Share

Chapter 8

Muntik na akong maubo ng lumabas si Tadashi mula sa kwarto niya, may dala-dala nang malaking bote ng alak.

Hindi ko alam na pupunta sila dito para mag inuman. Hindi pa naman ako nakakakain, pero wala din naman akong balak uminom no. I don't drink, liquors.

Naghiyawan ang lahat especially the boys na pinangunahan nina Dave and Raffael.

Nasa isang tabi lamang ako nakaupo sa sala. Umalis sina Austrid to buy some food at nagpaiwan muna ako dahil masyadong mainit outside.

Umupo ako sa sofa na naka tapat sa tv, the girls are watching Ready or Not.

Lumapit sa akin si Tj at umupo sa katabing upuan.

"Gusto mo?" Abot niya sa akin ng fish cracker. I smiled. Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito na nagbigay ng ingay sa paligid.

"Hindi ka naman siguro conservative Dani no?" Tanong ni Clowie na sa sahig nakaupo at naka-indian sit habang nakaharap sa tv.

Napalingon ako sa grupo ng boys na kasama ang iba nilang kaklase na di ko kilala, busy sa paghanda ng pag-iinuman.

"Hi-hindi naman" sagot ko na nakatingin na sa kanya.

Ilang minuto bago dumating sila Austrid na may dala-dala ng mga supot.

Kita ko ang pag-abot ng baso ni Raffael sa kanya bago siya pumasok sa bahay. Nasa terrace kasi sila nagiinuman. Tinanggap niya naman ito at walang pagdadalawang-isip na nilagok ang isang kalahating baso ng alak sa sobrang tapang yata nito ay napangiwi siya at dali-daling uminom ng juice pantulak.

I shook my head when she looked at me.

"Patay!" Kantyaw ng mga kaibigan niya.

"Nandito ang pinsan pre!"

"Baka magsumbong sa Daddy mo Strid" si Raffael na sa akin nakatingin. Inirapan ko siya. Sobrang inosente niyang tingnan sa uniporme namin pero hindi halatang mabisyo!

Umiinom parin ng juice si Austrid when she waved her hand on the air, gesturing that there's no problem. Paano magkakaproblema eh wala naman si Tito at Tita sa kanila? Tsaka hindi naman ako killjoy.

Patuloy siyang pumasok sa loob at lumapit sa akin upang iabot ang isang supot ng mangga.

"Ito na po ang order niyo madam." Suminghap ako. Akala ko wala siyang mabibiling mangga kasi hindi naman nito season ngayon pero nakabili siya! Masaya ko iyong kinuha sa mga kamay niya at nagpaalam na babalatan sa kusina. Sumunod sa akin si Clowie para tulungan ako. Naglalaway narin at hindi na makapaghintay tulad ko.

Nagbabalat pa lamang ako ay naglalaway na ako sa kinis at sarap ng mukha ng mangga. May pagka-dilaw na ang laman nito kaya mas naglaway tuloy ako. Ugh, heaven. Binalatan namin lahat ng mangga. Nang matapos ay binigyan din namin ang mga nag-iinuman samantalang kami naman ay sa sala na kumain at nanuod ulit ng movie.

I looked outside were the boys are having fun. Tahimik lamang na nakaupo si Kerwin sa isang tabi habang ang ingay naman ni Dave na siyang nagsisilbing gunner ng inuman.

Lumingon sa akin si Kerwin ngumiti siya kaya, ngumiti na din ako. Binalik ko ang tingin sa tv. Its a thriller movie kaya minsan napapasigaw kami. Pagkatapos ay magtatawanan dahil sa mga expressions na nagagawa ni Clowie. She's really funny and boyish but at the same time cute.

Natapos namin ang movie at naghanap ulit ng bago. Nilingon ko ang gawi ng boys na may sarili ding mundo sa labas. Kaunte nalang ay mauubos na nila ang iniinom na alak. I look at their faces, hindi naman sila mukhang lasing na lasing just tipsy.

Si Raffael ay namumula na ang mukha while Dave is now already too talkative, ang iba sa kanila ay parang timang naman na nakikinig sa kanya. Si Kerwin lang yata ang tipsy pero cool paring tingnan. Nakadekwatro itong upo at seryoso ang mukhang nakikinig rin while playing with his earring.

Akala moy mga lower years ah at hindi mga graduating! Hindi busy? I thought pag graduating student kana mas b-busy kana for school. Tho kakasimula pa naman ng klase kaya siguro hindi pa gaanong marami ang ginagawa nila.

I'm a 2nd year student and masasabi kong ang hassle at hirap na ng course ko. Pero sila na 4th year sudents na ay nakuha pang mag-inuman and take note archi students sila ha!

"Wala ba kayong projects?" tanong ko kay Tj sa gitna ng panunuod namin ng movie.

