Share

Chapter 10

"Okay! That's it for today. Dismiss!" That ends our first subject.

Tiningnan ko nang masama ang nakatalikud naming professor sa subject na iyon. Sobrang bilis niyang magsalita, kaya ayun wala akong na sulat na kahit isang sentence man lang sa tinuro niya. Just some important names lang.

Bumuga ako ng hangin. Maybe I will just research it at home and study it again.

"Grabe si Sir no! Di pa namimigay ng ppt ang bilsi pa tumuro! Pano tayo papasa sa kanya nyan? Eh wala tayong natutunan? Para namang kapatid ni the flash yun." Reklamo ni Lovely. Ang parating katabi ko kapag alphabetical yung sitting arrangement.

She's nice but I really don't like her attitude. She's too prank na hindi na niya napapansing nakakasakit na siya ng damdamin ng iba. She even call someone bobo! I believe that there's no person that is stupid, just slow learner's and lazy.

"Oo nga eh" sagot ko sa kanya.

"Kristal!" I shouted when I saw Kristal on her way to the school's gate.

Nagpaalam ako kay Lovely. Hinintay naman ako ni Kristal at nagsabay kaming maglakad palabas. Nasa hallway palang kami ay panay na ang chikka namin sa mga binabasa naming libro.

"Nakuuuh! I-try mo talaga. Pahiramin kita nun! Dadalhin ko yun bukas!" Sabi ko ng makarating na kami sa may gate.

"Talaga?" Excited niyang tanong.

"Oo nga!" Natatawa kong ani. "I will hand it to you tommorow." Sabi ko. Classmate ko kasi siya sa last subject bukas.

"Sige. Sige. Yiee, excited na ako."

Nang matapos ang usapan namin ay nagpaalam na rin siyang aalis na dahil may ipa-paprint pa daw. Nakangiti ko siyang kinawayan at naglakad patungo sa mga streetfoods sa tabi.

Bumili ako ng ice buko at isang tuhog ng pritong saging.

Nagutom ako. Bat kasi isang sandwich lang yung kinain ko kanina? Matapos kong ubusin ang kinakain ay napili kong tumambay muna sa tapat ng registrar. May mga benches kasi sa ilalim ng mga punong mangga and very refreshing dahil malakas din ang hangin.

May kinukumpuni ako sa phone ko nang may tumabi sa akin. Pinagdasal ko talagang hindi ang ulupong na Raffael na yun ang tumabi sa akin, kundi masasapak ko talaga siya. Ang aga-aga babadtripin niya na naman ako.

Nilingon ko ang katabi at na surpresa nang makitang si Kerwin pala iyon.

"Hey!" bati ko sa kanya.

"Hey. Ikaw pala yan." Sambit niya na tila nagulat pa nang makita ako. Nagmadali itong tumalikod sa akin, to wiped his sweat.

"Wala kang pasok?" Tanong niya nang muling makaharap. Smiling. Ang gwapo niya. Kahit nung pinagpapawisan siya. Actually ang hot niya dun!

Napatingin ako sa mga paa nang marealize na nakatitig na pala ako sa kanya.

"W*-wala ih. Bakante ako ngayon isang oras." Humarap ako rito. "Ikaw ba?"

I think I blushed nang makitang nakatingin ito sa akin at parang anghel na nakangiti sa harapan ko, with his silver earing na sobrang nakaka-attract.

"Late" sabi niya. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang minniature, nasa likuran niya.

Wow. Ang ganda! It is also finished like Raffaels. Hindi ko mapagkakailang mas maganda yung kay Raffael but his is also nice! Gwapo, mabait and talented! All in one sa kanya!

Im kinda thinking 'bout their friends for sure magagaling din ang mga ito. Sana all creative and artistic! Gosh! Where's the justice?

But wait kahapon pa deadline nito ah? Napatingin ako sa likud nito, he's still with his back pack.

I gasped. OMG! He's really super late.

"Hindi mo napasa? Diba kahapon pa yan?" Nag-aalalang tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. Kahit nakangiti ay kita ko ang kaba sa mga mata nito.

Tumango siya. "Inextend ni Maam ngayon kasi nga marami ang hindi nakatapos kahapon, tapos ngayon nalate ako pa ako ng gising." He looked at his wrist watch.

"I'm super late. I don't think ma'am will still accept this." nawalan na ng pag-asang sabi niya.

Tumayo ako at kinuha ang minniature niya. Hindi naman ito mabigat pero maingat ko itong iniangat gamit ang dalawang kamay ko.

"Tara!" Pursigidong sabi ko.

"Huh?"

"Sasamahan kita, ipapasa natin 'to." Sabi ko.

Nagdadalawang-isip na tumayo ito at sinabayan ako sa paglalakad. Pumunta kami sa faculty office kung nasan yung prof nila. Nang makapasok kami ay napalunok ako ng laway. Tangina, nakalimutan kong archi student pala tong kasama ko.

