Share

The Substitute Bride's Escape
The Substitute Bride's Escape
Author: YUHAN

KABANATA 1

Author: YUHAN
last update publish date: 2026-08-17 12:26:56

Selah Montenegro POV

"Miss Montenegro, kapag hindi pa naiprof-of-payment ang dalawang milyong piso bago mag-alas-diyes ngayong gabi, ikakalungkot naming sabihin na kailangan naming itigil ang life support ng kapatid mo."

Tumatagaktak ang malamig na pawis sa noo ko habang nakatitig sa puting sahig ng ospital. Amoy ng antiseptiko at tunog ng nagbe-beep na mga aparato ang lumalamon sa buo kong pagkatao. Pakiramdam ko, bawat segundo ay unti-unting pumapatay sa akin.

"Diyos ko, maawa po kayo..." pabulong kong pakiusap. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sikip nito. "Parang awa niyo na. Gagawa ako ng paraan. Maawa kayo kay Sam."

Wala pang kalahating oras nang iwan ko ang kapatid kong nakakabit sa napakaraming tubo sa loob ng ICU. Labing-siyam na taong gulang pa lang si Sam. Wala siyang ibang kasama sa buhay kundi ako. Nang maaksidente ang sasakyang sinasakyan niya tatlong araw ang nakalipas, gumuho na ang maliit kong mundo.

Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitingnan ang cellphone ko. Zero balance. Wala na akong mapagkunan.

Biglang may humablot sa bag na nakasabit sa balikat ko. Napasinghap ako sa gulat at mabilis na napalingon.

"Tiya Perla?"

Walang habas niyang kinalkal ang zipper ng bag ko. Nandidilat ang mga mata niyang animo'y nakakita ng ginto nang makuha ang pitaka ko.

"Aha! Sabi ko na nga ba, may itinatago ka pang pera!" galit na sigaw ni Tiya Perla, walang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga doktor at nurse sa hallway.

"Tiya, pakiusap! Wag 'yan!" Tumayo ako at nagmamadaling hinawakan ang kamay niya. "Panimulang bayad 'yan sa billing ng ospital! Ilang libo na lang 'yan, pambili man lang ng gamot ni Sam ngayon—"

"Gagamitin sa wala!" Mabilis niya akong itinulak nang malakas. Napasandal ang likod ko sa pader ng ospital. "Ang kapatid mo, mamatay din naman! Sayang lang ang pera riyan! Gamitin ko na lang 'to pambayad sa utang sa bahay!"

"Bahay natin 'yun, Tiya! Pamana iyon ni Nanay sa amin!" Nanginginig ang boses ko sa pinaghalong galit at panlulumo.

Patiyad siyang lumapit sa akin at dinuro ang mukha ko. "Bahay ko 'yun dahil sa akin nakapangalan ang titulo! At para malinaw sa'yo, Selah—pag-uwi mo mamaya, ayaw ko nang makita ang mga gamit mo roon. Nagpalit na ako ng kandado. Pinalalayas na kita. Magsama kayo ng naghihingalo mong kapatid sa kalsada!"

Pagkasabi niyon ay mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo, hawak ang huling perang tirahan at pangkain ko sana para sa buong linggo.

Bumagsak ako sa malamig na sahig. Napahawak ako sa pader habang pumapatak ang mga luha ko. Lumalabo ang paningin ko sa sobrang labas ng emosyon.

Wala akong tirahan. Wala akong pera. At mamamatay ang kapatid ko bago matapos ang gabing ito.

Bakit ganito? Ginawa ko naman ang lahat. Nagpakapagod ako, nagpakasipag, nagtrabaho hanggang madaling araw para lang maitawid kaming dalawa. Pero sa isang pikit lang ng mata, nawala ang lahat. Ito na siguro ang pinakamababang punto ng buhay ko. Ang pakiramdam na tinalikuran ka na ng buong mundo at wala ka nang kahit anong kapitan.

Nakatitig lang ako sa kawalan nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko.

Isang unknown number.

Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko at pilit na inayos ang boses bago sinagot ang tawag.

"H-hello?"

"Is this Miss Selah Montenegro?" malamig at pormal na boses ng isang babae ang nagsalita sa kabilang linya.

"Ako nga po. Sino po ito?"

"I am calling from the Human Resources Department of Elizalde Group of Companies. We are pleased to inform you that after reviewing your application, you have been selected for the Executive Secretary position."

