Share

Chapter 18

"Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon. 

"Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my face and wiped something on my cheeks.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito kaya naman napakunot ang aking noo at napahawak sa aking mata. At doon ko napagtanto na may mga luha pala na tumakas sa aking mga mata ng hindi ko man lang namamalayan. Am I that too preoccupied while staring at him, a while ago? Maybe.

"May problema ba?" tanong niya muli at mabilis naman akong umiling. At niyakap siya at saka ko isinandal sa kanyang dibdib ang aking ulo.

"Wala namang problema. Masaya lang ako na kapiling ka. Na bawat paggising ko sa umaga ay ang taong mahal ko ang unang bubungad sa akin. Pagdating naman sa gabi ay siyang aking katabi at kasabay na matulog habang kayakap. Kasabay ko rin na kumain sa umaga at gabi. Kasabay na manood ng movies at gawin ang mga bagay na nais namin."

"Ngayon lang ako nakaramdam ng grabeng saya. Maliban sa kasama kita ay masaya rin ako na hindi na ako kontrolado ng mga magulang ko. They lose their grip on me and I don't want to get back to that situation again," patuloy ko habang hinahaplos-haplos naman ni Allen ang aking ulo. 

"At ayoko rin na malayo muli sayo Allen kase natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala ka. Kaya lahat gagawin ko para lang huwag malayo sayo," wika ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. At ganoon din siya.

"Huwag kang mag-alala dahil hinding-hindi ako mawawala sa 'yo. Kung pilit man nila tayong paghiwalayin muli ay hindi ko iyon hahayaan. Hindi ko siya hahayaan na kunin ka sa akin at ilayo, Diana. Kahit ano pa man ang mangyari ay walang iwanan," wika niya at muling idinampi ang kanyang labi sa aking noo.

Nanatili muna kaming magkayakap ng ilang minuto bago kami bumangon para magluto ng breakfast. "Kain na," wika ko nang tapos na akong maghain sa lamesa.

"Wow, mukhang masarap ah," wika ni Allen pagkaupo niya sa upuan na nasa gilid ng lamesa.

"Syempre naman. Hindi man ako magaling magluto pero kahit papaano naman ay masarap ang mga niluluto ko," wika ko at umupo sa upuan sa tapat ni Allen.

"I know. Kaya nga proud ako sa 'yo kase ginagawa mo ang lahat ng kaya mo. Kahit na hindi ka sanay sa ganitong buhay ay—"

"Shh. Mabuti pa kumain na tayo dahil baka ma-late pa tayo sa trabaho. At saka huwag kang mag-alala dahil hindi ako magrereklamo sa estado ng buhay natin. Ang mahalaga ay magkasama tayo," wika ko at ngumiti sa kanya.

"Mabuti pa nga," wika naman niya kaya kumain na kami. Pagkatapos ay naghanda na kami sa pagpasok sa trabaho dahil malapit nang mag alas-otso.

"Diana, tara na," tawag sa akin ni Allen mula sa labas ng aming kwarto.

"Oo, nandiyan na," wika ko naman nang tapos na ako sa pagsusuklay. Kinuha ko na ang aking mini back pack bag bago lumabas ng kwarto.

"Tara na," wika ni Allen at tumango naman ako. Isinara na namin ang pinto ng aming apartment at agad na sumakay sa taxi na nakita namin.

                                     ~~~

"Diana," wika ng mga katrabaho ko pagpasok na pagpasok ko sa cafeteria at agad akong sinunggaban ng yakap.

"Guys, hindi na ako makahinga kaya bitaw na," matawa-tawa kong wika dahil sa mga reaksyon nila pero ang higpit kase nang pagkakayakap nila sa akin. At agad naman silang bumitaw.

"Kumusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod nilang tanong at sabay-sabay pa sila. Nagmukha tuloy silang nag i-speech choir.

"Wait lang. Hinay-hinay lang," wika ko at tinignan silang lahat.

"Huwag na kayong mag-alala dahil maayos na ang pakiramdam ko. Okay na ako," wika ko at nginitian sila na siyang sinuklian naman nila ng matamis na ngiti. 

"Mabuti naman at magaling ka na dahil na-miss ka namin," wika ni manager na siyang sinang-ayunan naman ng iba. Na-miss ko rin sila kahit na dalawang araw ko lang silang hindi nakasama at nakita.

"So, welcome back to the cafeteria, Diana," wika nilang lahat kaya hindi ko mapigilan ang sariling 'di mapangiti.

"Maraming salamat sa inyong lahat," wika ko at nag-group hug kami. Pero agad din na bumitaw dahil may mga costumers na dumating.

"Sige na. Go back to work na," wika ni manager kaya nagsibalikan sa kanya-kanyang trabaho ang aking mga kasamahan. Samantalang ako ay nagtungo sa staff room at nagpalit ng damit. At agad din na bumalik sa working area.

"Here's your order, ma'am. Enjoy~" wika ko nang ilapag ko ang order ng isang babae na busy sa kanyang ginagawa sa kanyang computer. Tila may ni r–rush itong documents na kailangang ipasa.

"Thank you," wika niya ng hindi man lang lumilingon sa akin at nanatiling nakatingin sa monitor ng kanyang computer. At patuloy sa pagtipa sa sa kanyang keyboard.

Ngumiti na lamang ako sa kanya kahit na hindi niya iyon nakita at bumalik na ako sa counter. "Diana, paki-serve naman nito doon sa lalaking iyon," wika ni Adel at itinuro ang isang lalaki na mag-isang nakaupo sa lamesa. 

"Sige," wika ko at binuhat ang tray na may kargang kape at cake.

"Here's your order s—" Hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi nang makita ko kung sino ang lalaking nasa aking harapan. What is he doing here? 

"Diana," wika niya at nakangiting lumingon sa akin. Ako naman ay nakatingin lamang sa kanya.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" tanong nito pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking labi.

"But to that's okay. Anyway, I'm here to offer you a deal. Sumama ka na sa akin para hindi mo na kailangang magpakahirap magtrabaho rito at pakikiusapan ko sila tita na tanggapin ka muli," wika nito kaya naman tinignan ko ito nang masama.

"Pasensya ka na Eric pero hindi ako papayag sa gusto mo. So, please excuse me," wika ko at aalis na sana sa kanyang harapan ng muli itong magsalita.

"If you don't want then, it's okay. Anyway, I'm here to give you this," wika niya at iniabot sa akin ang isang box na may laman na cake.

"Happy birthday to you," wika niya at umalis na. Ako naman ay nagtungo sa aking mga kasama at ibinigay na lamang sa kanila 'yong cake. 

"Sure ka ba na sa amin na talaga 'to?" tanong nila na siyang tinanguan ko.

"Eh para sa 'yo pala 'to. Birthday mo pala ngayon," wika naman ni Jude.

"Ah eh oo, birthday ko ngayon pero hindi ko na kailangan nang celebration. At saka isa pa, sa inyo na talaga 'yan dahil hindi ako mahilig sa cake," palusot ko at mukhang naniwala naman sila. 

"Sige na. Balik na ako sa trabaho," wika ko at nagpatuloy na sa pagta-trabaho hanggang sa pumatak ang alas-singko ng hapon ay umuwi na ako.

At pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay si Allen at Celestine agad ang bumungad sa akin. "Happy birthday, Diana," sigaw nila at agad na inilapit sa akin ni Celestine ang cake para ihipan ang kandila.

"Mag-wish ka muna," wika ni Celestine na siyang ginagawa ko bago ihipan ang kandila at pumalakpak naman silang dalawa.

"Nag-abala pa kayo," wika ko habang tinitignan ang paligid. Mayroong mga nakalagay na mga balloons sa paligid, may mga pagkain at inumin.

"Ano ka ba cuz. Birthday mo kaya dapat i-celebrate natin," wika ni Celestine na siyang sinang-ayunan naman ni Allen.

"Thank you sa inyo," wika ko at niyakap silang dalawa.

"Mabuti pa, let's celebrate na," wika ni Celestine at binuksan ang isang bote ng wine. At nagsimula na nga kaming mag-celebrate.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status