I roamed my eyes around the room, ganun din si Kerwin. Hinahanap ang prof nila. From the faces of the people inside ay halatang mga terror na guro ang mga ito.

Parang nawala yung lakas ng loob ko nang pagtaasan ako ng kilay sa isa sa mga yun na malapit sa gawi namin. Maybe she've seen my ID shouting for an educ student.

"Dito ka nalang Dan." Sabi niya. Mukha siyang natatae. I tapped his shoulder twice. Tumango ako at binigyan siya ng dalawang thumbs up para pampalakas ng loob.

Tinanaw ko lamang siya habang nakikipag-usap sa prof niya. Nakayuko ito na tila pinapagalitan ng nanay. If the professor wont accept his project then she's an asshole! Pinaghirapan yun ng estudyante niya, she should atleast give some chances.

Sana i-consider ng prof niya yun.

Naglakad na siya palapit sa akin. He gave me a half smile. Lumabas muna kami bago niya ko kinausap.

"Ano sabi?" Tanong ko agad. Ngumiti siya.

"Thank you ah. Tinanggap ni Ma'am yung plates ko."

I made a single clap and pointed him. "Sabi ko na nga ba ih. Lakas ng loob lang ang kailangan!" Natatawang ani ko. Parang hindi kinabahan kani-kanina lang para sa kanya.

Nagkamot ito sa batok. "Kaso may minus na. Pero okay na rin yun kaysa sa hindi ako nakapasa." Ani niya.

"Okay na yun." Naglakad kami ulit patungo sa hallway. Hindi ko alam kung may susunod na klase paba sila.

Huminto ako nang nasa tapat na kami ulit ng cashier.

"May pasok pa ba kayo?" I asked.

Umiling siya. "Mamaya pa. Ikaw ba? Libre kita." He smiled.

I pouted. "Sayang. May pasok pa ako eh." 30 minutes lang ang vacant ko. Tiningnan ko ang relo. I cursed when I saw 2 minutes nalang at male-late na ako.

"Sh*t! I have to go. Bye!" Tumakbo na ako. I heard him mutter his goodbye and thank yous' pero hindi ko na siya nalingon pa dahil lumiko na ako papuntang institute of education building.

Hingal na hingal ako nang makaratig sa room. Nakasabay ko sa pagpasok si Sir. Buti nalang, super ayaw pa naman niya sa mga late. Napahinga ako ng maluwag.

My day went well that time. Masaya akong nakatulong kay Kerwin kaya ngiting-ngiti ako hanggang sa makauwi sa bahay.

Kinabukasan ay sa library namin napiling tumambay ni Kristal. We have 2 vacant hours before our last class for the day.

"Ito nga pala yung libro." I said excitedly. Binigay ko ang librong recently ko lang natapos basahin.

"Omg! Sana all! May pirma pa!" She shouted out of excitement as she open the first page of the book.

"Shhhh!" Sita ng librarian. I laughed silently habang si Kristal naman ay nahihiyang tinakpan ang bibig niya.

She looked so cute with her eyes twinkling while checking the book I let her to borrow. Magkaklase kami sa isang subject ni Kristal. MWF and every last subject. We were tasked to research a lesson here in the library. Wala ang mga teachers for an emergency meeting kaya iniwanan muna kami ng seatwork.

"Ang ganda talaga." She said amazed. Tumingin siya at ngumiti sa akin dahilan upang makita ang mga ngipin niyang may braces.

Like me she's also into reading, but she's not into collecting books. Sa cellphone niya lang kasi siya nagbabasa. Kaya rin may suot-suot siyang eye glasses with anti-radiation.

"Babasahin ko 'to mamaya." She said at nilagay muna ang libro sa tabi. Gagawa pa pala kami ng research.

I am almost done nang may kumulbit sa akin sa likuran. Lumingon ako at nakita ang nakangiting Clowie sa likuran ko.

"Hi. Seatwork?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Same." She said at pinakita sa aking ang ballpen at notebook niya.

Umupo silang magbabarkada sa mataas na mesa sa bandang likuran namin. Napahinto ang iilan dahil sa kanila. Some girls ay kinikilig while some boys ay napapalingon din sa gawi nila.  Hindi ko sila masisisi. The girls are really pretties.

Kerwin smiled nang magtagpo ang mga tingin namin. I waved my hand and smiled to him too.

"What are you doing?" Naputol ang tinginan namin when Raffael inserted.

Tiningnan ko siya sa gilid na malapit lang sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Pagt-tripan na naman ba ako nito?

"Research." Tipid kong sagot at tinalikuran na agad siya.

Binalik ko ang mga tingin sa librong nasa harapan ko. I am almost done with it. Ginawa ko muna ang mga yun. Napapatigil lang ako kapag may kumakalabit sa akin mula sa likuran para manghingi ng papel.

