NANG MAKABALIK sa Pilipinas mula sa kanilang honeymoon ay idiniretso siya ni Denver sa ipinatayo nitong mansion para sa kanilang dalawa. “Hmm, bakit parang ang tahimik mo? Ito iyong design na gusto mo, hindi ba?” tanong ni Denver sa kanya, “Kung hindi mo gusto ang design pwede naman nating palitan para sa taste mo.”
Nilingon niya ang binata, “I. . .i like it p-pero hindi ba masyadong malaki ang bahay na ito para sa ating dalawa?”
“Hindi ba iyon naman ang gusto mo?” Nakangising sabi ni Denver sa kanya, hinapit nito ang bewang niya at hinalikan ang kanyang mga labi. Ilang lingo pa lamang sila nitong magkasama pero pakiramdam niya ay nasasanay na siya sa kalambingan nito. “Saka marami tayong mga maids kaya wala kang dapat ipag-aalala kung inaakala mong ikaw ang maglilinis nito. Gaya ng hiling mo, magbubuhay prinsesa ka sa piling ko,” pagbibigay assurance pa nito sa kanya.
May pait sa mga labing napangiti siya. Actually, kung siya talaga ang masusunod, mas gusto niyang sa simpleng bahay lamang siya titira. Iyong tahimik, may magandang garden at kayang-kaya niyang linisin na mag-isa. But since hindi naman siya si Janice at hindi naman siya permanenteng maninirahan dito, sumang-ayon na lamang siya.
“For the meantime, si Yaya Flora muna ang makakasama natin dito. Sya iyong yaya ko since bata pa ako. I think you’ve met her already, right?”
Hindi niya alam kung tatango or tatanggi dahil di naman niya alam kung nakilala na nga ba ito ni Janice. “I. . .I’m not sure. Medyo nagiging makakalimutin ako lately. H-hindi lang siguro ako sanay sa. . .sa buhay may-asawa,” pagsisinungaling niya.
Natawa si Denver, “Kaya nga tinawagan ko kaagad si Yaya Flora para samahan tayo dito. Don’t worry, parating na rin naman this coming Friday iyong mga maids na kinuha ko sa agency. Si Yaya Flora naman, maya-maya lang nandito na rin iyon.”
“Okay. . .” mahinang sabi niya.
“By the way, duon nga pala tayo kina Mommy magdi-dinner ngayon. Masanay ka na sa kanya na gusto kang palaging nakikita para mas kilatisin pang mabuti. Pero pasasaan ba, oras na mabigyan mo iyon ng apo, hundred percent sure na buong-buo ka na nilang matatanggap. Ganun lang naman sila. . .tingnan mo si Brigette, dati tutol sila dito kaya nagawang magtanan ni Kuya Fred. . .pero ngayong nabigyan sila nito ng apo, hayun at mas mahal pa nila si Brigette kesa kay Kuya Fred. Kaya kapag nagkaanak tayo, for sure ganun rin ang mangyayari saiyo.”
Natigilan siya sa sinabing iyon ng lalaki.
Anak?
Ngayon lang niya naisip na hindi sila gumagamit ni Denver ng contraceptive sa tuwing magtatalik sila kaya hindi imposibleng mangyari nga iyon. Anong gagawin niya sakaling magbunga ang pinasok niyang ito?
Natatakot na napatingin siya sa lalaki.
Waring naramdaman naman nito ang takot niya, “’Wag kang mag-alala, ngayong asawa na kita, paniguradong unti-unti ka na ring magugustuhan nina Mommy, okay?”
Pilit na pilit nang tumango siya. Actually, hindi siya nag-aalala tungkol sa mga magulang nito dahil pansamantala lang naman siyang magiging si Janice. Ang talagang inaalala niya ngayon ay paano kung magdalantao siya? Bakit nga ba hindi kaagad niya naisip iyon nang pumayag siya sa gusto ng kakambal?
“By the way, I have something for you,” he pulled out something from his pocket. Isang maliit na red box iyon. Nang buksan nito ang box, nakita niya ang gold necklace na may hugis pusong diamond. Itinalikod siya nito para isuot iyon sa kanya. Bahagya pa nitong hinawi ang buhok sa batok niya.
“Janice?” Pagulat na tanong nito sa kanya, “Ngayon ko lang napansin na may balat ka pala sa batok?” Nagtatakang tanong nito sa kanya, “I never see this before.”
Nanlamig ang kanyang mga talampakan. Naramdaman niyang bahagya pa iyong kinuskos ni Denver.
Kung may ipinagkaiba man sila ni Janice sa kanilang pisikal na anyo, iyon ay ang kulay pulang marka niya sa kanyang batok. Tanging ang mga magulang at ang bestfriend niyang si Danica ang nakakaalam ng lihim na iyon.
“Ha. . .ah eh madalas kasi nilalagyan ko yan ng make-up lalo na kapag n-nakapusod ang buhok ko at. . .naka-sexy dress ako,” pagsisinungaling niya rito, humarap siya at pinaseksi ang mga ngiti. Plakadong-plakado gaya ng turo sa kanya ni Janice. Naisipan pa niyang iangkla ang kanyang mga braso sa mga balikat nito, “Na-eembarass kasi ako sa tuwing makikita ko ang birthmark na yan kaya madalas tinatakpan ko ng make-up.” Aniya saka pilit na iniba ang usapan, “Thank you very much. . .ang ganda ng necklace na ito. Paniguradong sobrang mahal nito.”
“Basta para saiyo, sweetheart. . .I want you to be happy.”
Muling naghinang ang kanilang mga labi. Unti-unti ay binuhay na naman nito ang kamalayan sa kanyang pagkababae. Hindi nga niya inaakalang para pala siyang isang microwave na napakabilis mag-init. Ganito rin kaya ang mararamdaman niya kung hindi si Denver ang lalaking gagawa nito sa kanya?
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan