Share

Chapter 9

"Okay! That's it for today. Dismiss!" That' end our first subject.

Tiningnan ko ng masama ang nakatalikud naming professor sa subject na iyon. Sobrang bilis niyang magsalita kaya ayun wala akong na sulat na kahit isang sentence, just important names lang.

Bumuga ako ng hangin. Maybe I will just research it at home and study it again.

"Grabe si Sir no, di pa namimigay ng ppt! Pano tayo papasa sa kanya nyan?" Reklamong ni Lovely. Ang parating katabi ko kapag alphabetical yung sitting arrangement.

She's nice but I really don't like her attitude. She's too prank na hindi na niya napapansing nakakasakit na siya.

"Oo nga eh" sagot ko sa kanya.

"Kristal!" I shouted when I saw Kristal on his way to the school's gate again. His usual tambayan.

Nagpaalam ako kay Lovely. Hinintay naman ako ni Kristal at nagsabay kaming maglakad palabas. Nasa hallway palang kami ay panay na ang chikka namin sa mga binabasa naming libro.

"Nakuuuh! I-try mo talaga. Pahiramin kita nun!dadalhin ko bukas!" Sabi ko ng makarating na kami sa may gate.

"Talaga?" Excited niyang tanong.

"Oo nga!" Natatawa kong ani. "I will hand it to you tommorow. Pupuntahan kita sa room niyo." Sabi ko.

"Charr! May libreng dilivery pa! Nakks! Thank you!"

Nang matapos ang usapan namin ay nagpaalam na rin siyang aalis na dahil may ipa-paprint pa daw. Nakangiti ko siyang kinawayan at naglakad patungo sa mga streetfoods sa tabi.

Bumili ako ng ice buko at isang tuhog ng pritong saging.

Nagutom ako. Bat kasi isang sandwich lang yung kinain ko kanina? Matapos kong ubusin ang kinakain ay napili kong tumambay muna sa tapat ng registrar. May mga benches kasi sa ilalim ng mga punong mangga and very refreshing dahil malakas din ang hangin.

May kinukumpuni ako sa phone ko nang may tumabi sa akin. Pinagdasal ko talagang hindi ang ulupong na Raffael na yun ang tumabi sa akin, kundi masasapak ko talaga siya. Ang aga-aga babadtripin niya na naman ako.

Nilingon ko ang katabi at na surpresa na si Kerin pala iyon.

"Hey" bati ko sa kanya.

"Hey. Ikaw pala yan." Sambit niya na tila nagulat nang makita ako. Nagmadali itong tumalikod sa akin, to wiped his sweat.

"Wala kang pasok?" Tanong niya nang muling makaharap. Smiling. Ang gwapo niya, kahit nung pawisan siya. Actually ang hot niya dun!

Napatingin ako sa mga paa nang marealize na nakatitig na pala ako sa kanya.

"W*-wala ih. Bakante ako ngayon isang oras." Humarap ako rito. "Ikaw ba?"

I think I blushed nang makitang nakatingin ito sa akin at parang anghel na nakangiti sa harapan ko, with his silver earing na sobrang nakaka-attract.

"Late" sabi niya. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang minniature, nasa likuran niya.

Wow. Ang ganda! It is also finished like Raffaels. Hindi ko mapagkakailang mas maganda yung kay Raffael but his is also nice! Gwapo, mabait and talented! All in one sa kanya!

Im kinda thinking 'bout their friends for sure magagaling din ang mga ito. Sana all creative and artistic! Gosh! Where's the justice?

But wait kahapon pa deadline nito ah? Napatingin ako sa likud nito, he's still with his back pack.

I gasped. OMG! His really late.

"Hindi mo napasa? Diba kahapon pa yan?" Nag-aalalang tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. Kahit nakangiti ay kita ko ang kaba sa mga mata nito.

Tumango siya. "Inextend ni Maam ngayon kasi nga marami ang hindi nakatapos kahapon, tapos ngayon nalate ako pa ako ng gising." He looked at his wrist watch.

"I'm super late. I don't think ma'am will still accept this." nawalan na ng pag-asang sabi niya.

Tumayo ako at kinuha ang minniature niya. Hindi naman ito mabigat pero maingat ko itong iniangat gamit ang dalawang kamay ko.

"Tara!" Pursigidong sabi ko.

"Huh?"

"Sasamahan kita, ipapasa natin 'to." Sabi ko.

