“YOU LOOK DIFFERENT,” Puna ni Mrs. Agnes Craig sa kanyang bagong manugang nang tingnan niya ito mula ulo hanggang paa. May naramdaman siyang kakaiba dito ngunit hindi niya matukoy kung ano. Pero ang feeling niya, kakaibang tao ang kasamang ito ni Denver.
Alam niyang may kakambal si Janice ngunit hindi pa niya ito nakikilala dahil wala naman ito sa araw ng kasal nina Denver. Napailing siya sa naisip. Imposible namang hindi si Janice ang kaharap niya ngayon. Walang dahilan para gawin iyon. Naninibago lang marahil siya dahil ngayon, hindi na lamang ito basta girlfriend ng kanyang anak. Asawa n anito ngayon ang babaeng ito. Part na ito ng kanilang pamilya. Isa na rin itong Craig.
“B-bakit nyo naman po nasabi. . .M-mommy?” tanong ng babae sa kanya, “Siguro ay dahil wala akong make-up ngayon?”
“Yeah!” Bulalas niya, “Hindi ako sanay makita kang walang burluloy sa mukha!”
“Mas gusto po kasi ni Denver ang ganitong simple lang. Besides, medyo nalalagkitan ako,” sagot nito sa kanya.
Hindi siya kumibo. Bahagya siyang kumunot ang nuo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaharap na babae. Ewan niya kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya sa babaeng ito hindi paris dati na parang mainit ang dugo niya sa tuwing dinadala ni Denver si Janice sa kanilang bahay.
Ah, iba na nga siguro ngayon dahil hindi na lang ito basta kasintahan ng kanyang anak. Gaya ring nabago ang pakiramdam niya kay Brigette nang pakasalan ito ni Fred at mabigyan sila ng apo.
Nagkibit balikat siya. Nilapitan sila ni Denver at inakbayan ang asawa, “Sweetheart, sinusungitan ka na naman b ani Mommy?” Pabirong tanong nito dito.
“Hindi ako nagsusungit, ‘no. Naninibago lang ako sa kanya ngayon!” Pairap na sabi niya sa anak.
Natawa si Denver.
Nginitian siya ni Janice, “Kinikilatis lang ako ni Mommy and I don’t mind it. Natural lang naman sa isang ina iyon lalo pa at gusto nyang matiyak na. . .na tama ka sa naging desisyon mo.”
“Hindi ako kailanman nagkamaling pakasalan ka, Janice,” masuyong sabi ni Denver dito saka tumingin sa kanya, “Mommy, kailangang tanggapin nyo na ang katotohanang asawa ko na si Janice ngayon, okay?”
Hindi niya ito sinagot. Binalingan niya si Janice, “Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin at sasaktan ang anak ko.”
PARANG MAY MATALAS NA BAGAY ang gumuhit sa dibdib ni Jasmine nang marinig ang sinabi sa kanya ni Mrs. Agnes Craig. “Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin at sasaktan ang anak ko.”
Ano pa ba itong ginagawa niya? Malinaw na isa itong malaking panloloko. Hindi tuloy niya magawang salubungin ang mapanuri nitong mga mata. Kung pwede lang na lumubog na siya sa kanyang kinatatayuan.
“Here comes the newly wed,” dinig niyang sabi ng kapapanaog lamang na ama ni Denver, hinalikan sila ng mga ito sa pisngi. Masaya nitong hinawakan sa magkabilang balikat si Denver, “You look very happy, anak. . .” pun anito sa lalaki saka lumingon sa kanya, “Thank you for making my son very happy.”
Pilit na pilit ang naging ngiti niya. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya si Mrs. Agnes Craig na pinag-aaralan ang bawat galaw niya.
“Dad, I am. . .” sabi ni Denver dito saka niyakapa nang mahigpit ang ama. Bigla tuloy ay na-miss niya ang Papa niya. Nag-aalala siya rito dahil baka hindi ito naaalagaang mabuti ng Mama at Ate Janice niya.
