Sa eksaktong alas-otso ng gabi, inilapag ni Celeste Del Fiera ang huling plato sa gitna ng hapag-kainan. Isa itong simpleng gabi para sa iba, ngunit para sa kanya, ito ang gabi na inaasahan niyang magbabalik sa init na dahan-dahan nang nawawala sa pagsasama nila ng asawa niya na si Samuel Ramirez.
Inayos niya ang dalawang kandila sa gitna ng mesa. Mula sa kusina, kumalat ang amoy ng kaniyang inihandang roast beef at creamy pasta—mga paboritong pagkain ng kanyang asawa. Sa tabi ng mga plato ay nakalapag ang isang bote ng mamahaling wine, kasama ang dalawang champaigne glass na kumikinang sa ilalim ng malamlam na ilaw ng chandelier.
Humarap si Celeste sa malaking salamin sa gilid ng silid-kainan. Pinagmasdan niya ang sarili. Nakasuot siya ng isang bagong bili na kulay rosas na silk night dress sleepwear. Ito ay may manipis na tali sa balikat at bumabagsak nang maayos sa kanyang katawan. Hindi siya sanay magsuot ng ganitong uri ng damit dahil sanay siya sa maluwag na scrub suit at lab coat noong nagtatrabaho pa siya bilang isang doktora. Ngunit ngayong gabi, ang ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, nais niyang maging iba. Nais niyang iparamdam kay Samuel na sa kabila ng lahat, buo pa rin ang pagmamahal at pagnanasa niya rito.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa gilid ng mesa. Maya-maya lang ay darating na si Samuel.
Habang nakatitig sa apoy ng kandila, hindi maiwasang maglakbay ng isip ni Celeste sa nakaraan.
Tatlong taon na ang nakalipas nang magbago ang takbo ng kanyang buhay. Noong mga panahong iyon, isa siyang resigning resident surgeon sa isa sa mga pinakamalaking ospital sa lungsod. Doon niya nakilala ang Lolo ni Samuel—isang matandang mayaman na may malubhang karamdaman sa puso. Si Celeste ang nakatoka sa silid ng matanda. Dahil sa kanyang dedikasyon at likas na kabaitan, mabilis na napalagayan ng loob ng matanda si Celeste. Sa mga araw na iyon, palaging naroon si Samuel sa tabi ng kanyang lolo.
Sa mga mata ni Celeste noon, si Samuel ang ehemplo ng isang perpektong lalaki. Napakabait nito, napakagalang, at may matinding pagmamahal sa pamilya. Nakita ni Celeste kung paano alagaan ni Samuel ang matanda—kung paano nito tinitiis ang puyat at pagod para lamang siguraduhing maayos ang lagay ng kanyang lolo. Dahil dito, dahan-dahang nahulog ang loob ng dalaga sa kanya.
Isang araw, kinausap ni Samuel si Celeste nang silang dalawa lamang. Sa isang emosyonal na sandali, ipinagtapat ni Samuel na ang huling kahilingan ng kanyang nag-aagaw-buhay na lolo ay ang makitang maikasal siya bago ito pumanaw. Doon din nakasalalay ang pagpapasa ng buong mana at ng kumpanya ng pamilya Ramirez sa kanya bilang nag-iisang apo. Pakiusap ni Samuel, kung pwede ba silang magpakasal nang mabilisan at palihim muna upang matupad lamang ang pangarap ng matanda.
Dahil sa pagmamahal at pagtitiwala, pumayag si Celeste. Hindi lang iyon—pumayag din siyang iwan ang kanyang umuusbong na karera bilang surgeon upang personal na alagaan ang Lolo ni Samuel sa kanilang tahanan, pati na rin ang pagpapanatili ng maayos na bahay para sa kanilang dalawa.
At sa unang dalawang taon ng kanilang kasal, naging tila panaginip ang lahat.
