahan-dahang binitawan ni Chloe ang pulso niya. Umupo ulit si Yohan sa harap niya at inayos ang cotton ball at tweezers. Tahimik lang si Chloe habang pinapahid niya ang sugat sa gilid ng dila nito. Napansin din niya na kahit masakit, hindi umiwas si Chloe. Hindi na umiwas. “Yohan…” tawag niya bigla sa pansin nito. “Hmm?” “Pu-puwede bang, ano.. wag ka na munang umalis?” Tumigil saglit ang kamay ni Yohan. “Kala ko ba ayaw mo ng ganito?” “Oo. Dati.” She lowered her gaze. “Pero, kung aalis ka ngayon, lalabas lang na may nangyaring masama. Si Chase, gagawa ‘yon ng issue. Yung pamilya ko… baka pag-isipan ako ng masama.” Tumingin si Yohan sa kanya ng matagal. Hindi naman siya galit, pero may hinahanap sa mukha niya. “So kaya mo ako pinipigilan…” May bahid ng lungkot sa tono niya. “…para lang malinis ang pangalan mo?” “Hindi naman sa ganun,” sagot ni Chloe agad. Tumingin siya nang diretso at mariin sa kanya. “Kung hindi ko ginusto ‘to, hindi na sana ako nagpakita pa. Hindi ko na sana sinabi na masakit lang. Hindi ko sana sinabi na, pwede mo ituloy.” Nanahimik ulit si Yohan. Kitang-kita niya ang effort ni Chloe to be vulnerable. “Kanina natakot lang ako. First time ko rin naman kasi. Tapos nung ginawa mo ‘yon... ang sakit. Kaya ako napakagat sa dila.” Napatingin si Yohan sa labi nito. Naglakbay ang tingin niya sa mata, sa pisngi, pababa sa sugat. “Sorry,” mahina niyang sabi. “Huwag na. Hindi naman ako galit.” Chloe offered a small smile. “Basta next time mas dahan-dahan lang. Pwede ba ‘yon?” Yohan chuckled softly. “Ang demanding mo rin pala.” “Oo, minsan. Pero marunong akong mag-thank you.” She looked at him, eyes still watery, but now softer. “Kahit hindi mo sabihin, alam kong mabait ka.” Hindi alam ni Yohan kung anong parte roon ang mas nakaka-apekto sa kanya, yung sinabi ni Chloe o yung tinig nito na parang naglalambing. “Masakit pa ba?” “Medyo. Pero… kaya na.” Kaya’t muling kinuha ni Yohan ang cotton, pinahid ulit sa sugat ng dila niya. This time, mas maingat at mas marahan. And this time wala ng takot na makikita kay Chloe.“Si Yohan 'yung nananakit. Wala itong kinalaman kay Chloe,” He swallowed hard and spoke to Leona with difficulty. Pinunasan naman ni Leona ang kanyang luha at tumitig kay Yohan nang may matinding galit. She would settle this account first and then settle the final account with Chloe later. Paalis naman na si Yohan para sa mission niya , at titingnan lang niya kung paano pa niya mapoprotektahan si Chloe. “He's your half-brother. You have to give us an explanation right now. Otherwise, I'll call the police and let them handle this." sabi niya, at tumingin kay Don Lancaster na wala pa ring imik sa tabi. “Dad, Isa lang ang anak ko, at dalawang apo mo lang ang meron ka, dapat pantay nyo silang tratuhin.” Napabuntong hininga nalang si Don Lancaster. Siya at si Leona ay matagal nang magkasalungat at halos hindi nag-uusap ng buong taon. “Bakit ang tahimik nyo naman?” naghintay ng ilang segundo si Leona, saka sumigaw, “Gusto kong makita kung may batas ba dito! Tawagin na ang pulis!!!” “M
Pagdating ni Yohan sa pintuan, napansin niyang nakabukas ito ng kaunti. Napakunot naman ang noo niya. Alalang-alala kasi niya at sinigurado na isinara niya iyon bago siya umalis. Bago pa man siya makapasok para tingnan ang nangyayari, narinig niya ang pamilyar na boses mula sa loob. “…Pwede bang tigilan mo na ang pagiging galit sa’kin? O baka gusto mo lang talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging parang biyuda?” “Alam mo ba, si Yohan pumunta sa isla para mamatay, pero ako pumunta roon para magdagdag ng kinang sa pangalan ko! Pagbalik ko, ibibigay ko sa’yo ang buhay na gusto mo! Anumang meron si Yohan, magkakaroon din ako!” Dalawang minuto lang ang nakalipas mula nang lumabas ng banyo si Chloe, at doon niya naabutan si Chase na biglang nakapasok sa kwarto. Ni hindi niya alam kung paano ito nakalusot. Ngayon ay nakatayo ito na nakasandal sa mesa. “Ni hindi ka man lang katumbas ng isang daliri niya.” mariin niyang sagot at puno ng pagkasuklam. Nakatitig si Chase sa kanya na may hal