MATAPOS ang dinner ay hiniling ni Jasmine na bisitahin nila ang Papa niya. Pinagbigyan naman sila ni Denver. Ipinag-grocery rin niya ito ng mga paboritong pagkain ng ama. Nang dumating sila duon ay inabutan niya si Janice na busy sa panunuod ng tv habang kumakain ng French fries. Wala ang Mama niya duon.
Magulo ang bahay at nagkalat lang ang mga pinagkainan sa lababo.
“Sorry Kuya Denver, medyo tinatamad akong gumalaw ngayon. . .ganito siguro kapag buntis,” paliwanag ni Janice sa lalaki saka bumaling sa kanya, “Hindi mo man lang ako binilhan ng pasalubong?”
“Sorry, di ko naalala,” matabang na sagot niya rito. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing naiisip na nalagay siya sa ganitong sitwasyon dahil sa kagagawan nito.
Pinuntahan kaagad niya ang ama sa kwarto nito. Natutulog na ito kung kaya’t hindi na niya ito ginising pa.
“Ate Janice, dapat mo na sigurong ikuha ng mag-aalaga si Papa. . .saka need ko rin ng maid dito para hindi na ako mahirapan pa.”
“Ilang buwan na ba yang tiyan mo?” aniyang inumpisahang ligpitin ang mga kalat nito. Akmang huhugasan niya ang mga pinggan sa lababo pero pinigilan siya ni Denver at ito na ang naghugas ng mga iyon.
“Don’t worry Jasmine, kukuha ako ng maids ninyo pati na rin ng nurse na mag-aalaga sa Papa nyo para hindi ka mahirapan.”
“Talaga kuya?” tuwang-tuwang sabi ni Janice, tumakbo ito at yumakap sa likuran ng lalaki, “Salamat talaga Kuya.”
Napakurap-kurap si Jasmine habang nakatingin sa kapatid na nakayakap kay Denver. May kung anong hindi mapangalanang pakiramdam ang gumuhit sa dibdib niya habang nakamasid sa kanyang kapatid.
“Janice?” sabay silang napalingon sa baritonong tinig na nagmula sa labas ng pinto ng bahay.
Nakita niyang bahagyang natigilan si Denver. Para namang nataranta si Janice. Nagmamadali itong tumakbo sa pintuan at binuksan iyon.
“Alex!!!!” nakita niyang palihim nitong kinurot sa tagiliran ang lalaki, “Ah Alex, nandito nga pala sina Kuya Denver, ang asawa ni Ate Janice.” Idiniin nito ang salitang ‘asawa ni Ate Janice.’
Nakuha naman nito ang ibig sabihin ni Janice, ngumiti ito, “Finally, makilala ko rin ang asawa mo, Janice?” sabi nitong tumingin sa kanya.
Lumapit dito si Denver, “Ikaw pala ang boyfriend ni Jasmine,” nakipagkamay ito sa lalaki saka bumaling sa kanya, “You know each other? Narinig kong tinawag nya ang pangalan mo. . .”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ang totoo, ngayon lamang niya nakita si Alex.
Napangisi si Alex, “Ah oo. . .actually si Janice ang una kong nakilala bago si Jasmine. Siya nga dapat ang liligawan ko pero me pagkasuplada. Iyon pala, syota ka na nya that time.”
Nag-init ang kanyang mga tenga. Sanay sigurong magsinungaling si Alex dahil napakabilis nitong makaisip ng palusot.
Tumango-tango lang si Denver dito saka muling bumaling sa kanya.
“SAAN kayo nagkakilala ni Alex?” tanong ni Denver sa kanya nang papauwi na sila at nasa loob na sila ng sasakyan. Pansamantala itong bumaling sa kanya saka muling ipinukos ang isip sa pagmamaneho.
“Ha. . .eh, h-hindi ko na maalala,” natatarantang sagot niya.
