Share

Chapter 4

I sat on the green bermuda and  opened my new book slowly because its Tuesday, I have two hours vacant this morning before the second subject!  Dahil dun ay napili kong tumambay muna rito sa likud ng educ building. May mga tumatambay din sa kabilang dulo ng building pero hindi ko kilala ang mga iyon, maybe from Math or English majors. Nagkakantahan sila but I really don't mind. I am only here to savour the moment where I will unbox my new book.

Sobrang pagtitiis kong hindi siya buksan kagabi kasi tinapos ko pa sa pagbabasa iyong recent kong binabasa. Hinay-hinay kong winakli ang unang pahina para hindi mapunit or gumawa ng marka sa gilid.

Hindi pa man ako tapos sa pag tse-check ay narinig ko na naman ang bosses ng pinsan kong tinawatawag ang pangalan ko.

"Dani!" Rinig ko kahit nasa second floor siya ng building namin. What the hell! Nakakahiya. Ang laki talaga ng bunganga ng babaeng yun at ang kapal rin ang mukha!

"Nasa baba si Austrid! Nasa likud!" I heard our class president shouted. Napapikit ako ng mariin. Badtrip!

I heard her call my name again but I didn't bother to respond. I just sighed when she's already infront of me standing, gusto ko sanang magtago pero magmumukha naman akong tanga nun kaya haharapin ko nalang siya't baka this time ay maganda ang pakay o baka naman balita niya sa akin.

Nakapamewang siyang tiningnan ako. I rolled my eyes at her. Some of the boys from the other side ay patingin sa kanya. I can't deny that my cousin is really pretty. Maputi, makinis at simple lang, she's not into make-up like me. She's always confident that she's pretty even without make-up and with just her natural look. Kahit magkatulad kami ng uniform ay mapaghahalatang mayaman siya sa kung paano siya pumustora.

"Anong trip mo at dito mo naisipang tumambay?" Yun nga lang asal palengkera. She gave a single look around. Nagkakagulo ang mga upuang arm chairs sa tabi. Some students were seating on the chairs while some are on the ground nakaupo. Hindi naman madumi kaya okay lang.

Why? Ano bang meron dito? bawal ba dito tumambay? I roamed my eyes looking for a sign kung bawal ba dito tumambay pero wala naman akong nakitang bawal except sa mga tumataas na mga damo sa harapan.

"Paano kung may ahas na pala dito at kinagat yang pepeps mo?"

Hala! Grabe siya. 'Tong bibig talaga ng babaeng to! At ang OA lang ha.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Inis na ani ko. Kilala ko na tong pinsan ko, hahanapin lang naman ako nito pag wala siyang trip sa buhay. Hindi ko alam sa kanya, marami naman siyang kaibigan pero ako talaga yata ang numero uno sa listahan niya!

Ganyan ako ka mahal ng pinsan ko, diba! Sobrang nakakamangha! Note the sarcasm.

"Excuse me! Ikaw kaya ang may kailangan sa akin." My brows furrowed with that. As far as I have remember, never pa akong lumapit sa kanya for a favor lalo na kapag it's about money. Kahit hindi kami kasing yaman tulad nila, napag-iipunan ko naman ang mga kailangan kong bilhin para sa sarili ko.

"Binabaliktad mo yata?" Pagkaklaro ko. I crossed my arms on my chest leaning my back on the wall.

"Yung totoo ikaw yung may kailangan sa akin." ulit nito. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng 'to?

"Myghaaaad! The favor of making you malapit with Kerwin!" She rolled her eyes while my jaw dropped. What did she just say? Does she even hear herself? Me? Mapalapit kay Kerwin?

"Seriously, Austrid?!" Napangiwi kong ani. I don't need her help kasi hindi ko naman kailangang mapalapit pa lalo kay Kerwin. We're fine, I think we're already friends.

"Joke lang" siya at nag peace sign. Napairap ako. Maayos kong binalik sa bag ang libro. I looked at her, my brow furrowed when I saw her creepy smiles towards me.