Kumakain parin siya ng cracker na minsan rin ay humihingi ako. I think its the reason kung bakit hindi na 'ko nagutom.

Si Clowie ang sumagot "Meron, maraaaaaaaaaami" she said spreading her arms, like ganuon karami ang ginagawa nila.

Edi kung marami.. why are they here? Why are they wasting their time here?

Well, I'm not a procrastinator type of student. I preffer it more to do school works under pressure. Kung sa kanila mas effective and mas gumagana ang utak nila pagnagmamadali, sa akin hindi.  Hindi na o-orgaize ang thoughts ko pag ganun.

Mamaya nga pag-uwi ko sisimulan ko na ang research paper ko. Tapos na akong mag basa ng mga related issues abput our topic last time kaya baka mamaya makakapagsimula na ako sa chapter 1 nun.

"Chill muna kami ngayon, dahil mamaya patayan na naman kami with our plates" si Tj.

"Pinapa-chill lang muna namin ang sarili bago makipagsapalaran with our plates, para may mapiga naman kami sa creative juices namin" Tadashi laughed.

"Maybe we should go home early, hindi pa ako nakakapagsimula sa akin." Si Airra.

Nagkuwentuhan sila about their plates, hindi na ako nakisali dahil hindi ko naman alam kung anong mga checheburetche sa paggawa ng mga ganoon.

"Wala bang additional dyan Dash?" Si Raffael nang pumasok. Hindi paman siya nasasagot ni Tadashi ay bigla nalang kaming napatingin sa bigla nalang pagtayo ni Clowie.

"Gago alas kwatro na!" pati ang mga lalaki sa labas ay napatingin rin sa gawi namin, when they heard Clowie shout.

"Arat na, humayo na tayo!" Sabi ni Clowie gestured everyone to stand up. Edgar look at his wrust watch, napabuga siya ng hangin at mabigat ang katawang tumayo.

Alas kuwatro na.

"Huy tama na yan. Uwi na tayo" asik ni Airra na nagliligpit na ng gamit niya.

"Ah! pingis!" si Dave na nakulangan sa alak.

Pumunta muna ako sa way patungo sa banyo nila Tadashi para tingnan ang mukha ko sa salamin nila. And there I found myself with a messy hair. Marami ng buhok ang nasa gilid ng mukha ko. Tumakas mula sa pagkaka-ponytail.

Kinuha ko ang tali sa buhok ko at hinayaan muna itong nakalugay kahit sobrang sabog na sabog ito para hanapin ang suklay sa bag ko.

"Tangina san na ba yung suklay ko." I whispered. Kinukulikot ang loob ng bag ko.

"Shit!" Someone cursed from my back. Specifically from the comfort room.

Naabutan ko si Raffael na hinihilut ang sentido niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa doorjamb ng banyo. Nahihilo ata.

Nilapitan ko ito at tinanong. "Okay ka lang ba?"

"Ay betchin!" He cursed again at napatalon ng kaunti nang makita ako.

Ay gulat? At anong betchin, maka-magic sarap ako ano ba!

"Ba-bakit ba kasi ang gulo ng buhok mo? Ginulat mo ako. Mukha kang aswang!" Grabe siya!

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri para maayos naman ito ng kaunti. "Nawawala yung suklay ko eh... You're drunk." I said ng mapansin ang pamumula ng mukha nito.

He grinn. "Ahw, concern ka sa akin Ewanko?" Clowie was walking behind when he said that.

Huminto ito at tinuro si Raffael. Nakangisi na ngayon. "Taray! may pa-endearment! Hala! AUSTRID SI RAFFAEL OH PINAPATOS PINSAN MO!" Sigaw niya.

"Hoy! HINDI AH!" sigaw ko rin. Tumawa siya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Mang-aasar pa sana siya kung hindi lang niya nakita ang aktong pahuhubad ni Raffael sa sapatos niya. Namumutla na napatingin ako sa gawi kung saan tuluyang nawala si Clowie. Lumiko na ito patungo at pabalik sa sala. Kinakabahan ako baka i-chismis niya ako sa labas at baka paniwalaan ng mga kaibigan nila!

Naiinis na nilingon ko siya.

I looked at Raffael again, nakataas ang isang kilay.

"Stop calling me that!"

Hindi nito pinansin ang sinbi ko and just shrugged.

"You looked like a zombie maghilamos ka nga." Tinulak ko siya papasok. Naiinis ako sa mukha niya. Parang anytime ay babagsak at hihiga na siya sa sahig ng banyo.

"Awiee, ang swerte ko naman concern sa akin si Ewanko!" he's really drunk.

"Pwede ba, stop calling me ewanko" I pushed his chest lightly "meron akong pangalan. Maghilamos kana! Ang pangit-pangit ng pagmumukha mo." Ngumiwi siya.