“Ikaw pala ang gusto nyang ligawan dati?” ramdam niya ang selos sa tono ng pananalita nito.
Natawa siya, “Dios ko naman Denver, don’t tell me naiisencure ka sa kanya ‘no?” pinagtatakhan niyang natural lang niyang nasabi iyon. Ngayong nakilala na niya si Alex ay mas lalong naging palaisipan sa kanya kung paanong nagawa ni Janice na pagtaksilan si Denver at ipagpalit sa lalaking iyon.
Dahil kung siya ang tatanungin, ni wala ito sa kalingkingan ni Denver.
“Hindi ako na-iinsecure sa kanya!” depensa ni Denver, “But I don’t know pero wala akong tiwala sa lalaking iyon. Parang hindi gagawa ng matino eh. Ano bang nagustuhan ni Jasmine sa lalaking iyon?”
Hindi siya makasagot. Maski siya, nagtatanong kung anong nagustuhan ng kakambal niya sa lalaking iyon. Gusto sana niyang sabihin kay Denver na hindi naman si Jasmine ang nagkagusto duon kundi ang totoong Janice.
“ILANG BESES KO BANG sasabihin saiyo na from now on, masanay ka nang tinatawag akong Jasmine!” Iritadong sabi ni Janice kay Alex nang makaalis na sina Denver at Jasmine, “Saka ano bang ginagawa mo rito? Sabi ko naman saiyo wag na wag kang magpupunta rito sa bahay dahil iritado si Mama saiyo.”
“Miss na kasi kita eh,” naglalambing na sabi nito sa kanya. Para naman siyang natunaw lalo nan ang akbayan siya nito ay halikan sa may tenga. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit mahal na mahal niya ang lalaking ito.
Ganuon nga siguro kapag nagmamahal. No buts, no ifs. Kahit walang dahilan at walang paliwanag. Basta naramdaman na lamang niyang mahal na niya ang lalaking ito.
“Okay pero next time, magtext or tumawag ka muna, pwede? Mapapahamak tayo sa ginagawa mo eh.”
“Sorry na po,” nakangising sabi ni Alex sa kanya. Napabungisngis siya nang makaramdam ng kiliti sa ginagawa nito, umatras siyang palayo rito, “Baka dumating na si Mama. . sige na, umalis ka na.”
“Isang beses lang, pwede?” sabi nitong iniangat ang isang hintuturo, “Sabik na sabik na ko eh.”
“No. Hindi pwede dito. Mapapagalitan ako ni Mama. . .saka baka marinig tayo ni Papa. . .”
“Duon tayo sa kwarto mo.”
“Mas lalong hindi pwede.” Itinulak niya itong palayo, “Sige na, umalis ka na bago ka pa abutan ni Mama.”
“Pambihira ka naman. Bakit ba nagpapakipot ka, ha? Dahil kay Denver? Pinagsisihan mo na bang pina-substitute mo si Jasmine sa papel mo bilang asawa ng kumag na iyon, ha?” May halong inis na tanong nito sa kanya.
Rumolyo ang kanyang mga mata, “Heto na naman ba tayo? Ilang beses ko bang sasabihin saiyo ang dahilan kung bakit kailangan ng pamilya namin si Denver, ha?”
Pinaputok nito ang mga daliri. Maya-maya ay kumuha ito ng sigarilyo. Akmang sisindihan na nito ang hawak na stick ngunit mabilis niya iyong inagaw dito, “Nakalimutan mo na bang buntis ako?” Pandidilat niya rito.
“Pambihira naman oh!” Napakamot sa ulo si Alex saka yamot na tumayo, “Ang dami mong kaartehan!” Nagmamadali na itong umalis, pabalibag pa nitong isinara ang pinto ng bahay nila.
Inis na inis na sinundan na lamang niya ito ng tingin.
MAAGANG nagising ng umagang iyon si Jasmine. Gising na rin si Yaya Flora at kasalukuyang naghahanda ng lulutuing almusal nang maisipan niyang siya na ang magluto ng breakfast nila.