Napatigil ako. Ang Elizalde Group? Nag-apply ako roon dalawang buwan na ang nakakaraan para sa isang entry-level clerical job, pero wala silang balita. At ngayon... Executive Secretary?

"Sigurado po ba kayo?" nag-aalinlangan kong tanong. "Baka po nagkamali kayo ng tinawagan—"

"No, Miss Montenegro. The CEO himself reviewed your portfolio and personally selected you for the role," putol ng babae sa akin. "However, due to the urgent nature of the position, there is a special condition."

Kumunot ang noo ko. "Special condition?"

"You need to report tonight. Not at the main office, but at the Elizalde Tower Private Penthouse. Exactly 10:00 PM."

Napakapit ako nang mahigpit sa telepono. "Gabi na po... at bakit po sa penthouse?"

"Our CEO requires your immediate presence for the signing of a special employment contract," seryosong sagot ng HR. "Kung tatanggapin mo ang posisyon ngayong gabi, ipinag-utos ng CEO na agad na i-transfer ang limang milyong piso sa account mo bilang advance signing bonus."

Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko at tila huminto ang ikot ng mundo ko.

Limang milyon?

Ibig sabihin, maililigtas nito si Sam. Maipapa-opera ko ang kapatid ko ngayong gabi. Magkakaroon kami ng pambayad sa ospital at hindi kami mabubulok sa kalsada.

Sumulyap ako sa pintuan ng ICU kung saan nakahiga ang kapatid ko. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko. 9:15 PM na. May apatnapu't limang minuto na lang ako.

Hindi ko alam kung anong uri ng trabaho ang naghihintay sa akin sa penthouse na iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangang alas-diyes ng gabi at sa pampribadong kwarto pa ng pinakamalaking CEO sa bansa. Baka kapahamakan ito. Baka ibenta ko ang kaluluwa ko sa demonyo.

Pero wala na akong ibang pagpipilian. Ang buhay ng kapatid ko ang nakataya rito.

"Sige po," sagot ko habang pinapahid ang natitirang luha sa mukha ko. "Papatakbo na po ako papunta riyan."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 10

    Selah Montenegro POVLimang buwan ang lumipas mula nang gabing iyon sa La Union—ang gabing halos atakihin sa puso si Damian dahil sa maling akala na mawawala kami ng anak namin.Kasalukuyan akong nakaupo sa silyang tumba-tumba sa loob ng aming bagong nursery room dito sa penthouse. Napuno na ang buong silid ng kulay pastel blue at cream, mga stuffed animals, at ang napakalaking crib na personal pang pinili at ipinagawa ni Damian. Hindi ko akalain na ang lalaking dating kilala sa pagiging cold at business-minded ay magiging ganito ka-hands-on pagdating sa paghahanda para sa magiging anak namin.Huminga ako nang malalim habang hinahaplos ang tiyan ko na ngayon ay siyam na buwan na at sobrang laki na. Malapit na ang kabuuan ko. Ilang araw na lang o kaya ay oras na lang ang bibilangin at lalabas na ang aming baby boy."Selah, kumusta na naman ang likod mo? Masakit ba?"Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto at pumasok si Damian. Suot pa rin niya ang kanyang corporate shirt pero na

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 9

    Selah Montenegro POVDalawang linggo ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa La Union. Kasalukuyan akong nakaupo sa malawak at pamilyar na sofa sa loob ng pampribadong penthouse sa Elizalde Tower. Sa labas ng malalaking glass window, tanaw na tanaw ang nagliliwanag na skyline ng Maynila tuwing gabi. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay tumatakas ako rito dala ang takot at kawalan ng pag-asa, pero ngayon, bumalik ako hindi bilang isang takas kundi bilang isang asawang may hawak na ng buong atensyon at pagmamahal ng pinakamakapangyarihang CEO sa kumpanyang ito.Hindi na nagkahiwalay si Damian sa tabi ko simula nang ma-ospital ako noon. Kahit ang mga importanteng board meetings niya ay ginagawa na niya online o kaya ay pina-reschedule niya para lang masiguro niyang maayos ang kalagayan ko at ng pinagbubuntis ko. Sobra-sobra ang pagiging overprotective niya—minsan nga ay naiinis na ako dahil hindi niya ako hinahayaang maglakad nang mag-isa o kumuha man lang ng baso ng tubi