Kahit na nakatago sa publiko ang kanilang kasal, maayos at maalaga si Samuel. Palagi itong nag-uuwi ng bulaklak. Sabay silang kumakain kapag nakauwi na ito mula sa trabaho, at gabi-gabi nitong pinasasalamatan si Celeste sa sakripisyo nito para sa kanyang lolo. Kahit na bihira ang kanilang pagsisiping—dahil palaging sinasabi ni Samuel na napapagod ito sa trabaho at sa pag-aalala sa kalusugan ng matanda—naintindihan at inirespeto iyon ni Celeste. Sapat na sa kanya ang lambing at pag-aalaga ng asawa.
Ngunit ang lahat ng iyon ay biglang nagbago noong nakaraang taon.
Pumanaw ang Lolo ni Samuel. Sa araw mismo ng libing, nang maikasa na ang lahat ng papeles at pormal nang naisalin kay Samuel ang buong kumpanya at ang napakalaking mana ng pamilya Ramirez, tila may isang pader na biglang tumayo sa pagitan nilang dalawa.
Naging malamig si Samuel. Naging madalas ang hindi nito pag-uwi sa gabi. Sa tuwing magtatanong si Celeste, ang laging dahilan ni Samuel ay ang sobrang dami ng trabaho sa kumpanya dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo. Inintindi iyon ni Celeste. Akala niya, dala lamang ito ng dalamhati at ng matinding pressure sa pagpapatakbo ng negosyo. Pilit niyang hinabaan ang kanyang pasensya. Inalagaan pa rin niya si Samuel, pilit na inuunawa ang bawat pag-snob nito sa kanya.
Pumatak ang alas-nuebe ng gabi.
Malamig na ang pagkain sa mesa. Inabot ni Celeste ang kanyang telepono sa ibabaw ng mesa at tinawagan ang numero ni Samuel. Unang tawag—walang sumasagot. Pangalawang tawag—diretso sa voicemail.
Bumuntong-hininga si Celeste at nagpadala ng maikling mensahe:
[Samuel, pumunta ka ba sa opisina? Naka-ready na ang hapunan. Hihintayin kita.]
Walang reply. Walang seen. Umupo ulit si Celeste. Napatingin siya sa paligid ng napakalaking bahay. Napakatahimik. Sa nakalipas na isang taon, ang tanging nag-iisang tao na nakakasama niya rito ay ang kasambahay na umaalis din pagdating ng hapon. Pakiramdam ni Celeste, unti-unti siyang kinakain ng mga pader ng bahay na ito. Ang huling beses na may nangyari sa kanila ni Samuel ay noong nakaraang taon pa—bago pumanaw ang matanda. Mula noon, kahit ang simpleng paghalik o paghawak sa kanyang kamay ay iniiwasan na ng kanyang asawa.
Pumatak ang alas-diyes ng gabi.
Ang mga kandila sa mesa ay kalahati na ang natutunaw na kandila. Ang maayos na gupit ng roast beef ay tuluyan nang lumalamig at namumuo ang sebo sa paligid nito. Sumakit ang likod ni Celeste sa pagkakaupo ngunit hindi siya tumayo. Hinawakan niya ang manipis na tela ng kanyang kulay rosas na sleepwear. Naalala niya kung paano siya nag-ayos kaninang hapon, kung paano siya naglagay ng kaunting pampaganda sa mukha sa pag-asang kapag nakita siya ni Samuel, mabubuhay muli ang dating init sa kanilang dalawa.
Pumatak ang alas-onse ng gabi.
Nagsimulang magbago ang hangin sa labas. Marahang pumapatak ang ulan sa mga bintanang salamin ng kanilang dining area. Isa-isang namatay ang apoy sa mga kandila dahil sa hangin mula sa aircon. Napayuko si Celeste. Isang patak ng luha ang mabilis na naglandas mula sa kanyang mata at pumatak sa panlinis na napkin sa kanyang kandungan.
"Bakit, Samuel?" bulong niya sa sarili. "Bakit bigla kang nagbago?"
Pumatak ang alas-dose ng gabi.