I massaged my head. Kinalabit na naman ako ni Raffael. Masama ang tingin ko siyang nilingon.

"What?" Inis na tanong ko.

He pouted. "Wag na nga lang." Tumayo siya at kay Kristal lumapit. Napahinto sa ginagawang pagsusulat si Kristal at napatingala kay Raffael na nakatayo na sa gilid niya.

She starred at him for a couple of seconds bago nakapagsalita.

"Ba-bakit?" Nauutal niyang tanong. Para siyang nakakita ng multo dahil namumutla ang mukha nito.

"Pwedeng makahingi ng papel?" Si Raffael. Nag-init bigla ang ulo ko.

"Manghihingi ka lang naman pala ng papel ulit." I took a piece paper and gave it to him. "Iniisturbo mo pa kaibigan ko."

Nakaupo na si Raffael pero ang tingin ni Kristal ay nasa kanya parin. Nangunot ang noo ko. Oh great! Don't tell me that she's one of those girl who have a crush with this guy?

"You like him?" I asked.

Namilog ang mga mata niya at namula ang mga pisngi.

Inayos niya ang suot na salamin. "Sino bang hindi magkakagusto sa isang Monreal, Dan?"

"Ako." I answered her straightly.

Hindi niya ako pinakinggan. "Like look at him Dani. He's almost perfect! Gwapo, matalino at mabait! Bunos na yung pagiging anak mayaman niya." She said whispering back.

"Mabait?" Humalakhak ako. "I don't know lang ha." I said at sumulyap rin kay Raffael. Seryoso na siyang nagsusulat while his friends were just talking.

I look back to Kristal. Tumingin din siya sa akin.

"Oo. Hindi mo ba alam na pag nagt-trabaho siya sa kompanya nila? Yung sweldong nakukuha niya ay dino-donate agad sa mental hospital dyan sa kanto? Walang mintis daw yun, sabi ng tita ko."

"Nagt-trabaho? He's already working?"

"Oo. Sabi nila assistant ng secretary ng Daddy niya. Para ma-train at malaman niya daw ang pasikot-sikot at pagha-handle ng kompanya nila."

Napailing ako sa dami ng alam niya kay Raffael. Umayos ako ng upo. Kung hindi nga lang pinakilala sa akin ni Austrid na siya pala si Janus Raffael Monreal ay hindi ko siya makikilala eh.

"Talaga?" Tanong ko.

She faked a coughed nang makitang lumapit ulit sa akin si Raffael.

"Pahingi ulit ako ng papel." He said.

I saw how Kristal swallowed hard.

I smirked. "Ang yaman-yaman mo, wala kang pambiling papel?" Sabi ko at binigyan siya ng dalawang piraso ng papel.

His brow furrowed. "I have money but I don't have time."

"Gusto mo ahm.. sayo nalang tong papel ko?" Si Kristal na inaabot ang isang pad na yellow paper kay Raffael. Napairap ako.

"Hindi na. Manghihingi nalang ako kay Dani ko."

Sinaman ko siya ng tingin. "Pwede ba. Tantanan mo ako sa kaka-Dani-ko Dani-ko mo ha! Tsaka bumili ka ng papel mo, ang yamanaman wala kang pambiling papel?" I badly want to shout at him but I just can't at baka masita na naman ako ng librarian.

Ngumisi siya pagkatapos ay humalakhak. "Ang sarap mo talagang asarin."

Bumalik si Raffael sa inuupuan niya na humahalakhak. Habang kilig na kilig naman si Kristal dahil kinausap siya nito. Napapailing nalang ako.

Tapos na kami sa ginagawa but Kristal asked if we could stay there for awhile kaya pumayag na rin ako para makapagbasa din ng libro.

I was reading one of our schools fantasy fiction book nang namaalam na ang magkakaibigang  babalik na at may susunod pang klase. Hindi mapigilan ni Kristal ang malaking ngiti ng magpaalam din sa kanya ang mga 'to.

"Omg! Nakita mo ba yun?" Kinikilig niyang tanong. "Kinausap nila ako. Tapos nginitian pa ako ni Raffael!"

Humalakhak ako ng mahina at inilingan nalang siya. Parang ang laking achievement na sa kaniyang mapansin ng mga yun, lalo na ni Raffael. Samantalang ako naman ay gustong-gusto siyang hindi makita.

But I can't deny na napapangiti ako sa tuwing nginingitian ako ni Kerwin. Maybe that's what Kristal feels everytime, Raffael's near her or baka sobra pa nga. Binalik ko ulit ang tingin sa libro nang kausapin na naman niya ako.

"Close ka naba sa kanila? Diba pinsan mo yung Austrid?" She asked.

