Share

Chapter 17

As usual, kapag nakaalis na si Allen para pumasok sa kanyang bagong trabaho ay siyang sunod ko naman na alis sa apartment para magtungo sa cafeteria na pinagtatrabahuan ko. Until now, hindi pa alam ni Allen ang tungkol sa ginagawa ko at dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa cafeteria. 

At ngayon nandito ako sa cafeteria at lahat ng staff ay busy na naman dahil sa sunod-sunod ang mga nagsisidatingan na mga customers. Karamihan sa mga ito ay mga estudyante. 

Sa totoo lang hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngayon per pumasok pa rin ako sa trabaho at kinakayang magtrabaho. Hindi nga dapat ako papasok pero sayang naman kung hindi ako papasok at isa pa ay nag-leave 'yong isang kasama namin kaya naman kailangan kong pumasok. Kahit na masakit ang ulo ko, nahihilo din ako at may lagnat din. I need to work.

"Diana ayos ka lang ba? Parang matamlay ka," tanong ni Kaye at ipinatong ang likod ng kanyang palad sa aking noo na siyang agad kong tinanggal.

"May lagnat ka ah. Bakit pumasok ka pa? Sana nagpahinga ka na lang muna," wika nito at halata ang pag-aalala. "No, I'm okay. You don't have to worry. I'm perfectly fine at saka lagnat lang naman ito. Uminom na rin naman ako ng gamot kaya magiging maayos na rin mamaya a ang pakiramdam ko."

"Pero kahit na. Mukhang mataas ang lagnat mo kase ang init mo. Baka ma pa'no kapa eh at ang putla mo rin. Maybe, you should go and see a doctor."

"No, I'm perfectly fine so, you don't have to worry about me." I uttered and smiled at her. And got back to our work because we had a lot of things to do. 

"Diana, serve this at table number 14," wika ni Adel at inilagay sa counter ang tray na may tatlong cup ng DOUBLE ESPRESSO at isang cup ng tea. Kinuha ko ito at nakakadalawang hakbang pa lang ako nang bigla akong napahinto dahil biglang sumakit nang bigla ang aking ulo at muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tray. Mabuti na lang ay naalalayan agad ako ni Jude. Mabilis niya rin na kinuha ang hawak kong tray at inilagay uto sa malapit na lamesa. At hinawakan ako sa magkabilang braso para alalayan.

"Diana, ako nang mag s-serve niyan. Magpahinga ka muna lalo na't hindi maganda ang pakiramdam mo," wika nito sabay ngiti nang maiupo ako sa upuan na malapit lamang sa aming kinaroroonan.

 "Ayos lang a—" Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng muli itong magsalita.

 "Magpahinga ka na muna sa staff room. Halika at ihahatid kita room," wika niya kaya naman tumayo ako at nakaalalay naman siya sa akin. Dahil sa pagod na rin naman ako at kanina pa ako sinasabihan na magpahinga ay hindi na ako umangal pa sa sinabi ni Jude na magpahinga muna ako. Kaya heto oatungo kami sa staff room pero habang naglalakad kami ni Jude ay bumibigat ang talukap ng aking mga mata at lumalabo rin ang aking paningin. Pakiramdam ko nga rin ay umiikot ang paligid hanggang sa naramdaman ko na lamang na nabuwal ako sa pagkakatayo at bumagsak ang aking katawan pero salamat kay Jude dahil naalalayan niya ako. At pagbagsak ko ay unti-unting dumidilim ang aking paligid hanggang sa wala na rin akong marinig.

                                    ~~~

Iyak, mga yabag, mga mumunting usapan ng mga tao at tunog ng mga makina ang naririnig ko nang magkaroon na ako nang malay ngunit nakasara pa rin ang aking mga mata. Tila may nakatitig din sa akin kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. At si Allen ang unang bumungad sa akin na siyang ikinalaki ng aking mga mata. What is he doing here? And where am I?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napagtantong nasa hospital pala ako. "Diana, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Allen habang sinisinat ang aking noo at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

"A—Ayos lang ako. Bakit ka nga pala nandito?" 

"I called you a while ago and one of your co-workers answered the call. He informed me that you faint so, I immediately rushed to the cafeteria to check on you and bring you here in the hospital. Thanks God nothing bad happened to you. Ang sabi ng doctor ay dahil lamang daw sa pagod kaya ka nahimatay at sa ngayon ay kailangan mong magpahinga," wika ni Allen at hinawakan ang aking kamay ng mahigpit habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang aking mukha.