Ang tunog ng lumang orasan sa sala ay umalingawngaw sa buong bahay. Twelve o'clock midnight. Tapos na ang kanilang 3rd anniversary.
Pumikit nang mahigpit si Celeste. Tumayo siya, dala ang matinding pait at pagod sa kanyang dibdib. Humakbang siya palapit sa mesa upang iligpit ang hindi man lang naisagip na hapunan. Kinuha niya ang bote ng alak at ibinalik ang takip nito. Dahan-dahan niyang inipon ang mga plato, at sa bawat paghawak niya sa kubyertos, naramdaman niya ang matinding kahihiyan sa kanyang sarili. Kahihiyan dahil nagpakatanga siya sa paghihintay nang naka-sexy dress para sa isang lalaking tila nakalimutan na ang kanyang pag-iral.
Bahagya siyang yumuko upang kunin ang mangkok ng pasta nang biglang magkaroon ng tunog sa pintuan. Ang electronic lock sa pangunahing p***o ng bahay ay tumunog.
Mabilis na napatingin si Celeste sa direksyon ng hallway. Biglang tumibok nang mabilis ang kanyang puso. May halong galit, lungkot, at kaunting relief ang naramdaman niya. Dumating din siya. Baka nagkaroon lang ng emergency sa trabaho. Baka na-flat-an ng gulong. Baka may valid na dahilan si Samuel.
Dali-dali niyang ibinaba ang mangkok at inayos ang kanyang damit. Pinunasan niya ang bakas ng luha sa kanyang pisngi at mabilis na naglakad patungo sa may p***o.
"Samuel! Bakit ngayon ka lang—"
Naputol ang mga salita sa lalamunan ni Celeste.
Hindi nag-iisa si Samuel.
Pumasok sa p***o ang kanyang asawa, bahagyang nakainom ngunit maayos pa rin ang tindig. Ngunit ang nakakabit sa kanyang braso ay hindi ang mga gamit mula sa opisina—kundi ang isang babaeng nakasuot ng napakasikip at maikling pulang damit. Ang babae ay nakasandal sa balikat ni Samuel, tumatawa nang mahina habang hawak ang isang mamahaling designer handbag.
Biglang huminto ang mundo ni Celeste. Kilala niya ang babaeng iyon.
Iyon si Astrid Arnaiz. Ang babaeng ilang beses na niyang nakikitang nag-pop-up ang pangalan sa notifications ng telepono ni Samuel tuwing gabi. Ang babaeng sinabi ni Samuel na "client lang sa negosyo" noong minsan niya itong itanong.
Nakatayo si Celeste sa gitna ng hallway, habang nakatitig sa dalawa. Ang kulay sa kanyang mukha ay tuluyang nawala.
Nang maramdaman ng dalawa ang presensya ng tao, huminto sila. Tumingin si Astrid kay Celeste mula ulo hanggang paa, at isang nakalolokong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng babae. Wala man lang gulat o takot sa mga mata nito.
Tumingin naman si Samuel kay Celeste. Ang mga mata nito ay walang anumang bakas ng pagmamahal, pag-aalala, o kahit man lang bahid ng guilt. Malamig. Walang pakiramdam. Tila nakatitig lamang ito sa isang kasambahay o isang hindi kakilala sa kalsada.
"Samuel..." nanginginig ang boses ni Celeste. Ang kanyang lalamunan ay tuyong-tuyo. "Sino siya? Bakit... bakit mo siya kasama nang ganitong oras?"
Bahagyang inayos ni Samuel ang kanyang suit jacket. Hindi man lang niya binitiwan ang pagkakahawak sa baywang ni Astrid.
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ng kanyang asawa, at sa pinakamalamig na tono na narinig ni Celeste sa buong buhay niya, sumagot si Samuel:
"Do I need to answer your question? Wala ka ng pake kung bakit ko siya kasama"
Parang pinasok ng napakasakit na balisong ang dibdib ni Celeste, dahil sa sagot ng asawa. "Ano? Samuel, asawa mo ako! Anniversary natin ngayon! Naghintay ako mula alas-otso—"
"Sinabi ko bang maghintay ka?" putol ni Samuel sa kanya. Ang boses nito ay puno ng pagkabagot.