Tumango ako bilang sagot. Ilang besses ko pa lang silang nakasama but I am already comfortable with them, kasi maliban sa likas na friendly talaga sila ay mababait din.

Hawak-hawak parin ang libro ay umayos ako sa pagkaka-upo. Mamaya pa ang klase namin kaya sa tingin ko'y magtatagal pa nga yata kami roon ng iilan pang mga minuto.

"Close ka din ba sa mga kaibigan niya? Matagal na silang magkakaibigan eh, kaya I'm sure close ka rin sa kanila!"

Tinaas ko ang tingin sa kanya at umiling. "Hindi. Nakikita ko lang na palagi nilang kasama ang pinsan ko." I paused a bit and continued.

"Bago ko pa lang sila nakilala at nakakasama... dun ko nga lang nalaman na si Raffael pala yung anak ng mga Monreal eh." I chuckled when I remembered.

Nanlaki ang mga mata niya na parang kasalanan na hindi ko kilala si Raffael. "You didn't know Raffael?"

I chuckled again. "Naririnig ko ang pangalan niya pero hindi ko alam na siya pala yung kaibigan ng pinsan ko."

"Talaga? Ang swerte mo naman."

"Swerte na hindi ko siya kilala?"

Umiling siya.

"That you're close with their squad." She pouted.

"Bat naman ako naging swerte dun?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi nakasama mo na sila. Pero talaga bang hindi ko kilala si Raffael?" Hindi talaga siya makapaniwala sa akin.

"Everyone here wants to be close with their circle of friends! Hindi mo ba alam yun?" Umiiling niyang sabi. Hindi talaga makapaniwala sa akin.

"Hindi eh." Walang pakialam kong sagot. Binalik ko nalang ulit ang mga mata sa libro. Everyone wants to be close with Austrid's friends? Why? They're just a normal students, like us.

Katulad namin ay kailangan din nilang magsikap to get a good grade and pass.

"By the way, yung kaninang sabi ko." Lumapit siya at hininaan ang bosses. Nakuha niya ulit ang atensyon ko. Habang tumatagal ay umiingay na siya.

I sighed.

"Yung about sa mental hospital. Alam ko kung bakit doon niya nailing mag donate--"

"Kasi yun yung malapit at pinakamalaking hospital dito Kristal." Sagot ko sa kanya.

Umiling siya. "Nakita mo naba ang mommy niya?"

Sa pagkakaalam ko ay wala na siyang nanay ah? Buhay paba? Hala, baka fake news yung narinig ko?

"Yung tita ko nagt-trabaho kasi sa mental hospital na yun. And nakita niya raw doon si Mrs. Monreal, may sayad daw sa utak."

My brows furrowed. Hindi naniniwala sa sinasabi niya.

"Kung may sayad man ang nanay niya. Sa yaman nilang yun pwede silang kumuha ng iilang spesyalista sa larangang yun para sa nanay niya."

Umiling siya at mas hininaan ang bosses. "No. Sa tingin ko ay may malaking rason pa sa likud nun." Sabi niya na parang may iniisip pa. Kung ganoon man ay labas na kami dun.

Nagbasa pa ako ng iilan pang mga pahina sa libro hanggang sa naisipan na nga naming umalis na. Papalabas kami ng library nang ibalik niya na naman ang topic sa mga kaibigan ng pinsan ko.

"Pwede mo ba akong tulungan mapalapit kay Raffael?" Tanong niya na nagpahinto sa akin sa paglalakad.

"What? No way." Sabi ko with full of disapproval. Her brows furrowed.

"I mean no way kasi hindi naman kami close nun." Umirap ako at naglakad. Sumunod siya sa akin at sinabayan ang paglalakad ko.

"Why? Akala ko ba hindi mo siya gusto?"

"Hindi nga."

"Then why? Bat di mo ko matutulungan? Parang mapalapit lang eh." She pout.

Umirap ulit ako and sighed. "We're not close Kristal."

She pouted.

"Gustong-gusto ko talaga siya." Para siyang nawalan ng gana buong hapon na iyon.

"Uy. Dani sige na." Pangungulit niya ulit sa akin. Kanina pa siya't natapos nalang ang klase namin ay yun parin ang iniisip.

Its our last subject that time, paglabas namin ay dumidilim na.

"Uy. Dani." Pangungulit niya.

I sighed.

"Sige na Dan. Sasama lang naman ako sayo palagi eh. Hindi naman yung i-rereto mo talaga ako sa kanya."

"Edi hindi ka parin mapapalapit sa kaniya? Sabi ko nga sayom hindi pa ako gaanong close sa mga yun. Tsaka nahihiya parin ako sa kanila no."

She pouted. "Okay. Pero pwede naman siguro akong sumama lang sayo right?"

I sighed and nod. Ang kulit, gutom pa naman na ako. Pero kung ganoon nga lang ay okay lang.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status