Ramdam niya ang dahan-dahang pag-usad ng dalawang daliri nito pababa sa kanyang likod. 'Hindi pwede ‘to!!!'Kinabahan naman si Chloe at agad niyang hinawakan ang kamay ni Yohan para pigilan ito. When she turned her head, she met his smiling eyes.“Gising ka na?” mahinahon nitong tanong.Doon niya lang napagtanto na mula pa kanina, alam na pala nito na gising na siya. Ginagawa lang niya ‘yon nang sadya. Bigla siyang namula, may halong hiya at inis ang naramdaman niya, kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.“Lumabas ka nga muna!” singhal niya, halos hindi na mapakali kasi sobrang naiihi na talaga siya at pakiramdam niya konti na lang, hindi niya na mapipigilan.“Kung gano’n, ilalapag na kita.” mahinahong sagot ni Yohan, bago siya dahan-dahang ibinaba.Pag-apak niya sa sahig, ramdam agad ni Chloe ang panghihina ng mga tuhod niya na parang bibigay siya at halos hindi makatayo ng maayos. Ang laka
Chloe couldn't help but rub against his chest a few times, humming with satisfaction. Nanigas naman si Yohan. He frowned and looked down at Chloe in his arms. Lalo pa siyang natigilan nang mapansin na hindi mapakali ang maliliit nitong kamay na parang hinahanap-hanap ang lamig niya. Ang sarap ng lamig niya, parang gusto pa niya. Pero, this little bit of warmth was just a temporary solution to her thirst. “Chloe…” mahinang saway niya, saka hinawakan ang kamay nito. “Magpakabait ka.” Pero agad ding iwinaksi ni Chloe ang kamay nito na para bang naiinis sa paghawak niya. Halos manggagalaiti ang bagang ni Yohan sa pagpipigil. At lalo pa siyang nahirapan nang idikit ni Chloe ang mainit niyang pisngi sa dibdib niya. “Chloe!” He raised his voice a few degrees and called her name. Ngunit wala na siyang naririnig. Para kay Chloe, ang lamig ni Yohan ang tanging lunas sa apoy na kumakain sa buong katawan niya. At lalo siyang napapaso sa init na namum
Ayaw na ayaw ni Yohan na si Chloe pa mismo ang magbalat ng alimango. Paano pa kaya kung siya mismo ang kakain sa mga siopao na pinaghirapan ni Chloe? Baka patayin pa siya sa titig. “Siopao na may mustard greens at pork?” tanong ni Christian. “Oo, Kuya Chris, gusto mo ba?” tanong si Chloe. Napatigil sandali si Christian bago sumagot, “Oo.” Naalala niya na nakakain na pala siya noon. Si adjutant Lu ang nagdala sa kampo, at dahil gutom na gutom siya, kumuha siya ng isa. At aaminin niya, iba ang sarap, mas malasa kaysa sa kahit anong shop na natikman niya. Napabaling naman si Yohan sa kanya. “Gusto mo ulit?” Napatawa naman si Christian at umiling-iling. “Naku, sobra ka namang mag-alala. Hindi ako mangangahas abalahin pa si Chloe.” Ramdam naman ni Chloe na medyo sobra na ang pagka-protektibo ni Yohan. Para sa kanya, mas marami ang makakakain ng siopao, mas makikita niya kung ano ang k
Mangiyak-ngiyak na napatingin si Winona kay Yohan. “Isa,” malamig na umpisang bilang ni Yohan, diretso na ang tingin sa kanya. “Kuya Yohan…” halos nakikiusap na ang boses ni Winona. Para kasi sa kanya, ang ipahiya at ipamukha na kailangan niyang humingi ng tawad sa karibal niya sa pag-ibig ay mas masakit pa kaysa kamatayan. At saka, dati namang may relasyon sina Chloe at Chase, kaya sa tingin niya wala naman siyang maling nasabi. “Tatlo.” Hindi na siya binigyan ng tsansa ni Yohan. “Pasensya na!” Mabilis na napalingon si Winona kay Chloe at humingi ng tawad, halos humahagulgol na rin ito. Alam niyang may hawak na sikreto si Yohan laban sa kanya. At natatakot siyang baka talagang kalimutan nito ang dati nilang pinagsamahan at isumbong siya kay John. Wala namang imik si Chloe habang kumakain, parang wala ring naririnig. Si Yohan naman, nakatingin lang kay Winona. “Ano pa ba ang gu