Bago pa man makapagsalita muli si Celeste, inakay na ni Samuel si Astrid patungo sa hagdanan. "Halika na sa itaas, baby. Huwag mo nang pansinin 'yan," marahang bulong ni Samuel kay Astrid, sapat lang para marinig ng malinaw ni Celeste.
"Aww, baka magalit ang 'yaya' mo?" pabebe at nang-aasar na tanong ni Astrid habang humahagikgik, patingin-tingin pa sa likod habang paakyat sila sa hagdan.
Naiwang tulala si Celeste sa ibaba. Nanlamig ang kanyang mga kamay at paa. Nakatitig siya sa bakanteng hagdanan kung saan katatapos lang umakyat ng kanyang asawa kasama ang ibang babae. Ang mga salita ni Samuel ay paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang tainga.
Ito ba ang lalaking ipinagpalit niya sa kanyang pangarap na maging surgeon? Ito ba ang lalaking inalagaan niya ang lolo nang dalawang taon nang walang hininging kapalit?
Nang matapos ang ilang minutong pagkatulala, ang matinding sakit sa dibdib ni Celeste ay pinalitan ng isang maalab at matinding galit. Ang dugo sa kanyang mga ugat ay tila kumulo. Ang panlulumo ay naging matinding pagnanais na komprontahin ang kababuyan na nangyayari sa loob ng sarili niyang tahanan.
Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang ulo, at dahan-dahang humakbang patungo sa hagdan.
Bawat hakbang niya paakyat sa ikalawang palapag ay may kasamang panginginig ng kanyang buong katawan. Ang kanyang mga kuko ay naisabaon na niya sa kanyang mga palad sa sobrang pagkakakepal ng kanyang mga kamay. Walang ingay ang kanyang mga hakbang habang binabagtas ang hallway patungo sa master bedroom—ang silid na dapat ay para lamang sa kanila bilang mag-asawa.
Nang makalapit siya sa tapat ng p***o, nakahanda na ang kanyang kamay upang kumatok at kalampagin ang p***o. Ngunit bago pa tumama ang kanyang mga kuko sa kahoy, narinig niya ang mga tunog mula sa loob.
Ang malalakas, walang pakundangan, at basag na ungol ni Astrid.
Kasunod nito ang mabibigat na paghinga ni Samuel.
Napatigil si Celeste. Ang hangin sa kanyang mga baga ay tila biglang nawala. Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahang bumababa ang paningin niya sa doorknob ng p***o.
Hindi ito nakalock. Bahagya pa ngang nakawang ang p***o.
Sa pamamagitan ng kanyang nanginginig na kamay, marahang itinulak ni Celeste ang p***o nang walang anumang ingay.
At doon, tumambad sa kanya ang pinakamasakit at pinakamalupit na eksena sa buong buhay niya.
Sa gitna ng malaking kama—ang kamang binili nila noong bagong kasal pa lamang sila—hubot-hubad ang dalawa. Nakapatong si Astrid sa ibabaw ni Samuel, nakatapon ang mahabang buhok ng babae habang humahagikgik at dumadaing sa ligaya. Si Samuel naman ay nakapikit, ang mga kamay ay nasa balakang ng babae, halatang-halatang nasisiyahan sa bawat galaw at walang anumang balak pigilan ang nangyayari.
Nabitawan ni Celeste ang hawak na gilid ng p***o. Ang gawa sa kahoy na p***o ay sumalpok sa pader sa gilid.
Dahil sa lakas ng tunog, biglang napatigil ang dalawa sa kama. Mabilis na napaangat ang ulo ni Samuel at napaigtad si Astrid, at ang kanilang mga mata ay tuluyang humarap sa pintuan—kung saan nakatayo si Celeste, luhaan ngunit nag-aapoy ang mga mata sa galit at matinding pagtataksil.