"You've already figured out that I was working?" I asked and looked at him straight in the eyes.

"Oo. Gusto ko nga rin na tanungin ka kung bakit ka pumasok sa trabaho? At bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi maganda ang pakiramdam mo? At saka bakit ba kase pumasok ka pa sa trabaho sa cafeteria kahit na may sakit ka?" 

"Allen, I'm sorry for not telling this about you. Ayoko kase na mag-alala ka at saka ginagawa ko ito kase gusto kong makatulong," wika ko at napayuko na lamang.

"Alam mo na rin ba na tuluyan na akong itinakwil ng mga magulang ko?" I ask and his eyes got widen. He's in disbelief. We both have the same reaction about it. "W—What? Did I heard it right?"

"Yes, you heard it right Allen. I'm sorry if keep secrets on you and didn't inform you about it.. It's just that I don't want to be a burden to you. At saka kaya ako nagtatrabaho sa cafeteria ay dahil gusto kong tumulong sayo, financially. Ayokong iasa na lamang ang lahat sayo at ayoko rin na nakikita ka na nahihirapan ng dahil sa akin," I said and he on the other hand, held .y hand and look straight into my eyes.

"You're not and will never be a burden to me, Diana. And I hope that you're not going to hide anything from me. Kung ayaw mong nakikita akong nahihirapan ay ganoon din ako. Ayoko rin na nakikita kitang nahihirapan. Kung kailangan kong mag doble kayod para lang hindi ka mahirapan at magtrabaho pa ay gagawin ko dahil gusto kong makita ng mga magulang mo na worth it ako para sayo. Ayokong rin na isipin nila na hindi kita kayang alagaan at isipin na pinapabayaan kita," wika niya at ilang butil ng mga luha ang kumawala sa aking mga mata ng dahil sa mga sinabi niya.

"Pero Allen, you don't have to do too much just to proved them that you're worth it for me. Sapat na para sa akin na masaya tayong dalawa na magkasama habang hinaharap ang mga problema na dumarating sa ating buhay."

"At saka isa pa, huwag ka sanang magagalit kung gustuhin kong magtrabaho. I want to help you, Allen. Sana hayaan mo akong tulungan ka kahit na sa ganitong paraan man lang," wika ko at napabuntong hininga na lamang ito bago tumango.

"Kung iyan ang gusto mo ay hahayaan kita. Basta huwag mong pababayaan ang iyong sarili dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa 'yo," wika niya na siyang agad ko rin na tinanguan bilang pag sang-ayon. 

"Mabuti pa magpahinga ka muna dahil mayamaya lang ay idi-discharge ka na," wika niya kaya naman unti-unting kong ipinikit ang aking mga mata para matulog na muna. Pagpikit ko ay naramdaman kong ginawaran ako ni Allen ng halik sa aking noo kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapangiti. 

At paglipas ng ilang oras ay nagising na ako at wala na sa aking tabi si Allen kaya naman napalingon-lingon ako sa paligid. Mayamaya'y nakita ko siyang papalapit sa akin habang may hawak na isang plastic bag.

"Mabuti at gising ka na. Kumain ka muna bago tayo umalis dito," wika niya nang umupo ito sa upuan na nasa aking tabi. Inilabas naman niya ang tatlong tupperwares na nasa loob ng plastic bag. Mga prutas, ulam at kanin ang laman ng tupperwares.

"Kain ka na muna," wika niya at sinubuan na ako ng pagkain. 

"Where did you get all of this?" tanong ko pagkatapos kong lunukin 'yong pagkain na nasa aking bunganga.

"Ah, umuwi muna ako kanina sa apartment para ipaghanda ka ng pagkain," wika niya at napatango-tango naman ako. At nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay nag-stay muna kami sandali sa hospital bago ako na-discharge at umuwi sa apartment namin ni Allen. At ngayon nga ay kadarating lang namin ni Allen sa apartment.

"Doon ka muna kama. Magpahinga ka pa para mas mabilis kang gumaling," wika ni Allen at inalalayan ako papuntang kwarto. At inihiga sa kama.

"Allen, thank you," wika ko at nginitian siya.

"Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Diana at hindi mo na kailangan pang magpasalamat sayo dahil responsibilidad ko nang alagaan ka. I love you," wika niya at niyakap ako nang mahigpit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status