MasukBago ako tuluyang makalabas ng malaking gate ng mga Montecarlo'y mabilis akong hinila ni Louise. Hindi pa man ako nakakapagsalita'y dumapo na sa pisngi ko ang isang malutong na sampal."Why..." mahina kong sabi habang nakatitig kay Louise. Nasa likod nito si Yvo at si Jino na hindi makapaniwala sa nakita."Napagtanto ko lang na dapat pala'y ipinaglalaban ko ang para sa akin." Matigas na sabi ni Louise bago muli akong akmang sasampalin.Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya bago ito muling dumapo sa pisngi ko. "Pero hindi mo naman ako kailangang pagbuhatan ng kamay!" Galit kong sabi saka pabalang na binitiwan ang kaniyang kamay."Tama na iyan..." Narinig kong sabi ni Jino bago nito hinila si Louise palayo sa akin."Kung ano man ang problema ninyong dalawa, pwede huwag niyo na lang akong idamay?! Wala naman akong kasalanan kung mahulog sa akin si Jino! Ipinaliwanag ko na sa kaniya
"What? You confessed your feelings?" bulalas ni Greco. Isa sa mga matalik kong kaibigan.Narito kami ngayon sa isang maingay na bar. Everyone's enjoying the night, pero hindi ako. Narito ako para makalimot. I'm here because I don't know where to go.Hindi ko alam kung sinong pwede o dapat kong kausapin. But thank God, I spotted Greco in this wild place. Ngayon alam ko na kung sinong pahihingahan ng bigat na nararamdaman ng puso ko."Jino, dude, no offense but Quia's your sister—I mean, Quia and Jia's sharing the same face. Hindi ba parang nakakailang na halos ang kapatid mo na ang kaharap mo? Na parang ang kapatid mo na rin ang pinagtapatan mo ng nararamdaman mo?"Inisang lagok ko ang alak na nasa basong hawak ko, saka ako pumikit nang mariin. "I already thought about that. Pero iba eh, whenever I talked to Jia, walang iba sa nararamdaman ko. Of course, dapat naman talagang wala dahil magkapati
Malaki ang ngiting pinagmasdan ko ang natutulog na si Hugo. Hanggang ngayon kasi'y parang sirang plakang paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko ang mga sinabi ni Yvo kahapon. Mga salitang nagpapasaya sa puso ko. Parang wala na ngang paglagyan ang galak na nararamdaman ko. I feel like I'm in a fairytale, I'm the stowaway Princess and Yvo's the Prince.Ha! Ewan, puro kahibangan na ang naiisip ko.Hindi rin pala masama na naging substitute ako ng brat na si Jia. Sabi nga ng iba, bago mo makamit ang bagay na gusto mo, dadaan ka muna sa mga pagsubok. Mga pagsubok na nalampasan ko kasama ng pagmamahal ko para kay Yvo at Hugo.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hugo. Maya-maya lamang ay marahan itong dumilat."Good morning sweetie." Nakangiti kong bati kay Hugo bago siya pinupog ng halik."Mama..." Mas lalo akong napangiti nang marinig ang sinabi ni Hugo. "...milk."
"HEY!" malakas na sigaw ni Yvo. "Quia! Babe, wait!" dagdag pa niya bago iniharang ang katawan sa papasarang pinto ng elevator.Hindi ko siya pinansin. Malakas kong pinindot ang ground floor."Babe, Marione was my—.""Hindi kita tinatanong, Yvo." malamig kong pakli na ikinapikit niya nang mariin."Pero ramdam kong nagagalit ka?""Am I?" Sarkastikong sabi ko. "Why don't you go back there and finish your business—.""I love you, damn it!""Hindi mo kailangang sumigaw!" naniningkit ang matang sabi ko.Ewan ko ba, kanina nakaramdam ako ng galit pero nang umalis ako sa opisina niya'y himalang napawi iyon. At handa na akong bumalik para komprontahin sila nang makita ko ang paglabas ni Yvo. Kahit papaano'y gusto ko siyang asarin pero parang ako yata ang naaasar ngayon.
"WHAT was that for?" tanong ni Yvo na ikinapula ko.Gosh! Pwede namang huwag na siyang magtanong 'di ba? Napapahiya ako eh!"I have to go, Yvo. Baka biglang magbago ang isip ni Mrs. Melendrez." Sabi kong hindi makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Yvo. Pagkatapos ay bigla niya akong ipinaloob sa kaniyang mga bisig. "I have news for you. Pero sa tingin ko'y makakapaghintay naman iyon." sabi niyang nakangiti sa akin. "Ihahatid na kita."Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palapit sa nakaparada niyang kotse. Tahimik lamang kami papunta sa boutique.Bahagya akong nagulat nang hawakan ni Yvo ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya na tila nagtatanong pero isang matamis na ngiti lamang ang isinukli niya sa akin."Susunduin kita mamaya." sabi niya sa akin nang makababa ako ng kaniyang kotse.
"OH c'mon." hindi makapaniwalang sabi ko nang buksan ni Yvo ang pinto. "Hindi pa ako kumakain." sabi ko.Totoong hindi pa ako kumakain. Tinanggihan ko na kasi ang alok ni Tita Theresa na doon sa kanila magdinner."So?" pasupladong sabi ni Yvo.Pinigilan ko ang sariling mapairap nang makita ang pagtaas ng kaniyang kilay. Nagtatampo ba talaga siya? Ayaw niya na ba talagang kumain dito?"Galit ka ba talaga?" Taas ang kilay na tanong ko habang binubuhat si Hugo. Balak kong dalhin na lamang siya sa kuwarto. Baka kasi mangalay sa pagkakahiga sa sofa.Saglit na bumuntong-hininga si Yvo. "I'm not.""Magluluto ako." kaswal kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat kay Hugo. Kahit nahihirapan ay kinaya kong maglakad papunta sa kuwarto. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang kunin sa akin ni Yvo si Hugo."Ako na." mahina ang boses n