Nagdadalawang-isip na tumayo ito at sinabayan ako sa paglalakad. Pumunta kami sa faculty office kung nasan yung prof nila. Nang makapasok kami ay napalunok ako ng laway. Tangina, nakalimutan kong archi student pala tong kasama ko.

I roamed my eyes around the room, ganun din si Kerwin. Hinahanap ang prof nila. From the faces of the people inside ay halatang mga terror na guro ang mga ito.

Parang nawala yung lakas ng loob ko nang pagtaasan ako ng kilay sa isa sa mga yun na malapit sa gawi namin. Maybe she've seen my ID shouting for an educ student.

"Dito ka nalang Dan." Sabi niya. Mukha siyang natatae. I tapped his shoulder twice. Tumango ako at binigyan siya ng dalawang thumbs up para pampalakas ng loob.

Tinanaw ko lamang siya habang nakikipag-usap sa prof niya. Nakayuko ito na tila pinapagalitan ng nanay. If the professor wont accept his project then she's an asshole! Pinaghirapan yun ng estudyante niya, she should atleast give some chances.

Sana i-consider ng prof niya yun.

Naglakad na siya palapit sa akin. He gave me a half smile. Lumabas muna kami bago niya ko kinausap.

"Ano sabi?" Tanong ko agad. Ngumiti siya.

"Thank you ah. Tinanggap ni Ma'am yung plates ko."

I made a single clap and pointed him. "Sabi ko na nga ba ih. Lakas ng loob lang ang kailangan!" Natatawang ani ko. Parang hindi kinabahan kani-kanina lang para sa kanya.

Nagkamot ito sa batok. "Kaso may minus na. Pero okay na rin yun kaysa sa hindi ako nakapasa." Ani niya.

"Okay na yun." Naglakad kami ulit patungo sa hallway. Hindi ko alam kung may susunod na klase paba sila.

Huminto ako nang nasa tapat na kami ulit ng cashier.

"May pasok pa ba kayo?" I asked.

Umiling siya. "Mamaya pa. Ikaw ba? Libre kita." He smiled.

I pouted. "Sayang. May pasok pa ako eh." 30 minutes langnang vacant ko. Tiningnan ko ang relo. I cursed when I saw 2 minutes nalang at male-late na ako.

"Sh*t! I have to go. Bye!" Tumakbo na ako. I heard him mutter his goodbye and thank you pero hindi ko na suya nalingon dahil lumiko na ako.

Hingal na hingal ako nang makaratig sa room. Nakasabay ko sa pagpasok si Sir. Buti nalang, super ayaw pa naman niya sa mga late. Napahinga ako ng maluwag.

"Ito nga pala yung libro na sinasabi ko sayo." I said excitedly. Binigay ko ang librong recently ko lang binasa kay Kristal.

"Omg! Sana all! May pirma pa!"

"Shhhh!" Sita ng librarian. I laughed silently habang si Kristal naman ay nahihiyang tinakpan ang bibig niya.

She looked so cute with her eyes twinkling while checking the book I let her to borrow. Magkaklase kami sa iilang subject ni Kristal, tulad ngayon. We were tasked to research a lesson here in the library. Wala ang mga teachers for an emergency meeting kaya iniwanan muna kami ng seatwork.

"Ang ganda talaga." She said amazed. Tumingin siya at ngumiti sa akin npdahilan upang makita ang mga ngipin niyang may braces.

Like me she's also into reading, but he's not into collecting books. Sa cellphone niya lang kasi siya nagbabasa.

"Babasahin ko 'to mamaya." She said at nilagay muna ang libro sa tabi. Gagawa pa kami ng research.

I am almost done nang may kumulbit sa akin sa likuran. Lumingon ako at nakita ang nakangiting Clowie sa lijuran ko.

"Hi. Seatwork?" Tumango ako.

"Same."

Umupo silang magbabarkada sa mataas na mesa sa bandang likuran namin. Napahinto ang iilan dahil sa kanila. Some girls ay kinikilig while some boys ay napapalingon sa kanila.  Hindi ko sila masisi. The girls are really pretties.

Kerwin smiled nang magtagpo ang mga tingin namin. I waved my hand and smiled to him too.

"What are you doing?" Naputol ang tinginan namin when Raffael inserted.

Tiningnan ko siya sa gilid na malapit lang sa akin. Sinamaan ng tingin. Pagt-tripan na naman ba ako nito?

"Research." Tipid kong sagot at tinalikuran na agad siya. Binalik ko ang mga tingin sa librong nasa harapan ko. I am almost done with it. Ginawa ko muna ang mga yun. Napapatigil lang ako kapag may kumakalabit sa akin mula sa likuran para manghingi ng papel.

I massaged my head. Kinalabit na naman ako ni Raffael. Masama ang tingin ko siyang nilingon.

"What?" Inis na tanong ko.

He pouted. "Wag na nga lang." Tumayo siya at kay Kristal lumapit. Napahinto sa ginagawang pagsusulat si Kristal at napatingala kay Raffael na nakatayo na sa gilid niya.

She starred at him for a couple of seconds bago nakapagsalita.

"Ba-bakit?" Nauutal niyang tanong. Para siyang nakakita ng multo dahil namumutla ang mukha nito.

"Pwedeng makahingi ng papel?" Si Raffael. Nag-init bigla ang ulo ko.

"Manghihingi ka lang naman pala ng papel." I took a paper and gave it to him. "Inisturbo mo pa kaibigan ko."

Nakaupo na si Raffael pero ang tingin ni Kristal ay nasa kanya parin. Nangunot ang noo ko. Oh damn! Gusto nga pala niya si Raffael. Why did I forget 'bout that?

I chuckled. "You really like him huh?" I whispered na kami lang ang nakakarinig. Kumurap ang mga mata niya ng ilang besses bago napatinging muli sa akin.

Inayos niya ang suot na salamin. "Sino bang hindi magkakagusto sa isang Monreal--"

"Ako." I answered her.

Hindi niya ako pinakinggan. "Like look at him Dani. He's alnost perfect! Gwapo, matalino at mabait! Bunos na yung pagiging anak mayaman niya." She said whispering back.

"Mabait?" Humalakhak ako. "I don't know lang ha." I said at sumulyap rin kay Raffael. Seryoso na siyang nagsusulat while his friends were just talking.

I look back to Kristal. Tumingin din siya sa akin.

"Oo. Hindi mo ba alam na pag nagt-trabaho siya sa kompanya nila, yung sweldong nakukuha niya ay dino-donate agad sa mental hospital dyan sa kanto? Walang mintis daw yun, sabi ng tita ko."

"Nagt-trabaho? He's already working?"

"Oo. Sabi nila assistant ng secretary ng Daddy niya. Para matrain at malaman niya ang pasikot-sikot at pagha-handle ng kompanya nila."

Napailing ako sa dami ng alam niya kay Raffael. Umayos ako ng upo. Kung hindi lang pinakilala sa akin ni Austrid na siya pala si Janus Raffael Monreal ay hindi ko siya makilala. Baka nga manatiling kaibigan lang siya ng pinsan ko sa aking paningin.

"Talaga? Bat naman sa mental?" Tanong ko. Ang daming charity pero bat doon siya nag d-donate? Ang alam ko maraming nang nag d-donate sa hospital na yun. Pero dun sa Heartily orphanage ay wala gaanong nag d-donate.

She fake a coughed nang makitang kumapit ulit sa akin si Raffael.

"Pahingi ulit ako ng papel." Sa akin.

I saw how Kristal swallowed hard.

I smirked. "Ang yaman-yaman mo, wala kang pambiling papel?" Sabi ko at binigyan siya ng dalawang piraso ng papel.

His brow furrowed. "I have money but I don't have time."

"Gusto mo ahm.. ako na ang bumili for you?" Si Kristal.

"Nakakahiya naman. Manghihingi nalang siguro ako." Humalakhak siya.

Pinamulahan si Kristal. "Sige."

Bumalik si Raffael sa inuupuan. Habang kilig na kilig naman si Kristal dahil kinausap siya nito.

Tapos na kami sa ginagawa but Kristal asked if we could stay there for awhile kaya pumayag na rin ako para makapagbasa din ng libro.

I was reading one of our schools fantasy fiction book nang namaalam na ang magkakaibigang  babalik na at may susunod pang klase. Hindi mapigilan ni Kristal ang malaking ngiti ng magpaalam din sa kanya ang mga 'to.

"Omg! Nakita mo ba yun?" Kinikilig niyang tanong. "Kinausap nila ako. Tapos nginitian pa ako ni Raffael!"

Humalakhak ako ng mahina at inilingan nalang siya. Binalik ko ang tingin sa mga libro.

"Close ka naba sa kanila? Diba pinsan mo yung Austrid?" She asked.

Tumango ako bilang sagot. Dalawang besses ko pa silang nakasama but I am comfortable with them kasi maliban sa likas na friendly talaga sila ay mababait din.