"What's with my face? I'm still handsome even if I'm drunk." E smirked.

My brows furrowed. "Why don't you look on the mirror. Tignan natin kung gwapo ka ngang talaga?" Ako naman ngayon ang ngumisi.

Pumask siya ulit sa banyo. I get back to the other mirror outside. Nahanap ko na ang suklay ko. I brushed my hair when I saw him open the door.

Nilingon ko siya.

"I thought you look handaome? Bat ka nanghilamos?"

"Para mas gumwapo pa ako." Ngumiwi ako't napailing.

"Ewanko?" Hindi ako sumagot.

"Ewanko?" E called again.

I faced him. "Pwede ba! I said I have a name. It's Daniella! Just so you know" umirap ako. Binalik ang suklay sa bag.

The side of his lips rouse. "E-wan. E-wan-ko?" he mocked.

"Daniella nga" sabi ko.

"Okay, ewanko"

I rolled my eyes in disbelief. He's starting to get into my nerves again. Tinalikuran ko nalang siya. Baka masapak ko pa. I took my liptint from a pouch.

"Ewanko" tawag niya mula sa likuran ko.

Hindi ako sumagot.

"Ewanko" tawag niya ulit.

Ugh! hinarap ko siya.

"What!?" I'm starting to get pissed again!

Wala siyang sinabi, but then binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Adik!" I mouthed when he didn't say something.

"Ewanko?" tawag niya ulit.

"Ano? Pwede ba! Isa pang ewanko mo masasapak na  talaga kita"

Nakakairita na siya. Nawawalan ako ng poise dahil sa kanya eh! Lumalabas pagka-boyish ko.

Kaembyerna~

"Dani nga sabi!" Inis kong sabi.

He shrugged.

"Okay, Dani"

"Good!" I said and turn my back.

"Ko, Dani ko." Pinanliitan ko siya ng tingin on the mirror. Nasa likuran ko na siya.

"Bat may KO na naman?" bulyaw ko. Napatingin sa akin ang napadaang Dave.

I paused and look at him. He looked at me then to Raffael, then back to me again. Nalukot ang noo niya. Maya-maya ay umalis rin naman nang walang pake at pagewang-gewang.

Ibinalik ko ang tingin kay Raffael. Naghihintay sa sagot niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Dani lang, okay? Walang ko. Or maybe you should just call me with my complete name, para mahabaan ka't wag mo nang malagyan pa ng ko! I'm not yours! You playboy!"

Nangunot ang noo niya . "Ano ba full name mo?"

He's really pissing me off. At bakit nga ba ako nakikiusap sa isang ito?

Sumulpot si Tj galing sa sala and excused herself para gumamit ng banyo. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Baka kung ano ng sabihin ng mga kaibigan niya. Binalik ko ang liptint sa pouch after I used it.

Hindi ko na nga lang papansini tong isang 'to. I get my bag at aalis na sana nang hinarangan niya ako.

"Umalis ka nga dyan."

"Ano muna?" He licked his lower lip. Naiinip.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Please?"

Tuluyan ng nangunot ang noo ko. I sighed. Lumabas si Tj sa banyo. Nagtataka siyang tumingin sa aming dalawa but just like Dave earlier ay umalis ito ng wala lang.

Napahilot ako sa sentido. Baka akalain nilang ako ang flavor of the day nitong kaibigan nila. Kahit hindi nila sabihing matinik ito sa baba. Halatang halata ko na, sa galawan palang.

I rolled my eyes before answering him. " Daniella Ziel Meduya. Happy? Now can I go."

He paused for a bit and nod a little. Pero hindi parin umaalis sa daanan ko. I tried to walk on the other corner pero madali niya parin akong naharangan.

"Ano ba!?" This drunk man!

"Ziel." He whispered.

"Yea! And whatever." I rolled my eyes. I cross my hands infront of my chest dahil hindi din naman niya ako papadaanin.

"Ziel ko." He said and slowly look at me.

Nangunot na naman ang noo ko. He's really pissing me off, what is he talking about? I'm not his! Forgodsake!

"Hey. Let's be clear here. I know you're a playboy but man! Sorry! You're not my type!" I pointed him.

Humalakhak siya.

"You're not my type too." He said simply.

"Then what the f*ck are you doing?" He's slowly digging the badass soul I have inside me.

"Nothing?"

"Ay! Butit ka!" I hissed infornt of him.

Nilagpasan ko siya.

"Ziel ko?" He called with his husky voice.

I didn't turn. Wala siyang kwentang kausap. My blood is boiling on him.

"Bakit ba?... Eh? Gusto ko yung akin ka lang dapat." Nilingon siya.

I raised my middle finger and walk out. I heard his loud laughs.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status