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 8

    Selah Montenegro POVMabilis na umikot ang mundo ko habang nakasakay kami sa kotse ni Damian patungo sa pinakamalapit na pribadong ospital dito sa La Union. Hawak-hawak ko ang tiyan ko na patuloy na sumasakit habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Pakiramdam ko, bawat segundo ay tumitigil ang paghinga ko.Si Damian, na kilala bilang ang pinakamalamig at pinaka-calculated na CEO sa Maynila, ay mukhang nawawalan na ng sarili sa tabi ko. Hindi siya mapakali sa upuan niya habang hawak-hawak ang nanginginig kong kamay. Pilit niya akong kinakausap, pinapakalma, kahit na halatang mas takot pa siya kaysa sa akin."Selah, kumapit ka lang, please," nanginginig ang boses na pakiusap niya habang panay ang utos kay Caleb na binabagtas ang kalsada nang mabilis pero maingat. "Malapit na tayo. Naririnig mo ba ako? Huwag kang bibitaw."Ang sakit. Parang may pilit na kumakatas sa loob ng tiyan ko. Diyos ko, huwag naman po sana. Kakasimula ko pa lang mabuhay nang payapa kasama ang kapatid ko,

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 7

    Selah Montenegro POVNakapako ang mga mata ko kay Damian habang nakaluhod siya sa sahig sa harap ko. Ang bawat paghinga ko ay mabigat at nanginginig. Parang kanina lang, pinapanood ko ang mukha niya sa maliit na screen ng phone ko habang nag-aabiso ang buong bansa sa paghahanap niya sa akin, tapos ngayon, nandito na siya sa loob mismo ng tahimik kong mundo. Totoo ba 'to? O gawa-gawa lang ulit ng pagod at takot ang lahat ng 'to?"Huwag kang lumapit, Damian," banta ko habang pilit kong itinatago ang panginginig ng mga kamay ko sa pamamagitan ng paghapit sa sarili kong tiyan. "Paano mo ako nahanap dito? Sabi ko sa'yo, tapos na tayo. May pirma na tayo sa divorce papers. Wala ka nang karapatan sa akin!"Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakasalubong ng tuhod niya sa sahig. Mas matangkad siya kaysa dati sa paningin ko, o baka dahil pakiramdam ko ay kinakain ako ng presensya niya ngayon. Wala na ang maayos na suit at sapatos na suot niya noong nasa Elizalde Tower siya. Naka-black t-shirt

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 6

    Damian Gabriel Elizalde POV"Sir, wala pa ring lead sa mga CCTV sa terminal. Nilipat na raw po ang pangalan ni Selah sa ibang manifest."Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inihagis ang hawak kong ballpen sa glass desk. Lumipad ito at tumama sa pader bago lumapag sa sahig. Dalawang linggo na. Labing-apat na araw na simula nang iwan niya ako sa penthouse na may kasamang divorce papers at isang positive pregnancy test.Labing-apat na araw na ring nagwawala ang utak ko kakaisip kung nasaan siya.Kinuha ko ang baso ng whiskey sa gilid at in tungga iyon nang diretso. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi lang ako nagpadala sa galit ko noong araw na pumutok ang leak sa Board of Directors, kung pinakinggan ko sana ang paliwanag niya at hindi basta nagtiwala sa pekeng ebidensya nina Katrina, edi sana hindi siya lumipad palayo.Lumabas ang resulta ng imbestigasyon kinabukasan ng pag-alis niya. Na-hack ang IP address ng office computer ni Selah habang nasa pantry siya. Si Katrina at ang tat

  • The Substitute Bride's Escape   KABANATA 5

    Selah Montenegro POVHindi na ako nagdalawang-salita pa. Mabilis kong isinuot ang oversized jacket na inabot ng lalaking nakadamit-janitor. Siya si Caleb, ang misteryosong kababata ko na matagal nang nagtatrabaho sa IT security ng gusali."Mabilis ka, Selah. Papunta na ang mga pulis sa main lobby," bulong ni Caleb habang inaakay ako pabalik sa service elevator na walang surveillance camera. "Nakuha ko ang CCTV footage kanina. Hindi ikaw ang nag-leak ng files. Si Katrina at ang Vice President ang gumamit ng credentials mo noong lumabas ka para mag-kape."Napakapit ako sa dibdib ko. Naninikip ang pakiramdam ko habang bumababa ang elevator. Naging biktima lang ako ng maruming laro sa kumpanya. Pero ang mas masakit sa lahat, hindi man lang nag-atubili si Damian na itapon ako sa mga lobo. Para sa kanya, isa lang akong panggagaya sa paborito niyang babae na madaling palitan at itapon kapag naging abala na sa negosyo niya.Nang makalabas kami sa basement parking, naghihintay na roon ang isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status