"What?"

"Sama ka dali"

"Huh?" Nagtataka man ay hindi na ako nakaalma pa nang sapilitan niya akong hinila patayo.

"Shit! Yung libro ko!" Bulyaw ko sa kanya! Baka maipit! Bwesit na babaeng to! Hindi niya yun pinansin but instead continued on pulling me patungo sa hindi ko alam kung saan.

Everytime I want to be alone ay palagi nalang siyang sumusulpot? Pansin ko lang, maybe we have the same schedule? Or maybe I should just find another place na hindi abot ng radar niya, para di na niya ako mahanap at mapagtripan.

" 'san ba tayo?"

"Basta, sumunod ka nalang."

"May pasok pa ako, after 1 hour." Tiningnan ko ang relo. May 40 minutes pa naman.

"Sige lang. Wag ka nalang pumasok para magka-lovelife ka na!" Sabi niya.

"Gaga major ko yun! At anong lovelife?"

Humalakhak lang siya nang hindi ako sinasagot.

Hanggang sa makarating na nga kami sa cafeteria, hanep! Ang layo ng cafeteria sa building namin! Ang lakas talaga ng radar nitong pinsan ko at kahit saang lupalop ata ng school eh mahahanap niya talaga yata ako eh.

Pagdating namin dun ay umupo agad kami sa tabi ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam sa kanya kung ano ba talaga ang trip niya.

"Hi Dan!" bati nung babaeng may mahabang buhok.

Nakalimutan ko yung pangalan niya. Siya yata yung may panlalaking pangalan. Yung Tj ba yun?

Sumunod namang bumati yung iba, kasama na run si Kerwin. Habang nakangisi lang sa akin si Raffael. This playboy! Inirapan ko siya at di nalang pinansin.

"Ano bang meron?" Bulong ko kay Austrid, like I'm so out of place here. An educ student with a bunch of archi students! Hindi naman sa minamaliit ko ang kurso ko pero for us educ students we really find the archi students intimidating, kahit naman sa ibang kurso we find the students in the engineering building intimidating. Nasa iisang building lang kasi ang mga drafters, engineers and archis kaya kadalasang mga nandoon ay mga lalaki may mga babae rin naman but mas marami sa archi rooms.

"Birthday ni Kerwin" bulong niya. Nangunot ang noo ko.

What? Hindi naman ako invited bat ako nandito? Gusto kong kurutin ang pinsan ko, pahamak talaga tong isang 'to paano kung magtaka tong mga kaibigan niya? Kailangan paba talagang isama ako?

"Oh?" Naiirita kong dagot. At ano naman sa akin kung birthday nga ni Kerwin? What the hell? Maybe she's still thinking 'bout me liking his friend! Seriously Austrid?

"Wala lang para mapasaya namin ang gago HAHAHAHA" she laughed. Hindi ko gets? Ano namang kinalaman ko dun? Mukha ba akong clown para pagnakita ako mapasay pa ko na agad siya?

Nagkatuwaan ang barkada. Clowie wiped her hand full of icing sa mukha ni Dave. Nagtawanan kami. Some other students were also laughing dahil napuno talaga yung mukha ni Dave ng puting icing.

"Shit! Dabe wag mo ng tanggalin, parang yan nalang yung pag-asa para makita ka namin" biro ni Edgar.

Hindi ko na naman gets? I'm super out of place here.

Nilibot ko ang tingin sa paligid nagsusumamong sana'y may makita akong kakilala sa loob ng cafeteria but knowing those people that I'm slightly close with eh, mas gugustohin din nila yung mga lugar na walang gaanong tao. Tiningnan ko ulit ang relo ko 30 minutes. Seriously bat ang hina yatang tumakbo ng orasan ko? Kanina pa ako rito ah?!

Sobrang out of place ko na!

Nahalata yata nila na hindi ko nakuha yung joke nila kaya pina-intindi naman nila ito sa akin, natawa naman ako kung bakit sobrang rude nila sa kaibigan nila. Maitim kasi si Dave at lagi nila itong tinutukso na hindi nakikita. So by that white icing ay parang pumuti siya.

Ang kukulit.

"Parang kailangan na nating bumili ng cake palagi, ito nalang yata yung pag-asa ni Dabe para pumuti" banat pa ni Clowie, she's really funny pero napatahimik naman siya ng batukan ni Dave.

"Aray Dabe!" She screamed, calling Dave as Dabe like what they are used to pansin ko lang.

Akala ko talaga nagalit na siya, pero yung mga loko niyang kaibigan ay mas pinagtawanan pa siya lalo. I really don't know the mindset of this squad yung tipong happy lang walang ending. They are so fun na kasama but sad to say I have a class to attend pa kaya nagpaalam na muna ako sa kanilang mauuna na.

"Happy birthday, Kerwin" I sweetly greeted him again. Nagpasalamat ito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Hala, oo nga pala yung jacket mo nasa bahay pa. Sorry nakalimutan kong dalhin pwede bukas na lang?"

"Oh sure, don't worry about it. Okay lang"

"Sige, happy birthday ulit. Una na ako sa inyo" paalam ko sa iba niyang mga kaibigan.

Nagsikawayan ang mga babae sakin samantalang hindi parin nawala ang ngisi sa mukha ni Raffael. Tahimik lang siya kanina pero kapag napapatingin ako sa gawi niya ngumingisi agad siya sa akin. Maybe he's still thinking about yesterday when he think I wanted a kiss from him! Weirdong playboy!

"Sige bye everyone!" As I turned my back at palabas na ng cafeteria ay narinig ko ang ingay na nang gagaling sa gawi nila. I even heard them tease the birthday celebrant. Napangiwi nalang ako... Weird group of people indeed. Nasanay kasi akong puro tahimik ang mga kasama kaya nakakapanibagong sa feelingbna puro sila maiingay.

I checked my wrist watch at nakitang may 15 minutes pa naman ako. Umalis lang talaga ako cause I don't feel good there lalo na sa tuwing nagkakasalubong ang mga tingin namin ni Raffael? Ang creepy niya't bigla-bigla pang ngumingisi.

"I thought you're already late?" I heard Raffael's voice from my back. In just an instant ay nainis na lang ako bigla. Naiinis ako sa bosses niya! Naiinis ako sa mukha niya! Naiinis ako sa presensya niya!

Napairap ako sa kawalan. I turned my back to face him. Seriously? Sinusundan niya ba ako?

"Are you stalking me?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Matigilan siya pero humalakhak naman ng makabawi sa sinabi ko. "Ikaw? Ini-i-stalk ko?" He pointed me then his self.

"Nah, ah" he waved his hand and shook his head. Pagkatapos ay tumawa siya ng malakas. Nasa harap pa kami ng gym kaya may iilang napapalingon sa kanya at sa akin. Nainis tuloy ako lalo sa kanya!

Akma na sana akong aalis dahil pati ako pinapahiya na niya, but he called my name again kaya nilingon ko.

"What?" Sabi ko sa naiiritang tono.

"Nothing." Nilampasan niya ako. "Next time na lang kita i-stalk baka malate kana!" Ngumisi siya't tumalikud na.

"Ughhh!" I groaned out of irritation. Mabibigat ang mga hakbang kong nagtungo sa educ building. Nakakainis talaga yung lalaking yun! Akala mo naman kong sinong gwapo! Binabawe ko na nung minsang tinawag ko siyang gwapo! Kasi ang pangit pangit niya talaga! Kainis! That Monreal is really getting into my nerves!

Dahil dun bad mood ako sa sumunod kong mga subjects. Lahat ng kumakausap sa akin ay nababara at nasusupladahan ko.

Gaganti ako sayong Monreal ka!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status