Hawak-hawak parin ang libro ay umayos ako sa pagkaka-upo. Mamaya pa ang klase namin kaya sa tingin ko'y magtatagal pa kami roon ng iilan pang mga minuto.

"Close ka din ba sa mga kaibigan niya? Matagal na yun silang magkakaibigan eh, kaya I'm sure close ka rin sa kanila!"

Tinaas ko ang tingin at umiling. "Hindi. Nakikita ko lang na palagi nilang kasama ang pinsan ko. Bago ko pa lang sila nakilala... dun ko nga lang nalaman na si Raffael pala yung anak ng mga Monreal eh." I chuckled when I remembered..

Nanlaki ang mga mata niya na parang kasalanan na hindi ko kilala si Raffael. "You didnt know Raffael?"

I chuckled again. "Naririnig ko ang pangalan niya pero hindi ko alam na siya pala yung kaibigan ng pinsan ko."

"Talaga? Ang swerte mo naman."

"Bat naman ako naging swerte dun?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi talaga siya makapaniwala sa akin. "Everyone here wants to be close with their circle of friends! Hindi mo ba alam yun?" Umiiling niyang sabi.

"Hindi eh." Walang pakialam kong sagot. Binalik ko ang mga mata sa libro. Everyone wants to be close with Austrid's friends? What for?

"Yung kaninang sabi ko." Lumapit siya at hininaan ang bosses.

"Yung about sa mental hospital. Alam ko kung bakit doon niya nailing mag donate--"

"Kasi yun yung malapit at pinakamalaking hospital dito Kristal." Sagot ko sa kanya.

Umiling siya. "Nakita mo naba ang mommy niya?"

Sa pagkakaalam ko ay wala na siyang nanay ah. Lumapit ako't nacurious sa sasabihin niya.

"Yung tita ko nagt-trabaho kasi sa mental hospital na yun. And nakita niya raw doon si Mrs. Monreal, may sayad daw sa utak."

My brows furrowed. Hindi naniniwala sa sinasabi niya.

"Kung may sayad man ang nanay niya. Sa yaman nilang yun pwede silang kumuha ng iilang spesyalista para sa nanay niya."

Umiling siya at mas hininaan ang bosses. "No. Sa tingin ko may malaking rason sa likud nun." Sabi niya na parang may iniisip na kung ano. Kung ganoon man ay labas na kami dun, ayokong makisawsaw sa problema ng iba. I have my own problems, better face them than others'.

Nagbasa pa ako ng iilang pahina sa libro hanggang sa naisipan naming malis na. Papalabas kami ng library nang ibalik niya na naman ang topic sa mga kaibigan ng pinsan ko.

"Pwede mo ba akong tulungan mapalapit kay Raffael?" Tanong niya na nagpahinto sa akin sa paglalakad.

"What? No way." Sabi ko with full of diapproval. Her brows furrowed.

"I mean no way kasi hindi naman kami close nun." Umirap ako at naglakad. Sumunod siya sa akin at sinabayan ang paglalakad ko.

"Why? Akala ko ba hindi mo siya gusto?"

"Hindi nga."

"Then why? Bat di mo ko matutulungan? Parang mapalapit lang eh." She pout.

Umirap ulit ako and sighed. "We're not close Kristal. Sa mga babae lang ako close"

"Magiging close mo din naman siya soon kasi close ka sa iba niyang mga kaibigan."

"I think that will never happened." Tumingin ako sa kanya. "Kung alam mo lang kung paano kumukulo ang dugo ko kapag nakikita siya. Kaya I think I can't help you with that thingy of yours."

She pouted.

"Gustong-gusto ko talaga siya." Para siyang nawalan ng gana buong hapon na iyon.

"Uy. Dani sige na." Pangungulit niya ulit sa akin. Kanina pa siya't natapos nalang ang klase namin ay yun parin ang iniisip at bukambibig niya.

Its our last subject that day, paglabas namin ay dumidilim na. Alas singko y media na ng hapon. Sabay kaming naglakad palabas ng college.

"Uy. Dani." Pangungulit niya ulit sa loob ng tricycle.

I sighed.

"Okay. Fine! I'll try my best but I can't promise." Sabi ko sa kanya.

Bigla ay sumaya ang mukha niya. Nauna siyang bumaba sa tricycle. Malaki ang mga ngiting kumakaway sa papalayong tricycle na sinasakyan ko. Lumingin ako sa harap. Papasok na ang tricycle sa subdivision namin. Ang nakabusangot na mukha kanina ni Kristal ay nalipat sa akin. Hindi naman ako nangako kaya bahala na nga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status