“Sigurado ka bang kaya mo? Ang sabi kasi sa akin ni Denver, hindi ka sanay sa kusina?” Nag-aalalang sabi ng matanda sa kanya, “Baka mapagalitan ako nun kapag pinabayaan kitang. . .”
“Yaya, sanay akong magluto kaya akong bahala, okay?” Nakangiting sabi niya rito, kumuha siya ng carrots at patatas. “Pakibalatan na lang po ito, Yaya,” aniya sa matanda habang sinimulan naman niyang maghiwa ng sibuyas at bawang. Pagkatapos ay tinimplahan niya ng paminta at asin ang mga biniyak na itlog. Naghiwa rin siya ng mga kamatis para duon.
“Mukhang magaling ka ngang magluto ah,” pun ani Yaya Flora habang pinapanuod siya sa ginagawa.
Tipid na ngiti lang ang itinugon niya rito. Kahit ang Papa niya ay gustong-gusto ang mga luto niya. Napaparami ang kain nito sa tuwing siya ang naghahanda ng almusal. Nagprito rin siya ng bacon at ham at inihalo iyon sa ginawa niyang fried rice. May niluto rin siyang corned beef.
“Ikaw ang nagluluto?” Nakaangat ang isang kilay ni Denver nang madatnan siya sa kusina, “Akala ko ba di ka marunong magluto?” Takang tanong nito sa kanya, pumuwesto ito sa likuran niya at hinalikan ang batok niya. Nakiliti siya sa ginawang iyon ng lalaki. Nag-init tuloy ang kanyang pakiramdam.
“D-Denver. . .nakikita tayo ni Yaya Flora, ano ba?” Saway niya rito pero parang wala namang conviction ang pagkakasabi niya. Halatang kinikilig rin siya sa ginagawang iyon ni Denver sa kanya.
Actually, nasasanay na siya sa sweetness na ipinapakita nito. Na para bang kinatatakutan niyang dumating ang sandaling sabihin sa kanya ni Janice na tapos na ang palabas nilang ito. Na tapos na ang pagiging substitute niya bilang asawa ni Denver.
At habang naiisip iyon ay nakaramdam siya ng takot sa pinakatagong bahagi ng kanyang dibdib.
Feeling niya ay nasa bingit siya ng kung ano at malapit na siyang mahulog duon.
Sa pagkataranta ay napaso siya.
“Janice!” Gulat na sabi ni Denver, kaagad nitong dinaluhan ang natilamsikan ng mantika na kamay niya. “Sabi ko naman saiyo, wag ka ng makialam dito sa kusina. Hayaan mo ng ang mga maid ang gumawa niyan. . .you don’t have to. . .” natigilan ito nang mapatitig sa mukha niya.
Ewan ba niya kung bakit hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga mata habang nakatingin sa nag-aalalang lalaki. Damn, napakaswerte naman ni Janice para magkaroon ng lalaking kagaya nito. Hindi deserve ni Denver ang ganito.
Nakokonsensyang napatakbo siya palabas ng kusina.
“Hey sweetheart, what’s wrong?” Tanong ni Denver habang nakasunod sa kanya.
Gusto na sana niyang sumigaw at aminin dito ang buong katotohanan. Humarap siya rito, “Pwede ba, wag kang mabait sakin?” Inis na sigaw niya rito. Ang totoo ay sa kanyang sarili siya naiinis dahil hindi niya alam kung papaano lalabasan ang gulong pinasok niya.
“What do you mean?” Naguguluhang tanong nito.
Umiling siya saka pumasok sa kwarto. Bago pa siya nito masundan ay inilock na niya iyon. Umaagos ang mga luha niya habang umuupo sa gilid ng kama. Hindi niya sinasadyang mahulog ang loob niya kay Denver.
Pero paano niya pipigilan itong nararamdaman niya?
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan